1我保罗同西拉和提摩太写信给帖撒罗尼迦属于我们父上帝和主耶稣基督的教会。
2愿我们的父上帝和主耶稣基督赐给你们恩典和平安!
感恩与劝勉
3弟兄姊妹,我们应当常常为你们感谢上帝,这是合宜的,因为你们的信心不断增长,彼此相爱的心也不断增加。 4因此,我们在上帝的众教会中夸奖你们在各种迫害和患难中的坚忍和信心。 5你们这种表现正是上帝公义审判的明证,使你们配进上帝的国,你们正在为这国受苦。
6上帝是公义的,祂必以患难来报应那些迫害你们的人。 7当主耶稣和祂大能的天使在烈焰中从天上显现时,祂必使你们这些受苦的人和我们同得安慰, 8惩罚那些不认识上帝、不听从有关我们主耶稣之福音的人。 9那些人要受的刑罚就是离开主的面和祂荣耀的权能,永远灭亡。 10主降临的那日,祂要在祂的众圣徒中得到荣耀,使所有的信徒惊叹不已。你们也会在当中,因为你们相信了我们做的见证。
11因此,我们常常为你们祷告,愿我们的上帝看你们配得祂的呼召,用大能成全你们一切美好的心愿和凭信心所做的工作。 12这样,按照我们的上帝和主耶稣基督所赐的恩典,主耶稣基督的名便在你们身上得到荣耀,你们也在祂身上得到荣耀。
1Mula kay Pablo, kasama sina Silas at Timoteo.
Mahal kong mga kapatid sa iglesya1:1 iglesya: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. diyan sa Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo:
2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Ang Pagbabalik ni Cristo at ang Paghuhukom
3Mga kapatid, lagi kaming nagpapasalamat sa Dios dahil sa inyo. Nararapat lang na gawin namin ito, dahil patuloy na lumalago ang pananampalataya nʼyo kay Cristo at pagmamahalan sa isaʼt isa. 4Kaya naman, ipinagmamalaki namin kayo sa mga iglesya ng Dios sa ibang lugar dahil sa katatagan at pananampalataya nʼyo, sa kabila ng lahat ng dinaranas ninyong paghihirap at pag-uusig.
5Nagpapatunay ang mga ito na makatarungan ang hatol ng Dios, dahil ang dinaranas ninyong paghihirap para sa kaharian niya ay gagamitin niyang patotoo na karapat-dapat nga kayong mapabilang dito. 6Gagawin ng Dios ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo. 7At kayong mga naghihirap ay bibigyan niya ng kapahingahan kasama namin. Mangyayari ito pagbalik ng Panginoong Jesus galing sa langit kasama ng makapangyarihan niyang mga anghel. 8Darating siyang napapalibutan ng nagliliyab na apoy, at parurusahan niya ang mga hindi kumikilala sa Dios at hindi sumusunod sa Magandang Balita tungkol sa ating Panginoong Jesus. 9Parurusahan sila ng walang hanggang paghihirap at pagkawalay sa Panginoon, at hindi na nila makikita pa ang dakila niyang kapangyarihan. 10Mangyayari ito sa araw ng pagbabalik niya, at papapurihan at pararangalan siya ng mga pinabanal niya na walang iba kundi ang lahat ng sumasampalataya sa kanya. Kabilang kayo rito, dahil sumampalataya kayo sa ipinahayag namin sa inyo.
11Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya. At dalangin din namin na sa tulong ng kapangyarihan niya, magawa nʼyo ang lahat ng mabubuting bagay na gusto ninyong gawin dahil sa inyong pananampalataya. 12Sa ganitong paraan, mapaparangalan nʼyo ang ating Panginoong Jesus at kayo naman ay mapaparangalan niya ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesu-Cristo.