Zacarias 5 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Zacarias 5:1-11

Ang Pangitain tungkol sa Kasulatang Nakarolyo na Lumilipad

1Nakita ko ang isang kasulatang nakarolyo na lumilipad. 2Tinanong ako ng anghel, “Ano ang nakita mo?” Sinabi ko, “Isang kasulatang nakarolyo na lumilipad, na mga 30 talampakan ang haba at mga 15 talampakan ang lapad.”

3Sinabi ng anghel sa akin, “Nakasulat sa kasulatang iyan ang sumpang darating sa buong lupain ng Israel. Sinasabi sa isang bahagi ng kasulatan na ang lahat ng magnanakaw ay aalisin sa Israel, at sa kabilang bahagi naman ng kasulatan ay sinasabi na ang lahat ng sumusumpa ng may kasinungalingan ay aalisin din. 4Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, ‘Ipapadala ko ang sumpang ito sa tahanan ng magnanakaw at sa tahanan ng sumusumpa ng kasinungalingan sa aking pangalan. Mananatili ito sa kanilang mga bahay at lubusang wawasakin ang mga ito.’ ”

Ang Pangitain tungkol sa Babaeng Nasa Loob ng Kaing

5Muling nagpakita sa akin ang anghel na nakipag-usap sa akin at sinabi, “Tingnan mo kung ano itong dumarating.” 6Nagtanong ako, “Ano iyan?” Sinabi niya, “Kaing.” At sinabi pa niya, “Iyan ay sumisimbolo sa kasalanan5:6 kasalanan: Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, mata. ng mga tao sa buong lupain ng Israel.”

7Ang kaing ay may takip na tingga. At nang alisin ang takip, nakita kong may isang babaeng nakaupo roon sa loob ng kaing. 8Sinabi ng anghel, “Ang babaeng iyan ay sumisimbolo sa kasamaan.” Itinulak niya ang babae pabalik sa loob ng kaing at isinara ang takip. 9Pagkatapos, may nakita akong dalawang babaeng lumilipad na tinatangay ng hangin. Ang kanilang mga pakpak ay tulad ng sa tagak.5:9 tagak: sa Ingles, stork. Binuhat nila ang kaing at inilipad paitaas. 10Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, “Saan nila dadalhin ang kaing?” 11Sumagot siya, “Sa Babilonia,5:11 Babilonia: sa Hebreo, Shinar. kung saan gagawa ng templo para sa kaing. At kapag natapos na ang templo, ilalagay ito roon para sambahin.”

New International Reader’s Version

Zechariah 5:1-11

A Vision of a Flying Scroll

1I looked up again and saw a flying scroll.

2“What do you see?” the angel asked me.

“A scroll flying in the air,” I replied. “It’s 30 feet long and 15 feet wide.”

3He said to me, “A curse sent by the Lord is written on it. It is going out over the whole land. Every thief will be driven out of the land. That is what it says on one side of the scroll. Everyone who lies when promising to tell the truth will also be driven out. That is what it says on the other side. 4The Lord who rules over all announces, ‘I will send the curse out. It will enter the house of the thief. It will also enter the house of anyone who lies when making a promise in my name. It will remain in that house and destroy it completely. It will pull down its beams and stones.’ ”

A Vision of a Woman in a Basket

5Then the angel who was talking with me came forward. He said to me, “Look at what is coming.”

6“What is it?” I asked.

“A basket,” he replied. “The sins of the people all through the land are in it.”

7Then the basket’s cover was lifted up. It was made out of lead. A woman was sitting in the basket! 8The angel said, “She stands for everything that is evil.” Then he pushed her down into the basket. He put the lead cover back over it.

9I looked up and saw two other women. They had wings like the wings of a stork. A wind sent by the Lord carried them along. They lifted the basket up between heaven and earth.

10“Where are they taking the basket?” I asked the angel.

11He replied, “To the country of Babylon. A temple will be built for it. When the temple is ready, the basket will be set there in its place.”