Roma 3 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Roma 3:1-31

1Kung ganoon, ano ang kalamangan ng pagiging isang Judio? At ano ang kahalagahan ng pagiging tuli? 2Totoong nakakahigit ang mga Judio sa maraming bagay. Una sa lahat, ipinagkatiwala sa kanila ang salita ng Dios. 3Kung hindi naging tapat ang ilan sa pagsunod sa Dios, nangangahulugan bang hindi na rin magiging tapat ang Dios sa pagtupad sa kanyang mga pangako? 4Aba hindi! Sapagkat tapat ang Dios sa kanyang mga salita, maging sinungaling man ang lahat ng tao. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Mapapatunayang tapat ka sa iyong salita, at laging tama sa iyong paghatol.”3:4 Salmo 51:4.

5Baka naman may magsabi, “Kung sa pamamagitan ng mga ginagawa naming masama ay makikita ang kabutihan ng Dios, hindi makatarungan ang Dios kung parusahan niya kami.” (Ganyan ang pangangatwiran ng tao.) 6Aba, hindi maaari iyan. Sapagkat kung ganyan, paano niya hahatulan ang mga tao sa mundo?

7Baka naman mayroon ding magsabi, “Kung sa aking pagsisinungaling ay lumalabas na hindi sinungaling ang Dios, at dahil dito papupurihan pa siya, bakit niya ako parurusahan bilang isang makasalanan?” 8Kung ganito ang iyong pangangatwiran, para mo na ring sinasabi na gumawa tayo ng masama para lumabas ang mabuti. At ayon sa mga taong naninira sa amin, ganyan daw ang aming itinuturo. Ang mga taong iyan ay nararapat lamang na parusahan ng Dios.

Ang Lahat ng Tao ay Makasalanan

9Ano ngayon ang masasabi natin? Na tayo bang mga Judio ay talagang nakakalamang sa mga hindi Judio? Hindi! Sapagkat ipinaliwanag ko na, na ang lahat ng tao ay makasalanan, Judio man o hindi. 10Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan,

“Walang matuwid sa paningin ng Dios, wala kahit isa.

11Walang nakakaunawa tungkol sa Dios, walang nagsisikap na makilala siya.

12Ang lahat ay tumalikod sa Dios at naging walang kabuluhan.

Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”3:12 Salmo 14:1-3; 53:1-3.

13“Ang kanilang pananalitaʼy3:13 pananalita: sa literal, lalamunan. hindi masikmura tulad ng bukas na libingan.

Ang kanilang sinasabiʼy3:13 sinasabi: sa literal, dila. puro pandaraya.3:13 Salmo 5:9.

Ang mga salita3:13 salita: sa literal, labi. nilaʼy parang kamandag ng ahas.3:13 Salmo 140:3.

14Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.3:14 Salmo 10:7.

15Sa kaunting dahilan lang pumapatay agad sila ng tao.

16Kapahamakan at hinagpis ang dala nila kahit saan.

17Hindi nila alam ang mamuhay nang mapayapa,3:17 Isa. 59:7-8.

18at wala silang takot sa Dios.”3:18 Salmo 36:1.

19Ngayon, alam natin na ang lahat ng sinasabi ng Kautusan ay para sa ating mga Judio na namumuhay sa ilalim ng Kautusan, para walang maidahilan ang sinuman na hindi siya dapat parusahan. Ang lahat ng tao sa mundo ay mananagot sa Dios. 20Sapagkat walang sinuman ang ituturing ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Sa halip, ipinapakita ng Kautusan sa tao na makasalanan siya.

21Pero ngayon, inihayag na kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang tao. Itoʼy hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ang Kautusan na mismo at ang mga propeta ang nagpapatotoo rito. 22Ang taoʼy itinuturing ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. At walang pinapaboran ang Dios. Kaya ang sinumang sumasampalataya kay Jesu-Cristo ay itinuturing niyang matuwid. 23Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios. 24Ngunit dahil sa biyaya ng Dios sa atin, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang tumubos sa atin. Itoʼy regalo ng Dios. 25Isinugo si Cristo Jesus sa mundo para ialay ang kanyang buhay, nang sa ganoon mawala ang galit ng Dios sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sasampalataya tayo sa kanya. Ginawa iyon ng Dios para ipakita na matuwid siya. Noong unaʼy nagtimpi siya at pinalampas ang mga kasalanang ginawa ng mga tao, kahit na dapat sanaʼy pinarusahan na sila. 26Isinugo niya si Cristo para ipakita sa kasalukuyang panahon na matuwid siya. Dahil sa ginawa ng Dios, pinatunayan niyang matuwid siya maging sa pagturing niyang matuwid sa mga makasalanang sumasampalataya kay Jesus. 27Kaya wala tayong maipagmamalaki, dahil ang pagturing sa atin na matuwid ay hindi sa pamamagitan ng ating pagsunod sa Kautusan, kundi sa ating pananampalataya kay Jesus. 28Sapagkat naniniwala tayo na itinuturing ng Dios na matuwid ang tao sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya kay Cristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. 29Ang Dios ay hindi lamang Dios ng mga Judio, kundi Dios din ng mga hindi Judio, dahil siyaʼy Dios ng lahat. 30Iisa lamang ang Dios para sa mga Judio at hindi Judio, at ituturing silang matuwid ng Dios dahil sa kanilang pananampalataya kay Cristo. 31Nangangahulugan bang binabalewala namin ang Kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Hindi! Sa halip, lalo pa nga naming tinutupad ang layunin ng Kautusan.

Persian Contemporary Bible

رومیان 3:1-31

خدا امين است

1پس برتری يهوديت در چيست؟ آيا خدا امتياز بخصوصی برای يهوديان قائل است؟ آيا ختنه ارزشی دارد؟ 2بلی، خدا برای يهوديان امتيازات بسياری قائل شده است.

يكی از مهمترین اين امتيازات، اينست كه خدا احكام و كلام خود را به ايشان سپرد، تا آنان خواست و ارادهٔ او را بدانند و آن را اجرا كنند. 3اما اگر بعضی از ايشان ايمان خود را از دست دادند و نسبت به خدا پيمان‌شكنی كردند، آيا خدا نيز عهد و پيمان خود را خواهد شكست؟ 4هرگز! اگر همهٔ مردم دنيا هم دروغ بگويند، خدا هرگز دروغ نمی‌گويد. در كتاب آسمانی در اين باره آمده كه هر چه خدا می‌فرمايد، هميشه راست و درست است، و در هر داوری پيروزی با اوست.

5اما بعضی چنين استدلال می‌كنند: «خوب است كه ما بی‌ايمان بمانيم! گناهان ما نتيجهٔ خوبی دارد! زيرا وقتی مردم ببينند كه ما چقدر بد هستيم، بهتر پی خواهند برد كه خدا چقدر نيكوست! پس، در اين صورت آيا انصاف است كه خدا ما را مجازات كند، در حالی که گناهان ما به جلال او كمک می‌كند؟» 6به هيچ وجه چنين نيست! زيرا چنين خدايی ديگر شايسته نخواهد بود كسی را داوری كند. 7چون اگر نادرستی من در مقايسه با راستی خدا باعث بزرگی و جلال او گردد، ديگر او نمی‌تواند مرا به عنوان يک گناهكار، داوری و محكوم كند. 8اگر بخواهيد چنين استدلال كنيد، به اين نتيجه خواهيد رسيد كه «هر چه ما بدتر باشيم، خدا بيشتر خشنود می‌گردد.» بعضی به من افترا می‌زنند و می‌گويند كه من اين را وعظ می‌كنم. محكوميت چنين اشخاص قطعی است.

هيچكس نيكوكار نيست

9خوب، چه نتيجه می‌گيريم؟ آيا ما يهوديان از ديگران بهتريم؟ نه، به هيچ وجه! زيرا قبلاً بيان كرديم كه همه به طور يكسان گناهكارند، چه يهودی باشند، چه غيريهودی. 10كتاب آسمانی نيز در اين باره می‌فرمايد:

هيچكس نيكوكار نيست،

در تمام عالم، يک بی‌گناه هم يافت نمی‌شود.

11هيچكس فهم ندارد،

كسی واقعاً طالب خدا نيست.

12همه از او روی برگردانيده‌اند؛

همه به راه خطا رفته‌اند؛

حتی يک نفر هم نيست كه نيكوكار بوده باشد.

13سخنان ايشان كثيف و متعفن است،

همچون بوی تعفنی كه از قبر به مشام می‌رسد.

زبانشان را برای فريب دادن به کار می‌برند.

سخنانشان همچون نيش مار كشنده است.

14دهانشان پر از لعنت و تلخی است.

15پايهايشان برای خون ريختن شتابان است.

16به هر جا برسند، پريشانی و ويرانی بجا می‌گذارند.

17از آرامش الهی نصيبی ندارند.

18احترام و ترس خدا، جايی در قلبشان ندارد.

19بنابراين، خدا يهوديان را خيلی شديدتر داوری و مجازات خواهد كرد، زيرا ايشان می‌بايست به جای اينكه مرتكب چنين گناهانی شوند، دستورات و احكام خدا را بجا آورند. به همين علت هيچيک از ايشان نخواهد توانست برای بی‌ايمانی و گناهان خود، عذر و بهانه‌ای بياورد. در حقيقت، تمام مردم دنيا در برابر تخت داوری خدای قادر مطلق، مقصر و محكومند.

20پس ملاحظه می‌كنيد كه با اجرای شريعت، كسی هرگز نمی‌تواند رضايت خدا را حاصل كند. در واقع هر چه بيشتر شريعت را بدانيم، بيشتر پی می‌بريم كه آن را زير پا گذارده‌ايم. شريعت فقط چشمان ما را باز می‌كند تا گناهان خود را ببينيم.

راه تازهٔ خدا برای نجات ما

21‏-22اما اكنون خدا راه ديگری برای نجات به ما نشان داده است. ما تا به حال سعی می‌كرديم با اجرای مقررات و تشريفات مذهبی، به اين نجات و رستگاری دست يابيم و در حضور خدا پاک و بی‌گناه شمرده شويم. اما در اين راه نوين، ديگر چنين نيست، هر چند كه اين راه، چندان هم تازه نيست، زيرا كتاب آسمانی ما از زمانهای گذشته نويد آن را داده بود. اينک خدا چنين مقرر داشته كه اگر كسی به مسيح ايمان بياورد، از سر تقصيرات او بگذرد و او را كاملاً «بی‌گناه» به حساب آورد. همه انسانها نيز بدون توجه به مقام و يا سوابقشان، می‌توانند از همين راه، يعنی «ايمان به عيسی مسيح» نجات يابند. 23زيرا همه گناه كرده‌اند و هيچكس به آن كمال مطلوب و پرجلالی كه خدا انتظار دارد، نرسيده است. 24اما اكنون اگر به عيسی مسيح ايمان آوريم، خدا ما را كاملاً «بی‌گناه» به حساب می‌آورد، چون عيسی مسيح به لطف خود به طور رايگان گناهان ما را برداشته است.

25خدا عيسی مسيح را فرستاد تا مجازات گناهان ما را متحمل شود و خشم و غضب خدا را از ما برگرداند. خدا خون مسيح و ايمان ما را وسيله‌ای ساخت برای نجات ما از غضب خود. به اين ترتيب او عدالت خود را ظاهر نمود. اگر او كسانی را كه در زمانهای گذشته گناه كرده بودند مجازات نكرد، اين هم كاملاً عادلانه بود، زيرا او منتظر زمانی بود كه مسيح بيايد و گناهان آنان را نيز پاک سازد. 26در زمان حاضر نيز خدا از همين راه گناهكاران را به حضور خود می‌پذيرد، زيرا عيسی مسيح گناهان ايشان را برداشته است.

اما آيا اين بی‌انصافی نيست كه خدا گناهكاران را بی‌گناه بشمارد؟ نه، زيرا خدا اين كار را بر اساس ايمانشان به عيسی مسيح انجام می‌دهد، يعنی ايمان به كسی كه با خون خود گناهانشان را پاک كرده است.

27آيا حالا ديگر كسی می‌تواند به خود ببالد و تصور كند كه با پرهیزگاری و اعمال نيک خود، نجات يافته و مقبول خدا گشته است؟ هرگز! چرا؟ زيرا نجات، نه از كارهای نيک ما و انجام تشريفات مذهبی، بلكه از كارهايی كه عيسی مسيح برای ما انجام داد و از ايمانی كه ما به او داريم، به دست می‌آيد. 28پس ما بوسيلهٔ ايمان به عيسی مسيح نجات می‌يابيم و در حضور خدا بی‌گناه به حساب می‌آييم، نه به سبب كارهای خوب خود يا انجام تشريفات مذهبی.

29آيا خدا فقط يهوديان را از اين راه نجات می‌دهد؟ نه، غيريهوديان نيز می‌توانند از همين راه به حضور خدا راه يابند. 30زيرا در نظر خدا همه يكسانند. همه، چه يهودی و چه غيريهودی، بوسيلهٔ ايمان بی‌گناه محسوب می‌شوند. 31حال كه بوسيلهٔ ايمان نجات می‌يابيم، آيا ديگر لازم نيست شريعت و احكام خدا را اطاعت نماييم؟ نه، درست برعكس است! زيرا فقط زمانی می‌توانيم احكام خدا را اطاعت كنيم كه به عيسی مسيح ايمان آوريم.