Yesaia 1 – AKCB & TCB

Akuapem Twi Contemporary Bible

Yesaia 1:1-31

1Saa anisoadehu a ɛfa Yuda ne Yerusalem ho no baa Amos babarima Yesaia so wɔ Yuda ahemfo Usia, Yotam, Ahas ne Hesekia mmere so.

Atuatewman

2Ɔsoro, muntie! Asase, yɛ aso!

Na Awurade akasa:

“Matetew mma ama wɔanyinyin,

nanso wɔatew me so atua.

3Nantwi nim ne wura,

afurum nso nim ne wura mmoa adididaka,

nanso Israel nnim,

me nkurɔfo nte ase.”

4Nnome nka, amumɔyɛ man,

ɔman a wɔn afɔdi so,

nnebɔneyɛfo kuw,

mma a porɔwee ahyɛ wɔn ma!

Wɔatwe wɔn ho afi Awurade ho;

wɔapo Israel Kronkronni no,

wɔadan wɔn akyi akyerɛ no.

5Adɛn nti na mopɛ sɛ wɔkɔ so boro mo?

Adɛn nti na moda so tew atua?

Wɔapira mo ti,

na mo koma nso di yaw.

6Efi mo nan ase kosi mo ti so,

ahomeka biara nni mu,

apirakuru ne ahonhon nko ara

akuru a anim deda hɔ

na wɔnhohoro so anaa wɔnkyekyeree

anaa wɔmfaa ngo nsrasraa so ɛ.

7Mo man ada mpan,

wɔde ogya ahyehyew mo nkuropɔn;

ananafo regye mo mfuw

a mo ani tua,

na asɛe sɛnea ɛyɛɛ bere a ahɔho tuu mo gui no.

8Wɔagyaw Ɔbabea Sion

te sɛ bobeturo mu sese

te sɛ akuraa a esi ɛfere afuw mu,

te sɛ kuropɔn a atamfo atwa ho ahyia.

9Sɛ Asafo Awurade

annyaw yɛn asefo a,

anka yɛayɛ sɛ Sodom,

na yɛadan ayɛ sɛ Gomora.

10Muntie Awurade asɛm,

mo Sodom sodifo;

muntie yɛn Nyankopɔn mmara,

mo Gomorafo!

11“Mo afɔrebɔ ahorow bebree no,

dɛn na ɛyɛ ma me?”

Sɛnea Awurade se ni.

“Mewɔ ɔhyew afɔrebɔde ma ɛboro so,

nea ɛyɛ adwennini ne mmoa a wɔadɔ srade;

mʼani nnye

anantwinini, nguantenmma ne mpapo mogya ho.

12Sɛ moba mʼanim a

hena na obisa eyi fi mo hɔ,

sɛ mutiatia me fi yi?

13Munnyae afɔrebɔde a ɛmfra a mode ba no!

Mo aduhuam yɛ me tan.

Ɔsram foforo, homenna ne nhyiamu ahorow,

mo nhyiamu hunu no afono me.

14Mo ɔsram foforo afahyɛ ne mo aponto a moahyehyɛ,

me kra kyi.

Ayɛ adesoa ama me;

masoa abrɛ.

15Sɛ momema mo nsa so bɔ mpae a,

meyi mʼani ato nkyɛn.

Sɛ mobɔ mpae bebree mpo a

merentie.

“Mogya bebree agu mo nsa ho fi.

16“Munnwira mo ho na mo ho ntew.

Munnyi mo nnebɔne mfi mʼani so!

Munnyae bɔneyɛ,

17Monyɛ papa! Monhwehwɛ atɛntrenee.

Monhyɛ wɔn a wɔhyɛ wɔn so nkuran

Munni mma ayisaa,

monka akunafo nsɛm mma wɔn.

18“Afei mommra na yennwen mmɔ mu,”

sɛnea Awurade se ni.

“Sɛ mo bɔne te sɛ ɔkɔben a,

ɛbɛyɛ fitaa sɛ sukyerɛmma;

mpo sɛ ɛyɛ kɔkɔɔ te sɛ mogya a

ɛbɛyɛ fitaa sɛ asaawa mfuturu.

19Sɛ mopene so na moyɛ osetie a,

mubedi asase no so nnepa.

20Na sɛ moampene na motew atua a,

afoa bedi mo nam.”

Awurade na wakasa.

21Hwɛ sɛnea kuropɔn nokwafo no

adan oguamanfo.

Bere bi, na atɛntrenee ahyɛ no ma

na anka trenee te ne mu,

nanso mprempren, awudifo ahyɛ mu ma!

22Wo dwetɛ adan ade a so nni mfaso,

wɔde nsu afra wo nsa papa mu.

23Wo sodifo yɛ atuatewfo,

akorɔmfo yɔnkonom;

wɔn nyinaa pɛ adanmude,

na wɔpere akyɛde ho.

Wonni mma ayisaa;

na akunafo nsɛm nkɔ wɔn anim.

24Enti, Awurade, Asafo Awurade,

nea ɔyɛ Ɔkɛse ma Israel no ka se,

“Aa, menya ahomegye afi mʼatamfo hɔ

na matɔ wɔn so were.

25Mɛma me nsa so, atia mo;

mɛhohoro mo ho fi korakora

na mayi mo ho nkekae nyinaa.

26Mɛma mo atemmufo bio sɛ kan no,

ne mo afotufo sɛnea na ɛte, mfiase no.

Eyi akyi no, wɔbɛfrɛ wo

Kuropɔn Trenee,

Kuropɔn Nokwafo.”

27Wɔde atɛntrenee begye Sion bio,

na wɔn a wonu wɔn ho no, wɔde trenee begye wɔn.

28Nanso atuatewfo ne nnebɔneyɛfo de, wɔbɛdwerɛw wɔn abɔ mu,

na wɔn a wɔpa Awurade akyi bɛyera.

29“Mo ani bewu, esiane odum anyame a

munyaa wɔn mu anigye no;

wobegu mo anim ase, esiane nturo

a mosom abosom wɔ mu no nti.

30Mobɛyɛ sɛ odum a ne nhaban apo,

ne turo a ennya nsu.

31Ɔhoɔdenfo bɛyɛ sɛ ade a ɛhyew ntɛm

nʼadwuma bɛyɛ sɛ ogya a aturuw;

abien no bɛhyew abɔ mu,

a obiara rentumi nnum.”

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 1:1-31

1Ang aklat na itoʼy tungkol sa ipinahayag ng Dios kay Isaias na anak ni Amoz. Tungkol ito sa Juda at Jerusalem noong magkakasunod na naghari sa Juda sina Uzia, Jotam, Ahaz, at Hezekia.

Ang Makasalanang Bansa

2Pakinggan ninyo langit at lupa, dahil sinabi ng Panginoon, “Inalagaan koʼt pinalaki ang mga Israelita na aking mga anak, pero nagrebelde sila sa akin. 3Kahit ang mga bakaʼy kilala ang kanilang tagapag-alaga,1:3 ang kanilang tagapag-alaga: sa Hebreo, ang mga nagmamay-ari sa kanya. at ang mga asnoʼy alam kung saang sabsaban sila pinapakain ng nagmamay-ari sa kanila, pero ang mga mamamayan kong Israelita ay hindi nakakakilala sa akin.”

4Sila ay bansang makasalanan, mga taong punong-puno ng kasamaan, lahi ng mga gumagawa ng masama at mapaminsala. Itinakwil nila at kinutya ang Panginoon, ang Banal na Dios ng Israel, at siyaʼy tinalikuran nila.

5Mga taga-Israel, bakit patuloy kayong nagrerebelde? Gusto pa ba ninyong maparusahan? Para kayong tao na puro sugat ang ulo at ang pusoʼy puno ng sakit. 6Mula ulo hanggang talampakan, walang bahagi na walang sugat, pasa at pamamaga. Hindi ito nahuhugasan, o nabebendahan, o nagagamot.

7Hindi na mapakinabangan ang inyong bansa; sinunog ng mga dayuhan ang mga lungsod ninyo. Kitang-kita ninyong sinasamsam nila ang mga bunga ng inyong pananim. Sinisira nila ang inyong lupain hanggang sa hindi na mapakinabangan. 8Walang natira kundi ang Jerusalem.1:8 Jerusalem: sa Hebreo, anak na babae ng Zion. Para itong silungan sa isang ubasan o isang kubol sa taniman ng mga pipino na mag-isang nakatayo, at para ring lungsod na pinalibutan ng kaaway. 9Kung ang Panginoong Makapangyarihan ay hindi nagtira ng ilan sa atin, natulad na sana tayo sa Sodom at Gomora.

10Kayong mga pinuno at mga mamamayan ng Jerusalem na katulad ng mga taga-Sodom at Gomora, pakinggan ninyo ang salita at kautusan ng Panginoon na ating Dios. 11Sinabi niya, “Balewala sa akin ang napakarami ninyong handog. Sawang-sawa na ako sa inyong mga handog na sinusunog – ang mga tupa at ang mga taba ng mga pinatabang hayop. Hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro, tupa at mga kambing. 12Sino ang nag-utos sa inyo na dalhin ang lahat ng ito kapag sumasamba kayo sa akin? Sino ang nag-utos sa inyong tumapak sa aking templo? 13Tigilan nʼyo na ang pagdadala ng mga handog na walang silbi. Nasusuklam ako sa amoy ng mga insenso ninyo. Hindi ko na matiis ang mga pagtitipon nʼyo kapag Pista ng Pagsisimula ng Buwan at kapag Araw ng Pamamahinga, dahil kahit na nagtitipon kayo, gumagawa kayo ng kasamaan. 14Nasusuklam ako sa inyong mga Pista ng Bagong Buwan at sa iba pa ninyong mga pista. Sobra-sobra na! Hindi ko na ito matiis!

15“Kapag mananalangin kayo hindi ko kayo papansinin. Kahit paulit-ulit pa kayong manalangin hindi ko kayo pakikinggan dahil marami kayong pinatay na tao. 16Linisin ninyo ang inyong sarili. Tigilan na ninyo ang paggawa ng kasamaan sa aking harapan. 17Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti at pairalin ang katarungan. Sawayin ninyo ang mga nang-aapi1:17 Sawayin ninyo ang mga nang-aapi: o, Tulungan ninyo ang mga inaapi. at ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda.”

18Sinabi pa ng Panginoon, “Halikayoʼt pag-usapan natin ito. Kahit gaano man karumi ang inyong mga kasalanan, lilinisin ko iyan para maging malinis kayo. 19Kung susunod lang kayo sa akin ay pagpapalain ko kayo.1:19 pagpapalain ko kayo: o, makakakain kayo ng pinakamagandang ani ng lupain. 20Pero kung patuloy kayong magrerebelde, tiyak na mamamatay kayo.”

Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon.

Ang Makasalanang Lungsod

21Tingnan ninyo ang lungsod ng Jerusalem. Matapat ito noon, pero ngayoʼy para nang babaeng bayaran. Datiʼy mga taong matuwid ang mga nakatira rito, pero ngayon ay mga mamamatay-tao. 22Jerusalem, datiʼy mahalaga ka tulad ng pilak, pero ngayon ay wala ka nang silbi. Noon para kang mamahaling alak, pero ngayon ay para ka nang alak na may halong tubig. 23Ang mga pinuno moʼy mga suwail at kasabwat ng mga magnanakaw. Gusto nila palagi ng suhol, at nanghihingi ng mga regalo. Hindi nila ipinagtatanggol ang karapatan ng mga ulila at hindi rin nila pinapakinggan ang daing ng mga biyuda.

24Kaya sinabi ng Panginoon, ang Makapangyarihang Dios ng Israel, “Gagaan ang kalooban ko kapag naparusahan ko na kayong mga taga-Jerusalem na aking mga kaaway. 25Parurusahan ko kayo para magbago kayo, katulad ng pilak na dinadalisay sa apoy. 26Muli ko kayong bibigyan ng mga pinuno at mga tagapayo, katulad noong una. At ang lungsod ninyo ay tatawaging lungsod ng mga matuwid at tapat na mga tao.”

27Magsisisi ang mga tao sa Jerusalem,1:27 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. at ito ay ililigtas ng Dios at magiging matuwid ang pagtrato ng mga pinuno sa lahat ng mga mamamayan. 28Pero lilipulin niya ang mga suwail at mga makasalanan, ang mga taong tumalikod sa Panginoon.

29Mapapahiya kayo na mga taga-Jerusalem dahil sa pagsamba ninyo sa mga puno ng ensina at sa mga sagradong halamanan. 30Matutulad kayo sa isang nalalantang puno ng ensina, at sa isang halamanang hindi nadidiligan. 31Ang mga makapangyarihan sa inyo ay magiging katulad ng tuyong kahoy na madaling masunog, at ang masasama nilang gawa ay magiging parang tilamsik ng apoy na susunog sa kanila. Walang makakapatay sa apoy na iyon.