הבשורה על-פי מרקוס 14 – HHH & TCB

Habrit Hakhadasha/Haderekh

הבשורה על-פי מרקוס 14:1-72

1יומיים לפני חג הפסח עדיין חיפשו ראשי הכוהנים וכמה ממנהיגי היהודים הזדמנות מתאימה לאסור את ישוע ולהוציאו להורג.

2”איננו יכולים לעצור אותו בפסח,“ אמרו לעצמם, ”מפני שהעם יעורר מהומות.“

3באותו זמן היה ישוע בבית־עניה, בביתו של שמעון המצורע. בשעת ארוחת הערב הופיעה אישה אחת עם פחית קטנה מלאה בשמן זך יקר מאוד. האישה הסירה את המכסה ויצקה את השמן על ראשו של ישוע.

4‏-5אחדים מן המסובים התמרמרו בינם לבין עצמם על ”הבזבוז“, כלשונם. ”מדוע את מבזבזת את השמן היקר הזה?“ התלוננו. ”יכולת למכור אותו ברווח, ואת הכסף לתת לעניים.“ 6”הניחו לה!“ נחלץ ישוע להגנתה.

”מדוע אתם מציקים לה? הלא היא עשתה מעשה טוב. 7העניים הנזקקים לעזרה נמצאים אתכם תמיד, ואתם יכולים לעזור להם בכל זמן שתרצו בכך, ואילו אני לא אשאר אתכם עוד זמן רב. 8היא עשתה מה שיכלה; היא משחה את גופי בשמן לפני קבורתי.

9”אני אומר לכם: בכל מקום שבו תוכרז הבשורה, תיזכר גם האישה הזאת, בזכות המעשה שעשתה.“

10לאחר מכן הלך יהודה איש־קריות, תלמידו של ישוע, אל ראשי הכוהנים כדי לתכנן את הסגרתו של ישוע.

11ראשי הכוהנים התלהבו ושמחו על כך שיהודה החליט להסגיר את ישוע, והבטיחו לתת לו כסף.

12ביום הראשון של חג הפסח, שבו הקריבו את זבח הפסח, שאלו התלמידים את ישוע היכן ברצונו לערוך את הסדר.

13ישוע שלח שניים מתלמידיו לירושלים, כדי לערוך את ההכנות הדרושות, ואמר: ”כשתלכו העירה יבוא לקראתכם אדם ובידו כד מים. לכו אחריו, 14היכנסו אל הבית שאליו ייכנס ואמרו לבעל הבית: ’רבנו שלח אותנו לראות את החדר שהכנת בשביל הסדר‘. 15הוא יוביל אתכם לחדר גדול שהכין למעננו בקומה השנייה, ושם תכינו את הסדר.“

16כשהגיעו השניים העירה הכול התרחש בדיוק כפי שאמר להם ישוע, והם הכינו את הסדר.

17ישוע ושאר התלמידים הגיעו לשם בערב. 18כשישבו לאכול בשולחן פתח ישוע ואמר: ”אמת אני אומר לכם, אחד מכם היושב עכשיו בינינו ואוכל איתנו יבגוד בי ויסגיר אותי.“

19התלמידים נמלאו צער רב, ושאלו: ”האם זה יהיה אני?“ 20”אחד מבין השנים־עשר שיטבול איתי את הלחם“, השיב ישוע. 21”בן־האדם הולך למות כפי שכתוב שצריך לקרות, אולם אני אומר לכם: אוי לו לאיש שיסגיר אותו; מוטב שלא היה נולד בכלל!“

22בעת הסעודה הוא לקח לחם (מצה), ברך עליו ופרס אותו לפרוסות. הוא הגיש את הפרוסות לתלמידיו ואמר: ”קחו, זהו גופי.“

23לאחר מכן לקח ישוע כוס יין, ברך, הגיש לתלמידיו וכולם שתו ממנה. 24”זהו דמי הנשפך למען רבים, דם הברית“, המשיך ישוע. 25”ואני אומר לכם שלא אשתה עוד יין עד היום שבו אשתה יין חדש במלכות האלוהים.“

26כל הנוכחים שרו מזמורי תהלים, ולאחר מכן הלכו להר הזיתים.

27”כולכם תעזבו אותי,“ אמר ישוע לתלמידיו, ”והרי כתוב: ’אכה את הרעה ותפוצין הצאן‘. 28אולם לאחר שאקום לתחייה אלך לגליל ואפגוש אתכם שם.“

29”יקרה מה שיקרה,“ קרא פטרוס, ”אני לעולם לא אעזוב אותך!“

30”דע לך, פטרוס,“ אמר ישוע, ”עד מחר בבוקר, לפני שיקרא התרנגול, אתה תתכחש לי שלוש פעמים.“

31”אני לעולם לא אתכחש לך, אפילו אם יהיה עלי למות יחד אתך!“ נשבע פטרוס, וכל האחרים גם אמרו כך.

32הם הגיעו לחורשת עצי־זית הנקראת ”גת־שמני“, וישוע אמר לתלמידיו: ”חכו לי כאן עד שאחזור. אני הולך להתפלל.“

33הוא לקח איתו את פטרוס, יעקב ויוחנן, ולפתע נמלא חרדה ומועקה מפני העומד לבוא עליו. 34”אני מתייסר עד מוות!“ אמר להם ישוע. ”חכו כאן… הישארו ערים….“

35הוא התרחק מהם מעט, כרע ברך על האדמה והתפלל שאלוהים יוותר לו על העומד לקרות לו, אם אכן אפשרי.

36”אבא,“ קרא ישוע, ”אתה כל יכול. אנא, הרחק ממני את כוס הייסורים. אולם לא כרצוני כי אם רצונך ייעשה!“

37לאחר מכן הוא חזר אל שלושת התלמידים ומצא אותם ישנים. ”שמעון,“ קרא ישוע לפטרוס, ”אתה ישן? האם לא יכולת להישאר ער שעה אחת בלבד? 38עמדו על המשמר והתפללו שלא תבואו לידי ניסיון. אני יודע שהרוח אכן רוצה, אבל גופכם חלש כל־כך!“

39ישוע הלך להתפלל שוב, וחזר על תחינתו לפני אלוהים. 40הוא חזר אל תלמידיו, וגם הפעם מצא אותם ישנים, כי עיניהם היו כבדות. הם לא ידעו כיצד לתרץ את הדבר.

41כשחזר אליהם ישוע בפעם השלישית הוא קרא: ”קומו! ישנתם מספיק? הגיעה השעה שבן־האדם יימסר לידי אנשים חוטאים. 42קומו, הבה נלך מכאן. הביטו, הנה מתקרב האיש שיסגיר אותי.“

43לפני שהספיק ישוע לסיים את דבריו הגיע למקום יהודה, אחד משנים־עשר התלמידים, ואיתו המון שנשלח מטעם ראשי הכוהנים והסופרים והזקנים. כולם היו מצוידים בחרבות ובמקלות.

44יהודה תיאם איתם מראש ואמר: ”אני אגש לישוע ואנשק אותו, כדי שתדעו מיהו ותוכלו לתפוס אותו ולהוביל אותו בלוית משמר.“ 45יהודה ניגש אליו. ”רבי!“ קרא יהודה כשהוא מחבק ומנשק אותו. 46ואז תפסו את ישוע ואסרו אותו. 47פטרוס שלף מיד את חרבו והכה באחד מהם שהתברר להיות משרתו של הכהן הגדול, וקיצץ את אוזנו.

48”מדוע אתם מתנפלים עלי בחרבות ובמקלות?“ שאל ישוע. ”האם אני פושע מסוכן? 49מדוע לא אסרתם אותי בבית־המקדש? הרי לימדתי שם בכל יום ויכולתם לתפוס אותי ללא התנגדות. אבל מה שכתוב צריך להתקיים.“

50בינתיים ברחו כל התלמידים. 51‏-52נער אחד שהתלווה לישוע לבש סדין בלבד. כשניסו לתפוס אותו, הנער השאיר את הסדין בידם וברח מפניהם ערום.

53ישוע נלקח אל בית הכוהן הגדול, ועד מהרה התאספו שם כל ראשי הכוהנים, הזקנים והסופרים. 54פטרוס הלך אחריהם במרחק מה ונכנס לחצר הכוהן הגדול. הוא התיישב בין המשרתים והתחמם ליד המדורה.

55ראשי הכוהנים וחברי הסנהדרין ניסו למצוא סיבה מספקת כדי להוציא את ישוע להורג, אך מאמציהם היו לשווא. 56עדי שקר רבים התנדבו להעיד נגדו, אולם עדויותיהם סתרו זו את זו.

57לבסוף קמו עדי שקר נוספים שהעידו: 58”שמענו אותו אומר: ’אני אהרוס את המקדש הזה שנבנה בידי אדם, ותוך שלושה ימים אקים מקדש אחר שאינו מעשה ידי אדם!‘ “ 59אולם עדות זאת גם לא הייתה מספקת.

60הכהן הגדול עמד באמצע החדר ושאל את ישוע: ”מה יש לך לומר להגנתך? מה יש לך לומר על כל ההאשמות נגדך?“ 61ישוע לא פצה את פיו, והכהן הגדול המשיך לשאול אותו: ”האם אתה המשיח בן־האלוהים?“

62”אני הוא,“ השיב ישוע, ”אתם עוד תראו את בן־האדם יושב לימין האלוהים, ובא בענני השמים.“

63הכהן הגדול התרגז מאוד וקרע את בגדיו מעליו. ”למה אנו זקוקים עוד?“ שאל בכעס. ”איננו זקוקים להוכחות נוספות! 64שמעתם את הגידופים שלו. מהו פסק־דינכם?“ הם הצביעו פה אחד בעד הוצאתו להורג.

65לאחר השמעת פסק־הדין החל קהל הנוכחים לירוק על ישוע ולהתעלל בו. הם קשרו את עיניו והכו אותו בכל גופו. ”נחש מי הכה אותך, נביא שכמותך?“ לעגו לו. גם השומרים שלקחו אותו משם הכו אותו באגרופים.

66‏-67כל אותו זמן היה פטרוס בחצר. אחת המשרתות בבית הכהן הגדול זיהתה את פטרוס שהתחמם ליד המדורה. היא הביטה בו בתשומת לב רבה והכריזה: ”אתה היית עם ישוע מנצרת!“ 68פטרוס הכחיש מיד את ההאשמה. ”אינני יודע כלל על מה את מדברת!“ אמר ועבר לקצה האחר של החצר.

לפתע נשמעה קריאת התרנגול.

69המשרתת ראתה אותו עומד שם ולא הרפתה ממנו. ”הנה אחד התלמידים של ישוע!“ קראה בקול.

70פטרוס שוב הכחיש את דבריה.

כעבור זמן מה קראו גם אלה שעמדו איתו ליד האש: ”הלא גם אתה אחד מהם? הרי יש לך מבטא גלילי!“

71פטרוס החל לקלל ונשבע: ”אני בכלל לא מכיר את האיש שעליו אתם מדברים!“

72באותו רגע קרא התרנגול בפעם השנייה.

לפתע נזכר פטרוס בדברי ישוע: ”לפני שיקרא התרנגול פעמיים, תתכחש לי שלוש פעמים.“ והוא פרץ בבכי.

Tagalog Contemporary Bible

Marcos 14:1-72

Ang Planong Pagpatay kay Jesus

(Mat. 26:1-5; Luc. 22:1-2; Juan 11:45-53)

1Dalawang araw na lang noon bago sumapit ang Pista ng Paglampas ng Anghel14:1 Pista ng Paglampas ng Anghel: Tingnan sa Exo. 12:1-30 kung paano nagsimula ang pistang ito. at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ang mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay naghahanap ng pagkakataon upang lihim nilang madakip at maipapatay si Jesus. 2Sinabi nila, “Huwag nating gawin sa pista dahil baka magkagulo ang mga tao.”

Binuhusan ng Pabango si Jesus

(Mat. 26:6-13; Juan 12:1-8)

3Nang si Jesus ay nasa Betania, habang kumakain siya sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat, dumating ang isang babae. May dala siyang mamahaling pabango na nasa isang sisidlang yari sa batong alabastro. Ang pabangong ito ay puro at mula sa tanim na “nardo.” Binasag niya ang leeg ng sisidlan at saka ibinuhos ang pabango sa ulo ni Jesus. 4Nagalit ang ilang tao na naroon. Sinabi nila, “Bakit niya sinasayang ang pabango? 5Maipagbibili sana iyan sa halagang katumbas ng isang taong sweldo, at maibibigay ang pera sa mga mahihirap.” At pinagalitan nila ang babae. 6Pero sinabi ni Jesus, “Pabayaan ninyo siya! Bakit nʼyo siya ginugulo? Mabuti itong ginawa niya sa akin. 7Ang mga mahihirap ay lagi ninyong makakasama at maaari kayong tumulong sa kanila kahit anong oras, pero ako ay hindi nʼyo laging makakasama. 8Ginawa ng babaeng ito ang makakaya niya para sa akin. Binuhusan niya ng pabango ang katawan ko bilang paghahanda sa aking libing. 9Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kahit saan man ipapangaral ang Magandang Balita sa buong mundo, ipapahayag din ang ginawa niyang ito sa akin bilang pag-alaala sa kanya.”

Nakipagkasundo si Judas sa mga Kaaway ni Jesus

(Mat. 26:14-16; Luc. 22:3-6)

10Si Judas Iscariote na isa sa 12 tagasunod ay pumunta sa mga namamahalang pari upang ipagkanulo si Jesus. 11Natuwa sila nang malaman nila ang pakay ni Judas, at nangako silang bibigyan siya ng pera. Kaya mula noon, humanap si Judas ng pagkakataon upang maibigay si Jesus sa kanila.

Ang Huling Hapunan ni Jesus Kasama ang mga Tagasunod Niya

(Mat. 26:17-25; Luc. 22:7-14, 21-23; Juan 13:21-30)

12Dumating ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ito ang araw na inihahandog ang tupa na kinakain sa Pista ng Paglampas ng Anghel. Kaya tinanong si Jesus ng mga tagasunod niya, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda ng hapunan para sa Pista ng Paglampas ng Anghel?” 13-14Inutusan niya ang dalawa sa mga tagasunod niya, “Pumunta kayo sa lungsod ng Jerusalem, at doon ay may masasalubong kayong isang lalaking may pasan na isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya, at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong po ng Guro kung saan ang kwartong kakainan niya ng hapunan na kasama ang mga tagasunod niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’ 15Ituturo niya sa inyo ang isang malaking kwarto sa itaas, kumpleto na ng kagamitan at nakahanda na. Doon kayo maghanda ng hapunan natin.” 16Umalis ang dalawa niyang tagasunod. At nang dumating sila sa lungsod, nakita nila ang lahat ayon sa sinabi ni Jesus sa kanila. At inihanda nila roon ang hapunan para sa pista.

17Kinagabihan, dumating si Jesus at ang 12 tagasunod. 18Habang kumakain na sila sa mesa, sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang isa sa inyo na kasalo ko sa pagkain ay magtatraydor sa akin.” 19Nalungkot sila nang marinig ito, at isa-isa silang nagtanong sa kanya, “Hindi ako iyon, di po ba?” 20Sinabi ni Jesus sa kanila, “Isa siya sa inyong 12 na kasabay kong nagsasawsaw ng tinapay sa mangkok. 21Ako na Anak ng Tao ay papatayin ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ngunit nakakaawa ang taong magtatraydor sa akin. Mabuti pang hindi na siya ipinanganak.”

Huling Hapunan ni Jesus

(Mat. 26:26-30; Luc. 22:15-20; 1 Cor. 11:23-25)

22Habang kumakain sila, kumuha ng tinapay si Jesus. Nagpasalamat siya sa Dios at pagkatapos ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa mga tagasunod niya at sinabi, “Kunin ninyo at kainin; ito ang aking katawan.” 23Pagkatapos, kumuha siya ng inumin,14:23 inumin: sa literal, kopa. nagpasalamat sa Dios, at ibinigay sa kanila. At uminom silang lahat. 24Sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo na ibubuhos para sa maraming tao. Ito ang katibayan ng bagong kasunduan ng Dios sa mga tao. 25Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Dios. At sa araw na iyon, iinom ako ng bagong klase ng inumin.” 26Umawit sila ng papuri sa Dios at pagkatapos ay pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.

Sinabi ni Jesus na Ikakaila Siya ni Pedro

(Mat. 26:31-35; Luc. 22:31-34; Juan 13:36-38)

27Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Iiwan ninyo akong lahat, dahil sinabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Papatayin ko ang pastol at magsisipangalat ang mga tupa.’14:27 Zac. 13:7. 28Ngunit pagkatapos na ako ay muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.” 29Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Kahit iwanan po kayo ng lahat, hindi ko kayo iiwan.” 30Sinagot siya ni Jesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok nang pangalawang beses ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.” 31Pero iginiit pa rin ni Pedro, “Hinding-hindi ko kayo ikakaila, kahit na patayin pa akong kasama ninyo.” At ganoon din ang sinabi ng iba pa niyang kasamahan.

Nanalangin si Jesus sa Getsemane

(Mat. 26:36-46; Luc. 22:39-46)

32Pagkatapos, pumunta sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemane. Pagdating nila roon, sinabi ni Jesus sa kanila, “Maupo kayo rito habang nananalangin ako.” 33Isinama niya sina Pedro, Santiago, at Juan sa di-kalayuan. Balisang-balisa at nababahala si Jesus. 34Sinabi niya sa kanila, “Para akong mamamatay sa labis na kalungkutan. Dito lang kayo at magpuyat.” 35Lumayo siya nang kaunti, lumuhod sa lupa at nanalangin na kung maaari ay huwag na niyang danasin ang paghihirap na kanyang haharapin. 36Sinabi niya, “Ama, magagawa nʼyo ang lahat ng bagay. Kung maaari, ilayo nʼyo sa akin ang mga paghihirap na darating.14:36 ang mga paghihirap na darating: sa literal, ang kopang ito. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”

37Binalikan ni Jesus ang tatlo niyang tagasunod at dinatnan silang natutulog. Sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka ba? Hindi ka ba makapagpuyat kahit isang oras lang?” 38At sinabi niya sa kanila, “Magpuyat kayo at manalangin para hindi kayo madaig ng tukso. Ang espiritu ay handang sumunod, ngunit mahina ang laman.”14:38 Ang espiritu ay handang sumunod, ngunit mahina ang laman: Maaaring ang ibig sabihin nito ay gusto ng kanilang espiritu na magpuyat at manalangin, kaya lang ay hindi kaya ng kanilang katawan.

39Muling lumayo si Jesus at nanalangin. Ganoon pa rin ang kanyang dalangin. 40Pagkatapos, muli niyang binalikan ang mga tagasunod niya at nadatnan na naman niya silang natutulog, dahil antok na antok na sila. At nang gisingin sila ni Jesus, nahiya sila at hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila kay Jesus. 41Sa ikatlong pagbalik ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Tama na iyan! Dumating na ang oras na ako na Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga makasalanan. 42Tayo na! Narito na ang nagtatraydor sa akin.”

Ang Pagdakip kay Jesus

(Mat. 26:47-56; Luc. 22:47-53; Juan 18:3-12)

43Nagsasalita pa si Jesus nang biglang dumating si Judas na isa sa 12 tagasunod. Marami siyang kasama na armado ng mga espada at pamalo. Isinugo sila ng mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga pinuno ng mga Judio. 44Ganito ang palatandaan na ibinigay ng traydor na si Judas sa mga huhuli kay Jesus: “Ang babatiin ko sa pamamagitan ng isang halik ang siyang pakay ninyo. Dakpin ninyo siya at dalhin, at bantayang mabuti.”

45Kaya nang dumating si Judas, agad siyang lumapit kay Jesus at bumati, “Guro!” sabay halik sa kanya. 46At dinakip agad ng mga tao si Jesus. 47Bumunot ng espada ang isa sa mga tagasunod ni Jesus at tinaga ang alipin ng punong pari, at naputol ang tainga nito. 48Sinabi ni Jesus sa mga humuli sa kanya, “Isa ba akong tulisan? Bakit kailangan pa ninyong magdala ng mga espada at mga pamalo para dakpin ako? 49Araw-araw ay nasa templo ako at nagtuturo, at naroon din kayo. Bakit hindi ninyo ako dinakip? Ngunit kailangang mangyari ito upang matupad ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa akin.” 50Iniwan siya noon din ng mga tagasunod niya at nagsitakas sila.

51May isang binata roon na sumunod kay Jesus na nakabalabal lang ng telang linen. Dinakip din siya ng mga sundalo, 52pero nakawala siya at tumakas nang hubad, dahil nahawakan nila ang kanyang balabal.

Dinala si Jesus sa Korte ng mga Judio

(Mat. 26:57-68; Luc. 22:54-55, 63-71; Juan 18:13-14, 19-24)

53Dinala nila si Jesus sa bahay ng punong pari. Nagtipon doon ang lahat ng namamahalang pari, mga pinuno ng mga Judio at ang mga tagapagturo ng Kautusan. 54Sumunod din doon si Pedro, pero malayu-layo siya kay Jesus. Pumasok siya sa bakuran ng bahay ng punong pari at nakiupo sa mga guwardya na nagpapainit sa tabi ng apoy. 55Doon sa loob, ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Korte ng mga Judio ay nagsisikap na makakuha ng mga ebidensya laban kay Jesus upang mahatulan siya ng kamatayan. Pero wala silang makuha. 56Marami ang sumasaksi ng kasinungalingan laban kay Jesus, pero magkakasalungat naman ang mga sinasabi nila.

57May ilang sumasaksi ng kasinungalingang ito laban kay Jesus. Sinabi nila, 58“Narinig po naming sinabi niya, ‘Gigibain ko ang templong ito na gawa ng tao, at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng ibang templo na hindi gawa ng tao!’ ” 59Pero hindi rin magkakatugma ang sinasabi nila.

60Tumayo sa gitna ang punong pari at tinanong si Jesus, “Wala ka bang maisasagot sa mga paratang na ito laban sa iyo?” 61Hindi sumagot si Jesus. Kaya tinanong siyang muli ng punong pari, “Ikaw ba ang Cristo na Anak ng Kapuri-puring Dios?” 62Sumagot si Jesus, “Ako nga, at ako na Anak ng Tao ay makikita ninyong nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Dios. At makikita rin ninyo ako sa mga ulap na paparating dito sa mundo.” 63Nang marinig ito ng punong pari, pinunit niya ang kanyang damit sa galit at sinabi, “Hindi na natin kailangan ng mga saksi! 64Narinig ninyo ang paglapastangan niya sa Dios. Ano ngayon ang hatol ninyo?” At hinatulan nila si Jesus ng kamatayan.

65Dinuraan siya ng ilang naroon. Piniringan din siya at sinuntok, at tinanong, “Sige nga, hulaan mo kung sino ang sumuntok sa iyo?” Pagkatapos, kinuha siya ng mga guwardya at pinagbubugbog.

Ipinagkaila ni Pedro na Kilala Niya si Jesus

(Mat. 26:69-75; Luc. 22:56-62; Juan 18:15-18, 25-27)

66Nang si Pedro ay nasa loob pa ng bakuran, dumaan ang isang babaeng utusan ng punong pari. 67Nang makita niya si Pedro na nagpapainit malapit sa apoy, tinitigan niya ito at sinabi, “Kasama ka rin ni Jesus na taga-Nazaret, hindi ba?” 68Pero itinanggi ito ni Pedro, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Pagkatapos, umalis siya roon at pumunta sa may labasan, at noon din ay tumilaok ang manok. 69Nakita na naman siya roon ng babaeng utusan, kaya sinabi ng babae sa mga taong naroon, “Ang taong iyan ay isa rin sa mga kasamahan ni Jesus.” 70Pero muling itinanggi ito ni Pedro. Maya-maya, sinabi ng mga taong naroon, “Isa ka nga sa mga kasamahan niya, dahil taga-Galilea ka rin!” 71Pero sumumpa si Pedro, “Kahit mamatay man ako, hindi ko talaga kilala ang taong sinasabi ninyo.” 72Noon din ay muling tumilaok ang manok, at naalala ni Pedro ang sinabi sa kanya ni Jesus, “Bago tumilaok ang manok ng dalawang beses, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.” At humagulgol siya.