Chinese Contemporary Bible (Simplified)

腓利门书 1:1-25

1我是为了传扬基督耶稣而被囚禁的保罗,与提摩太弟兄写信给我们亲爱的同工腓利门弟兄、 2亚腓亚姊妹和我们的战友亚基布,以及在腓利门家里聚会的弟兄姊妹。

3愿我们的父上帝和主耶稣基督赐给你们恩典和平安!

称赞腓利门

4腓利门弟兄,我常常在祷告中为你感谢上帝, 5因为我听说了你对主耶稣的信心和对众圣徒的爱心。 6我求上帝使你能有效地与人分享信仰,明白我们所做的一切美事都是为了基督。 7弟兄啊,你的爱心给我带来极大的喜乐和安慰,因为你使众圣徒感到欣慰。

凭爱心求情

8因此,我尽管可以奉基督的名吩咐你去做当做的事, 9然而我这上了年纪又为基督耶稣的缘故被囚禁的保罗宁愿凭爱心求你, 10就是替阿尼西谋1:10 阿尼西谋”这个名字意思是有用、有益处。求你。他是我在狱中带领归主的属灵儿子, 11他过去对你没有什么益处,但现在对你对我都有益处。

12我现在派我深爱的阿尼西谋回你那里。 13我本想把他留在身边,让他在我为传福音而坐牢期间代替你服侍我。 14不过,未经你同意,我不愿意这样做,因为我盼望你的善行是出于甘心,而非勉强。 15或许他暂时离开你是为了让你以后永远得到他。 16你得到的不再是一个奴隶,而是一位远超过奴隶的亲爱弟兄。对我而言,的确如此,更何况对你呢!就肉身说你们是主仆,但在主里你们是弟兄。

17如果你当我是同伴,就请你像接纳我一样接纳他。 18如果他得罪你,或亏欠你什么,都记在我的账上吧。 19保罗在此亲笔保证,我必偿还。其实我不说你也知道,连你自己也欠我。

20弟兄啊,看在主的份上,请你答应我的请求,在基督里让我的心得到安慰吧! 21我写信给你,深信你一定会照办,甚至超过我的要求。 22同时,也请你为我预备住处,因为我盼望借着你们的祷告,我可以蒙恩到你们那里。

问候

23为了基督耶稣的缘故和我一同坐牢的以巴弗问候你。 24此外,我的同工马可亚里达古底马路加都问候你。

25愿我们主耶稣基督的恩典与你们同在。阿们!

Tagalog Contemporary Bible

Filemon 1:1-25

1Mula kay Pablo na nakabilanggo dahil kay Cristo Jesus, kasama si Timoteo na ating kapatid.

Filemon, aming minamahal na kamanggagawa sa Panginoon, 2kasama si Afia na ating kapatid, si Arkipus na kapwa natin sundalo ni Cristo, at ang mga mananampalatayang nagtitipon1:2 mga mananampalatayang nagtitipon: sa literal, iglesya. sa iyong tahanan sa pagsamba sa Dios:

3Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

Ang Pag-ibig at Pananampalataya ni Filemon

4Lagi akong nagpapasalamat sa Dios sa tuwing ipinapanalangin kita, 5dahil nabalitaan ko ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at ang pagmamahal mo sa lahat ng mga pinabanal1:5 pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya. ng Dios. 6Idinadalangin ko na sana ang pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya,1:6 pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya: o, pagbabahagi mo ng iyong pananampalataya. ay magpatuloy habang lumalago ang iyong pang-unawa sa lahat ng mabubuting bagay na ibinigay sa atin dahil tayoʼy nakay Cristo. 7Minamahal kong kapatid, labis na nagbigay kagalakan at kaaliwan sa akin ang iyong pagmamahal sa mga mananampalataya na nagpasigla sa kanila.

Ang Hiling ni Pablo para kay Onesimus

8Ngayon, bilang apostol ni Cristo, maaari kitang utusan kung ano ang dapat mong gawin, 9pero dahil mahal kita, minarapat kong makiusap na lamang sa iyo. Kaya bilang isang nakatatanda at bilanggo dahil kay Cristo, 10nakikiusap ako sa iyo para kay Onesimus, na sana patawarin mo na siya. Siyaʼy naging anak ko sa pananampalataya rito sa bilangguan. 11Datiʼy wala siyang pakinabang sa iyo, ngunit ngayoʼy kapaki-pakinabang na siya sa ating dalawa.

12Pinababalik ko na sa iyo ang minamahal kong si Onesimus. 13Gusto ko sanang dito na muna siya upang sa pamamagitan niya, makakatulong ka sa akin habang nakabilanggo ako dahil sa aking pagpapahayag ng Magandang Balita. 14Ngunit ayaw ko itong gawin nang wala kang pahintulot, upang maging kusang-loob ang iyong pagtulong at hindi sapilitan.

15Marahil nahiwalay siya sa iyo nang saglit upang sa kanyang pagbabalik ay hindi na kayo magkahiwalay pang muli. 16Kahit na alipin mo siya, isa na rin siyang minamahal na kapatid. Napamahal siya sa akin, at lalo na sa iyo, ngayong hindi mo lang siya alipin kundi kapatid pa sa Panginoon.

17Kaya kung itinuturing mo akong kamanggagawa1:17 kamanggagawa: o, kapwa mananampalataya. sa Panginoon, tanggapin mo siya na parang ako ang iyong tinatanggap. 18Kung siya man ay nagkasala o nagkautang sa iyo, ako na lamang ang singilin mo. 19Ako mismo, si Pablo, ang sumulat nito: Ako ang magbabayad sa anumang pagkakautang niya sa iyo. Kahit na kung tutuusin ay utang mo sa akin ang iyong pagkakilala kay Cristo. 20Kaya kapatid, pagbigyan mo sana ang aking kahilingan alang-alang sa Panginoon. Paligayahin mo ang puso ko bilang kapatid kay Cristo. 21Sumulat ako dahil malaki ang tiwala kong pagbibigyan mo ang aking kahilingan, at alam kong higit pa roon ang iyong gagawin.

22Siya nga pala, ipaghanda mo ako ng matutuluyan, dahil umaasa akong makakabalik sa inyo dahil sa inyong panalangin.

Pangwakas na Pagbati

23Kinukumusta ka ni Epafras na kapwa ko bilanggo dahil kay Cristo Jesus. 24Kinukumusta ka rin ng mga kamanggagawa kong sina Marcos, Aristarcus, Demas at Lucas.

25Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Jesu-Cristo.