Roma 11 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Roma 11:1-36

Ang Awa ng Dios sa Israel

1Ang tanong ko ngayon, itinakwil na ba ng Dios ang mga taong pinili niya? Aba, hindi! Ako mismo ay isang Israelita, mula sa lahi ni Abraham at kabilang sa lahi ni Benjamin. 2Hindi itinakwil ng Dios ang kanyang mga mamamayan na sa simula paʼy pinili na niya. Hindi nʼyo ba natatandaan ang sinasabi sa Kasulatan nang ireklamo ni Propeta Elias sa Dios ang mga Israelita? 3Ang sabi ni Elias, “Panginoon, pinatay po nila ang inyong mga propeta at winasak ang inyong mga altar. Ako na lang po ang natitira at gusto pa nila akong patayin.” 4Pero ano ang isinagot sa kanya ng Dios? “Nagtira ako ng 7,000 Israelitang hindi sumasamba sa dios-diosang si Baal.” 5Ganyan din ngayon, may mga natitira pang mga Israelita na tapat sa Dios, na pinili niya dahil sa kanyang biyaya. 6Ngayon, kung ang pagkapili sa kanila ay dahil sa kanyang biyaya, hindi na ito nakasalalay sa kanilang mabubuting gawa. Sapagkat kung nakasalalay sa mabubuting gawa, hindi na ito biyaya.

7Ngayon, masasabi natin na hindi nakamtan ng mga Israelita ang kanilang ninanais na maituring silang matuwid ng Dios. Ang mga pinili ng Dios ang siyang nagkamit nito, pero ang karamihan ay pinatigas ang ulo. 8Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Ginawa silang manhid ng Dios at hanggang ngayon ay para silang mga bulag o bingi sa katotohanan.” 9Sinabi rin ni David tungkol sa kanila: “Ang kanilang mga handog11:9 handog: o, kapistahan. Sa literal, mesa. sana ang magdala sa kanila ng kapahamakan, kasiraan, at kaparusahan. 10Mabulag sana sila at magkandakuba sa bigat ng kanilang mga papasanin.”

11Natisod ang mga Judio dahil hindi sila sumampalataya kay Cristo. Ibig bang sabihin, tuluyan na silang mapapahamak? Hindi! Pero dahil sa paglabag nila, nabigyan ng pagkakataon ang mga hindi Judio na maligtas. At dahil dito, maiinggit ang mga Judio. 12Ngayon, kung ang paglabag at pagkabigong ito ng mga Judio ay nagdulot ng malaking pagpapala sa mga hindi Judio sa buong mundo, gaano pa kaya kalaki ang pagpapalang maidudulot kung makumpleto na ang buong bilang ng mga Judio na sasampalataya kay Cristo.

Ang Kaligtasan ng mga Hindi Judio

13Ngayon, ito naman ang sasabihin ko sa inyong mga hindi Judio: Ginawa akong apostol ng Dios para sa inyo, at ikinararangal ko ang tungkuling ito. 14Baka sakaling sa pamamagitan nito ay magawa kong inggitin ang mga kapwa ko Judio para sumampalataya ang ilan sa kanila at maligtas. 15Kung ang pagtakwil ng Dios sa mga Judio ang naging daan para makalapit sa kanya ang ibang mga tao sa mundo, hindi baʼt lalo pang malaking kabutihan ang maidudulot kung ang mga Judio ay muling tanggapin ng Dios? Sila ay para na ring muling binuhay.

16Maihahambing natin ang mga Judio sa isang tinapay. Kung inihandog sa Dios ang bahagi ng tinapay, ganoon na rin ang buong tinapay. At kung inihandog sa Dios ang ugat ng isang puno, ganoon na rin ang mga sanga nito. 17Ang mga Judio ay tulad sa isang puno ng olibo na pinutol ang ilang mga sanga. At kayong mga hindi Judio ay tulad sa mga sanga ng ligaw na olibo na ikinabit bilang kapalit sa pinutol na mga sanga. Kaya nakabahagi kayo sa mga pagpapala ng Dios para sa mga Judio. 18Pero huwag kayong magmalaki na mas mabuti kayo sa mga sangang pinutol. Alalahanin ninyong mga sanga lang kayo; hindi kayo ang bumubuhay sa ugat kundi ang ugat ang bumubuhay sa inyo.

19Maaaring sabihin ninyo, “Pinutol sila para maikabit kami.” 20Totoo iyan. Pinutol sila dahil hindi sila sumampalataya kay Cristo, at kayo naman ay ikinabit dahil sumampalataya kayo. Kaya huwag kayong magmataas, sa halip ay magkaroon kayo ng takot. 21Sapagkat kung nagawang putulin ng Dios ang mga likas na sanga, magagawa rin niya kayong putulin. 22Ditoʼy makikita natin ang kabutihan at kabagsikan ng Dios. Mabagsik siya sa mga nagkakasala, pero mabuti siya sa inyo kung mananatili kayo sa kanyang kabutihan. Pero kung hindi, kayo man ay puputulin din. 23At kung hindi na magmamatigas ang mga Judio kundi sasampalataya, ikakabit din silang muli sa puno, dahil kaya itong gawin ng Dios. 24Sapagkat kung kayong mga sanga ng olibong ligaw ay naidugtong niya sa olibong inalagaan kahit na hindi ito kadalasang ginagawa, mas madaling idugtong muli ng Dios ang mga sangang pinutol mula sa dating puno.

Ang Dios ay Maawain sa Lahat

25Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang isang katotohanan na ngayon ko lang ihahayag sa inyo, para hindi maging mataas ang tingin nʼyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng mga Judio ay hindi panghabang panahon. Itoʼy hanggang makumpleto lang ang kabuuang bilang ng mga hindi Judio na sasampalataya kay Cristo. 26Pagkatapos niyan, maliligtas ang buong Israel,11:26 buong Israel: o, lahat ng mananampalatayang Israelita. gaya ng sinasabi sa Kasulatan,

“Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas;

aalisin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob.

27Gagawin ko ang kasunduang ito sa kanila sa araw na aalisin ko ang kanilang kasalanan.”

28Dahil tinanggihan ng mga Judio ang Magandang Balita, naging kaaway sila ng Dios para kayong mga hindi Judio ay mabigyan ng pagkakataong maligtas. Pero kung ang pagpili ng Dios ang pag-uusapan, mahal pa rin sila ng Dios dahil sa kanilang mga ninuno. 29Sapagkat ang Dios ay hindi nagbabago ng isip sa kanyang pagpili at pagpapala. 30Dati, kayong mga hindi Judio ay suwail sa Dios, pero kinaawaan niya kayo dahil sa pagsuway ng mga Judio. 31Ganoon din naman, kaaawaan niya ang mga Judio sa kabila ng pagkasuwail nila, tulad ng ginawa niya sa inyo. 32Sapagkat hinayaan ng Dios na ang lahat ng tao ay maging alipin ng kasalanan para maipakita sa kanila ang kanyang awa.

Papuri sa Dios

33Napakadakila ng kabutihan ng Dios! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan! 34Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan:

“Sino kaya ang makakaunawa sa kaisipan ng Panginoon?

Sino kaya ang makakapagpayo sa kanya?11:34 Isa. 40:13.

35Sino kaya ang makakapagbigay ng anuman sa kanya

para tumanaw siya ng utang na loob?”11:35 Job 41:11.

36Sapagkat ang lahat ng bagay ay nanggaling sa kanya, at nilikha ang mga ito sa pamamagitan niya at para sa kanya. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

罗马书 11:1-36

上帝不放弃以色列人

1这样,难道上帝放弃了祂的子民吗?当然没有!因我自己也是以色列人,是亚伯拉罕的后裔,属于便雅悯支派。 2上帝并没有放弃祂预先拣选的子民。你们不知道圣经上有关以利亚先知的记载吗?他在上帝面前控告以色列人,说: 3“主啊!他们残杀你的先知,拆毁你的祭坛,只剩下我一个人,他们还要杀我。” 4上帝怎样回答呢?祂说:“我为自己留下七千人,他们未曾跪拜巴力。”

5现在的情况也是一样,上帝按照拣选的恩典留下了少数人。 6既然说是出于恩典,就不再基于行为,不然恩典就不再是恩典了。 7这该怎么说呢?以色列人努力追求,却一无所得,只有蒙拣选的人得到了,其他的人都变得顽固不化。 8正如圣经上说:

“上帝使他们至今心智昏迷,

眼睛看不见,耳朵听不到。”

9大卫也说:

“愿他们的宴席成为网罗、

陷阱、绊脚石,

给他们带来报应;

10愿他们眼目昏暗,

无法看见,

永远弯腰驼背。”

11那么,以色列人一失足就再也爬不起来了吗?当然不是!恰好相反,因他们的过犯,救恩临到了外族人,使他们心生嫉妒。 12如果他们的过犯给世界带来了富足,他们的失败给外族人带来了富足,那么,他们发愤回头的时候岂不要带来更大的祝福吗?

外族人得救

13我有话要对你们外族人说,因为我是外族人的使徒,我尊重自己的职分, 14希望使我的骨肉同胞心生嫉妒,好使他们当中的一些人得救。 15如果他们被抛弃,人类便有机会与上帝和好,那么,当他们被接纳的时候,又将怎样呢?岂不是要死而复生吗? 16献祭时所献的那部分面团如果圣洁,整团面也圣洁;树根如果圣洁,树枝也圣洁。

17如果橄榄树上有几条枝子被折了下来,你这野橄榄枝被接了上去,得以汲取橄榄树根供应的汁浆,你就不可向折下来的枝子夸口。 18你怎能夸口呢?要知道:不是你托住树根,而是树根托住你。 19你也许会说:“原来的枝子被折下来,是为了把我接上去。” 20不错,他们因为不信被折了下来,而你因为信被接了上去,然而不要自高,要敬畏上帝。 21上帝既然没有留下原来的枝子,也可以不留下你。 22可见,上帝既慈爱又严厉。祂对堕落的人是严厉的,对你却是慈爱的。你要常常活在祂的爱中,不然你也会被砍下来。 23当然,如果以色列人不再顽固不信,必会重新被接上去,因为上帝能把他们重新接上。 24你这从野生的橄榄树上砍下来的枝子,尚且可以违反自然,被接到好橄榄树上,何况原来的枝子被接回到原来的树上呢?

全以色列都要得救

25弟兄姊妹,我不愿意你们对以下这奥秘一无所知,还自以为聪明。这奥秘就是:虽然有些以色列人的心刚硬,但等到外族人得救的数目满了以后, 26以色列都要得救。正如圣经上说:“救主必从锡安出来,祂将除去雅各子孙的罪恶。 27那时我要除去他们的罪,这是我与他们所立的约。”

28就福音而论,他们成为上帝的仇敌是为了使你们得到福音;就上帝的拣选而论,因为他们祖先的缘故,他们仍是上帝所爱的。 29因为上帝绝不会收回祂的恩赐和呼召。 30你们从前不顺服上帝,然而因为他们的不顺服,你们现在反蒙了怜悯。 31同样,他们现在不顺服是为了使你们蒙怜悯,好使他们也蒙怜悯。 32因为上帝把世人都归在不顺服之列,是为了要怜悯世人。

颂赞上帝

33啊,上帝的智慧和知识多么博大精深!

祂的判断多么难测!

祂的踪迹多么难寻!

34谁曾知道主的心意?

谁曾做过祂的谋士?

35谁曾给过祂,

等祂偿还呢?

36因为万物都源于祂,

倚靠祂,归于祂。

愿荣耀归给祂,

直到永远。阿们!