以西结书 37 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

以西结书 37:1-28

枯骨复活

1耶和华的灵降在我身上,把我带到一个山谷,那里遍地都是骸骨。 2祂领我环绕那些骸骨走了一圈,我见到谷中枯干的骸骨相当多。 3祂对我说:“人子啊,这些骸骨能复活吗?”我说:“主耶和华啊,只有你知道。” 4祂又对我说:“你对这些骸骨发预言说,‘枯骨啊,你们要听耶和华说的话! 5主耶和华说,我要使气息进入你们里面,你们就必复活过来。 6我必给你们加上筋,使你们长出肉,再包上皮,将气息放在你们里面,你们就复活了。这样,你们就知道我是耶和华。’”

7于是,我便按耶和华的吩咐向枯骨发预言,我正说预言的时候,忽然有震动的声音,骨头便连在了一起。 8我又发现骨头上有了筋,长了肉,包上了皮,只是还没有气息。 9耶和华对我说:“人子啊,你要向风37:9 ”希伯来文又作“灵”,“气息”。说预言,告诉风,主耶和华这样说,‘风啊,从四方吹来,吹在这些被杀的人身上,使他们复活。’” 10于是,我便按耶和华的吩咐说预言,气息就进入他们里面,他们便复活了,并且站立起来,成为一支大军。

11耶和华对我说:“人子啊,这些骸骨就是所有的以色列人,他们说,‘我们骨头枯干,希望幻灭,彻底完了。’ 12你要说预言,告诉他们,‘主耶和华说,我的子民啊,我要打开你们的坟墓,领你们出来,我要领你们返回以色列13我的子民啊,当我这样做的时候,你们就知道我是耶和华。 14我要把我的灵放在你们里面,叫你们复活,安居在自己的土地上,那时你们就知道我耶和华言出必行。这是耶和华说的。’”

15耶和华对我说: 16“人子啊,你拿一根杖来,写上‘犹大和他的以色列同伴’,然后再拿另一根杖,写上‘约瑟,即以法莲,与他的以色列同伴’。 17然后把这两根杖连成一根,拿在手中。 18当你的同胞问你这是什么意思时, 19你就告诉他们,主耶和华这样说,‘我要把约瑟和他的以色列同伴的杖,就是以法莲手中的杖,与犹大的杖在我手中连成一根。’ 20你要拿着这两根写着字的杖让他们看, 21告诉他们,主耶和华这样说,‘我要把以色列的百姓从他们分散的各国招聚起来,领他们回归故土。 22我要使他们在以色列的土地和群山上成为一国,只有一位王统治他们,不再分为两个国家。 23他们不会再因祭拜偶像、行可憎之事而玷污自己,我要从他们犯罪的地方把他们救出来,洗净他们的罪。他们要做我的子民,我要做他们的上帝。

24“‘我的仆人大卫要做王治理他们,成为他们唯一的牧人。他们必恪守我的典章,谨遵我的律例。 25他们要安居在我赐给我仆人雅各的土地上,就是你们祖先居住的地方。他们世世代代都要居住在那里,我仆人大卫要永远做他们的王。 26我要与他们订立永存的平安之约,使他们安居,人丁兴旺。我的圣所要永远设立在他们当中。 27我要住在他们中间。我要做他们的上帝,他们要做我的子民。 28各国的人看见我的圣所永远设立在他们当中,便会知道是我耶和华使以色列圣洁了。’”

Tagalog Contemporary Bible

Ezekiel 37:1-28

Ang Lambak ng Maraming Buto

1Napuspos ako ng kapangyarihan ng Panginoon at dinala ako ng Espiritu niya sa gitna ng isang lambak maraming kalansay. 2Inilibot niya ako roon, at nakita ko ang napakaraming tuyong buto na nagkalat sa lambak. 3Tinanong ako ng Panginoon, “Anak ng tao, mabubuhay pa kaya ang mga butong ito?” Sumagot ako, “Panginoong Dios, kayo lang po ang nakakaalam.” 4Sinabi niya sa akin, “Sabihin mo sa mga butong ito na makinig sa sasabihin ko. 5Sapagkat ako, ang Panginoong Dios, ang magsasabi nito sa kanila, ‘Bibigyan ko kayo ng hininga, at mabubuhay kayo. 6Bibigyan ko kayo ng mga litid at laman, at babalutin ko kayo ng balat. Bibigyan ko nga kayo ng hininga, at mabubuhay kayo. At malalaman ninyong ako ang Panginoon.’ ”

7Kaya sinunod ko ang iniutos sa akin. At habang nagsasalita ako, narinig ko ang tunog ng mga butong nagkakabit-kabit at nabuo. 8Nakita ko ring nagkaroon ang mga ito ng mga litid at laman at nabalot ng balat, pero walang hininga.

9Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, sabihin mo sa hangin na ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Hangin umihip ka mula sa apat na dako, at hipan ang mga patay na ito para mabuhay.” 10Kaya sinunod ko ang iniutos niya sa akin, at nabuhay nga ang mga patay. Nagsitayo sila – kasindami sila ng isang napakalaking hukbo.

11Muling sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, ang mga butong iyon ay ang mga mamamayan ng Israel. Sinasabi nila, ‘Tuyo na ang aming mga buto, at wala na kaming pag-asa; nilipol na kami.’ 12Kaya sabihin mo sa kanila na ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Mga mamamayan ko, bubuksan ko ang mga libingan ninyo. Bubuhayin ko kayong muli, at ibabalik sa lupain ng Israel. 13Kapag binuksan ko ang mga libingan ninyo at binuhay ko kayong muli, malalaman ninyo, mga mamamayan ko, na ako ang Panginoon. 14Ibibigay ko sa inyo ang aking Espiritu at mabubuhay kayo. Patitirahin ko kayo sa sarili ninyong lupain. At malalaman nga ninyo na ako ang Panginoon na tumutupad ng aking pangako. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Pinag-isa ang Juda at Israel

15Sinabi sa akin ng Panginoon, 16“Anak ng tao, kumuha ka ng patpat at sulatan mo ito ng, ‘Ang kaharian ng Juda.’ Pagkatapos, kumuha ka ng isa pa at sulatan mo ito ng, ‘Ang kaharian ng Israel.’ 17Pagkatapos, pag-isahin mo ang dalawang patpat para isa lang ang hawak mo. 18Kapag tinanong ka ng mga kababayan mo kung ano ang ibig sabihin nito, 19sabihin mong, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoong Dios: Pagdudugtungin ko ang patpat na kumakatawan sa Israel at ang patpat na kumakatawan sa Juda. Magiging isa na lang sila sa kamay ko.’

20“Pagkatapos, hawakan mo ang patpat na sinulatan mo para makita ng mga tao. 21At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoong Dios: Titipunin ko ang mga Israelita mula sa lahat ng bansang pinangalatan nila, at ibabalik ko sa sarili nilang lupain. 22Gagawin ko silang isang bansa sa lupain ng Israel, at isang hari na lang ang maghahari sa kanila. Hindi na sila muling mahahati o magiging dalawang bansa o kaharian. 23Hindi na nila dudungisan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga karumal-dumal na dios-diosan at paggawa ng anumang kasalanan, dahil ililigtas ko sila sa lahat ng pagkakasala nila. Lilinisin ko sila para maging mga mamamayan ko sila, at ako ang magiging Dios nila. 24Paghaharian sila ng haring mula sa angkan ng lingkod kong si David. Isa lang ang magiging pastol nila. Susundin na nilang mabuti ang mga utos koʼt mga tuntunin. 25Maninirahan sila sa lupaing ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob, ang lupaing tinirhan ng kanilang mga ninuno. Sila at ang mga anak nila ay titira roon habang panahon. At maghahari sa kanila ang haring mula sa lahi ni David na lingkod ko magpakailanman. 26Gagawa ako ng isang kasunduan na magiging maganda ang kalagayan nila, at ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman. Patitirahin ko sila sa lupain nila at pararamihin ko sila. Itatayo ko ang templo ko sa kalagitnaan nila magpakailanman. 27Maninirahan akong kasama nila. Magiging Dios nila ako, at sila ay magiging mga mamamayan ko. 28At kung mananatili na ang templo ko sa kalagitnaan nila magpakailanman, malalaman ng mga bansa na ako, ang Panginoon, ang humirang sa mga Israelita para maging mga mamamayan ko.’ ”