Roma 14 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Roma 14:1-23

Huwag Humatol sa Kapatid

1Tanggapin ninyo ang kapatid na mahina ang pananampalataya at huwag makipagtalo sa kanyang mga paniniwala. 2Halimbawa, may kapatid na naniniwala na lahat ng pagkain ay maaaring kainin. Mayroon namang mahina ang pananampalataya at para sa kanya, gulay lamang ang dapat kainin. 3Hindi dapat hamakin ng taong kumakain ng kahit ano ang tao na ang kinakain ay gulay lamang. At huwag hatulan ng tao na ang kinakain ay gulay lamang ang taong kumakain ng kahit ano. Sapagkat pareho silang tinatanggap ng Dios, 4at sa Dios lang din sila mananagot. Kaya, sino ka para humatol sa utusan ng iba? Ang Amo14:4 Amo: sa literal, panginoon. lang niya ang makapagsasabi kung mabuti o masama ang ginagawa niya. At talagang magagawa niya ang tama, dahil ang Panginoon ang tutulong sa kanya.

5May mga taong naniniwala na mas mahalaga ang isang araw kaysa sa ibang mga araw. May tao namang pare-pareho lang para sa kanya ang lahat ng araw. Ang bawat tao ang bahalang magpasya para sa kanyang sarili tungkol sa bagay na iyan. 6Ang taong may pinapahalagahang araw ay gumagawa nito para sa Panginoon. At ang tao namang kumakain ng kahit anong pagkain ay gumagawa rin nito para sa Panginoon, dahil pinapasalamatan niya ang Dios para sa kanyang pagkain. Ang hindi naman kumakain ng ilang klase ng pagkain ay gumagawa nito para sa Panginoon at nagpapasalamat din siya sa Dios. 7Wala ni isa man sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang. 8Kung tayoʼy nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayoʼy mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya mabuhay man tayo o mamatay, tayoʼy sa Panginoon. 9Ito ang dahilan kung bakit namatay at muling nabuhay si Cristo, para maging Panginoon siya ng mga buhay at mga patay. 10Kaya huwag ninyong hahatulan o hahamakin ang inyong kapatid kay Cristo. Sapagkat tayong lahat ay haharap sa Dios, at siya ang hahatol kung ang ginawa natin ay mabuti o masama. 11Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Ako, ang Panginoon na buhay ay sumusumpa na darating ang araw na luluhod ang lahat ng tao sa akin at kikilalanin akong Dios.”14:11 Isa. 45:23. 12Kaya lahat tayoʼy mananagot sa Dios sa lahat ng ating mga ginawa.

13Kaya nga huwag na tayong maghatulan. Sa halip, iwasan na nating gumawa ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid. 14Dahil nakipag-isa na ako sa Panginoong Jesus, alam ko na wala talagang bawal na pagkain. Pero kung inaakala ng isang tao na bawal ang isang pagkain, dapat huwag niyang kainin. 15Kung nasasaktan ang iyong kapatid dahil sa kinakain mo, hindi na naaayon sa pag-ibig ang ginagawa mo. Huwag mong ipapahamak ang kapatid mo kay Cristo dahil lang sa pagkain, dahil namatay din si Cristo para sa kanya. 16Huwag mong gawin ang anumang bagay na itinuturing ng iba na masama kahit na para sa iyo ito ay mabuti. 17Sapagkat ang kaharian ng Dios ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi tungkol sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa isaʼt isa, at kagalakan na mula sa Banal na Espiritu. 18Ang naglilingkod kay Cristo sa ganitong paraan ay kalugod-lugod sa Dios at iginagalang ng kapwa.

19Kaya pagsikapan nating gawin lagi ang mga bagay na magbibigay ng kapayapaan at makakapagpatibay sa isaʼt isa. 20Huwag mong sirain ang pananampalataya ng isang iniligtas ng Dios nang dahil lang sa pagkain. Lahat ng pagkain ay maaaring kainin, pero ang pagkain nito ay masama kapag naging dahilan ito ng pagkakasala ng iba. 21Mas mabuti pang huwag nang kumain ng karne o uminom ng alak o gawin ang isang bagay kung iyon ang magiging dahilan ng pagkakasala ng iyong kapatid. 22Kaya anuman ang iyong paniniwala sa mga bagay na ito, ikaw na lang at ang Dios ang dapat makaalam. Mapalad ang taong hindi inuusig ng kanyang konsensya dahil sa paggawa ng mga bagay na alam niyang tama. 23Pero ang sinumang kumakain nang may pag-aalinlangan ay nagkakasala14:23 nagkakasala: o, hinahatulan ng Dios. dahil hindi na ito ayon sa kanyang paniniwala. Sapagkat kasalanan ang anumang bagay na ginagawa natin na hindi ayon sa ating paniniwala.

Persian Contemporary Bible

رومیان 14:1-23

وظيفهٔ مسيحيان نسبت به يكديگر

1هر ايمانداری را كه مايل است به جمع شما بپيوندد، به گرمی بپذيريد، حتی اگر ايمانش ضعيف باشد. اگر عقايد او دربارهٔ كارهای درست و نادرست، با عقايد شما متفاوت است، از او ايراد نگيريد. 2به عنوان مثال، بر سر خوردن يا نخوردن گوشت حيوانی كه برای بتها قربانی شده است، با او جر و بحث نكنيد. ممكن است شما در خوردن چنين گوشتی ايرادی نبينيد، اما ديگران چون ايمانشان ضعیفتر است، اين عمل را اشتباه بدانند و ترجيح دهند اصلاً گوشت نخورند و برای خوراک از سبزيجات استفاده كنند. 3پس آنانی كه خوردن چنين گوشتی را بلامانع می‌دانند، آنانی را كه نمی‌خورند تحقير نكنند؛ و آنانی كه نمی‌خورند، از كسانی كه می‌خورند ايراد نگيرند، زيرا خدا ايشان را نيز به فرزندی پذيرفته است. 4آنان بندگان خدا هستند، نه بندگان شما؛ آنان فقط به خدا پاسخگو هستند، نه به شما. بنابراين، بگذاريد خدا درستی يا نادرستی عقيده‌شان را به ايشان نشان دهد؛ و البته خدا قادر است كمكشان كند كه راه صحيح را در پيش گيرند.

5بعضی نيز تصور می‌كنند كه مسيحيان بايد روزهای مقدس يهوديان را به عنوان روزهای مخصوص عبادت خدا نگه دارند اما بعضی ديگر چنين كاری را بيهوده می‌دانند و معتقدند كه همهٔ روزها به طور يكسان از آن خدا هستند. در مورد اين گونه مسايل، هر کس بايد برای خودش تصميم بگيرد. 6آنانی كه در روزهای مخصوصی خدا را عبادت می‌كنند، كار خوبی می‌كنند چون به اين وسيله به خدا احترام می‌گذارند. آنانی هم كه فرقی بين روزها قائل نمی‌شوند، كار خوبی می‌كنند چون كارشان برای خشنودی خداوند است. همين امر در مورد خوردن يا نخوردن گوشت قربانی بتها نيز صادق است. چه، كسانی كه می‌خورند و چه، كسانی كه نمی‌خورند، قصدشان خشنود ساختن خداوند است و برای كاری كه می‌كنند، خدا را سپاس می‌گويند. 7به هر حال نبايد فراموش كنيم كه ما صاحب اختيار خود نيستيم و نمی‌توانيم هر طور كه می‌خواهيم زندگی كنيم و يا هر طور كه می‌خواهيم، بميريم. 8چه در زندگی و چه در مرگ، ما از خداوند پيروی می‌كنيم و متعلق به او هستيم. 9مسيح نيز به همين منظور مرد و زنده شد تا بتواند هم در طول زندگی و هم در زمان مرگمان، خداوند و صاحب اختيار ما باشد.

10بنابراين، شما به هيچ وجه حق نداريد از برادر خود ايراد بگيريد و يا با نظر تحقير به او نگاه كنيد. به ياد داشته باشيد كه هر يک از ما بايد به تنهايی در مقابل تخت داوری خدا بايستيم تا او ما را داوری كند؛ 11زيرا خداوند در كتاب آسمانی فرموده است: «به حيات خود قسم كه تمام مردم در مقابل من زانو زده، به زبان خود مرا ستايش خواهند كرد.» 12بلی، هر يک از ما بايد به خدا حساب پس بدهيم.

13پس بهتر است از يكديگر ايراد نگيريد. در عوض بكوشيد رفتارتان به گونه‌ای باشد كه برادر مسيحی‌تان آن را گناه به حساب نياورد، در غير اين صورت ممكن است ايمانش سست گردد.

14من خود، به سبب اختياری كه عيسای خداوند به من داده است، يقين دارم كه خوردن گوشت قربانی بتها به خودی خود اشكالی ندارد. اما اگر كسی اين كار را نادرست و گناه می‌پندارد، نبايد چنين گوشتی را بخورد، زيرا در اين صورت مرتكب گناه شده است. 15همچنين اگر می‌بينيد كه آنچه می‌خوريد موجب آزردگی وجدان برادرتان می‌شود، بايد از اين كار دست بكشيد، در غير اين صورت بر اساس محبت رفتار نمی‌كنيد. اجازه ندهيد خوردن شما باعث از بين رفتن ايمان كسی شود كه مسيح در راه او جانش را فدا كرد. 16پس كاری نكنيد كه برای آن از شما ايراد بگيرند، حتی اگر آن كار به نظر خودتان درست باشد. 17چون ملكوت خدا كه هدف زندگی ما مسيحيان است، خوردن و نوشيدن نيست بلكه بهره‌مند شدن از نيكی و آرامش و شادی است كه روح‌القدس عطا می‌فرمايد. 18اگر در خدمت به مسيح، اين اصول را رعايت كنيد، گذشته از اينكه خدا را خشنود می‌سازيد، باعث آزردگی كسی نيز نمی‌شويد. 19پس هدف شما اين باشد كه با ساير ايمانداران در صلح و صفا به سر ببريد تا باعث تقويت ايمانشان گرديد.

20برای يک تكه گوشت، كار خدا را خراب نكنيد. باز تكرار می‌كنم، اشكالی در گوشت وجود ندارد، اما اگر خوردن آن باعث لغزش و سستی ايمان كسی شود، طبيعتاً اين عمل گناه به حساب می‌آيد. 21كار درست اين است كه از خوردن گوشت يا نوشيدن شراب و يا هر كار ديگری كه باعث آزردگی و لغزش ديگران می‌شود، پرهيز كنيد. 22اگر معتقديد كه كارتان، حتی از نظر خدا اشكالی ندارد، آن را نزد خود انجام دهيد؛ اما از انجام آن در حضور كسانی كه از آن می‌رنجند اجتناب نماييد. خوشا به حال كسی كه به هنگام انجام دادن آنچه كه درست می‌پندارد، خود را محكوم و سرزنش نكند. 23اما كسی كه وجدانش از آنچه می‌كند ناراحت است، به هيچ وجه نبايد به آن كار دست بزند، چون در اين صورت مرتكب گناه شده است، زيرا وجدانش آن كار را گناه می‌داند. پس اگر قصد انجام كاری را داريد كه آن را گناه می‌پنداريد، آن را انجام ندهيد، زيرا كاری كه با وجدان ناراحت انجام شود، گناه است.