大卫得知扫罗的死讯
1大卫战胜了亚玛力人之后便回到洗革拉,在那里住了两天。那时扫罗已经死了。 2第三天,有一个衣服撕裂、头蒙灰尘的人从扫罗军营中跑到大卫面前,俯伏下拜。 3大卫问他:“你从哪里来?”那人答道:“我是从以色列军营逃出来的。” 4大卫说:“请告诉我那边的情况。”他说:“以色列军溃逃,伤亡惨重,扫罗和他儿子约拿单都死了!” 5大卫又问报信的青年:“你怎么知道扫罗和他儿子约拿单死了?” 6青年说:“我偶然到基利波山,看见扫罗在那里扶枪而立,敌人的战车骑兵紧紧追来。 7他回头看到我,便呼唤我。我说,‘我在这里。’ 8他问我是什么人。我告诉他我是亚玛力人。 9扫罗说他痛苦难当,却又死不掉,要我杀了他。 10我知道他身受重伤,必死无疑,就把他杀了,并取下他头上的王冠和臂上的镯子带来献给我主。”
11大卫就撕裂衣服,他的随从也撕裂衣服。 12他们因扫罗、他的儿子约拿单和耶和华的子民——以色列同胞阵亡而悲哀痛哭,禁食直到黄昏。 13大卫又问报信的青年:“你是哪里的人?”他答道:“我是寄居在以色列的亚玛力人。” 14大卫说:“你怎么敢下手杀耶和华所膏立的王? 15-16你是咎由自取!因为你亲口承认自己杀了耶和华所膏立的王。”大卫随即命令一个年轻的随从杀死他,随从便杀死了他。
大卫的哀歌
17大卫作了一首挽歌哀悼扫罗和他儿子约拿单, 18并吩咐人教导犹大人唱这首弓歌。这首歌记在《雅煞珥书》上,歌词说:
19“以色列啊,
你荣耀的王伏尸山上,
伟大的勇士竟然倒下!
20不要在迦特宣告,
不要在亚实基伦的街上传扬,
免得非利士的妇女幸灾乐祸,
免得未受割礼之人的女子欢喜雀跃。
21“基利波山啊,愿你没有雨露,
你的田地不长献祭用的五谷,
因为在那里勇士的盾牌污迹斑斑,
扫罗的盾牌没有抹油。
22“约拿单的弓射敌无数,
扫罗的剑不杀强敌不收回。
23“扫罗和约拿单深受爱戴,
生死不分离。
他们比鹰更敏捷,
比狮子还强壮。
24“以色列的女子啊,
为扫罗哀哭吧!
他曾使你们衣服华美,
穿金戴银。
25“勇士竟战死沙场!
约拿单竟伏尸山上!
26我的兄弟约拿单啊,
我为你悲伤,
你对我情深义重,
你对我的爱胜过女人的恋情。
27“伟大的勇士竟然倒下!
兵器竟然长埋!”
Nalaman ni David ang Pagkamatay ni Saul
1Bumalik sina David sa Ziklag pagkatapos nilang matalo ang mga Amalekita. Patay na noon si Saul. Nanatili sila ng dalawang araw sa Ziklag. 2Nang ikatlong araw, may dumating na tao sa Ziklag mula sa kampo ni Saul; punit ang damit niya at may alikabok ang ulo bilang pagluluksa. Lumapit siya kay David at yumukod bilang paggalang sa kanya. 3Tinanong siya ni David, “Saan ka nanggaling?” Sumagot siya, “Nakatakas po ako mula sa kampo ng mga Israelita.” 4Nagtanong si David, “Bakit, ano ang nangyari? Sabihin mo sa akin.” Sinabi niya, “Tumakas po ang mga sundalo ng Israel sa labanan. Maraming napatay sa kanila pati na po si Saul at ang anak niyang si Jonatan.” 5Nagtanong si David sa binata, “Paano mo nalamang patay na sina Saul at Jonatan?” 6Ikinuwento ng binata ang nangyari, “Nagkataon na nandoon po ako sa Bundok ng Gilboa, at nakita ko roon si Saul na nakasandal sa sibat niya. Palapit na po sa kanya ang mga kalaban na nakasakay sa mga karwahe at kabayo. 7Nang lumingon siya, nakita niya ako at tinawag niya ako. Sumagot ako, ‘Ano po ang maitutulong ko?’ 8Tinanong niya kung sino ako. Sumagot ako na isa akong Amalekita. 9Pagkatapos, nakiusap siya sa akin, ‘Lumapit ka rito at patayin mo ako, tapusin mo na ang paghihirap ko. Gusto ko nang mamatay dahil hirap na ako sa kalagayan ko.’ 10Kaya nilapitan ko siya at pinatay dahil alam kong hindi na rin siya mabubuhay sa grabeng sugat na natamo niya. Pagkatapos, kinuha ko po ang korona sa ulo niya at pulseras sa kamay niya, at dinala ko po rito sa inyo.”
11Nang marinig ito ni David at ng mga tauhan niya, pinunit nila ang kanilang mga damit bilang pagluluksa. 12Umiyak at nag-ayuno sila hanggang gabi para kay Saul at sa anak nitong si Jonatan, at para sa mga mamamayan ng Panginoon, ang bayan ng Israel, dahil marami ang namatay sa digmaan. 13Tinanong pa ni David ang binatang nagbalita sa kanya, “Taga-saan ka?” Sumagot siya, “Isa po akong dayuhang Amalekita na nakatira sa lupain ninyo.” 14Nagtanong si David, “Bakit hindi ka man lang natakot na patayin ang piniling hari ng Panginoon?” 15Pagkatapos, tinawag ni David ang isa sa mga tauhan niya at inutusan, “Patayin mo ang taong ito!” Pinatay nga ng tauhan niya ang tao. 16Sinabi ni David, “Ikaw ang dapat sisihin sa kamatayan mo. Ikaw na mismo ang tumestigo laban sa sarili mo nang sabihin mong pinatay mo ang piniling hari ng Panginoon.”
Ang Awit ng Kalungkutan ni David para kina Saul at Jonatan
17Gumawa si David ng isang awit para kay Saul at sa anak nitong si Jonatan, 18at iniutos niyang ituro ito sa mga mamamayan ng Juda. Tinawag itong Awit Tungkol sa Pana at nakasulat ito sa Aklat ni Jashar. Ito ang panaghoy niya:
19“O Israel, ang mga dakilang mandirigma moʼy namatay sa kabundukan mismo ng Israel.
Napatay din ang mga magigiting mong sundalo.
20Huwag itong ipaalam sa Gat, o sa mga lansangan ng Ashkelon,
baka ikagalak ito ng mga babaeng Filisteo na hindi nakakakilala sa Dios.
21O Bundok ng Gilboa, wala sanang ulan o hamog na dumating sa iyo.
Wala sanang tumubong pananim sa iyong bukirin upang ihandog sa Dios.1:21 upang ihandog sa Dios: o, sa sambahan sa matataas na lugar.
Sapagkat diyan nadungisan ng mga kaaway ang pananggalang ng magiting na si Haring Saul.
At wala nang magpapahid dito ng langis upang itoʼy linisin at pakintabin.
22Sa pamamagitan ng espada ni Saul at pana ni Jonatan, maraming magigiting na kalaban ang kanilang napatay.
23Minahal at kinagiliwan ng mga Israelita sina Saul at Jonatan.
Magkasama sila sa buhay at kamatayan.
Sa digmaan, mas mabilis pa sila sa agila at mas malakas pa sa leon.
24Mga babae ng Israel, magdalamhati kayo para kay Saul.
Dahil sa kanyaʼy nakapagsuot kayo ng mga mamahaling damit at alahas na ginto.
25Ang magigiting na sundalo ng Israel ay napatay sa labanan.
Pinatay din si Jonatan sa inyong kabundukan.
26Nagdadalamhati ako sa iyo, Jonatan kapatid ko!
Mahal na mahal kita; ang pagmamahal mo sa akin ay mas higit pa sa pagmamahal ng mga babae.
27Nangabuwal ang magigiting na sundalo ng Israel.
Ang kanilang mga sandataʼy nangawala.”