ปฐมกาล 40 – TNCV & TCB

Thai New Contemporary Bible

ปฐมกาล 40:1-23

หัวหน้าพนักงานเชิญจอกเสวยและหัวหน้าพนักงานทำขนมปัง

1ต่อมาพนักงานเชิญจอกเสวยและพนักงานทำขนมปังของกษัตริย์แห่งอียิปต์ทำผิดต่อกษัตริย์แห่งอียิปต์ผู้เป็นนาย 2ฟาโรห์กริ้วเจ้าพนักงานทั้งสองคนนี้ คือพนักงานเชิญจอกเสวยและพนักงานทำขนมปัง 3จึงทรงให้คุมขังคนทั้งสองไว้ในคุกซึ่งอยู่ในบ้านของผู้บัญชาการทหารรักษาพระองค์ เป็นคุกเดียวกันกับที่โยเซฟถูกคุมขัง 4ผู้บัญชาการทหารรักษาพระองค์มอบหมายให้โยเซฟคอยดูแลคนทั้งสอง

หลังจากเขาทั้งสองถูกคุมขังอยู่ระยะหนึ่ง 5คืนหนึ่งพนักงานสองคนที่ถูกคุมขัง คือพนักงานเชิญจอกเสวยและพนักงานทำขนมปัง ต่างก็ฝัน และความฝันของแต่ละคนนั้นก็มีความหมายแตกต่างกัน

6เช้าวันต่อมาเมื่อโยเซฟมาพบพวกเขาทั้งสอง เขาสังเกตเห็นว่าคนทั้งสองมีสีหน้าเศร้าหมอง 7ดังนั้นเขาจึงถามเจ้าพนักงานของฟาโรห์ทั้งสองคนที่ถูกคุมขังด้วยกันกับเขาในบ้านของเจ้านายว่า “เหตุใดวันนี้ท่านจึงมีสีหน้าเศร้าหมอง?”

8เขาตอบว่า “เราทั้งสองคนฝัน แต่ไม่มีใครบอกความหมายของความฝันให้เรา”

โยเซฟจึงบอกว่า “มีแต่พระเจ้าเท่านั้นที่รู้ความหมายของความฝันไม่ใช่หรือ? จงเล่าความฝันของท่านให้ข้าฟังเถิด”

9ดังนั้นพนักงานเชิญจอกเสวยจึงเล่าความฝันของเขาให้โยเซฟฟังว่า “ในความฝันของข้านั้น ข้าเห็นเถาองุ่นอยู่เบื้องหน้า 10และเถาองุ่นนั้นมีสามกิ่ง ทันทีที่มันผลิดอกออกผล มันก็มีพวงองุ่นสุก 11จอกของฟาโรห์อยู่ในมือข้า ข้าจึงเด็ดองุ่นมาคั้นน้ำใส่จอกแล้วยื่นถวายแด่ฟาโรห์”

12โยเซฟกล่าวว่า “ความฝันของท่านมีความหมายดังนี้ กิ่งสามกิ่งหมายถึงสามวัน 13ภายในสามวันนี้ ฟาโรห์จะทรงปล่อยท่านและคืนตำแหน่งให้ท่าน ท่านจะเชิญจอกเสวยของฟาโรห์เหมือนที่ท่านเคยรับใช้พระองค์มา 14เมื่อท่านได้ดีแล้ว โปรดระลึกถึงข้าและเมตตาสงสารข้าด้วย โปรดช่วยทูลฟาโรห์เรื่องของข้าและช่วยข้าออกจากคุกนี้ 15เพราะข้าถูกลากตัวมาจากดินแดนของชาวฮีบรู และบัดนี้ต้องมาอยู่ในคุกทั้งๆ ที่ไม่ได้ทำผิดอะไร”

16เมื่อพนักงานทำขนมปังเห็นว่าโยเซฟบอกความหมายของความฝันไปในทางที่ดี จึงเล่าความฝันของตนให้โยเซฟฟังบ้างว่า “ข้าก็ฝันด้วย ในฝันนั้นมีตะกร้าขนมปัง40:16 หรือตะกร้าสานสามใบอยู่บนศีรษะของข้า 17ตะกร้าใบบนสุดมีขนมปังสารพัดชนิดสำหรับฟาโรห์ แต่พวกนกกำลังจิกกินขนมปังในตะกร้าใบนั้นที่อยู่บนศีรษะของข้า”

18โยเซฟบอกเขาว่า “ความฝันของท่านมีความหมายดังนี้ ตะกร้าสามใบหมายถึงสามวัน 19ภายในสามวันฟาโรห์จะตัดศีรษะของท่านและเสียบท่านไว้บนเสา แล้วพวกนกจะจิกกินเนื้อของท่าน”

20ครั้นถึงวันที่สาม เป็นวันเฉลิมพระชนมพรรษาของฟาโรห์ พระองค์ประทานงานเลี้ยงฉลองแก่ข้าราชการทั้งปวง ทรงบัญชาให้นำตัวพนักงานเชิญจอกเสวยและหัวหน้าพนักงานทำขนมปังมาเข้าเฝ้าต่อหน้าบรรดาข้าราชการของพระองค์ 21พระองค์ทรงคืนตำแหน่งให้พนักงานเชิญจอกเสวย เพื่อเขาจะได้เชิญจอกเสวยแด่ฟาโรห์อีกครั้งหนึ่ง 22แต่พระองค์ทรงให้เสียบประหารพนักงานทำขนมปัง ซึ่งเป็นไปตามที่โยเซฟได้บอกความหมายของความฝันแก่เขาทั้งสองไว้

23อย่างไรก็ดีพนักงานเชิญจอกเสวยก็ลืมโยเซฟเสียสนิท ไม่ได้ระลึกถึงเขาเลย

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 40:1-23

Ipinaliwanag ni Jose ang Dalawang Panaginip

1-2Pagkatapos ng mga nangyaring ito, nagkasala sa Faraon40:1-2 Faraon: o, hari ng Egipto. Ganoon din sa talatang 5, 11, 13, 14, 17, 19, at 20. ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at pinuno ng mga panadero. Lubhang nagalit ang hari sa dalawa niyang opisyal na ito. 3Kaya ipinabilanggo niya ang mga ito sa bahay ng kapitan ng mga guwardya sa palasyo kung saan naroon din si Jose nakabilanggo. 4Si Jose ang katiwala ng kapitan ng mga guwardya na nag-aalaga sa kanila. Nagkasama sila nang matagal sa bilangguan.

5Isang gabi, nanaginip ang tagasilbi ng alak at ang panadero ng Faraon habang naroon sila sa bilangguan. Ang bawat isa sa kanila ay magkaiba ang panaginip at magkaiba rin ang kahulugan.

6Kinaumagahan, pagpunta ni Jose sa kanila, nakita niyang nanlulupaypay sila. 7Kaya tinanong niya sila, “Bakit kayo malungkot?”

8Sumagot sila, “Nanaginip kasi kami pero walang makapagpaliwanag ng kahulugan nito.”

Sinabi ni Jose, “Ang Dios ang nagbibigay ng kaalaman sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga panaginip. Sige, sabihin nʼyo sa akin kung ano ang mga panaginip ninyo.”

9Kaya sinabi ng pinuno ng tagasilbi ng alak ang kanyang panaginip. Sinabi niya, “Nanaginip ako na may isang puno ng ubas sa aking harapan 10at itoʼy may tatlong sanga. Tumubo ito, namulaklak, at nahinog ang mga bunga. 11Nakahawak daw ako sa saro ng Faraon at pumitas ng ubas, at piniga ko agad sa saro. Pagkatapos, ibinigay ko ang saro sa hari.”

12Sinabi ni Jose, “Ito ang kahulugan ng panaginip mo: Ang tatlong sanga ay nangangahulugan ng tatlong araw. 13Hindi matatapos ang tatlong araw, palalabasin ka ng Faraon sa bilangguan at pababalikin ka sa trabaho mo bilang tagasilbi ng kanyang alak. 14Nawaʼy alalahanin mo ako kapag nasa mabuti ka nang kalagayan. At bilang pagpapakita ng kabutihan mo sa akin, banggitin mo rin ako sa Faraon para matulungan mo ako na makalabas sa bilangguan. 15Sapagkat ang totoo, sapilitan lang akong dinala rito mula sa lupain ng mga Hebreo, at kahit dito ay wala rin akong nagawang kasalanan para ibilanggo ako.”

16Nang marinig ng pinuno ng mga panadero na maganda ang kahulugan ng panaginip, isinalaysay din niya ang panaginip niya kay Jose. Sinabi niya, “Nanaginip din ako na may dala-dala ako sa ulo ko na tatlong kaing na may mga laman na tinapay. 17Ang ibabaw ng kaing ay may laman na ibaʼt ibang uri ng tinapay para sa Faraon, pero tinuka ito ng mga ibon.”

18Sinabi ni Jose, “Ito ang kahulugan ng panaginip mo: Ang tatlong kaing ay nangangahulugan ng tatlong araw. 19Hindi matatapos ang tatlong araw, palalabasin ka ng Faraon sa bilangguan pero ipapapatay ka niya at ibibitin ang bangkay mo sa kahoy, at tutukain ito ng mga ibon.”

20Dumating ang ikatlong araw at ito ay kaarawan ng Faraon. Kaya nagpahanda siya para sa lahat ng opisyal niya. Pinalabas niya sa bilangguan ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at ang pinuno ng mga panadero niya, at pinaharap sa kanyang mga opisyal. 21Ibinalik niya ang pinuno ng mga tagasilbi ng alak sa kanyang trabaho. 22Pero ipinapatay niya ang pinuno ng mga panadero, at ibinitin ang bangkay nito sa puno. Nangyari lahat ang sinabi ni Jose sa kanila.

23Pero hindi naalala ng pinuno ng mga tagasilbi ng alak si Jose.