Chinese Contemporary Bible (Simplified)

俄巴底亚书 1:1-21

1俄巴底亚看到的异象。

耶和华惩罚以东

论到以东

主耶和华这样说:

“我们从耶和华那里听到消息,

有位使者被派到各国,说,

‘来!我们去攻打以东吧!’”

2耶和华对以东说:

“我要让你成为列国中最弱小的国家,

使你饱受藐视。

3你住在悬崖峭壁间,

住在高山上,

自以为谁也不能把你拉下来,

但你的骄傲欺骗了你。

4即使你如鹰高飞,

在星辰间筑巢,

我也必把你拉下来。

这是耶和华说的。

5“盗贼深夜洗劫你的家,

不会洗劫一空;

人们摘葡萄,不会摘光;

但你会被彻底毁灭!

6以扫1:6 以扫”又名“以东”。要被洗劫一空,

他藏的珍宝要被搜去。

7你的盟友将你逐出家园;

你的朋友欺骗你,战胜你;

你的知己设陷阱害你,

你却懵然不知。”

8耶和华说:“到那天,

我要毁灭以东的智者,

除掉以扫山上的明哲。

9提幔的勇士必惊慌失措,

以扫山上的人尽遭杀戮。

惩罚以东的原因

10“因你曾残暴地对待同胞兄弟雅各

你必蒙羞,永遭毁灭。

11外族人掠夺雅各的财物,

攻入耶路撒冷抽签分赃时,

你竟然袖手旁观,

就像他们的同伙一样。

12你的亲族遭难之日,

你不该幸灾乐祸;

犹大人被灭的日子,

你不该兴高采烈;

他们遭难的日子,

你不该口出狂言;

13我子民遭难的日子,

你不该闯进他们的城;

他们遭难的日子,

你不该幸灾乐祸;

他们遭难的日子,

你不该趁火打劫;

14你不该站在路口截杀那些逃亡者;

他们遭难的日子,

你不该把幸存者交给仇敌。

15“耶和华惩罚万国的日子近了。

必按你的所作所为报应你,

你的恶行必落到自己头上。

16你们犹大人在我的圣山上怎样饱饮愤怒,

万国也要照样饮,

且要大口吞下,

直到他们完全消逝。

以色列的复兴

17“然而,锡安山必成为避难所,

成为圣地。

雅各家必得到自己的产业。

18雅各家将成为火,

约瑟家将成为烈焰,

以扫家将成为碎秸,

被火焚烧、吞噬,无一人逃脱。

这是耶和华说的。

19“南地的人将占领以扫山;

丘陵的人将占领非利士

夺取以法莲撒玛利亚

便雅悯人将占领基列

20被掳的以色列人将返回家园,

占领远至撒勒法一带的土地;

耶路撒冷被掳到西法拉的人将占领南地各城。

21拯救者必登上锡安山,

统治以扫山,

耶和华必做王掌权。”

Tagalog Contemporary Bible

Obadias 1:1-21

1Ito ang sinabi ng Panginoong Dios tungkol sa bansa ng Edom, na kanyang ipinahayag kay Obadias.

Parurusahan ng Panginoon ang Edom

Nabalitaan nating mga Israelita mula sa Panginoon, na nagsugo siya ng mensahero sa mga bansa upang hikayatin sila na salakayin ang bansa ng Edom. 2Sapagkat sinabi ng Panginoon sa mga taga-Edom, “Makinig kayo! Gagawin ko kayong pinakamahina sa lahat ng bansa at hahamakin nila kayo. 3Sinasabi ninyo na walang makakapagpabagsak sa inyo dahil nakatira kayo sa lugar na mataas at mabato. Sa pagyayabang ninyong ito, dinadaya lamang ninyo ang inyong mga sarili. 4Sapagkat kahit gawin ninyong kasintaas ng lipad ng agila ang inyong tirahan at paabutin pa ninyo sa mga bituin, ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

5“Hindi baʼt kapag pinasok ng mga magnanakaw ang iyong bahay, ang kinukuha lamang nila ay ang kanilang magustuhan? At hindi baʼt ang mga namimitas ng ubas ay nagtitira ng ilang bunga?1:5 Kaugalian ng mga Israelita na mag-iwan ng mga bunga ng kanilang mga pananim sa panahon ng pag-ani para sa mga dukha. Tingnan sa Lev. 19:10; Deu. 24:21. Maaaring ganito rin ang kaugalian ng mga taga-Edom. Pero kayong lahat ay lilipulin ng inyong mga kaaway. 6Hahanapin nila at kukunin ang lahat ng kayamanan ng mga lahi ni Esau. 7Lilinlangin kayo ng inyong kakamping mga bansa. Ang mga bansang nakipagkaibigan sa inyo ay siya ring sasalakay sa inyo, at palalayasin nila kayo sa bayan ninyo. Silang mga nakisalo sa inyo ang siya pang palihim na maglalagay ng bitag laban sa inyo. 8Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi na sa araw ng paghatol ko sa inyo, lilipulin ko ang marurunong sa inyo. Mawawala ang karunungan sa Edom na tinatawag na Bundok ni Esau. 9Manginginig sa takot ang inyong mga sundalo sa lungsod ng Teman, kaya mamamatay kayong lahat na nakatira sa Bundok ni Esau.”

Ang Kasalanan ng mga Taga-Edom

10“Dahil sa inyong pagmamalupit sa mga lahi ni Jacob, na inyong kalahi, malalagay kayo sa kahihiyan at lilipulin magpakailanman. 11Pinabayaan lamang ninyo ang Jerusalem nang salakayin ng ibang bansa. Pinabayaan ninyong kunin ang kanilang mga ari-arian at paghahati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan. Kayoʼy tulad nila na mga kaaway ng Israel. 12Hindi sana ninyo ikinatuwa ang panahon ng kapahamakan ng mga taga-Juda na inyong kalahi. Hindi sana kayo nagalak sa panahon ng kanilang pagkawasak. At hindi sana kayo nagmalaki sa panahon ng kanilang kahirapan. 13Hindi dapat sana kayo pumasok sa lungsod ng aking mga mamamayan sa panahon ng kanilang kasawian at kumuha ng kanilang mga ari-arian. At hindi sana kayo natuwa sa panahon ng kanilang paghihirap. 14Hindi sana kayo nag-abang sa mga sangang-daan upang patayin ang mga tumatakas mula sa Jerusalem. At hindi sana ninyo sila ibinigay sa mga kaaway sa panahon ng kanilang kasawian.

Parurusahan ng Dios ang mga Bansa

15Hindi sana ninyo ginawa iyon sa mga taga-Jerusalem, dahil malapit na ang araw ng aking paghatol sa lahat ng bansa. At kung ano ang inyong ginawa sa iba, ganoon din ang gagawin sa inyo. Kung paano ang pagtrato nʼyo sa iba, ganoon din ang magiging pagtrato nila sa inyo. 16Kung paanong pinarusahan ang aking mga mamamayan1:16 ang aking mga mamamayan: sa Hebreo, kayo. sa aking banal na bundok,1:16 banal na bundok: o, Bundok ng Zion. parurusahan din ang lahat ng bansa. Matinding parusa ang ibibigay ko sa kanila hanggang malipol silang lahat.

Magtatagumpay ang Israel

17“Pero may matitirang mga Israelita sa bundok ng Zion, at magiging banal muli ang lugar na ito. Maibabalik sa mga lahi ni Jacob ang mga lupain na dati nilang pag-aari. 18Ang mga lahi nina Jacob at Jose1:18 mga lahi nina Jacob at Jose: Si Jacob ay kumakatawan sa mga mamamayan ng Juda, at si Jose naman ay kumakatawan sa mga mamamayan ng Israel. ay magiging tulad ng apoy na lilipol sa lahi ni Esau, tulad ng pagsunog sa dayami. At walang matitira sa lahi ni Esau.” Mangyayari nga ito, dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

19“Sasakupin ng mga Israelitang taga-Negev1:19 Negev: Ang timog ng Juda. ang bundok ni Esau, at sasakupin ng mga Israelitang nakatira sa kaburulan sa kanluran1:19 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela. ay sasakupin naman ang lupain ng mga Filisteo. Sasakupin din ng mga Israelita ang lupain ng Efraim at Samaria, at sasakupin naman ng mga lahi ni Benjamin ang Gilead. 20Sasakupin ng maraming Israelita na galing sa pagkabihag ang lupain ng Canaan hanggang sa Zarefat. Ang mga taga-Jerusalem na binihag sa Sefarad ay sasakupin naman ang mga bayan ng Negev. 21Aakyat sa Bundok ng Zion ang mga tagapagpalaya ng Israel upang pamahalaan ang mga taong naninirahan sa Bundok ni Esau. At ako, ang Panginoon, ang siyang maghahari.”