列王纪下 9 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

列王纪下 9:1-37

耶户被立为以色列王

1以利沙先知叫来一个先知,吩咐他:“你要束上腰带,拿着这瓶膏油去基列拉末2到了以后,你去找宁示的孙子、约沙法的儿子耶户,带他离开同僚,进入密室, 3把这瓶膏油倒在他头上,告诉他,‘耶和华说,我膏立你为以色列王。’然后,你要马上开门逃走,不可迟延。”

4于是,那位年轻的先知启程前往基列拉末5到了那里,他看见众将领正坐在一起,便说:“将军,我有话对你说。”耶户说:“你想对我们哪一个说话?”他说:“将军啊,我有话对你说。” 6耶户便站起来,随他进入屋里。他将膏油倒在耶户头上,说:“以色列的上帝耶和华说,‘我膏立你做我以色列子民的王。 7你要杀你主人亚哈的全家,这样我就可以为我的仆人——众先知以及其他仆人报仇,他们被耶洗别杀害。 8亚哈全家必灭亡,我要从以色列铲除他家中所有的男子——不论奴隶还是自由人, 9使他家像尼八的儿子耶罗波安家和亚希雅的儿子巴沙家一样。 10耶洗别的尸体必在耶斯列的田间被狗吃,无人埋葬。’”说完这话,那位年轻的先知便开门逃跑了。

11耶户出来回到同僚那里,一个人问他:“没事吧?那疯子为什么来找你?”耶户答道:“你们认得他,也知道他会说什么。” 12他们说:“我们不知道,你告诉我们吧!”耶户说:“他告诉我,耶和华说膏立我做以色列王。” 13他们连忙将自己的衣服铺在耶户脚下的台阶上,吹响号角,高喊:“耶户做王了!”

以色列王约兰被杀

14宁示的孙子、约沙法的儿子耶户背叛了约兰。当时,约兰率领全体以色列人在基列拉末防御亚兰哈薛15他与哈薛交战受伤后,回到耶斯列养伤。耶户对属下说:“如果你们要我做王,就不要让任何人逃出城去耶斯列报信。” 16于是,耶户驾车去了耶斯列,因为约兰耶斯列养伤,犹大亚哈谢也在那里探望他。

17耶斯列城楼上的哨兵看见耶户的人马朝耶斯列奔来,就报信说:“我见到一队人马!”约兰下令:“派一个骑兵去看看他们是否为平安而来。” 18骑兵出去迎接耶户,对他说:“王问你是否为平安而来。”耶户说:“这与你何干?你跟在我后面。”哨兵禀告说:“骑兵到了那里,却没有回来。” 19王又派一个骑兵到耶户那里,对他说:“王问你是否为平安而来。”耶户说:“这与你何干?你跟在我后面。” 20哨兵又禀告说:“他到了那里,也没有回来。那人驾车很猛,一定是宁示的孙子耶户。”

21约兰下令备车。以色列约兰犹大亚哈谢各乘自己的战车去见耶户。他们和耶户耶斯列拿伯的田里相遇。 22约兰问他:“耶户,你为平安而来吗?”耶户答道:“国中到处都是你母亲耶洗别的偶像和邪术,怎能平安呢?” 23约兰调转车头逃跑,向亚哈谢大喊:“亚哈谢,他反了!” 24耶户张弓搭箭,射中约兰的后背,箭穿透他的心脏,他倒毙在车上。 25耶户对将领毕甲说:“你去把他丢在耶斯列拿伯的田里。还记得吗?你我一起驾车跟随他父亲亚哈的时候,耶和华曾预言亚哈的事说, 26‘我昨天看见拿伯和他儿子们被杀,我必使你在这块田里受到报应,这是耶和华说的。’现在你照耶和华的话,把他丢在这块田里吧。”

27犹大亚哈谢见状,就沿着通往伯哈干的道路逃跑。耶户在后面追,并大喊:“射死他!”他们在以伯莲附近的姑珥坡射伤了亚哈谢。他逃到米吉多后,伤重身亡。 28他的臣仆用车把他的尸体运回耶路撒冷,安葬在大卫城他的祖坟里。

29以色列亚哈的儿子约兰执政第十一年,亚哈谢登基做犹大王。

耶洗别被杀

30耶户去了耶斯列耶洗别闻讯,便梳头描眉,向窗外眺望。 31耶户进城时,耶洗别高声喊道:“谋杀主人的心利啊,平安吗?” 32耶户抬头望着窗口,喊道:“谁拥护我?谁?”有两三个太监从窗口往外看他。 33耶户说:“把她扔下来!”那几个太监便把耶洗别扔下去,血溅在墙壁上和马匹身上。耶户驾车轧过她的身体, 34进入王宫,大吃大喝,然后吩咐部下说:“把那受咒诅的妇人埋了,她毕竟是王的女儿。” 35他们出去埋葬她,却只找到她的头骨、手掌和脚, 36便回去禀告耶户耶户说:“这正应验耶和华借祂仆人提斯比以利亚说的话,‘狗必在耶斯列的田间吃耶洗别的肉, 37耶洗别的尸体必像耶斯列田间的粪便,无人能认出那是耶洗别。’”

Tagalog Contemporary Bible

2 Hari 9:1-37

Ginawang Hari ng Israel si Jehu

1Ipinatawag ni Eliseo ang isa sa miyembro ng grupo ng mga propeta at sinabi, “Maghanda ka, dalhin mo ang lalagyan ng langis, at pumunta ka sa Ramot Gilead. 2Pagdating mo roon, hanapin mo si Jehu na anak ni Jehoshafat na apo ni Nimsi. Kunin mo siya sa mga kasama niya at dalhin mo sa isang kwarto na dalawa lang kayo. 3Pagkatapos, kunin mo ang langis, ibuhos mo sa ulo niya at sabihin, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Pinili kitang maging hari ng Israel.’ Pagkatapos, buksan mo ang pintuan at tumakbo ka nang mabilis.”

4Kaya pumunta ang binatang propeta sa Ramot Gilead. 5Pagdating niya roon, nakita niyang nakaupo ang mga opisyal na mga sundalo. Sinabi niya, “May mensahe po ako para sa inyo, mahal na pinuno.” Nagtanong si Jehu, “Para kanino iyan?” Sumagot ang tao, “Para po sa inyo, mahal na pinuno.” 6Tumayo si Jehu at pumasok sa bahay. Pagkatapos, ibinuhos ng propeta ang langis sa ulo ni Jehu at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel: Pinili kitang maging hari ng mga mamamayan ng Panginoon sa Israel. 7Patayin mo ang pamilya ni Ahab na iyong amo. Sa ganitong paraan, maipaghihiganti ko ang mga propeta at ang iba pang mga lingkod ng Panginoon na pinatay ni Jezebel. 8Mauubos ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Ahab. Papatayin ko ang lahat ng lalaki sa kanyang pamilya, alipin man o hindi. 9Gagawin ko sa pamilya ni Ahab ang ginawa ko sa pamilya ni Jeroboam na anak ni Nebat, at sa pamilya ni Baasha na anak ni Ahia. 10Si Jezebel naman ay kakainin ng mga aso sa lupain ng Jezreel at walang maglilibing sa kanya.” Binuksan ng batang propeta ang pinto at tumakbo papalayo.

11Pagbalik ni Jehu sa mga kasama niyang opisyal, isa sa kanila ang nagtanong sa kanya, “May problema ba? Bakit ka pinuntahan ng baliw na iyon?” Sumagot si Jehu, “Kilala ninyo kung sino siya at kung ano ang kanyang pinagsasabi.” 12Sumagot sila, “Hindi totoo iyan. Sabihin mo sa amin kung ano talaga ang sinabi niya.” Sinabi ni Jehu, “Ito ang sinabi niya sa akin, ‘Sinabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel: Pinili kitang maging hari ng Israel.’ ” 13Nang marinig ito ng mga opisyal, tinanggal nila ang mga balabal nila at inilatag sa hagdanan para kay Jehu. Pinatunog nila ang trumpeta at sumigaw, “Si Jehu na ang hari!”

Pinatay ni Jehu sina Joram at Ahazia

14Nagplano si Jehu na anak ni Jehoshafat at apo ni Nimsi laban kay Joram. (Nang panahong iyon, ipinagtatanggol ni Joram at ng mga taga-Israel ang Ramot Gilead laban kay Haring Hazael ng Aram. 15Pero nasugatan si Joram sa pakikipaglaban nila sa mga Arameo kaya kinailangan niyang umuwi sa Jezreel para magpagaling.) Sinabi ni Jehu sa mga kasama niyang opisyal, “Kung gusto ninyo maging hari ako, huwag ninyong hayaang may lumabas sa lungsod para pumunta sa Jezreel at ibalita na ginawa ninyo akong hari.” 16Sumakay agad si Jehu sa karwahe niya at pumunta sa Jezreel kung saan nagpapagaling si Joram. Si haring Ahazia ay naroon din dahil binisita niya si Joram.

17Ngayon, nakita ng guwardya sa tore ng Jezreel si Jehu na paparating kasama ang mga sundalo nito, kaya sumigaw siya, “May paparating na mga sundalo!” Sumagot si Joram, “Magpadala ka ng mangangabayo para alamin kung kapayapaan ang sadya nila sa pagpunta rito.” 18Kaya umalis ang mangangabayo para salubungin si Jehu at sinabi, “Gusto pong malaman ng hari kung kapayapaan ang sadya ninyo rito.” Sumagot si Jehu, “Wala ka nang pakialam doon! Sumunod ka sa akin!”

Sumigaw ang guwardya sa hari, “Nakarating na po sa kanila ang mangangabayo pero hindi pa siya bumabalik.” 19Kaya muling nagpadala ang hari ng isang mangangabayo. Pagdating niya kina Jehu sinabi niya, “Gustong malaman ng hari kung kapayapaan ang sadya ninyo rito.” Sumagot si Jehu, “Wala ka nang pakialam doon! Sumunod ka sa akin!”

20Muling sumigaw ang guwardya sa hari, “Nakarating na po sa kanila ang ikalawang mangangabayo, pero hindi pa siya bumabalik! Sobrang bilis magpatakbo ng karwahe ng kanilang pinuno; parang si Jehu na apo ni Nimsi!” 21Sinabi ni Joram, “Ihanda mo ang karwahe ko.” Nang maihanda na, umalis sina Haring Joram ng Israel at Haring Ahazia ng Juda, para salubungin si Jehu. Nakasakay sila sa kani-kanilang karwahe. Nagkita sila ni Jehu sa lupain ni Nabot na taga-Jezreel. 22Pagkakita ni Joram kay Jehu, tinanong niya ito, “Kapayapaan ba ang sadya mo rito, Jehu?” Sumagot si Jehu, “Kahit kailan hindi magkakaroon ng kapayapaan hanggaʼt may pagsamba sa dios-diosan sa pamamagitan ng prostitusyon at pangkukulam na inumpisahan ng iyong ina na si Jezebel.” 23Pinabalik ni Joram ang kabayo niya at pinatakbo nang mabilis. Sinigawan niya si Ahazia, “Nagtraydor si Jehu sa akin!”

24Kinuha ni Jehu ang palaso niya at pinana si Joram sa likod. Tumagos ang pana sa puso nito at humandusay ito sa loob ng karwahe. 25Sinabi ni Jehu kay Bidkar na kanyang opisyal, “Kunin mo ang bangkay ni Joram at itapon sa bukid ni Nabot na taga-Jezreel. Naaalala mo ba noong nakasakay tayo sa karwahe sa likuran ni Ahab na kanyang ama? Ito ang sinabi ng Panginoon laban sa kanya: 26‘Nakita ko kahapon ang pagkamatay ni Nabot at ng kanyang mga anak. At nangangako ako na parurusahan kita sa lupain mismo ni Nabot. Ako ang Panginoon ang nagsasabi nito.’ Kaya kunin mo ang katawan niya at itapon sa bukid ni Nabot ayon sa sinabi ng Panginoon.”

27Nang makita ni Haring Ahazia ng Juda ang nangyari, tumakas siya papunta sa Bet Haggan. Hinabol siya ni Jehu na sumisigaw, “Panain din siya!” Kaya pinana nila siya9:27 Kaya pinana nila siya: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero nasa ibang lumang teksto. sa kanyang karwahe sa daan papunta sa Gur, malapit sa Ibleam. Nakatakas siya na sugatan hanggang sa Megido, pero namatay siya roon. 28Kinuha ng mga lingkod ni Ahazia ang bangkay niya at isinakay sa karwahe papunta sa Jerusalem. Inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David.

29Naging hari ng Juda si Ahazia nang ika-11 taon ng paghahari ni Joram na anak ni Ahab sa Israel.

Pinatay si Jezebel

30Pumunta si Jehu sa Jezreel. Nang nalaman ito ni Jezebel, kinulayan ni Jezebel ng pampaganda ang kanyang mga mata, inayos ang buhok niya at dumungaw sa bintana ng palasyo. 31Pagpasok ni Jehu sa pintuan ng palasyo sinabi ni Jezebel sa kanya, “Kapayapaan ba ang sadya mo rito, ikaw na mamamatay-tao? Katulad ka ni Zimri na pinatay ang kanyang amo!” 32Tumingala si Jehu at nakita niya si Jezebel sa bintana at nagtanong, “Sino sa inyo riyan ang kakampi sa akin?” May dalawa o tatlong opisyal na dumungaw sa kanya sa bintana. 33Sinabi ni Jehu sa kanila, “Ihulog ninyo siya!” Kaya inihulog nila si Jezebel. Tumalsik ang dugo nito sa pader at sa mga kabayo. Tinapak-tapakan ng mga kabayo ni Jehu ang katawan ni Jezebel. 34Nang pumasok si Jehu sa palasyo, kumain siya at uminom. Pagkatapos ay sinabi niya, “Kunin ninyo ang isinumpang babaeng iyan at ilibing dahil anak siya ng hari.” 35Pero nang kukunin na nila ang bangkay niya para ilibing, wala nang natira sa kanya, maliban sa kanyang bungo, mga paa at mga kamay. 36Kaya bumalik sila at sinabi kay Jehu ang nangyari. Sinabi ni Jehu, “Natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng lingkod niyang si Elias na taga-Tisbe: Sa isang lupain ng Jezreel, kakainin ng mga aso ang laman ni Jezebel. 37Ang katawan niya ay kakalat na parang dumi sa bukid ng Jezreel at walang makakakilala sa kanya.”