Chinese Contemporary Bible (Simplified)

耶利米哀歌 1:1-22

凄惨的耶路撒冷

1从前人烟稠密的城,

现在何其荒凉!

从前扬威万邦的强国,

现在竟像寡妇一样。

从前在诸省做公主的,

现在却沦为奴婢。

2她在夜间痛哭,泪流满面。

情人中没有一个前来安慰。

朋友都出卖她,与她为敌。

3犹大饱受苦难和奴役,

被掳往远方,流落异邦,

找不到安居之所。

她在走投无路之际被追敌擒获。

4通往锡安1:4 锡安”又称“耶路撒冷”。的道路满目凄凉,

因为无人前去过节。

她的城门冷落,

她的祭司悲叹,

她的少女哀伤,她痛苦不已。

5敌人做了她的主人,

兴旺发达。

因为她作恶多端,

耶和华叫她饱受困苦,

她的孩子被敌人掳去。

6锡安的尊荣消逝,

她的首领像找不到草吃的鹿,

无力逃脱敌人的追赶。

7在困苦流离中,

耶路撒冷想起昔日的荣华。

如今,她的人民落在敌人手中,

无人援救。

仇敌看见她,都嘲笑她的灭亡。

8耶路撒冷罪大恶极,

沦为污秽之物。

从前尊重她的人看见她赤身裸体,就蔑视她。

她只能哀叹、退避。

9她的裙子沾满污秽,

她未曾想过自己的结局。

她的败落无比凄惨,

无人安慰。

她哭喊道:“耶和华啊,

仇敌已经获胜,

求你垂顾我的苦难!”

10敌人伸手夺去她的一切珍宝。

她目睹外族人闯入圣殿——那是耶和华禁止他们进入的地方。

11她的人民呻吟着四处觅食,

用珍宝换取粮食维生。

耶路撒冷的哀叹

她说:“耶和华啊,求你眷顾我,

因为我被人蔑视。

12“路人啊,你们都无动于衷吗?

你们看看,

耶和华向我发烈怒,降祸于我,

还有谁比我更痛苦呢?

13“祂从高天降下火来,

焚烧我的骨头;

祂在我脚前设下网罗,

使我返回;

祂使我凄凉孤寂,终日痛苦。

14“我的罪恶连接成轭,

祂亲手把它们编在一起,

绑在我的颈项上,

使我筋疲力尽。

主把我交给我无力抵挡的敌人。

15“主藐视我所有的勇士,

召集军队攻击我,

打垮我的青年。

主践踏犹大1:15 犹大人”希伯来文是“犹大的纯洁少女”。

如同在榨酒池踩踏。

16“我为此哭泣,

泪流满面,

却无人安慰、鼓励我。

我的儿女凄凉孤苦,

因为仇敌已经得胜。”

17锡安伸手求助,却无人理睬。

耶和华已命四周邻国与雅各为敌。

耶路撒冷在他们当中成了污秽之物。

18“但耶和华是公义的,

因为我违背了祂的命令。

万国啊,请听我的话,

看看我的痛苦!

我的年轻男女都被掳去。

19“我向情人们求助,

他们却欺骗我。

我的祭司和长老在觅食求生时,

倒毙在城中。

20“耶和华啊,

看看我是多么痛苦!

我的内脏搅动,

我的心灵翻腾,

因为我背叛了你。

街上有屠杀,

家中有死亡。

21“人们听见我的哀叹,

却无人安慰我。

敌人看见你降给我的灾难,

都幸灾乐祸。

愿你应许的审判之日来临,

叫他们像我一样受苦!

22“愿他们的恶行都摆在你眼前!

你怎样因我的罪恶而惩罚我,

愿你也照样惩罚他们!

我叹息不绝,心中哀伤。”

Tagalog Contemporary Bible

Panaghoy 1:1-22

1Napakalungkot na sa Jerusalem na dati ay puno ng mga tao. Ang kilalang-kilala noon sa buong mundo, ngayoʼy tulad ng isang biyuda. Kung dati ay reyna siya ng lahat ng lungsod, ngayoʼy isang alipin ang kanyang katulad. 2Buong pait siyang umiiyak magdamag. Mga luha niyaʼy dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Walang dumamay sa kanya, isa man sa kanyang mga minamahal.1:2 kanyang mga minamahal: Ang ibig sabihin, kanyang mga kakampi. Pinagtaksilan siya ng lahat ng kaibigan niya, na ngayoʼy kanyang kaaway. 3Lubhang pinahirapan ang Juda at ang mga mamamayan niyaʼy binihag. Doon na sila nakatira sa ibang bansa kung saan hindi sila makapagpahinga. Tinugis sila ng kanilang mga kaaway hanggang hindi na sila makatakas.

4Ang mga daan patungo sa Jerusalem1:4 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. ay puno na ng kalungkutan, dahil wala nang dumadalo sa mga takdang pista. Sa mga pintuang bayan ay wala na ring mga tao. Ang mga pari ay dumadaing, at ang mga dalaga ay nagdadalamhati. Napakapait ng sinapit ng Jerusalem. 5Pinamunuan sila ng kanilang mga kaaway, at yumaman ang mga ito. Sapagkat pinahirapan ng Panginoon ang Jerusalem dahil napakarami nitong kasalanan. Ang kanyang mga mamamayan ay binihag ng mga kaaway. 6Ang kagandahan ng Jerusalem ay naglaho na. Ang kanyang mga pinuno ay parang mga gutom na usa na naghahanap ng pastulan. Silaʼy nanghihina na habang tumatakas sa mga tumutugis sa kanila. 7Ngayong ang Jerusalem ay nagdadalamhati at naguguluhan, naalala niya ang lahat ng dati niyang yaman. Nang mahulog siya sa kamay ng mga kaaway niya, walang sinumang tumulong sa kanya. At nang siyaʼy bumagsak, kinutyaʼt tinawanan pa siya ng mga kaaway niya.

8Napakalaki ng kasalanan ng Jerusalem, kaya naging marumi siya. Ang lahat ng pumupuri noon sa kanya ngayoʼy hinahamak na siya, dahil nakita nila ang kanyang kahihiyan.1:8 kanyang kahihiyan: sa literal, kanyang kahubaran. Sa hiya ay napadaing siya at tumalikod. 9Nahayag sa lahat ang kanyang karumihan, at hindi niya inalala ang kanyang kasasapitan. Malagim ang kanyang naging pagbagsak, at walang sinumang tumutulong sa kanya. Kaya sinabi niya, “O Panginoon tingnan nʼyo po ang aking paghihirap, dahil tinalo ako ng aking mga kaaway.”

10Kinuha ng mga kaaway ang lahat ng kayamanan niya. Sa temploʼy nakita niyang pumapasok ang mga taong hindi pinahihintulutan ng Panginoon na pumasok doon. 11Ang mga mamamayan niyaʼy dumadaing habang naghahanap ng pagkain. Ipinagpalit nila ang kanilang mga kayamanan para sa pagkain upang mabuhay. Sinabi ng Jerusalem, “O Panginoon, pagmasdan nʼyo ako dahil akoʼy nasa kahihiyan.” 12Sinabi rin niya sa mga dumaraan, “Balewala lang ba ito sa inyo? May nakita ba kayong naghirap na kagaya ko? Ang paghihirap na ito ay ipinataw sa akin ng Panginoon nang magalit siya sa akin. 13Mula sa langit, nagpadala siya ng apoy na tila sumusunog sa aking mga buto. Naglagay siya ng bitag para sa aking mga paa at nahuli ako. Iniwanan niya akong nanghihina buong araw. 14Inipon niya ang lahat ng aking mga kasalanan at inilagay sa aking batok bilang pamatok. At ito ang nagdala sa akin sa pagkabihag. Pinanghina ako ng Panginoon at ibinigay sa kamay ng mga kaaway na hindi ko kayang labanan. 15Itinakwil ng Panginoon ang lahat ng mga kawal ko. Tinipon niya ang aking mga kaaway para lipulin ang aking mga kabataang sundalo. Ang mga mamamayan1:15 Ang mga mamamayan: sa Hebreo, Ang birhen na anak na babae. ng Juda ay naging tulad ng ubas na ipinasok ng Panginoon sa pigaan at tinapak-tapakan. 16Iyan ang dahilan kung bakit umiiyak ako. Walang nagpapalakas sa akin ni walang umaalo. Nakakaawa ang aking mga mamamayan dahil natalo sila ng kanilang mga kaaway.”

17Humingi ng tulong ang Jerusalem pero walang tumulong sa kanya. Sapagkat niloob ng Panginoon na makaaway ng lahi ni Jacob ang mga bansa sa palibot niya. Itinuring nilang napakarumi ng Jerusalem sa paningin nila.

18Sinabi ng Jerusalem, “Matuwid ang Panginoon, pero hindi ko sinunod ang kanyang mga utos. Kaya lahat kayo, pakinggan ninyo ako at tingnan ang aking paghihirap. Ang mga kabataan kong babae at lalaki ay binihag. 19Humingi ako ng tulong sa aking mga kakampi pero pinagtaksilan nila ako. Namatay ang aking mga pari at ang mga tagapamahala ng lungsod habang naghahanap ng pagkain para mabuhay.

20Panginoon, masdan nʼyo po ang aking kagipitan! Nababagabag at parang pinipiga ang puso ko, dahil naghihimagsik ako sa inyo. Kabi-kabila ang patayan sa aking mga lansangan pati na sa loob ng bahay ko. 21Narinig ng mga tao ang pagdaing ko ngunit wala kahit isang umaalo sa akin. Nalaman ng lahat ng kaaway ko ang aking mga paghihirap at natuwa sila sa ginawa nʼyong ito sa akin. Dumating na sana ang araw na ipinangako nʼyong pagpaparusa sa kanila, para maging katulad ko rin sila. 22Masdan nʼyo ang lahat ng kasamaang ginagawa nila; parusahan nʼyo sila tulad ng pagpaparusa nʼyo sa akin dahil sa lahat ng aking kasalanan. Paulit-ulit akong dumadaing at parang mawawalan na ako ng malay.”