Zefanias 1 – TCB & BPH

Tagalog Contemporary Bible

Zefanias 1:1-18

1Ito ang ipinahayag ng Panginoon kay Zefanias noong si Josia na anak ni Amon ang hari ng Juda. Si Zefanias ay anak ni Cushi na anak ni Gedalia. Si Gedalia naman ay anak ni Amaria na anak ni Hezekia.

Darating ang Parusa ng Panginoon

2Sinabi ng Panginoon, “Lilipulin ko ang lahat ng bagay na nasa mundo – 3ang mga tao, hayop, ibon at isda. Mawawala ang lahat ng nag-uudyok sa tao para magkasala pati ang mga makasalanan. Lilipulin ko nga ang lahat ng tao sa mundo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

4“Parurusahan ko ang mga mamamayan ng Juda, pati na ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem. Lilipulin ko ang mga natitirang sumasamba sa dios-diosang si Baal pati na ang mga paring naglilingkod dito, para tuluyan na silang makalimutan. 5Lilipulin ko rin ang mga taong umaakyat sa bubong ng kanilang bahay para sumamba sa araw, sa buwan at mga bituin. Lilipulin ko ang mga sumasamba at sumusumpang maglilingkod sa akin, pero sumusumpa ring maglilingkod sa dios-diosang si Molec.1:5 Molec: sa Hebreo, Malcom, na isa pang pangalan ni Molec. 6Lilipulin ko ang mga tumatalikod at hindi dumudulog sa akin.

7“Tumahimik kayo sa harapan ko, dahil malapit na ang araw ng aking pagpaparusa. Inihanda ko na ang aking mga mamamayan para patayin tulad ng hayop na ihahandog. Pinili ko na ang mga kalaban na tinawag ko na sasalakay sa Juda. 8Sa araw na iyon, papatayin ko ang mga taga-Juda na parang hayop na ihahandog. Parurusahan ko ang kanilang mga opisyal at ang mga anak ng kanilang hari, at ang lahat sa kanila na sumusunod sa masasamang ugali ng ibang bansa.1:8 sumusunod … bansa: sa literal, nagsusuot ng damit ng taga-ibang bansa. 9Parurusahan ko rin sa araw na iyon ang lahat ng sumasali sa mga seremonya ng mga hindi nakakakilala sa akin, at ang mga nagmamalupit at nandaraya para punuin ng mga bagay ang bahay ng kanilang panginoon.1:9 ang bahay ng kanilang panginoon: o, ang templo ng kanilang dios-diosan.

10Ako, ang Panginoon ay nagsasabing sa araw na iyon maririnig ang iyakan sa pintuan na tinatawag na Isda1:10 pintuan na tinatawag na Isda: Maaaring dito idinadaan ang mga isdang dinadala sa lungsod. ng lungsod ng Jerusalem at sa bagong bahagi ng lungsod. Maririnig din ang malakas na ingay ng mga nagigibang bahay sa mga burol. 11Mag-iyakan kayo, kayong mga naninirahan sa mababang bahagi1:11 mababang bahagi: o, pamilihan. ng lungsod ng Jerusalem dahil mamamatay ang lahat ng inyong mga mangangalakal.

12“Sa araw ding iyon, susuyurin kong mabuti1:12 susuyurin kong mabuti: sa literal, susuyurin ko sa pamamagitan ng mga ilaw. ang Jerusalem at parurusahan ko ang mga taong nagpapasarap lang sa buhay at nagsasabi sa kanilang sarili, ‘Walang gagawin ang Panginoon sa amin mabuti man o masama.’ 13Aagawin sa mga taong ito ang kanilang mga pag-aari at wawasakin ang kanilang mga bahay. Hindi sila ang titira sa mga bahay na kanilang itinayo. At hindi sila ang iinom ng inuming mula sa ubas na kanilang itinanim.”

Ang Nakakatakot na Araw ng Pagpaparusa ng Panginoon

14Malapit na ang nakakatakot na araw ng pagpaparusa ng Panginoon. Itoʼy mabilis na dumarating. Mapait ang araw na iyon, dahil kahit na ang matatapang na sundalo ay sisigaw para humingi ng tulong. 15Sa araw na iyon, ipapakita ng Dios ang kanyang galit. Magiging araw iyon ng pighati at paghihirap, araw ng pagkasira at lubusang pagkawasak. Magiging maulap at madilim ang araw na iyon, 16at maririnig ang tunog ng trumpeta at sigawan ng mga sundalong sumasalakay sa mga napapaderang lungsod at sa matataas na tore nito.

17Sinabi ng Panginoon, “Ipaparanas ko ang paghihirap sa mga tao, at lalakad sila na parang bulag dahil nagkasala sila sa akin. Dadaloy na parang tubig1:17 tubig: sa Hebreo, buhangin. ang kanilang dugo, at mabubulok na parang dumi1:17 mabubulok na parang dumi: o, lalabas ang kanilang mga bituka sa kanilang katawan na parang dumi. ang kanilang bangkay. 18Hindi sila maililigtas ng kanilang mga pilak at ginto sa araw na ipapakita ko ang aking galit na parang apoy na tutupok sa buong mundo. Sapagkat bigla kong lilipulin ang lahat ng naninirahan sa lupa.”

Bibelen på hverdagsdansk

Zefaniasʼ Bog 1:1-18

Zefanias forudsiger verdens og Judas undergang

1Zefanias var søn af Kushi, der var søn af Gedalja, der var søn af Amarja, der var søn af Hizkija. Han modtog følgende profetiske budskab fra Herren, mens Josias, Amons søn, var konge i Juda.

2„Jeg vil fjerne alt fra jordens overflade,” erklærer Herren.

3„Jeg vil udrydde både mennesker og dyr.

Jeg vil fjerne alt, hvad der førte mennesket til fald,

sammen med de mennesker, der faldt.

Hele menneskeheden skal forsvinde fra jordens overflade.

4Jeg vil straffe Judas folk

og ramme Jerusalems indbyggere.

Jeg vil fjerne, hvad der er tilbage af afgudsdyrkelsen

og udrydde alle afgudspræsterne.

Jeg gør det af med mine frafaldne præster,

så ingen vil huske dem mere.

5Jeg vil udrydde dem, der på husenes tage

tilbeder solen, månen og stjernerne,

og dem, der lover mig troskab,

men samtidig tilbeder Molok.1,5 Eller: „deres konge”, dvs. deres afgud. Afguden Molok kaldes også Milkom.

6Jeg vil udrydde dem, som har vendt mig ryggen,

så de ikke længere søger at gøre min vilje.”

7Vis ærefrygt for den almægtige Gud,

for han vil snart udføre sin dom.

Han har besluttet at ramme sit folk

og har allerede udvalgt nogle til opgaven.

8Herren siger: „Jeg vil straffe Judas ledere og kongeslægten,

ja, alle der tilbeder fremmede guder.

9Jeg vil straffe alle afgudsdyrkerne,

som i deres templer planlægger vold og bedrageri.1,9 Teksten er uklar.

10Når fjenden kommer, vil der lyde skrig fra Fiskeporten,

høje råb fra den nye bydel

og voldsomme tumulter fra de omkringliggende høje.

11I, der bor på markedspladsen i dalsænkningen,

sørg og græd, for I bliver de første, der omkommer.

12Jeg vil gennemsøge Jerusalem med lys og lygte,

straffe de selvsikre syndere, der tror,

at Gud er ligeglad med, hvad de gør.

13Fjenden vil plyndre deres huse

og stjæle deres rigdomme.

De kommer aldrig til at bo i de huse,

som de er i færd med at bygge.

De kommer ikke til at smage vinen fra de vingårde,

de har haft så travlt med at anlægge.

14Min dom vil snart ramme jer.

Dagen er nær og kommer med hast.

Det bliver en frygtelig dag,

hvor selv de tapreste mænd vil græde,

15for jeg udøser min vrede over byen.

Det bliver en dag fuld af nød og fortvivlelse,

af ødelæggelse og undergang,

håbløshed og mismod,

dysterhed og mørke,

og kulsorte skyer på himlen.

16Det bliver en dag med hornsignaler

og høje krigsråb.

Selv de befæstede byer bukker under,

og de høje fæstningstårne falder sammen.

17Jeg vil ramme dem så hårdt,

at de raver rundt som i blinde,

for de har syndet imod mig.

Strømme af blod vil flyde i støvet,

ligene ligge og rådne på jorden.

18Deres sølv og guld kan ikke redde dem,

når jeg udfører min dom over dem.

Min glødende vrede vil sætte verden i brand,

så hele jordens befolkning får en brat og frygtelig død.”