Nakilala ni Ruth si Boaz
1-3Isang araw, sinabi ni Ruth kay Naomi, “Gusto ko po sanang pumunta sa bukid at mamulot2:1-3 mamulot: Kaugalian ng mga Israelita ang mag-iwan ng mga uhay para pulutin ng mga mahihirap, biyuda, o dayuhan. (Tingnan ang Lev. 19:9-10; 23:22; Deu. 24:19-22.) ng mga nalaglag na uhay mula sa mga tagapag-ani sa bukid ng taong magpapahintulot sa akin.” Sumagot si Naomi, “O sige anak.” Kaya umalis si Ruth at namulot ng mga nalaglag mula sa mga tagapag-ani. Nagkataon na doon siya namulot sa bukid ni Boaz na kamag-anak ni Elimelec. Si Boaz ay mayaman at makapangyarihan.
4Habang nandoon si Ruth ay dumating si Boaz mula sa Betlehem at binati ang mga tagapag-ani, “Sumainyo nawa ang Panginoon!” Sumagot ang mga tagapag-ani, “Pagpalain nawa kayo ng Panginoon!” 5Tinanong ni Boaz ang kanyang katiwala na nangangasiwa sa mga tagapag-ani, “Sino ang dalagang iyan?” 6Sumagot ang katiwala, “Isa po siyang Moabita na sumama kay Naomi na bumalik mula sa Moab. 7Nakiusap siya sa akin na payagan ko siyang mamulot ng mga uhay na nalaglag mula sa mga tagapag-ani. Mula kaninang umaga tuloy-tuloy ang pagtatrabaho niya hanggang ngayon. Nagpahinga lang siya ng sandali sa kubol.”2:7 Mula kaninang … kubol: o, Mula kaninang umaga hanggang ngayon ay wala siyang pahinga kahit sandali lang. 8Sinabi ni Boaz kay Ruth, “Anak, makinig ka. Huwag ka nang pumunta sa ibang bukid para mamulot ng mga nalaglag. Dito ka na lang mamulot kasama ng mga utusan kong babae. 9Tingnan mo kung saan nag-aani ang mga tauhan ko at sumunod ka sa mga utusan kong babae. Sinabihan ko na ang mga tauhan ko na huwag kang galawin. At kapag nauhaw ka, uminom ka lang sa mga tapayan na inigiban ng mga tauhan ko.”
10Nagpatirapa si Ruth sa harapan ni Boaz bilang paggalang at sinabi, “Bakit napakabuti nʼyo po sa akin gayong isang dayuhan lang ako?” 11Sumagot si Boaz, “May nagkwento sa akin ng lahat ng ginawa mo para sa biyenan mong babae mula pa noong namatay ang asawa mo. Iniwan mo raw ang iyong ama at ina at ang bayang sinilangan mo para manirahang kasama ng mga taong hindi mo kilala. 12Pagpalain ka nawa ng Panginoon dahil sa iyong ginawa. Malaking gantimpala nawa ang matanggap mo mula sa Panginoon, ang Dios ng Israel, na siyang pinagkanlungan mo.” 13Sinabi ni Ruth, “Napakabuti po ninyo sa akin. Pinalakas ninyo ang loob ko at sinabihan ng mabuti kahit hindi ako isa sa mga utusan ninyo.”
14Nang oras na para kumain, sinabi ni Boaz kay Ruth, “Halika, kumuha ka ng pagkain at isawsaw mo sa suka.” Kaya naupo si Ruth kasama ng mga tagapag-ani, at inabutan siya ni Boaz ng binusa na trigo. Kumain siya hanggang sa nabusog, at may natira pa siya. 15Nang tumayo na si Ruth para mamulot ulit ng mga nalaglag na uhay, nag-utos si Boaz sa mga tauhan niya, “Huwag ninyong hihiyain si Ruth kahit mamulot pa siya malapit sa mga binigkis na uhay.2:15 Huwag ninyong hihiyain … binigkis na uhay: Pagkatapos kunin ang mga binigkis na mga uhay, pwede nang pulutin ang natirang mga uhay. Pero pinayagan ni Boaz si Ruth na mamulot kahit hindi pa nakuha ang mga binigkis na mga uhay. 16Kumuha kayo ng mga uhay sa mga binigkis at iwan para sa kanya, at huwag nʼyo siyang sasawayin.”
17Kaya namulot si Ruth ng mga nalaglag na uhay hanggang sa lumubog ang araw. At nang magiik na niya ang naipon niyang sebada2:17 sebada: sa Ingles, “barley.” ay umabot ito ng mga kalahating sako. 18Dinala niya ito pauwi sa bayan at ipinakita sa kanyang biyenan2:18 at ipinakita sa kanyang biyenan: o, at nakita ito ng kanyang biyenan. na si Naomi. Pagkatapos kinuha niya ang natira niyang pagkain at ibinigay kay Naomi. 19Nagtanong si Naomi sa kanya, “Saan ka namulot ng mga nalaglag na uhay kanina? Kaninong bukirin? Pagpalain nawa ang taong nagmagandang-loob sa iyo!”
Ikinuwento ni Ruth kay Naomi na doon siya namulot sa bukid ng taong ang pangalan ay Boaz. 20Sinabi ni Naomi kay Ruth, “Pagpalain nawa ng Panginoon si Boaz. Ipinapakita niya ang kanyang kabutihan sa mga taong buhay pa at sa mga patay na.” At sinabi pa niya, “Si Boaz na sinasabi mo ay malapit nating kamag-anak; isa siya sa may tungkuling mangalaga sa atin.”
21Sinabi ni Ruth kay Naomi, “Sinabi pa po ni Boaz sa akin na sa mga tauhan lang niya ako sumama sa pamumulot hanggang matapos ang lahat ng mga aanihin niya.” 22Sinabi naman ni Naomi kay Ruth, “Anak, mabuti nga na sa mga utusan niyang babae ka sumama, dahil baka kung ano pa ang mangyari sa iyo sa ibang bukid.”
23Kaya sumama si Ruth sa mga utusang babae ni Boaz sa pamumulot ng mga nalaglag na uhay hanggang sa matapos ang anihan ng sebada at trigo. At patuloy siyang nanirahan kasama ng biyenan niya.
روت و بوعز
1در بيتلحم مرد ثروتمندی به نام بوعز زندگی میكرد كه از بستگان شوهر نعومی بود.
2روزی روت به نعومی گفت: «اجازه بده به كشتزارها بروم و در زمين كسی كه به من اجازهٔ خوشهچينی بدهد خوشههايی را كه بعد از درو باقی میماند، جمع كنم.»2:2 نگاه کنيد به لاويان 19:9و10؛ تثنيه 24:19.
نعومی گفت: «بسيار خوب دخترم، برو.»
3پس روت به كشتزار رفته، مشغول خوشهچينی شد. اتفاقاً كشتزاری كه او در آن خوشه میچيد از آن بوعز، خويشاوند شوهر نعومی بود. 4در اين وقت، بوعز از شهر به كشتزار آمد. او به دروگران سلام كرده، گفت: «خداوند با شما باشد.»
آنها نيز در جواب گفتند: «خداوند تو را بركت دهد.»
5سپس بوعز از سركارگرش پرسيد: «اين زنی كه خوشه میچيند كيست؟»
6او جواب داد: «اين همان زن موآبی است كه همراه نعومی از موآب آمده است. 7او امروز صبح به اينجا آمد و از من اجازه گرفت تا به دنبال دروگران خوشه بچيند. از صبح تا حالا مشغول خوشهچينی است و فقط كمی زير سايبان استراحت كرده است.»
8-9بوعز پيش روت رفت و به او گفت: «گوش كن دخترم، به كشتزار ديگری نرو، همینجا با كنيزان من باش و در كشتراز من به دنبال دروگران خوشهچينی كن. به كارگرانم دستور دادهام كه مزاحم تو نشوند. هر وقت تشنه شدی برو و از كوزههای آبِ آنها بنوش.»
10روت رو بر زمين نهاد و از او تشكر كرد و گفت: «چرا با اينكه میدانيد من يک بيگانهام، مرا مورد لطف خود قرار میدهيد؟»
11بوعز جواب داد: «میدانم پس از مرگ شوهرت چقدر به مادر شوهرت محبت كردهای و چگونه به خاطر او پدر و مادر و زادگاه خود را ترک كرده و با وی به اينجا آمدهای تا در ميان قومی زندگی كنی كه آنها را نمیشناختی. 12خداوند، خدای اسرائيل كه به او پناه آوردهای پاداش اين فداكاری تو را بدهد.»
13روت در پاسخ وی گفت: «سرور من، شما نسبت به من خيلی لطف داريد. من حتی يكی از كنيزان شما نيز به حساب نمیآيم ولی با اين وجود با سخنانتان مرا دلداری میدهيد!»
14موقع نهار، بوعز او را صدا زده، گفت: «بيا غذا بخور.» روت رفت و پيش دروگرها نشست و بوعز خوراكی پيش او گذاشت و روت خورد و سير شد و از آن خوراكی مقداری نيز باقی ماند. 15-16وقتی روت به سركارش رفت، بوعز به دروگرانش گفت: «بگذاريد او هر جا میخواهد خوشه جمع كند حتی در ميان بافهها، و مزاحم او نشويد. در ضمن عمداً خوشههايی از بافهها بيرون كشيده، بر زمين بريزيد تا او آنها را جمع كند.»
17روت تمام روز در آن كشتزار خوشهچينی كرد. غروب، آنچه را كه جمع كرده بود كوبيد و حدود ده كيلو جو به دست آمد. 18او آن را با باقيماندهٔ خوراک ظهر برداشته به شهر پيش مادر شوهرش برد.
19نعومی گفت: «دخترم، امروز در كجا خوشهچينی كردی؟ خدا به آن كسی كه به تو توجه نموده است بركت دهد.»
روت همهٔ ماجرا را برای مادر شوهرش تعريف كرد و گفت كه نام صاحب كشتزار بوعز است.
20نعومی به عروس خود گفت: «خداوند او را بركت دهد! خداوند به شوهر مرحوم تو احسان نموده و لطف خود را از ما دريغ نداشته است. آن شخص از بستگان نزديک ماست كه میتواند ولی ما باشد.»
21روت به مادر شوهرش گفت: «او به من گفت كه تا پايان فصل درو میتوانم در كشتزارش به دنبال دروگرانش خوشهچينی كنم.»
22نعومی گفت: «بله دخترم، بهتر است با كنيزان بوعز خوشهچينی كنی. برای تو كشتزار بوعز از هر جای ديگری امنتر است.»
23پس روت تا پايان فصل درو جو و گندم نزد كنيزان بوعز به خوشهچينی مشغول شد. او همچنان با مادر شوهرش زندگی میكرد.