帖撒罗尼迦前书 3 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

帖撒罗尼迦前书 3:1-13

1最后我们无法再忍受思念之苦,就决定我们这些人留在雅典, 2提摩太去你们那里。他在传扬基督福音的事工上是我们的弟兄、上帝的同工。他去是要鼓励你们,使你们信心坚定, 3免得有人因遭受这些患难而动摇,因为你们知道我们必遭受患难。 4我们在你们那里时曾预先告诉过你们,我们会遭遇患难,你们知道后来果然如此。 5因此,我无法再等下去了,就派提摩太到你们那里看看你们的信心如何,免得那诱惑人的诱惑了你们,使我们的心血都白费了。

喜闻佳讯

6现在,提摩太刚从你们那里回来,把有关你们信心和爱心的好消息告诉了我们。他说你们常常思念我们,很想见到我们,就像我们渴望见到你们一样。 7弟兄姊妹,你们的信心使我们在万般困苦和患难中得到了激励。 8得知你们靠着主坚定不移,我们现在感到振奋。 9你们使我们在上帝面前感到非常喜乐,我们该怎样为你们感谢上帝呢! 10我们昼夜恳切祷告,渴望能见到你们,弥补你们信心的不足之处。

11愿我们的父上帝和我们的主耶稣引领我们到你们那里。 12愿主使你们彼此之间的爱和对他人的爱一齐增长,甚至满溢出来,就像我们爱你们一样。 13这样,当我们的主耶稣带着祂的众圣徒再来时,你们可以在我们的父上帝面前心里刚强,完全圣洁,无可指责。

Tagalog Contemporary Bible

1 Tesalonica 3:1-13

1Nang hindi na kami makatiis dahil sa pananabik namin sa inyo, nagpasya kaming magpaiwan na lang sa Athens 2at isugo sa inyo si Timoteo. Kapatid natin siya at kasama naming naglilingkod sa Dios sa pangangaral ng Magandang Balita tungkol kay Cristo. Pinapunta namin siya para patibayin at palakasin ang pananampalataya ninyo, 3para walang panghinaan ng loob sa inyo dahil sa mga nararanasan ninyong pag-uusig Alam naman ninyong kailangan nating pagdaanan ang mga pag-uusig. 4Noong nariyan pa kami sa inyo, lagi namin kayong pinapaalalahanan na makakaranas tayo ng mga pag-uusig. At gaya ng alam nʼyo, ito na nga ang nangyari. 5Kaya nang hindi na ako makatiis, pinapunta ko riyan si Timoteo para makabalita tungkol sa kalagayan ng pananampalataya nʼyo sa Panginoon; dahil nag-aalala ako na baka nanaig na sa inyo si Satanas at nasayang lang ang pagod namin sa pangangaral sa inyo.

6Ngayon, nakabalik na sa amin si Timoteo galing sa inyo. Dala niya ang magandang balita tungkol sa pananampalataya at pag-ibig nʼyo, ang magagandang alaala ninyo tungkol sa amin, at ang pananabik ninyong makita kami gaya ng pananabik namin sa inyo. 7Dahil dito, mga kapatid, sumigla kami sa kabila ng mga paghihirap at problema namin. 8Nabuhayan kami ng loob dahil nananatili kayong matatag sa Panginoon. 9Paano namin mapapasalamatan ang Dios sa lahat ng kagalakang dulot ninyo sa amin dahil sa inyong pananampalataya? 10Araw-gabi, taimtim naming ipinapanalangin na makasama ulit kayo para maturuan kayo at mapunan namin ang anumang kakulangan sa inyong pananampalataya.

11Bigyan nawa kami ng Dios na ating Ama at ng Panginoong Jesus ng paraan para makapunta riyan sa inyo. 12Palaguin nawa at pag-alabin din ng Panginoon ang pag-ibig nʼyo sa bawat isa at sa lahat ng tao, gaya ng pag-ibig namin sa inyo. 13At dahil dito, magiging malakas ang loob nʼyo, at magiging banal at walang kapintasan ang inyong buhay sa harapan ng ating Dios Ama sa araw ng pagbabalik ng ating Panginoong Jesus, kasama ang mga pinili niya.