Salmo 54 – Tagalog Contemporary Bible TCB

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 54:1-7

Salmo 5454 Salmo 54 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang “maskil” na isinulat ni David para sa direktor ng mga mang-aawit. Isinulat ito ni David pagkatapos isumbong ng mga taga-Zif kay Saul na nagtatago siya sa kanilang lugar. Ginamitan ito ng instrumentong may kwerdas.

Ang Dios ang Sumasaklolo

1O Dios, iligtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan at patunayan nʼyong wala akong kasalanan.

2Dinggin nʼyo ang aking mga panalangin,

3dahil sinasalakay ako ng mga dayuhan upang patayin. Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.

4Kayo, O Dios ang tumutulong sa akin.

Kayo, Panginoon ang aking maaasahan.

5Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaaway ang ginagawa nilang masama.

O Dios, sa inyong pagkamatapat, lipulin nʼyo sila.

6Kusang-loob akong maghahandog sa inyo Panginoon.

Pupurihin ko ang pangalan nʼyo dahil napakabuti ninyo.

7Iniligtas nʼyo ako sa lahat ng kahirapan,

at nakita kong natalo ang aking mga kaaway.