Tagalog Contemporary Bible

Ruth 1:1-22

Ang Pakikiramay ni Ruth kay Naomi

1-2Noong panahon na hindi pa mga hari ang namumuno1:1-2 Noong panahon … namumuno: sa literal, Noong panahon na ang mga “shoftim” (mga pinuno/hukom) ang siyang namumuno. sa Israel, nagkaroon ng taggutom sa lupaing ito. Kaya si Elimelec na taga-Betlehem na sakop ng Juda ay pumunta sa Moab kasama ang asawa at dalawang anak niyang lalaki, para roon muna manirahan. Ang pangalan ng asawa niya ay Naomi at ang dalawang anak nila ay sina Mahlon at Kilion. Mga angkan sila ni Efrata na taga-Betlehem.

Habang naroon sila sa Moab, 3namatay si Elimelec, kaya si Naomi at ang dalawa niyang anak na lalaki ang naiwan. 4Nag-asawa ang mga anak niya ng mga Moabita. Ang pangalan ng isa ay Orpah at Ruth naman ang isa. Pagkalipas ng mga sampung taon, 5namatay sina Mahlon at Kilion, kaya si Naomi na lang ang naiwan.

6Nang mabalitaan ni Naomi na pinagpala ng Panginoon ang bayan niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mabuting ani, naghanda siya at ang mga manugang niya para bumalik sa Juda. 7At habang naglalakbay na sila pabalik sa Juda, 8sinabi ni Naomi sa dalawang manugang niya, “Bumalik na lang kayo sa inyong ina. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon sa mabuti ninyong pakikitungo sa mga yumao ninyong asawa at sa akin. 9At loobin sana ng Panginoon na makapag-asawa kayong muli para magkaroon kayo ng maayos na kalagayan sa panibagong tahanan.”

Pagkatapos, hinalikan sila ni Naomi. Humagulgol sila 10at sinabi sa kanya, “Sasama kami sa inyo sa pagbalik nʼyo sa kababayan ninyo.” 11-12Pero sinabi ni Naomi, “Umuwi na kayo mga anak. Bakit pa kayo sasama sa akin? Akala nʼyo ba makakapag-asawa pa ako at makakapanganak ng mga lalaking mapapangasawa ninyo? Hindi na maaari dahil matanda na ako. Pero ipagpalagay natin na makapag-asawa ako ngayong gabi at magkaanak pa, 13hihintayin nʼyo ba silang lumaki? Hindi ba kayo mag-aasawa alang-alang sa kanila? Hindi maaari mga anak. Ang totoo, mas mapait ang sinapit ko kaysa sa inyo, dahil pinahirapan ako ng Panginoon.”

14At umiyak na naman sila nang malakas. Pagkatapos, hinalikan ni Orpah ang biyenan niya at umuwi,1:14 at umuwi: Itoʼy nasa Septuagint pero wala sa Hebreo. pero si Ruth naman ay nagpaiwang kasama ni Naomi. 15Sinabi ni Naomi, “Bumalik na ang bilas mo sa mga kababayan niya at sa kanyang dios,1:15 dios: o, mga dios. kaya sumama ka na rin sa kanya.” 16Pero sumagot si Ruth, “Huwag po ninyo akong piliting iwan kayo, dahil kung saan kayo pupunta, doon din ako pupunta, at kung saan kayo tumira, doon din po ako titira. Ang mga kababayan nʼyo ay magiging kababayan ko rin, at ang Dios ninyo ay magiging Dios ko rin. 17Kung saan kayo mamamatay, doon din po ako mamamatay at ililibing. Parusahan nawa ako ng Panginoon nang mabigat kapag humiwalay ako sa inyo, maliban na lang kung ang kamatayan na ang maghihiwalay sa ating dalawa.”

18Nang makita ni Naomi na desidido si Ruth na sumama sa kanya, tumahimik na lang siya. 19Kaya nagpatuloy silang dalawa sa paglalakbay hanggang sa nakarating sila sa Betlehem. Ang lahat ng taoʼy nabigla sa kanilang pagdating. Sinabi ng mga babae, “Si Naomi ba talaga ito?”

20Sinabi ni Naomi sa kanila, “Huwag nʼyo na akong tawaging Naomi,1:20 Naomi: Ang ibig sabihin, masarap. kundi tawagin ninyo akong Mara,1:20 Mara: Ang ibig sabihin, mapait. dahil pinapait ng Makapangyarihang Dios ang buhay ko. 21Pag-alis ko rito ay nasa sa akin ang lahat, pero ibinalik ako ng Panginoon nang walang-wala. Kaya huwag na ninyo akong tawaging Naomi, dahil pinahirapan ako ng Makapangyarihang Panginoon.”

22Nagsisimula pa lang ang anihan ng sebada1:22 sebada: sa Ingles, “barley.” nang dumating si Naomi sa Betlehem kasama ang manugang niyang si Ruth na Moabita.

Persian Contemporary Bible

روت 1:1‏-22

نعومی و روت

1‏-2در زمانی كه هنوز پادشاهی بر قوم اسرائيل حكومت نمی‌كرد، سرزمين اسرائيل دچار خشكسالی شد. مردی از اهالی افراته به نام اليملک كه در بيت‌لحم زندگی می‌كرد، در اثر اين خشكسالی از وطن خود به سرزمين موآب كوچ كرد. زن او نعومی و دو پسرش مَحلون و كِليون نيز همراه او بودند. 3در طی اقامتشان در موآب، اليملک درگذشت و نعومی با دو پسرش تنها ماند.

4‏-5پسران نعومی با دو دختر موآبی به نامهای عرفه و روت ازدواج كردند. ده سال بعد محلون و كليون نيز مردند. بدين ترتيب نعومی، هم شوهر و هم پسرانش را از دست داد و تنها ماند. 6‏-7او تصميم گرفت با دو عروسش به زادگاه خود بازگردد، زيرا شنيده بود كه خداوند به قوم خود بركت داده و محصول زمين دوباره فراوان شده است.

اما وقتی به راه افتادند، تصميم نعومی عوض شد 8و به عروسهايش گفت: «شما همراه من نياييد. به خانهٔ پدری خود بازگرديد. خداوند به شما بركت بدهد همانگونه كه شما به من و پسرانم خوبی كرديد. 9اميدوارم به لطف خداوند بتوانيد بار ديگر شوهر كنيد و خوشبخت شويد.»

سپس نعومی آنها را بوسيد و آنها گريستند 10و به نعومی گفتند: «ما می‌خواهيم همراه تو نزد قوم تو بياييم.»

11ولی نعومی در جواب آنها گفت: «ای دخترانم بهتر است برگرديد. چرا می‌خواهيد همراه من بياييد؟ مگر من می‌توانم صاحب پسران ديگری شوم كه برای شما شوهر باشند؟1‏:11 طبق رسم آن روزگار هرگاه شوهر زنی می‌مرد برادر شوهر آن زن می‌بايست او را به عقد خود در می‌آورند (تثنيه 25‏:5‏-10).‏ 12‏-13نه، ای دخترانم، نزد قوم خود بازگرديد، زيرا از من گذشته است كه بار ديگر شوهر كنم. حتی اگر همين امشب شوهر كنم و صاحب پسرانی شوم، آيا تا بزرگ شدن آنها صبر خواهيد كرد و با كس ديگری ازدواج نخواهيد نمود؟ از وضعی كه برای شما پيش آمده متأسفم. خداوند طوری مرا تنبيه نموده كه موجب آزردگی شما نيز شده‌ام.»

14آنها بار ديگر با صدای بلند گريستند. عرفه مادر شوهرش را بوسيد و از او خداحافظی كرد و به خانه بازگشت. اما روت از او جدا نشد. 15نعومی به روت گفت: «ببين دخترم، زن برادر شوهرت نزد قوم و خدايان خود بازگشت. تو هم همين كار را بكن.»

16اما روت به او گفت: «مرا مجبور نكن كه تو را ترک كنم، چون هر جا بروی با تو خواهم آمد و هر جا بمانی با تو خواهم ماند. قوم تو، قوم من و خدای تو، خدای من خواهد بود. 17می‌خواهم جايی كه تو می‌ميری بميرم و در كنار تو دفن شوم. خداوند بدترين بلا را بر سر من بياورد، اگر بگذارم چيزی جز مرگ مرا از تو جدا كند.»

18نعومی چون ديد تصميم روت قطعی است و به هيچ وجه نمی‌شود او را منصرف كرد، ديگر اصرار ننمود. 19پس هر دو روانهٔ بيت‌لحم شدند. وقتی بدانجا رسيدند تمام اهالی به هيجان آمدند و زنها از همديگر می‌پرسيدند: «آيا اين خود نعومی است؟» 20نعومی به ايشان گفت: «مرا نعومی (يعنی ”خوشحال“) نخوانيد. مرا ماره (يعنی ”تلخ“) صدا كنيد؛ زيرا خدای قادر مطلق زندگی مرا تلخ كرده است. 21پُر رفتم و خداوند مرا خالی بازگردانيد. برای چه مرا نعومی می‌خوانيد، حال آنكه خداوند قادر مطلق روی خود را از من برگردانيده و اين مصيبت بزرگ را بر من وارد آورده است؟»

22(وقتی نعومی و روت از موآب به بيت‌لحم رسيدند، هنگام درو جو بود.)