Chinese Contemporary Bible (Simplified)

希伯来书 1:1-14

划时代的启示

1在古代,上帝曾借着先知以各种方式多次向我们的祖先说话; 2在这世界的末期,祂又借着自己的儿子亲自向我们说话。上帝早已立祂承受万物,并借着祂创造了宇宙万物。 3祂正是上帝荣耀的光辉,是上帝本体的真像。祂用自己充满能力的话语维系万物。祂洗净了世人的罪之后,便坐在天上至高上帝的右边。 4祂既承受了比天使更高的名分,就远超越天使。

5上帝从未对任何一个天使说:

“你是我的儿子,我今日成为你父亲。”

或说:

“我要做你的父亲,你要做我的儿子。”

6上帝差遣祂的长子到世上来时,说:

“上帝的天使都要敬拜祂。”

7上帝提到天使的时候,也只是说:

“上帝使祂的天使成为风,使祂的仆役成为火焰。”

8但论到祂的儿子,祂却说:

“上帝啊,你的宝座永远长存,

你以公义的杖执掌王权。

9你喜爱公义,憎恶邪恶。

所以上帝,你的上帝,

用喜乐之油膏你,使你超过同伴。”

10此外又说:

“主啊,太初你奠立大地的根基,

亲手创造诸天。

11天地都要消亡,但你永远长存。

天地都会像衣服渐渐破旧,

12你要像卷外衣一样把天地卷起来。

天地将如衣服一样被更换,

但你永远不变,

你的年日永无穷尽。”

13上帝从未对任何一个天使说:

“你坐在我的右边,

等我使你的仇敌成为你的脚凳。”

14天使岂不都是服役的灵吗?他们奉差遣,岂不是去为那些将要承受救恩的人服务吗?

Tagalog Contemporary Bible

Hebreo 1:1-14

Ang Salita ng Dios sa Pamamagitan ng Kanyang Anak

1Noong una, nangusap ang Dios sa mga ninuno natin sa ibaʼt ibang panahon at paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2Ngunit nitong mga huling araw, nangusap siya sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan niya, nilikha ng Dios ang sanlibutan, at siya rin ang pinili niyang magmay-ari ng lahat ng bagay. 3Sa kanya makikita ang nagniningning na kadakilaan ng Dios, at kung ano ang Dios ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa mundo sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kanan ng Makapangyarihang Dios doon sa langit.

Mas Dakila ang Anak ng Dios Kaysa sa Mga Anghel

4Kaya naging mas dakila ang Anak ng Dios kaysa sa mga anghel at higit na dakila ang pangalan niya kaysa sa kanila. 5Sapagkat kailanman, wala ni isa man sa mga anghel ang sinabihan ng Dios ng ganito:

“Ikaw ang Anak ko,

at ngayon, ipapahayag ko na ako ang iyong Ama.”1:5 Salmo 2:7.

At wala ring sinabihan ang Dios nang ganito sa sinumang anghel:

“Akoʼy magiging Ama niya,

at siyaʼy magiging Anak ko.”1:5 2 Sam. 7:14; 1 Cro. 17:13.

6At nang isusugo na ng Dios ang kanyang bugtong na Anak sa mundo, sinabi niya,

“Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Dios.”1:6 Deu. 32:43.

7Ito ang sinabi ng Dios tungkol sa mga anghel:

“Ang mga anghel ay magagawa kong hangin.

Sila na mga lingkod ko ay magagawa ko ring nagliliyab na apoy.”1:7 Salmo 104:4.

8Ngunit ito naman ang sinabi ng Dios tungkol sa kanyang Anak:

“O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanman at ang paghahari moʼy makatuwiran.

9Kinalugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamuhian mo ang gumagawa ng masama.

Kaya pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.”1:9 Salmo 45:6-7.

10At sinabi pa niya sa kanyang Anak,

“Sa simula, ikaw Panginoon, ang lumikha ng mundo at ng kalangitan.

11Maglalaho ang mga ito, ngunit mananatili ka magpakailanman.

Maluluma itong lahat tulad ng damit.

12Titiklupin mo ang mga ito tulad ng isang balabal, at papalitan tulad ng damit.

Ngunit hindi ka magbabago, at mananatili kang buhay magpakailanman.”1:12 Salmo 102:25-27.

13Kailanmaʼy hindi sinabi ng Dios sa sinumang anghel:

“Maupo ka sa kanan ko hanggang mapasuko ko sa iyo1:13 mapasuko ko sa iyo: sa literal, gawin kong tuntungan ng paa mo. ang mga kaaway mo.”1:13 Salmo 110:1.

14Kung ganoon, ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod lang sa Dios, at sinusugo niya para tumulong sa mga taong tatanggap ng kaligtasan.