提摩太前书 3 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible 2022 (Simplified)

提摩太前书 3:1-16

监督与执事的资格

1“人若渴望做教会的监督,就是在爱慕尊贵的工作。”这句话千真万确。 2做监督的人必须无可指责,只有一位妻子,为人节制自律、受人尊敬、乐于接待客旅、善于教导、 3待人温和,不酗酒、不好斗、不争吵、不贪财, 4善于管理自己的家,受儿女的敬重和孝顺。 5一个人要是不懂得管理自己的家,又怎能照顾上帝的教会呢? 6初信主的人不可做监督,免得他自高自大,遭受魔鬼所受的惩罚。 7做监督的在教会以外也必须有好名声,以免被人指责,陷入魔鬼的圈套。

8同样,做执事的也要品行端正,说话诚实,不好酒,不贪财, 9要存着清洁的良心持守奥妙的真道。 10他们要先接受考验,倘若无可指责,就可以立他们为执事。 11执事的妻子3:11 “执事的妻子”或译“女执事”。也要品行端正,不搬弄是非,为人节制,做事忠心。 12执事只能有一位妻子,他要管好自己的儿女和自己的家。 13尽忠职守的执事能得到好声誉,也会对基督耶稣有坚定的信心。

奥妙无比的信仰

14我希望能尽快去你那里,但还是先写信告诉你这些事。 15这样,如果我行期延误,你也可以知道在上帝的家中该怎么做。这家是永活上帝的教会,是真理的柱石和根基。 16毫无疑问,我们伟大的信仰奥妙无比:

祂以肉身显现,

被圣灵证明为义,

被天使看见,

被传扬到列邦,

被世人信奉,

被接到天上的荣耀中。

Tagalog Contemporary Bible

1 Timoteo 3:1-16

Ang mga Namumuno sa Iglesya

1Totoo ang kasabihan na ang nagnanais na mamuno sa iglesya ay nagnanais ng mabuting gawain. 2Kailangan na ang namumuno ay walang kapintasan,3:2 walang kapintasan: o, may magandang reputasyon. iisa ang asawa, marunong magpigil sa sarili, marunong magpasya kung ano ang nararapat, kagalang-galang, bukas ang tahanan sa mga tao, at magaling magturo. 3Hindi siya dapat lasenggo, hindi marahas kundi mahinahon, hindi palaaway, at hindi mukhang pera. 4Kailangan ding mahusay siyang mamahala sa pamilya niya; iginagalang at sinusunod ng mga anak niya. 5Sapagkat kung hindi siya marunong mamahala sa sariling pamilya, paano siya makakapangasiwa nang maayos sa iglesya? 6Dapat ay hindi siya bagong mananampalataya, at baka maging mayabang siya at mahatulan katulad ni Satanas. 7Bukod pa rito, kailangang iginagalang siya ng mga hindi miyembro ng iglesya para hindi siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diablo.

Ang mga Tagapaglingkod sa Iglesya

8Ganoon din naman sa mga tagapaglingkod sa iglesya:3:8 tagapaglingkod sa iglesya: sa Griego, diakonos. kailangang kagalang-galang sila, tapat sa kanilang salita, hindi lasenggo, at hindi sakim. 9Kailangang iniingatan nila nang may malinis na konsensya ang ipinahayag na katotohanan tungkol sa pananampalataya kay Cristo. 10Kailangan ding masubok muna sila; at kung mapatunayang karapat-dapat, hayaan silang makapaglingkod. 11Kailangang kagalang-galang din ang mga asawa nila, hindi mapanira sa kapwa, marunong magpigil sa sarili, at maaasahan sa lahat ng bagay. 12Dapat iisa lang ang asawa ng mga tagapaglingkod at mahusay mamahala ng kanilang pamilya. 13Ang mga naglilingkod nang mabuti ay iginagalang ng mga tao at hindi na natatakot magsalita tungkol sa pananampalataya nila kay Cristo Jesus.

Ang Hiwaga ng Ating Pananampalataya

14Kahit na inaasahan kong makakapunta riyan sa iyo sa lalong madaling panahon, isinulat ko pa rin ang tagubiling ito para 15kung sakaling maantala ako, alam mo na kung ano ang dapat ugaliin ng mga mananampalataya bilang pamilya ng Dios. Tayong mga mananampalataya ang iglesya ng buhay na Dios, ang haligi at saligan ng katotohanan. 16Tunay na napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihiyon:

Nagpakita siya bilang tao,

pinatotohanan ng Banal na Espiritu na siyaʼy matuwid,

nakita siya ng mga anghel,

ipinangaral sa mga bansa,

pinaniwalaan ng mundo,

at dinala sa langit.