Salmo 3 – Tagalog Contemporary Bible TCB

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 3:1-8

Salmo 33 Salmo 3 Ang unang mga salita sa Hebreo: Awit na isinulat ni David o para kay David nang tumakas siya mula sa anak niyang si Absalom.

Panalangin sa Oras ng Panganib

1Panginoon, kay dami kong kaaway;

kay daming kumakalaban sa akin!

2Sinasabi nilang hindi nʼyo raw ako ililigtas.

3Ngunit kayo ang aking kalasag.

Pinalalakas nʼyo ako at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway.

4Tumawag ako sa inyo Panginoon at sinagot nʼyo ako mula sa inyong banal3:4 banal: o, hinirang. na bundok.

5At dahil iniingatan nʼyo ako, nakakatulog ako at nagigising pa.

6Hindi ako matatakot kahit ilang libo pang kaaway ang nakapalibot sa akin.

7Pumarito kayo, Panginoon!

Iligtas nʼyo po ako, Dios ko,

dahil noon ay inilagay nʼyo sa kahihiyan ang lahat ng mga kaaway ko,

at inalis mo sa mga masamang tao ang kanilang kakayahang saktan ako.

8Kayo, Panginoon, ang nagliligtas.

Kayo rin po ang nagpapala sa inyong mga mamamayan.