帖撒罗尼迦后书 2 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible 2022 (Simplified)

帖撒罗尼迦后书 2:1-17

主再来的先兆

1弟兄姊妹,关于主耶稣基督再来和我们到祂那里相聚的事情, 2我们现在奉劝你们:无论是什么灵,或是传闻,或是冒充我们写的信,说主的日子已经到了,你们都不要轻易动摇,也不要惊慌。 3不管别人用什么诡计,你们都不要上当。因为那日子来临之前,必有离经叛道的事发生,而那不法之徒,就是那注定灭亡的人也要出现。 4他会抵挡主,高抬自己超过一切所谓的神明和人们崇拜的对象,甚至坐在上帝的殿中以上帝自居!

5我还在你们那里的时候,曾告诉过你们这些事,你们忘记了吗? 6现在,你们知道是什么拦阻他,使他到了所定的时间才出现。 7其实那不法之徒的阴谋已经在酝酿中,然而现在有一位在拦阻他。等到拦阻他的那位一离开, 8他就会出现,但主耶稣会用自己口中的气毁灭他,用从天降临的荣光废掉他。

9他来要按照撒旦的伎俩行各种虚假的异能、神迹和奇事, 10用尽各种诡计欺骗那些将要灭亡的人,因为他们不喜欢接受那能拯救他们的真理。 11上帝就让他们是非不辨,去相信那些虚假的谎言, 12使一切不相信真理、反喜爱不义的人都被定罪。

要坚定不移

13主所爱的弟兄姊妹,我们应当常常为你们感谢上帝,因为上帝一开始就拣选了你们2:13 “一开始就拣选了你们”有古卷作“拣选你们作初熟的果子”。,使你们借着圣灵得以圣洁,并且相信真理,从而得救。 14为此,上帝借着我们所传的福音呼召了你们,使你们可以得到我们主耶稣基督的荣耀。 15所以,各位弟兄姊妹,务要坚定不移,无论是我们信上的教导还是口头的教导,你们都要坚守。

16愿主耶稣基督和爱我们、开恩将永远的安慰和美好的盼望赐给我们的父上帝, 17安慰你们的心,使你们在一切善行善言上刚强。

Tagalog Contemporary Bible

2 Tesalonica 2:1-17

Ang mga Mangyayari Bago Bumalik ang Panginoon

1Tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon natin sa kanya, hinihiling namin, mga kapatid, 2na huwag kayong mag-alala o mabahala dahil sa mga taong nagsasabing bumalik na ang Panginoon. Huwag kayong maniwala kahit sabihin pa nilang sinabi ito ng Espiritu sa kanila, nabalitaan, o nabasa man sa isang sulat na galing daw sa amin. 3Huwag kayong magpadaya sa kanila sa anumang paraan. Sapagkat hindi darating ang araw ng pagbabalik ng Panginoon hanggaʼt hindi pa nagsisimula ang huling paghihimagsik ng mga tao sa Dios, at hindi pa dumarating ang masamang tao na itinalaga sa walang hanggang kaparusahan. 4Kakalabanin niya ang lahat ng sinasamba at itinuturing na dios ng mga tao, at itataas ang sarili sa lahat ng mga ito. Uupo siya sa loob ng templo ng Dios at itatanghal ang sarili bilang Dios.

5Hindi baʼt sinabi ko na ang mga bagay na ito nang kasama nʼyo pa ako riyan? 6Alam nʼyo kung ano ang pumipigil sa pagpapakita niya. Ngunit sa takdang panahon, magpapakita siya. 7Kahit ngayon, palihim nang kumikilos ang kasamaan ng taong ito, at mananatiling palihim hanggaʼt hindi pa inaalis ang pumipigil sa pagpapakita niya. 8Ihahayag siya kapag inalis na ang pumipigil. Ngunit sa pagdating ng Panginoong Jesu-Cristo, papatayin niya ang masamang taong ito sa pamamagitan lang ng isang ihip niya.

9Ihahayag ang taong masama na taglay ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng nakalilinlang na himala, kababalaghan, at kamangha-manghang bagay. 10Gagamitin niya ang lahat ng uri ng pandaraya sa mga taong mapapahamak. Mapapahamak sila dahil ayaw nilang pahalagahan ang katotohanang makakapagligtas sana sa kanila. 11Kaya pababayaan na lang sila ng Dios sa matinding pagkalinlang para maniwala sila sa kasinungalingan, 12nang sa ganoon, maparusahan ang lahat ng ayaw maniwala sa katotohanan at nagpakaligaya sa kasamaan.

Pinili Kayo para Hindi Mahatulan

13Mga kapatid, lagi kaming nagpapasalamat sa Dios dahil sa inyo na mga minamahal ng Panginoon. At nararapat lang kaming magpasalamat, dahil noong una pa man ay pinili na kayong maligtas ng Dios sa pamamagitan ng Espiritung nagpapabanal sa inyo, at sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo sa katotohanan. 14Tinawag kayo ng Dios sa pamamagitan ng Magandang Balita na ipinahayag namin sa inyo para makabahagi kayo sa kadakilaan ng Panginoong Jesu-Cristo. 15Kaya nga, mga kapatid, manatili kayong matatag at panghawakan nʼyo ang mga itinuro namin sa inyo, maging sa salita o sa sulat. 16-17Aliwin at palakasin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng Dios na ating Ama. Mahal tayo ng Dios at siya ang nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at kalakasan, at matibay na pag-asa dahil sa biyaya niya. At nawaʼy bigyan din niya kayo ng lakas ng loob na maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti.