Salmo 27 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 27:1-14

Salmo 2727 Salmo 27 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang Salmo ni David.

Panalangin ng Pagtitiwala

1Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas.

Sino ang aking katatakutan?

Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan.

2Kapag sinasalakay ako ng masasamang tao o ng aking mga kaaway upang patayin,

sila ang nabubuwal at natatalo!

3Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal,

hindi ako matatakot.

Kahit salakayin nila ako,

magtitiwala ako sa Dios.

4Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko:

na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay,

upang mamasdan ang kanyang kadakilaan,

at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay.

5Sa oras ng kagipitan ay itatago niya ako sa kanyang templo,

at ilalagay niya ako sa ligtas na lugar.

6Kaya mananaig ako sa mga kaaway ko na nakapaligid sa akin.

Maghahandog ako sa templo ng Panginoon habang sumisigaw sa kagalakan,

umaawit at nagpupuri.

7Dinggin nʼyo Panginoon ang aking pagtawag.

Kahabagan nʼyo ako at sagutin ang aking dalangin.

8Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso na lumapit sa inyo,

kaya narito ako, lumalapit sa inyo.

9Huwag nʼyo po akong pagtaguan!

Ako na alipin nʼyo ay huwag nʼyong itakwil dahil sa inyong galit.

Kayo na laging tumutulong sa akin,

huwag nʼyo akong iwanan at pabayaan,

O Dios na aking Tagapagligtas.

10Iwanan man ako ng aking mga magulang,

kayo naman, Panginoon, ang mag-aalaga sa akin.

11Ituro nʼyo sa akin ang daang gusto nʼyong lakaran ko.

Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan,

dahil sa mga kaaway ko na gusto akong gawan ng masama.

12Huwag nʼyo akong ibigay sa aking mga kaaway,

dahil akoʼy kanilang pinagbibintangan ng kasinungalingan,

at nais nilang akoʼy saktan.

13Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, Panginoon,

habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo.

14Magtiwala kayo sa Panginoon!

Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa.

Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

诗篇 27:1-14

第 27 篇

赞美的祷告

大卫的诗。

1耶和华是我的光,我的拯救,

我还怕谁?

耶和华是我的堡垒,

我还怕谁?

2当恶人来吞吃我,

仇敌来攻击我时,

必失足跌倒。

3虽然大军围攻我,

我心中却一无所惧;

虽然战争来临,我仍满怀信心。

4我曾向耶和华求一件事,

我还要求,就是能一生住在祂的殿中,

瞻仰祂的荣美,寻求祂的旨意。

5危难之时,祂保护我,

把我藏在祂的圣幕里,

高高地安置在磐石上。

6我要昂首面对四围的敌人,

我要在祂的圣幕里欢呼献祭,

歌颂赞美祂。

7耶和华啊,求你垂听我的呼求,

求你恩待我,应允我。

8你说:“来寻求我!”

我心中响应:

“耶和华啊,我要寻求你。”

9别掩面不理我,

别愤然拒绝你的仆人,

你一向是我的帮助。

拯救我的上帝啊,

别离开我,别撇弃我。

10纵使父母离弃我,

耶和华也必收留我。

11耶和华啊,

求你指教我行你的道,

引导我走正路,远离仇敌。

12求你不要让仇敌抓到我,

遂其所愿,

因为他们诬告我,恐吓我。

13我深信今世必能看见耶和华的美善。

14要等候耶和华,

要坚定不移地等候耶和华。