สดุดี 104 – TNCV & TCB

Thai New Contemporary Bible

สดุดี 104:1-35

สดุดี 104

1จิตวิญญาณของข้าพเจ้าเอ๋ย จงสรรเสริญองค์พระผู้เป็นเจ้าเถิด

ข้าแต่พระยาห์เวห์พระเจ้าของข้าพระองค์ พระองค์ทรงยิ่งใหญ่นัก

พระองค์ทรงฉลองพระองค์ด้วยสง่าราศีและพระบารมี

2องค์พระผู้เป็นเจ้าทรงคลุมพระองค์ด้วยแสงสว่างเหมือนเป็นฉลองพระองค์

พระองค์ทรงขึงฟ้าสวรรค์ดั่งขึงเต็นท์

3และทรงวางคานของที่ประทับของพระองค์ไว้เหนือน้ำ

พระองค์ทรงใช้เมฆเป็นรถม้าศึก

และเสด็จมาบนปีกของกระแสลม

4พระองค์ทรงใช้ลมเป็นผู้สื่อสาร104:4 หรือทูตสวรรค์

และเปลวไฟเป็นผู้รับใช้ของพระองค์

5พระองค์ทรงตั้งโลกไว้บนฐาน

โลกจะไม่มีวันเคลื่อนย้าย

6พระองค์ทรงห่อหุ้มโลกด้วยห้วงลึกเหมือนห่อหุ้มด้วยเสื้อผ้าอาภรณ์

น้ำบ่าท่วมมิดภูเขา

7แต่เมื่อพระองค์ทรงกำราบ น้ำก็หนีไป

เมื่อทรงเปล่งพระสุรเสียงดุจฟ้าร้อง มันก็เตลิดไป

8น้ำไหลท่วมภูเขา

ไหลลงหุบเขา

ไปยังที่ซึ่งทรงกำหนดไว้ให้

9พระองค์ทรงวางเขตกั้นไม่ให้น้ำข้ามไป

เพื่อไม่ให้น้ำท่วมแผ่นดินโลกอีก

10พระองค์ทรงให้น้ำพุหลั่งน้ำให้แก่ลำห้วย

ซึ่งไหลไประหว่างภูเขา

11ให้สัตว์ทั้งปวงในท้องทุ่งได้ดื่มกิน

ให้ลาป่าได้ดับกระหาย

12นกจึงสร้างรังริมธารน้ำ

และร้องเพลงอยู่กลางแมกไม้

13พระองค์ทรงรดน้ำภูเขาจากที่ประทับเบื้องบน

แผ่นดินโลกอิ่มเอมด้วยผลแห่งพระราชกิจของพระองค์

14พระองค์ทรงให้หญ้างอกงามขึ้นเพื่อฝูงสัตว์

และทรงให้พืชพันธุ์แก่มนุษย์สำหรับเพาะปลูก

ทรงให้ธัญญาหารงอกงามจากผืนแผ่นดิน

15ทรงประทานเหล้าองุ่นที่ทำให้จิตใจมนุษย์ชื่นบาน

น้ำมันมะกอกที่ทำให้ใบหน้าผ่องใส

และขนมปังเพื่อค้ำชูใจเขา

16ต้นไม้ขององค์พระผู้เป็นเจ้าได้น้ำอุดม

คือสนซีดาร์แห่งเลบานอนซึ่งทรงปลูกไว้

17นกสร้างรังของพวกมันที่นั่น

นกกระสาอาศัยในบริเวณป่าสน

18ภูเขาสูงเป็นของเลียงผา

โตรกหินเป็นที่ลี้ภัยของตัวตุ่นผา

19พระองค์ทรงให้ดวงจันทร์ชี้บ่งฤดูกาล

และให้ดวงอาทิตย์รู้เวลาลับฟ้า

20เมื่อพระองค์ทรงนำความมืดมา กลางวันกลับกลายเป็นค่ำคืน

สัตว์ป่าทั้งปวงคืบคลานออกมา

21สิงโตคำรามหาเหยื่อ

ร้องหาอาหารจากพระเจ้า

22พอดวงอาทิตย์ขึ้น เหล่าสิงโตลับหาย

กลับไปนอนในถ้ำของมัน

23และมนุษย์ก็ออกมาทำงาน

ประกอบภารกิจของตนจนถึงยามเย็น

24ข้าแต่องค์พระผู้เป็นเจ้าพระราชกิจของพระองค์มากมายนัก!

พระองค์ทรงสร้างสรรพสิ่งเหล่านี้ขึ้นโดยพระปัญญา

โลกเต็มไปด้วยสิ่งที่ทรงสร้าง

25โน่นแน่ะ ทะเลแสนกว้างใหญ่

คลาคล่ำไปด้วยสรรพสิ่งเกินกว่าจะนับไหว

คือสิ่งมีชีวิตน้อยใหญ่

26โน่นเรือแล่นไปมา

นั่นเลวีอาธานที่ทรงสร้างให้เริงเล่นน้ำอยู่

27ทุกชีวิตเหล่านี้ชะแง้คอยพระองค์

ให้ประทานอาหารตามกำหนดเวลา

28เมื่อพระองค์ประทาน

พวกมันก็เก็บรวบรวม

เมื่อพระองค์ทรงแบพระหัตถ์ออก

พวกมันก็อิ่มหนำด้วยสิ่งดี

29เมื่อพระองค์ทรงซ่อนพระพักตร์

พวกมันก็หวาดหวั่นพรั่นพรึง

เมื่อพระองค์ทรงริบลมหายใจ

พวกมันก็ตายและกลับสู่ธุลีดิน

30เมื่อพระองค์ประทานพระวิญญาณของพระองค์

พวกมันก็ถูกสร้างขึ้น

และพระองค์ทรงพลิกโฉมแผ่นดินเสียใหม่

31ขอพระเกียรติสิริขององค์พระผู้เป็นเจ้าดำรงอยู่นิรันดร์

ขอพระองค์ทรงปีติยินดีในพระราชกิจของพระองค์

32เมื่อพระองค์ทอดพระเนตร โลกก็สั่นสะท้าน

เมื่อทรงแตะต้องภูเขา ควันก็พวยพุ่งขึ้น

33ข้าพเจ้าจะร้องเพลงถวายองค์พระผู้เป็นเจ้าตลอดชีวิต

ข้าพเจ้าจะร้องเพลงสรรเสริญพระเจ้าของข้าพเจ้าตราบเท่าที่มีชีวิตอยู่

34ขอให้ความคิดใคร่ครวญของข้าพเจ้าเป็นที่พอพระทัยพระองค์

เพราะข้าพเจ้าชื่นชมยินดีในองค์พระผู้เป็นเจ้า

35แต่ขอให้คนบาปหมดสิ้นไปจากโลก

และไม่มีคนชั่วร้ายอีกต่อไป

จิตวิญญาณของข้าพเจ้าเอ๋ย จงสรรเสริญองค์พระผู้เป็นเจ้า

จงสรรเสริญองค์พระผู้เป็นเจ้า104:35 ภาษาฮีบรูว่าฮาเลลูยาในฉบับ LXX. บรรทัดนี้เป็นบรรทัดแรกของสดุดี 105

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 104:1-35

Salmo 104

Papuri sa Dios na Lumikha

1Pupurihin ko ang Panginoon!

Panginoon kong Dios, kayo ay dakila sa lahat.

Nadadamitan kayo ng kadakilaan at karangalan.

2Nababalutan kayo ng liwanag na parang inyong damit.

At inilaladlad nʼyo na parang tolda ang langit.

3Itinayo nʼyo ang inyong tahanan sa itaas pa ng kalawakan.

Ginawa nʼyo ang mga alapaap na inyong sasakyan,

at inililipad ng hangin habang kayoʼy nakasakay.

4Ginagawa nʼyong tagapaghatid ng balita ang hangin,

at ang kidlat na inyong utusan.

5Inilagay nʼyo ang mundo sa matibay na pundasyon,

kaya hindi ito matitinag magpakailanman.

6Ang tubig ay ginawa nʼyong parang tela na ipinambalot sa mundo,

at umapaw hanggang sa kabundukan.

7Sa inyong pagsaway na parang kulog, nahawi ang tubig,

8at itoʼy umagos sa mga kabundukan at mga kapatagan,

hanggang sa mga lugar na inyong inilaan na dapat nitong kalagyan.

9Nilagyan nʼyo ito ng hangganan, upang hindi umapaw ang tubig,

para hindi na muling matabunan ang mundo.

10Lumikha ka ng mga bukal sa mga lambak,

at umagos ang tubig sa pagitan ng mga bundok.

11Kaya lahat ng mga hayop sa gubat,

pati mga asnong-gubat ay may tubig na maiinom.

12At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon, at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit.

13Mula sa langit na inyong luklukan, ang bundok ay inyong pinapaulanan.

At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala.

14Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop,

at ang mga tanim ay para sa mga tao

upang silaʼy may maani at makain –

15may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila,

may langis na pampakinis ng mukha,

at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.

16Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy,

ang puno ng sedro sa Lebanon na kayo rin ang nagtanim.

17Doon nagpupugad ang mga ibon,

at ang mga tagak ay tumatahan sa mga puno ng abeto.

18Ang kambing-gubat ay nakatira sa matataas na kabundukan.

Ang mga hayop na badyer104:18 badyer: sa Ingles, badger. ay naninirahan sa mababatong lugar.

19Nilikha nʼyo ang buwan bilang tanda ng panahon;

at ang araw namaʼy lumulubog sa oras na inyong itinakda.

20Nilikha nʼyo ang kadiliman na tinawag na gabi;

at kung gabiʼy gumagala ang maraming hayop sa kagubatan.

21Umaatungal ang mga leon habang naghahanap ng kanilang makakain na sa inyo nagmumula.

22At pagsapit ng umaga, bumabalik sila sa kanilang mga lungga,

at doon nagpapahinga.

23Ang mga tao naman ay lumalabas papunta sa kanilang gawain, at nagtatrabaho hanggang takip-silim.

24Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon.

Nilikha nʼyo ang lahat ayon sa inyong karunungan.

Ang buong mundo ay puno ng inyong nilikha.

25Ang dagat ay napakalawak,

at hindi mabilang ang inyong mga nilalang dito, may malalaki at maliliit.

26Ang mga barko ay parooʼt parito sa karagatan,

at doon din lumalangoy-langoy ang nilikha nʼyong dragon na Leviatan.

27Lahat ng inyong nilikha ay umaasa sa inyo ng kanilang pagkain, sa oras na kanilang kailanganin.

28Binibigyan nʼyo sila ng pagkain at kinakain nila ito,

at silaʼy nabubusog.

29Ngunit kung pababayaan nʼyo sila, matatakot sila;

at kapag binawi nʼyo ang kanilang buhay, silaʼy mamamatay at babalik sa lupa.

30Nalilikha sila kapag binigyan mo ng hininga,

at sa ganoong paraan, binibigyan nʼyo ng bagong nilalang ang mundo.

31Panginoon, sana ay magpatuloy ang inyong kaluwalhatian magpakailanman.

Sanaʼy magalak kayo sa lahat ng inyong nilikha.

32Nayayanig ang mundo kapag inyong tinitingnan.

Kapag hinipo nʼyo ang bundok, itoʼy umuusok.

33Aawit ako sa Panginoon habang nabubuhay.

Aawit ako ng papuri sa aking Dios habang may hininga.

34Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay.

Akoʼy magagalak sa Panginoon.

35Lipulin sana ang masasama, at ang mga makasalanan sa mundo ay tuluyan nang mawala.

Pupurihin ko ang Panginoon.

Purihin ang Panginoon!