Salmo 124 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 124:1-8

Salmo 124124 Salmo 124 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit habang paakyat. Kay David ito.

Ang Dios ang Tagapagligtas ng Kanyang mga Mamamayan

1“Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin, ano kaya ang nangyari?

Sumagot kayo mga taga-Israel!

2“Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin noong sinalakay tayo ng ating mga kaaway,

3maaaring pinatay na nila tayo, dahil sa matinding galit nila sa atin.

4-5Maaaring para tayong tinangay ng baha at nalunod dahil sa malakas na agos ng tubig.”

6Purihin ang Panginoon,

dahil hindi niya pinayagang lapain tayo ng ating mga kaaway,

na parang mababangis na hayop.

7Nakatakas tayo katulad ng ibong nakawala sa nasirang bitag.

8Ang tulong natin ay nagmula sa Panginoon,

na gumawa ng langit at ng lupa.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

诗篇 124:1-8

第 124 篇

上帝保护祂的子民

大卫上圣殿朝圣之诗。

1以色列人要说:

若不是耶和华帮助我们,

2若不是耶和华帮助我们,

仇敌起来攻击我们、

3向我们发怒的时候,

我们早已被他们生吞,

4被狂涛淹没,被洪流卷走,

5被怒海吞噬。

6耶和华当受称颂!

祂没有让我们像猎物一样被敌人撕咬。

7我们像鸟一样逃出了猎人的网罗。

网罗破裂,我们逃了出去。

8我们的帮助来自创造天地的耶和华。