Chinese Contemporary Bible (Simplified)

阿摩司书 1:1-15

1犹大乌西雅约阿施的儿子以色列耶罗波安执政期间,大地震前两年,提哥亚的牧人阿摩司看到了关于以色列的异象。以下是阿摩司的话。

2他说:

“耶和华在锡安1:2 锡安”位于耶路撒冷北部,即大卫城,有时用来指耶路撒冷。怒吼,

在耶路撒冷呼喊。

牧人的草场枯干,

迦密山顶枯黄。”

对亚兰的审判

3耶和华说:

大马士革人三番四次地犯罪,

我必不收回对他们的惩罚,

因为他们用打粮食的铁器蹂躏基列

4所以我要降火在哈薛王家,

烧毁便·哈达王的城堡。

5我要折断大马士革城的门闩,

铲除亚文平原1:5 亚文平原”希伯来文是“邪恶谷”。亚文平原和伯·伊甸皆属于亚兰人。的居民和伯·伊甸的掌权者,

使亚兰人被掳到吉珥1:5 吉珥的位置不详,亚兰人原来自吉珥。

这是耶和华说的。”

对非利士的审判

6耶和华说:

迦萨人三番四次地犯罪,

我必不收回对他们的惩罚,

因为他们把被掳之人全都带走,

卖到以东做奴隶。

7所以,我要降火在迦萨的城墙上,

烧毁它的城堡。

8我要铲除亚实突的居民和亚实基伦的掌权者,

伸手攻击以革伦

剩下的非利士人都要灭亡。

这是主耶和华说的。”

对泰尔的审判

9耶和华说:

泰尔人三番四次地犯罪,

我必不收回对他们的惩罚,

因为他们背弃弟兄之盟,

把被掳之人都卖到以东

10所以,我要降火在泰尔的城墙上,

烧毁它的城堡。”

对以东的审判

11耶和华说:

以东人三番四次地犯罪,

我必不收回对他们的惩罚,

因为他们拔刀追赶自己的弟兄,

没有半点怜悯之心;

他们怒气不息,永怀愤怒。

12所以,我要降火在提幔

烧毁波斯拉的城堡。”

对亚扪的审判

13耶和华说:

亚扪人三番四次地犯罪,

我必不收回对他们的惩罚,

因为他们为了扩张领土,

竟剖开基列孕妇的肚腹。

14所以,我要在战争的吶喊声中,

在暴风雨吹袭的时候,

降火在拉巴的城墙上,

烧毁它的城堡。

15他们的君王和首领都要被掳。

这是耶和华说的。”

Tagalog Contemporary Bible

Amos 1:1-15

1Ito ang mensahe ni Amos na isang pastol ng mga tupa na taga-Tekoa. Ang mensaheng ito ay tungkol sa Israel. Ipinahayag ito sa kanya ng Dios dalawang taon bago lumindol, noong panahon na si Uzia ang hari ng Juda at si Jeroboam na anak ni Joash ang hari ng Israel.

2Sinabi ni Amos: “Umaatungal ang Panginoon mula sa Zion;1:2 Zion: Isa ito sa mga tawag sa Jerusalem. dumadagundong ang tinig niya mula sa Jerusalem. Dahil dito natutuyo ang mga pastulan ng mga pastol at nalalanta ang mga tanim sa tuktok ng Bundok ng Carmel.”

Ang Parusa sa Bansang Syria

3Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Syria: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Damascus,1:3 Damascus: Ito ang kabisera ng Syria at kumakatawan sa buong bansa ng Syria. parurusahan ko sila. Sapagkat pinagmalupitan nila ang mga taga-Gilead na parang giniik ng tabla na may mga ngiping bakal sa ilalim. 4Kaya susunugin ko ang palasyo ni Haring Hazael at ang matitibay na bahagi ng Damascus na ipinagawa ng anak niyang si Haring Ben Hadad. 5Wawasakin ko ang pintuan ng Damascus at papatayin ko ang pinuno ng Lambak ng Aven at ng Bet Eden.1:5 Lambak ng Aven at ng Bet Eden: Itoʼy mga lugar na sakop ng Syria. Bibihagin at dadalhin sa Kir ang mga mamamayan ng Syria.1:5 Syria: sa Hebreo, Aram. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Ang Parusa sa Bansang Filistia

6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Filistia: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Gaza,1:6 Gaza: Ang Gaza ay isa sa mga pangunahing lungsod ng Filistia at kumakatawan sa buong bansa ng Filistia. parurusahan ko sila. Sapagkat binihag nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan at ipinagbili bilang mga alipin sa Edom. 7Kaya susunugin ko ang mga pader1:7 susunugin ko ang mga pader: Maaaring may mga bahagi ang pader na masusunog ng apoy, o ang apoy dito ay nangangahulugan ng pagkawasak. ng Gaza at ang matitibay na bahagi ng lungsod na ito. 8Lilipulin ko ang mga pinuno ng Ashdod at ng Ashkelon, at parurusahan ko ang mga taga-Ekron.1:8 Ashdod … Ashkelon … Ekron: Itoʼy mga lugar na sakop ng Filistia. At ang mga Filisteong makakatakas sa parusa ay mamamatay din. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Ang Parusa sa Bansang Tyre

9Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Tyre: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Tyre, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbili nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan bilang mga alipin sa Edom. Hindi nila sinunod ang kanilang kasunduang pangkapatiran sa mga mamamayang ito. 10Kaya susunugin ko ang mga pader ng Tyre at ang matitibay na bahagi ng lungsod nito.”

Ang Parusa sa Bansang Edom

11Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Edom: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Edom, parurusahan ko sila. Sapagkat tinugis nila ang kanilang mga kaanak na mga Israelita at walang awang pinatay. Hinding-hindi mawawala ang kanilang galit sa mga Israelita. 12Kaya susunugin ko ang Teman at ang matitibay na bahagi ng Bozra.”1:12 Teman … Bozra: Itoʼy mga lugar na sakop ng Edom.

Ang Parusa sa Bansang Ammon

13Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Ammon: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Ammon, parurusahan ko sila. Sapagkat nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead nang salakayin nila ito, upang mapalawak ang kanilang lupain. 14Kaya susunugin ko ang mga pader ng Rabba1:14 Rabba: Ito ang kabisera ng Ammon. at ang matitibay na bahagi ng lungsod na ito habang nagsisigawan ang mga kaaway na sumasalakay sa kanila, na parang umuugong na bagyo. 15At bibihagin ang hari ng Ammon gayon din ang kanyang mga opisyal. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”