帖撒罗尼迦前书 5 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible 2022 (Simplified)

帖撒罗尼迦前书 5:1-28

主来的日子

1弟兄姊妹,这件事会在什么日期、什么时候发生,不必我写信告诉你们, 2因为你们已经清楚知道,主的日子会像夜间的贼一样突然临到。 3当人们正在说一切平安稳妥的时候,灾祸会像产痛临到孕妇一样突然临到他们,他们将无法逃脱。

4然而,弟兄姊妹,你们不是活在黑暗里,因此那日子不会像贼一样突然临到你们。 5你们都是光明之子,白昼之子。我们既不属于黑夜,也不属于黑暗。 6所以不要像其他人一样沉睡,要警醒戒备, 7因为睡觉的人是在夜里睡,醉酒的人是在夜里醉。 8我们既属于白昼,就应当保持清醒,要把信心和爱心当作护心镜遮胸,把得救的盼望当作头盔戴上。 9因为上帝不是预定我们受惩罚,而是预定我们靠着主耶稣基督得救。 10主替我们死,使我们无论是醒是睡5:10 “是醒是睡”或译“是生是死”。,都可以与祂同活。 11所以,你们要彼此鼓励、互相造就,正如你们一向所做的。

劝勉与问候

12弟兄姊妹,我劝你们要敬重那些在你们当中辛勤工作、在主里领导和劝诫你们的人。 13因为他们的工作,你们要怀着爱心格外敬重他们。你们要彼此和睦相处。 14弟兄姊妹,我劝你们要告诫懒惰的人,鼓励灰心的人,扶持软弱的人,耐心对待所有的人。 15你们要小心,谁都不可冤冤相报,总要彼此善待,也要善待众人。

16要常常喜乐, 17不断地祷告, 18凡事谢恩,因为这是上帝在基督耶稣里给你们的旨意。

19不要抑制圣灵的感动, 20不要轻视先知的信息。 21凡事都要小心察验,持守良善的事, 22杜绝所有的恶事。

23愿赐平安的上帝亲自使你们完全圣洁!愿祂保守你们的灵、魂、体,使你们在主耶稣基督再来的时候无可指责! 24呼召你们的主是信实可靠的,祂必为你们成就这事。

25弟兄姊妹,请为我们祷告。 26要以圣洁的吻问候众弟兄姊妹。 27我奉主的名吩咐你们把这封信读给所有弟兄姊妹听。

28愿我们主耶稣基督的恩典与你们同在!

Tagalog Contemporary Bible

1 Tesalonica 5:1-28

Maging Handa sa Pagbalik ng Panginoon

1Mga kapatid, hindi ko na kailangang isulat pa sa inyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na ito, 2dahil alam na ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay katulad ng pagdating ng isang magnanakaw sa gabi. 3Mangyayari ito habang inaakala ng mga tao na mapayapa at ligtas ang kalagayan nila. Biglang darating ang kapahamakan nila katulad ng pagsumpong ng sakit na nararamdaman ng babaeng manganganak na. At hindi sila makakaligtas. 4Ngunit kayo, mga kapatid ay hindi namumuhay sa kadiliman. Kaya hindi kayo mabibigla sa araw ng pagbabalik ng Panginoon katulad ng pagkabigla ng isang tao sa pagdating ng magnanakaw. 5Dahil namumuhay na kayong lahat sa liwanag at hindi sa kadiliman. 6Kaya nga, huwag tayong maging pabaya katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili. 7Sapagkat ang taong namumuhay sa kadiliman ay katulad ng taong pabaya na natutulog o katulad ng lasing na walang pagpipigil sa sarili.5:7 sa literal, Sapagkat ang taong natutulog ay sa gabi natutulog; at ang taong naglalasing ay sa gabi naglalasing. 8Pero dahil namumuhay na tayo sa liwanag, dapat ay may pagpipigil tayo sa sarili. Gawin natin bilang panangga sa dibdib ang pananampalataya at pag-ibig, at bilang helmet naman ang pag-asa natin sa pagliligtas sa atin ng Dios. 9Sapagkat hindi tayo itinalaga ng Dios para sa kaparusahan, kundi para sa pagtatamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 10Namatay siya para sa atin, para kahit buhay pa tayo o patay na sa pagbalik niya ay mabuhay tayo sa piling niya. 11Dahil dito, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.

Mga Pangwakas na Bilin at Pagbati

12Hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na pahalagahan ninyo ang mga naglilingkod sa inyo na pinili ng Panginoon para mamuno at mangaral sa inyo. 13Ibigay nʼyo sa kanila ang lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa gawain nila. Mamuhay kayo nang may mabuting pakikitungo sa isaʼt isa.

14Nakikiusap kami sa inyo, mga kapatid, na pagsabihan nʼyo ang mga tamad. Palakasin ang mga mahihina sa pananampalataya nila. Maging mapagpasensya kayo sa lahat. 15Huwag na huwag ninyong gagantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, sa halip, sikapin ninyong makagawa ng mabuti sa isaʼt isa at sa lahat. 16Lagi kayong magalak, 17laging manalangin, 18at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.

19Huwag ninyong hadlangan ang ginagawa ng Banal na Espiritu, 20at huwag ninyong hamakin ang mga pahayag ng Dios. 21Sa halip, suriin ninyong mabuti ang lahat para malaman kung galing ito sa Dios o hindi. Panghawakan nʼyo ang mabuti, 22at iwasan ang lahat ng uri ng kasamaan.

23Pakabanalin nawa kayong lubos ng Dios na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawaʼy panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong pagkatao – ang espiritu, kaluluwa at katawan – hanggang sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 24Tapat ang Dios na tumawag sa inyo, at gagawin niya itong mga sinasabi namin.

25Ipanalangin nʼyo rin kami, mga kapatid.

26Magiliw ninyong batiin ang lahat ng mga kapatid diyan.5:26 sa literal, Batiin nʼyo ng banal na halik ang lahat ng mga kapatid.

27Iniuutos ko sa inyo, sa pangalan ng Panginoon, na basahin ninyo ang liham na ito sa lahat ng mga kapatid.

28Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Jesu-Cristo.