Chinese Contemporary Bible (Simplified)

哈该书 1:1-15

耶和华命令百姓重建圣殿

1大流士王执政第二年六月一日,耶和华借着先知哈该撒拉铁的儿子犹大省长所罗巴伯约撒答的儿子大祭司约书亚说:

2“万军之耶和华说,‘这些百姓说,重建耶和华殿的时候还没到。’” 3因此,耶和华对先知哈该说: 4“这殿还是一片废墟,你们却住在华丽的房子里。 5万军之耶和华说,你们要认真反省自己的行为。 6你们种多收少,吃不饱,喝不足,穿不暖,挣来的工钱却放在漏口袋中。”

7万军之耶和华说:“你们要认真反省自己的行为。 8你们要上山伐木,重建这殿,好让我欢喜并得到尊崇。这是耶和华说的。 9你们盼望丰收,结果收的很少;你们把收成带回家,我却把它们吹走。这是什么缘故?万军之耶和华告诉你们,‘因为你们都忙于建自家的房子,任由我的殿一片废墟。 10所以,天不降雨露,地无出产。 11我让旱灾临到大地、群山、五谷、葡萄、橄榄等地里的出产以及人畜,使你们一切的劳碌付诸东流。’”

12撒拉铁的儿子犹大省长所罗巴伯约撒答的儿子大祭司约书亚和所有的余民1:12 余民”指“从流亡之地归回的人”。听到他们的上帝耶和华借先知哈该所讲的话,都顺服耶和华的话。百姓都敬畏耶和华。 13耶和华的使者哈该向百姓传达耶和华的话,说:“耶和华说,‘我与你们同在。’” 14耶和华感动撒拉铁的儿子犹大省长所罗巴伯约撒答的儿子大祭司约书亚和所有的余民,他们就动工建造他们的上帝万军之耶和华的殿, 15时值大流士王执政第二年六月二十四日。

Tagalog Contemporary Bible

Hageo 1:1-15

Ang Panawagan ng Dios na Muling Ipatayo ang Templo

1Noong unang araw ng ikaanim na buwan, nang ikalawang taon ng paghahari ni Darius sa Persia, may sinabi ang Panginoon kina Zerubabel at Josue sa pamamagitan ni Propeta Hageo. Si Zerubabel na anak ni Shealtiel ang gobernador ng Juda, at si Josue na anak ni Jehozadak ang punong pari.

2-3Ito ang sinabi ng Panginoong Makapangyarihan sa pamamagitan ni Propeta Hageo, “Sinasabi ninyo na hindi pa ito ang panahon upang muling itayo ang aking templo. 4Matitiis nʼyo bang tumira sa magagandang bahay habang wasak ang templo? 5Isipin ninyo ang mga nangyayari sa inyo. 6Marami ang inihasik ninyo, pero kakaunti ang inyong ani. May pagkain nga kayo, pero kulang. May inumin nga kayo, pero hindi rin sapat. May damit kayo, pero giniginaw pa rin kayo. At may tinatanggap kayong sweldo, pero kulang pa rin. 7Kaya isipin ninyo ang mga nangyayari sa inyo. 8Ngayon, umakyat kayo sa bundok at kumuha ng mga kahoy, at itayo ninyong muli ang templo. Sa ganitong paraan, masisiyahan ako at mapaparangalan. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

9Sinabi pa ng Panginoong Makapangyarihan, “Marami ang aning inaasahan ninyo, pero kakaunti lang ang naani ninyo. At sinira ko pa ito nang iuwi ninyo sa inyong bahay. Ginawa ko ito dahil wasak ang aking templo habang ang bawat isa sa inyo ay abalang gumagawa ng bahay ninyo. 10Kaya dahil sa inyo, ang langit ay hindi na magbibigay ng hamog, at ang lupa ay hindi na magbibigay ng ani. 11Pinatuyo ko ang lupain at ang mga kabundukan, kaya naapektuhan ang mga butil, katas ng ubas, langis, at ang iba pang mga ani, maging ang mga tao, at ang kanilang mga hayop at mga pananim.”

12At sinunod nga nina Zerubabel, Josue, at ng lahat ng Israelitang nakabalik sa Israel mula sa pagkabihag sa Babilonia ang sinabi ng Panginoon na kanilang Dios sa pamamagitan ni Propeta Hageo na kanyang sugo. Sa pamamagitan nito, ipinakita nila ang kanilang paggalang sa Panginoon.

13Sinabi ni Hageo na sugo ng Panginoon sa mga Israelita, “Sinasabi ng Panginoon na kasama ninyo siya.” 14Pinalakas ng Panginoon ang loob nina Zerubabel, Josue, at ng lahat ng Israelitang nakabalik sa Israel, upang muling itayo ang templo ng kanilang Panginoong Dios na Makapangyarihan. 15Sinimulan nila ang pagtatayo ng templo noong ika-24 na araw ng ikaanim na buwan, nang ikalawang taon ng paghahari ni Darius.