Habrit Hakhadasha/Haderekh

התגלות 16:1-21

1שמעתי קול אדיר מן ההיכל אומר לשבעת המלאכים: ”לכו ורוקנו על הארץ את שבע הקערות שמכילות את זעם אלוהים!“

2המלאך הראשון עזב את ההיכל ורוקן את קערתו על הארץ. פצעים איומים, מבחילים ומכאיבים התפשטו על בשר האנשים, שנשאו את סימן החיה והשתחוו לפסלה. זו הייתה מכת שחין.

3המלאך השני רוקן את קערתו על הים, ומי הים הפכו לדם – כדם אנשים מתים – וכל נפש חיה בים מתה.

4המלאך השלישי רוקן את קערתו על הנהרות והמעיינות, ומימיהם הפכו לדם. 5שמעתי את מלאך המים מכריז: ”צדיק אתה במשפטיך, זה שהיה, ההווה והקדוש. 6אתה משלם לבני־האדם כגמולם! הם שפכו את דמם של נביאים ומאמינים רבים, וכעת אתה משקה אותם בדם!“ 7ומן המזבח שמעתי קול: ”אכן, אמת וצדק משפטיך, ה׳ אלוהי צבאות.“

8המלאך הרביעי רוקן את קערתו על השמש, ואלוהים נתן לשמש רשות לצרוב באש את בשר בני־האדם. 9בני־האדם נצרבו מהחום הלוהט, וקיללו את שם האלוהים אשר הכה אותם במכות נוראות אלה. אף־על־פי־כן הם לא חזרו בתשובה ולא כיבדו את אלוהים.

10המלאך החמישי רוקן את קערתו על כסא המלכות של החיה, וחושך כיסה את ממלכתה. תושבי ממלכתה נשכו את לשונם מכאב 11וקיללו את אלוהי השמים, מפני שהביא עליהם את הפצעים והכאב, אך בכל זאת לא חדלו ממעשיהם המושחתים.

12המלאך השישי רוקן את קערתו על הנהר הגדול פרת, ומימיו התייבשו כדי להכין דרך למלכים הבאים מן המזרח.

13ראיתי מפי התנין, מפי החיה ומפי נביא השקר (החיה השנייה) יוצאות שלוש רוחות טמאות דומות לצפרדעים. 14היו אלה רוחות השדים שמחוללות ניסים ונפלאות; הן מגייסות את מלכי העולם למלחמה נגד אלוהים, ביום המשפט הגדול של אלוהי צבאות.

15”שימו לב, הנני בא בשעה בלתי־צפויה – כגנב. ברוכים הממתינים לי בערנות ובשקידה, ומכינים את בגדיהם כדי שלא ילכו ערומים ומבוישים.“

16אז קיבצו רוחות השדים את כל צבאות העולם במקום הנקרא ”הר־מגידו“.

17המלאך השביעי רוקן את קערתו באוויר, ומכיסא אלוהים אשר בהיכל השמים נשמע קול אדיר: ”תם ונשלם!“16‏.17 טז 17 כלשונו: היה נהייתה. 18רעמים רעמו, ברקים הבריקו והתחוללה רעידת אדמה עצומה שכמוה לא הייתה בכל היסטוריה האנושית.

19העיר הגדולה נחלקה לשלושה, וערי העולם נחרבו. אלוהים זכר את מעשי השחיתות של בבל הגדולה ולכן השקה אותה ביין זעמו. 20איים שלמים נעלמו, הרים הפכו למישור, 21ומן השמים הומטרו על האנשים אבני־ברד שמשקלם כ־50 קילוגרם. בני־האדם חרפו וגידפו את אלוהים בגלל מכת הברד הנוראה.

Tagalog Contemporary Bible

Pahayag 16:1-21

Ang mga Sisidlan ng Galit ng Dios

1Mula roon sa templo ay narinig ko ang malakas na sigaw na nag-uutos sa pitong anghel, “Humayo na kayo at ibuhos ninyo ang parusa ng Dios sa mga tao mula sa pitong sisidlan na iyan.”

2Kaya humayo ang unang anghel at ibinuhos sa lupa ang laman ng kanyang sisidlan. At nagkaroon ng masasakit at nakapandidiring mga sugat ang mga taong may tatak ng halimaw at sumasamba sa imahen nito.

3Ibinuhos ng ikalawang anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa dagat, at ang dagat ay naging parang dugo ng patay na tao. At namatay ang lahat ng nilalang sa dagat.

4Pagkatapos, ibinuhos ng ikatlong anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa mga ilog at mga bukal, at naging dugo ang lahat ng mga ito. 5Narinig kong sinabi ng anghel na katiwala sa tubig, “Makatarungan po kayo, Panginoon. Kayo ang Dios noon at kayo rin ang Dios magpahanggang ngayon. Banal kayo, at matuwid ang pagpaparusa ninyong ito sa mga tao. 6Pinadanak nila ang dugo ng mga pinabanal at ng inyong mga propeta, kaya dugo rin ang ipaiinom nʼyo sa kanila. Ito ang nararapat na ganti sa kanila.” 7At narinig ko na may sumagot sa altar, “Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat, tama at matuwid ang pagpaparusa nʼyo sa mga tao!”

8Ibinuhos ng ikaapat na anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa araw, at naging mainit na mainit ang sikat ng araw kaya napaso ang mga tao. 9Pero kahit na napaso ang mga tao, hindi pa rin sila nagsisi sa mga kasalanan nila. Hindi rin nila pinapurihan ang Dios, sa halip ay nilapastangan nila ang Dios na nagpadala ng salot na iyon sa kanila.

10Ibinuhos ng ikalimang anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa trono ng halimaw, at nagdilim ang buong kaharian nito. Napakagat-labi ang mga tao dahil sa hirap na dinaranas nila. 11Hindi pa rin nila pinagsisihan ang mga kasamaan nila, sa halip ay nilapastangan nila ang Dios ng kalangitan dahil sa mga sakit at sugat na tinitiis nila.

12Ibinuhos ng ikaanim na anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa malawak na ilog ng Eufrates. Natuyo ang ilog upang makadaan doon ang hari mula sa silangan. 13At nakita kong lumabas mula sa bunganga ng dragon, ng halimaw, at ng huwad at sinungaling na propeta, ang tatlong masasamang espiritu na parang mga palaka. 14Iyon ang mga demonyong gumagawa ng mga kababalaghan. Pumunta sila sa mga hari sa buong mundo upang tipunin sila para sa pakikipaglaban sa Dios pagdating ng dakilang araw na itinakda ng Dios na makapangyarihan sa lahat. 15-16Ang lugar na pinagtipunan sa kanila at sa kanilang mga sundalo ay tinatawag na Armagedon sa wikang Hebreo.

Pero sinabi ng Panginoon, “Makinig kayong mabuti! Darating ako na tulad ng magnanakaw dahil walang nakakaalam. Mapalad ang taong nagbabantay at hindi naghuhubad ng kanyang damit, upang sa pagdating ko ay hindi siya lalakad na hubad at hindi mapapahiya sa mga tao.”

17Ibinuhos ng ikapitong anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa hangin. At may narinig akong sumisigaw mula sa trono sa templo, “Naganap na ang lahat!” 18Pagkatapos, kumidlat, kumulog, umugong at lumindol nang napakalakas. Walang ganoong kalakas na lindol sa buong kasaysayan ng tao. Iyon ang pinakamalakas sa lahat. 19Ang dakilang lungsod ng Babilonia ay nahati sa tatlo at ang mga lungsod sa lahat ng bansa ay nawasak. Tinupad ng Dios ang sinabi niya tungkol sa mga taong nakatira sa lungsod ng Babilonia, kaya dumating na sa kanila ang parusa ng Dios, dahil sa matinding galit niya. 20Naglaho ang lahat ng isla at naglaho rin ang mga bundok. 21Inulan ang mga tao ng malalaking tipak ng yelo na tumitimbang ng 50 kilo bawat tipak. At nilait ng mga tao ang Dios dahil sa matinding salot na iyon.