Chinese Contemporary Bible (Simplified)

提摩太前书 1:1-20

1保罗奉我们救主上帝和赐我们盼望的基督耶稣的命令,做基督耶稣的使徒, 2写信给因信主而做我真儿子的提摩太

愿父上帝和我们的主基督耶稣的恩典、怜悯和平安临到你!

谨防异端邪说

3我去马其顿的时候,曾经劝你继续留在以弗所,好命令那几个人不要传讲异端邪说, 4也不要沉迷于虚构的神话和冗长的家谱,因为这些事只会引起无用的猜测和辩论,无法帮助人凭信心认识上帝的救赎计划。 5制止这些人的目的是为了爱,这爱来自于清洁的心、无亏的良心和真实无伪的信心。 6可惜有些人却偏离这些,转向空洞的谈论。 7他们想做律法教师,却不明白自己所谈论所主张的。

8我们知道,只要用得合宜,律法本是好的。 9因为律法并不是为义人设的,而是为了对付那些目无法纪、大逆不道、不敬畏上帝、犯罪作恶、不圣洁、贪恋世俗、谋杀父母、行凶害命、 10淫乱、同性恋、拐卖人口、说谎、起假誓的人,以及其他违反正道的人。 11这正道来自当受称颂的上帝托付我传扬的荣耀福音。

感谢上帝的怜悯

12我感谢赐我力量的主基督耶稣,因为祂视我忠心可靠,派我事奉祂。 13尽管我从前是个亵渎上帝、迫害和侮辱信徒的人,但我仍然蒙了怜悯,因为那时我无知,还没有信耶稣。 14主赐给我丰富的恩典,使我在基督耶稣里有信心和爱心。

15有句话千真万确、完全可信,就是“基督耶稣降世,为要拯救罪人。”在罪人中我是个罪魁, 16但我依然蒙了怜悯,因为耶稣基督要在我这个罪魁身上彰显祂无限的忍耐,使我做那些要信靠祂并得到永生之人的榜样。

17愿尊贵、荣耀归给那位不朽的、肉眼不能见的万世君王——独一无二的上帝,直到永远。阿们!

18我儿提摩太啊,我依照从前有关你的预言,把这命令托付给你,好使你借此打美好的仗。 19你要持守信心和无亏的良心。有些人丧掉良心,结果他们的信仰就像船触了礁, 20其中有许米乃亚历山大。我已经把他们交给撒旦,使他们受些教训,不敢再说亵渎的话。

Tagalog Contemporary Bible

1 Timoteo 1:1-20

1Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas at ni Cristo Jesus na ating pag-asa.

2Mahal kong Timoteo, tunay kong anak sa pananampalataya:

Sumaiyo nawa ang biyaya, awa at kapayapaang galing sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

Babala sa mga Maling Aral

3Gaya ng ibinilin ko sa iyo noong papunta ako sa Macedonia, manatili ka muna riyan sa Efeso para patigilin ang ilang tao riyan na nagtuturo ng maling doktrina. 4Pagsabihan mo rin sila na huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga walang kabuluhang alamat at ang pagsasaliksik sa kung sinu-sino ang mga ninuno nila. Nagdudulot lang ng pagtatalo-talo ang mga bagay na ito. Hindi ito makakatulong para malaman nila ang kalooban ng Dios. Malalaman lang natin ito sa pamamagitan ng pananampalataya. 5Ang layunin ng utos kong ito ay magmahalan sila. At magagawa lang nila ito kung malinis ang kanilang puso at konsensya, at kung tunay ang pananampalataya nila. 6May ilang tumalikod na sa mga bagay na ito, at bumaling sa walang kwentang pakikipagtalo. 7Gusto nilang maging tagapagturo ng Kautusan, pero hindi naman nila nauunawaan ang mga sinasabi nila, ni ang mga bagay na pilit nilang pinaniniwalaan.

8Alam nating mabuti ang Kautusan kung ginagamit ito sa wastong paraan. 9Dapat nating alalahanin na hindi ibinigay ang Kautusan para sa mga matuwid kundi para sa mga lumalabag sa batas, suwail, ayaw kumilala sa Dios, makasalanan, walang hilig sa kabanalan, lapastangan, pumapatay sa sariling magulang, at mga mamamatay-tao. 10Ang Kautusan ay ibinigay din para sa mga gumagawa ng sekswal na imoralidad, mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki, kidnaper, sinungaling at tumetestigo nang hindi totoo, at sa sinumang sumasalungat sa tamang aral 11na naaayon sa Magandang Balita ng1:11 sa Magandang Balita ng: o, sa Magandang Balita tungkol sa. dakila at mapagpalang Dios. Ipinagkatiwala sa akin Ang Magandang Balitang ito para ipahayag.

Pasasalamat sa Awa ng Dios

12Nagpapasalamat ako kay Cristo Jesus na ating Panginoon na nagbigay sa akin ng lakas na maglingkod sa kanya, dahil itinuring niya akong mapagkakatiwalaan. Kaya nga pinili niya akong maglingkod sa kanya, 13kahit na nilapastangan ko siya noong una. Bukod pa riyan, inusig at nilait ko ang mga sumasampalataya sa kanya. Ngunit kinaawaan ako ng Dios, dahil ginawa ko ito noong hindi pa ako sumasampalataya sa kanya at hindi ko alam ang ginagawa ko. 14Sadyang napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa akin ng ating Panginoon, pati na ang pag-ibig at pananampalataya, na napasaatin dahil kay Cristo Jesus. 15Ito ang katotohanang dapat tanggapin at paniwalaan ng lahat: naparito si Cristo Jesus sa mundo para iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamakasalanan sa lahat. 16Ngunit kinaawaan ako ng Dios para maipakita ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ko kung gaano siya katiyaga sa mga makasalanan. Magsisilbing halimbawa ang ginawa ni Cristo sa akin para sa iba na sasampalataya sa kanya na pagkakalooban niya ng buhay na walang hanggan. 17Purihin at dakilain magpakailanman ang Haring walang hanggan at walang kamatayan – ang di-nakikita at nag-iisang Dios. Amen.

18Timoteo, anak ko, ibinibilin ko sa iyo na huwag mong kalimutan ang sinabi noon ng mga propeta tungkol sa iyo, para magawa mong makipaglaban nang mabuti sa mga sumasalungat sa katotohanan. 19Ingatan mo ang pananampalataya mo at panatilihin mong malinis ang konsensya mo. May mga taong hindi nakinig sa konsensya nila, at dahil dito, sinira nila ang kanilang pananampalataya. 20Kabilang na rito sina Hymeneus at Alexander na ipinaubaya ko na kay Satanas para maturuang huwag lumapastangan sa Dios.