Salmo 102:1-11 TCB

Salmo 102:1-11

Salmo 102102 Salmo 102 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David.

Ang Panalangin ng Taong Nagtitiis

Panginoon, pakinggan nʼyo ang aking dalangin.

Ang paghingi ko sa inyo ng tulong ay inyong dinggin.

Sa oras ng aking paghihirap ay huwag sana kayong magtago sa akin.

Pakinggan nʼyo ako at agad na sagutin.

Dahil ang buhay koʼy unti-unti nang naglalaho tulad ng usok;

at ang katawan koʼy para nang sinusunog.

Akoʼy parang damong nalalanta na.

Wala na akong ganang kumain

dahil sa labis na pagdaing.

Parang butoʼt balat na lang ako.

Ang tulad koʼy mailap na ibon sa ilang,

at kuwago sa mga lugar na walang tao.

Hindi ako makatulog; akoʼy parang ibon na nag-iisa sa bubungan.

Palagi akong iniinsulto ng aking mga kaaway.

Ang mga kumukutya sa akin ay ginagamit ang aking pangalan sa pagsumpa.

Hindi ako kumakain;

umuupo na lang ako sa abo at umiiyak hanggang sa ang luha koʼy humalo sa aking inumin,

dahil sa tindi ng inyong galit sa akin;

dinampot nʼyo ako at itinapon.

Ang buhay koʼy nawawala na parang anino,

at nalalantang gaya ng damo.

Read More of Salmo 102