Salmo 15 – Tagalog Contemporary Bible TCB

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 15:1-5

Salmo 1515 Salmo 15 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David.

Ang Nais ng Dios sa mga Sumasamba sa Kanya

1Panginoon, sino ang maaaring tumira sa inyong templo?

Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok?

2Sumagot ang Panginoon,

“Ang taong

namumuhay ng tama,

walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan,

3hindi naninirang puri,

at hindi nagsasalita at gumagawa ng masama laban sa kanyang kapwa.

4Itinatakwil ang mga taong sobrang sama,

ngunit pinararangalan ang mga taong may takot sa Dios.

Tinutupad ang kanyang ipinangako kahit na mahirap gawin.

5Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pautang,

at hindi tumatanggap ng suhol upang sumaksi laban sa taong walang kasalanan.”

Ang taong gumagawa ng ganito ay hindi matitinag kailanman.