นางรูธ 1 TNCV - Ruth 1 TCB

นางรูธ
Elegir capítulo 1

Thai New Contemporary Bible

นางรูธ 1:1-22

นาโอมีกับรูธ

1สมัยที่ผู้วินิจฉัยปกครองอยู่เกิดการกันดารอาหารขึ้นในแผ่นดินนั้น ชายคนหนึ่งจากเบธเลเฮมในเขตยูดาห์กับภรรยาและบุตรชายสองคนจึงไปอาศัยอยู่ในดินแดนโมอับระยะหนึ่ง 2ชายคนนั้นชื่อเอลีเมเลค ภรรยาของเขาชื่อนาโอมี และบุตรชายสองคนชื่อมาห์โลนและคิลิโอน พวกเขาเป็นชาวถิ่นเอฟราธาห์จากเบธเลเฮมในเขตยูดาห์ พวกเขาย้ายไปอาศัยอยู่ที่โมอับ

3ต่อมาเอลีเมเลคสามีของนาโอมีสิ้นชีวิต เหลือนาโอมีกับบุตรชายทั้งสอง 4พวกเขาแต่งงานกับหญิงชาวโมอับ คนหนึ่งชื่อโอรปาห์ อีกคนหนึ่งชื่อรูธ หลังจากที่พวกเขาอาศัยอยู่ที่นั่นราวสิบปี 5ทั้งมาห์โลนและคิลิโอนก็สิ้นชีวิต จึงเหลือแต่นาโอมี

6เมื่ออยู่ในโมอับ นางได้ข่าวว่าองค์พระผู้เป็นเจ้าทรงเสด็จมาช่วยเหล่าประชากรของพระองค์โดยประทานอาหารแก่พวกเขา นาโอมีกับลูกสะใภ้ทั้งสองก็เตรียมตัวเดินทางจากโมอับกลับบ้าน 7นางกับลูกสะใภ้สองคนออกจากถิ่นที่อยู่ และเริ่มเดินไปตามเส้นทางที่จะกลับไปยังดินแดนยูดาห์

8แล้วนาโอมีกล่าวกับลูกสะใภ้ทั้งสองว่า “ลูกทั้งสองกลับบ้านไปหาแม่ของลูกเถิดนะ ขอองค์พระผู้เป็นเจ้าทรงสำแดงความเมตตาแก่เจ้าที่ได้จงรักภักดีต่อแม่และสามีผู้ล่วงลับ 9และขอองค์พระผู้เป็นเจ้าทรงอวยพรให้ลูกได้ออกเรือนแต่งงานใหม่”

แล้วนางก็จูบลาลูกสะใภ้ทั้งสองและทั้งสองก็ร่ำไห้สะอึกสะอื้น 10และกล่าวกับนางว่า “เราจะไปกับแม่ ไปหาญาติของแม่”

11แต่นาโอมีตอบว่า “กลับบ้านเถิดลูกเอ๋ย จะไปกับแม่ทำไม? แม่จะมีลูกชายที่จะให้เป็นสามีของเจ้าได้อีกหรือ? 12กลับไปบ้านของลูกเถิด แม่เองก็แก่ชราเกินกว่าจะมีสามีอีก ถึงแม้แม่จะคิดว่ายังมีหวังที่จะได้สามีในคืนนี้และมีลูกชาย 13ลูกจะรอให้เขาโตขึ้นมาหรือ? ลูกจะไม่แต่งงานเพื่อคอยเขาหรือ? อย่าเลยลูกเอ๋ย แม่มีความขมขื่นมากยิ่งกว่าลูกเสียอีก เพราะองค์พระผู้เป็นเจ้าเองทรงกระทำให้แม่ทุกข์ยาก!”

14แล้วทั้งสามคนก็ร้องไห้ด้วยกันอีก จากนั้นโอรปาห์จึงจูบลาแม่สามีและกลับไป แต่รูธยืนกรานจะอยู่กับนาโอมี

15นาโอมีกล่าวกับนางว่า “ดูซิสะใภ้อีกคนก็กลับไปหาญาติและพระของเขา เจ้าก็ควรกลับไปด้วย”

16แต่รูธตอบว่า “อย่าคะยั้นคะยอให้ลูกทิ้งแม่ไปเลย แม่ไปไหนลูกจะไปด้วย แม่อยู่ที่ไหนลูกจะอยู่ด้วย ญาติของแม่จะเป็นญาติของลูก และพระเจ้าของแม่จะเป็นพระเจ้าของลูกด้วย 17แม่ตายที่ไหนลูกจะตายที่นั่นด้วย และขอให้ถูกฝังอยู่ในที่เดียวกัน ถ้าลูกยอมให้มีอะไรมาแยกเราจากกันนอกจากความตาย ขอองค์พระผู้เป็นเจ้าทรงจัดการกับลูกอย่างหนัก” 18เมื่อนาโอมีเห็นว่ารูธตั้งใจแน่วแน่ที่จะไปด้วยก็เลิกรบเร้านาง

19หญิงทั้งสองจึงเดินทางมายังเบธเลเฮม ทั่วทั้งเมืองพากันแตกตื่นเมื่อเห็นนางทั้งสองมา พวกผู้หญิงถามกันว่า “นี่นาโอมีจริงๆ หรือ?”

20นางตอบว่า “อย่าเรียกฉันว่านาโอมี1:20 แปลว่า อภิรมย์ เช่นเดียวกับข้อ 21เลย เรียกฉันว่ามารา1:20 แปลว่า ขมเถอะ เพราะว่าองค์ทรงฤทธิ์ทำให้ชีวิตของฉันขมขื่นมาก 21ฉันมีทุกอย่างครบบริบูรณ์เมื่อจากเมืองนี้ไป แต่องค์พระผู้เป็นเจ้าทรงนำฉันกลับมามือเปล่า ทำไมจึงเรียกฉันว่านาโอมี? ในเมื่อองค์พระผู้เป็นเจ้าทรงทำให้ฉันปวดร้าวและองค์ทรงฤทธิ์ทำให้ฉันต้องประสบเคราะห์กรรม”

22ช่วงเวลาที่นาโอมีและรูธลูกสะใภ้ชาวโมอับจากโมอับมาสู่เบธเลเฮมนั้นตรงกับต้นฤดูเกี่ยวข้าวบาร์เลย์

Tagalog Contemporary Bible

Ruth 1:1-22

Ang Pakikiramay ni Ruth kay Naomi

1-2Noong panahon na hindi pa mga hari ang namumuno1:1-2 Noong panahon … namumuno: sa literal, Noong panahon na ang mga “shoftim” (mga pinuno/hukom) ang siyang namumuno. sa Israel, nagkaroon ng taggutom sa lupaing ito. Kaya si Elimelec na taga-Betlehem na sakop ng Juda ay pumunta sa Moab kasama ang asawa at dalawang anak niyang lalaki, para roon muna manirahan. Ang pangalan ng asawa niya ay Naomi at ang dalawang anak nila ay sina Mahlon at Kilion. Mga angkan sila ni Efrata na taga-Betlehem.

Habang naroon sila sa Moab, 3namatay si Elimelec, kaya si Naomi at ang dalawa niyang anak na lalaki ang naiwan. 4Nag-asawa ang mga anak niya ng mga Moabita. Ang pangalan ng isa ay Orpah at Ruth naman ang isa. Pagkalipas ng mga sampung taon, 5namatay sina Mahlon at Kilion, kaya si Naomi na lang ang naiwan.

6Nang mabalitaan ni Naomi na pinagpala ng Panginoon ang bayan niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mabuting ani, naghanda siya at ang mga manugang niya para bumalik sa Juda. 7At habang naglalakbay na sila pabalik sa Juda, 8sinabi ni Naomi sa dalawang manugang niya, “Bumalik na lang kayo sa inyong ina. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon sa mabuti ninyong pakikitungo sa mga yumao ninyong asawa at sa akin. 9At loobin sana ng Panginoon na makapag-asawa kayong muli para magkaroon kayo ng maayos na kalagayan sa panibagong tahanan.”

Pagkatapos, hinalikan sila ni Naomi. Humagulgol sila 10at sinabi sa kanya, “Sasama kami sa inyo sa pagbalik nʼyo sa kababayan ninyo.” 11-12Pero sinabi ni Naomi, “Umuwi na kayo mga anak. Bakit pa kayo sasama sa akin? Akala nʼyo ba makakapag-asawa pa ako at makakapanganak ng mga lalaking mapapangasawa ninyo? Hindi na maaari dahil matanda na ako. Pero ipagpalagay natin na makapag-asawa ako ngayong gabi at magkaanak pa, 13hihintayin nʼyo ba silang lumaki? Hindi ba kayo mag-aasawa alang-alang sa kanila? Hindi maaari mga anak. Ang totoo, mas mapait ang sinapit ko kaysa sa inyo, dahil pinahirapan ako ng Panginoon.”

14At umiyak na naman sila nang malakas. Pagkatapos, hinalikan ni Orpah ang biyenan niya at umuwi,1:14 at umuwi: Itoʼy nasa Septuagint pero wala sa Hebreo. pero si Ruth naman ay nagpaiwang kasama ni Naomi. 15Sinabi ni Naomi, “Bumalik na ang bilas mo sa mga kababayan niya at sa kanyang dios,1:15 dios: o, mga dios. kaya sumama ka na rin sa kanya.” 16Pero sumagot si Ruth, “Huwag po ninyo akong piliting iwan kayo, dahil kung saan kayo pupunta, doon din ako pupunta, at kung saan kayo tumira, doon din po ako titira. Ang mga kababayan nʼyo ay magiging kababayan ko rin, at ang Dios ninyo ay magiging Dios ko rin. 17Kung saan kayo mamamatay, doon din po ako mamamatay at ililibing. Parusahan nawa ako ng Panginoon nang mabigat kapag humiwalay ako sa inyo, maliban na lang kung ang kamatayan na ang maghihiwalay sa ating dalawa.”

18Nang makita ni Naomi na desidido si Ruth na sumama sa kanya, tumahimik na lang siya. 19Kaya nagpatuloy silang dalawa sa paglalakbay hanggang sa nakarating sila sa Betlehem. Ang lahat ng taoʼy nabigla sa kanilang pagdating. Sinabi ng mga babae, “Si Naomi ba talaga ito?”

20Sinabi ni Naomi sa kanila, “Huwag nʼyo na akong tawaging Naomi,1:20 Naomi: Ang ibig sabihin, masarap. kundi tawagin ninyo akong Mara,1:20 Mara: Ang ibig sabihin, mapait. dahil pinapait ng Makapangyarihang Dios ang buhay ko. 21Pag-alis ko rito ay nasa sa akin ang lahat, pero ibinalik ako ng Panginoon nang walang-wala. Kaya huwag na ninyo akong tawaging Naomi, dahil pinahirapan ako ng Makapangyarihang Panginoon.”

22Nagsisimula pa lang ang anihan ng sebada1:22 sebada: sa Ingles, “barley.” nang dumating si Naomi sa Betlehem kasama ang manugang niyang si Ruth na Moabita.