Panaghoy 2 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Panaghoy 2:1-22

1Sa galit ng Panginoon, tinakpan niya ng makapal na ulap ang Jerusalem.2:1 Jerusalem: sa Hebreo, anak na babae ng Zion. Ibinagsak niya ang karangalan ng Israel, na parang itinapon mula sa langit papunta sa lupa. At dahil sa kanyang galit, pinabayaan niya ang kanyang templo sa Jerusalem. 2Walang awa rin niyang sinira ang lahat ng tahanan sa Israel. Sa galit niyaʼy giniba niya ang mga pader na nakapalibot sa Jerusalem. Ibinagsak niya at inilagay sa kahihiyan ang kaharian pati na ang mga pinuno nito. 3Sa tindi ng kanyang poot, inalis niya ang lahat ng kapangyarihan ng Israel. Hindi niya ito tinulungan nang salakayin ng mga kaaway. Para siyang apoy na tumutupok sa mga lahi ng Israel at sa lahat ng bagay sa paligid nito.

4Iniumang niya ang kanyang pana sa mga mamamayan niyang naging parang mga kaaway niya. Pinatay ang lahat ng ipinagmamalaki nitong mga mamamayan. Ibinuhos na parang apoy ang kanyang matinding galit sa mga mamamayan ng Jerusalem. 5Winasak ng Panginoon ang Israel na parang isang kaaway. Sinira niya ang lahat ng mga pader sa bayan at mga palasyo. Dinagdagan ang kanilang pagdadalamhati at pag-iyak. 6Winasak niya ang templo na parang isang halamanan lang. Binura niya sa alaala ng mga taga-Jerusalem ang itinakdang mga pista at ang Araw ng Pamamahinga. Sa kanyang matinding galit, itinakwil niya ang hari at pari. 7Itinakwil din ng Panginoon ang kanyang altar at templo. Ipinagiba sa kamay ng mga kaaway ang mga pader nito at nagsigawan ang mga ito sa templo ng Panginoon na parang nagdaraos ng pista.

8Nagpasya ang Panginoon na ipagiba ang mga pader na nakapalibot sa lungsod ng Jerusalem. Plinanong mabuti ang paggiba at hindi pinigilan ang sarili na gawin iyon. Kaya nagiba nga ang mga pader na bumabakod doon. 9Bumagsak sa lupa ang mga pintuang bayan ng Jerusalem. Sinira at binali ng Panginoon ang mga saraduhan nito. Binihag ang hari at mga pinuno at dinala sa malayong mga bansa. Hindi na rin itinuturo ang kautusan at wala na ring mensahe o pangitain ang Panginoon sa kanyang mga propeta. 10Ang mga tagapamahala ng Jerusalem ay tahimik na nakaupo sa lupa, naglagay ng abo sa ulo at nagdamit ng sako para ipakita ang kanilang pagdadalamhati. At ang mga dalaga sa Jerusalem ay nakayuko sa lupa dahil sa hiya. 11Namugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Labis na nababagabag at parang sasabog na ang dibdib ko sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. Nawalan ng malay sa mga lansangan ang mga bata at mga sanggol. 12Umiiyak silaʼt humihingi ng pagkain at maiinom sa kanilang mga ina. Nawalan sila ng malay tulad ng mga sugatang sundalo sa mga lansangan ng lungsod hanggang sa unti-unting mamatay sa kanlungan ng kanilang ina. 13O Jerusalem,2:13 O Jerusalem: sa Hebreo, anak na babae ng Jerusalem … birhen na anak na babae ng Zion. ano pa bang masasabi ko sa iyo? Saan pa ba kita maihahambing? Kasinlalim ng dagat ang sugat mo. Paano kita maaaliw? Sino ang makapagpapagaling sa iyo? 14Ang pangitaing nakita ng iyong mga propeta ay hindi totoo, walang kabuluhan at mapanlinlang. Ang mga kasalanan moʼy hindi nila inihayag sa iyo upang hindi kayo mabihag.

15Ang lahat ng dumadaaʼy pumapalakpak, sumusutsot at nangungutya. Sinasabi nila, “Ito ba ang lungsod na sinasabing ‘Pinakamaganda at kagalakan ng buong mundo?’ ” 16Kinukutya ka ng lahat ng kaaway mo. Sumusutsot at pinangangalit ang mga ngipin nila at sinabi, “Tuluyan na nating nawasak ang Jerusalem! Ito na ang araw na ating pinakahihintay. At ngayon ngaʼy nakita na natin ito!”

17Ginawa ng Panginoon ang kanyang plano. Tinupad niya ang sinabi niya noon. Walang awa ka niyang giniba, O Jerusalem! Binigyan niya ng kagalakan ang mga kaaway mo at hinayaan silang ipagyabang ang kanilang kapangyarihan. 18Mga taga-Jerusalem, tumawag kayo sa Panginoon. Umiyak kayo araw at gabi at paagusin ang inyong mga luha na parang ilog. Huwag kayong tumigil sa pag-iyak. 19Bumangon kayo sa gabi at humingi ng tulong sa Panginoon. Ibuhos ninyo sa kanya ang laman ng inyong mga puso, na para kayong nagbubuhos ng tubig. Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa pananalangin para sa inyong mga anak na nawawalan ng malay sa mga lansangan dahil sa gutom.

20Masdan nʼyo po kami Panginoon. Isipin nʼyo kung sino ang pinaparusahan nʼyo ng ganito. Dahil sa labis na pagkagutom, kinain ng mga ina ang mga anak nila na kanilang inaalagaan. Ang mga pari at ang mga propeta ay pinapatay sa inyong templo. 21Nakahambalang sa mga lansangan ang mga bangkay ng mga bata at matatanda. Namamatay sa digmaan ang mga kabataang lalaki at babae. Sa inyong galit, walang habag nʼyo silang pinatay. 22Niyaya nʼyo ang mga kaaway para kabi-kabilang salakayin ako, para kayong nagyayaya sa kanila sa handaan. Sa araw na iyon na ibinuhos nʼyo ang inyong galit, walang nakatakas o natirang buhay. Pinatay ng aking mga kaaway ang aking mga anak na isinilang at pinalaki.

New International Reader’s Version

Lamentations 2:1-22

1See how the Lord covered the city of Zion

with the cloud of his anger!

He threw Israel’s glory down

from heaven to earth.

When he was angry, he turned his back

on his own city.

2Without pity the Lord swallowed up

all the homes of Jacob’s people.

When he was angry, he tore down

the forts of the people of Judah.

He brought down their kingdom and princes

to the ground in dishonor.

3When he was very angry,

he took away Israel’s power.

He pulled back his powerful right hand

as the enemy approached.

His burning anger blazed out in Jacob’s land.

It burned up everything near it.

4Like an enemy the Lord got his bow ready to use.

He had a sword in his right hand.

Like an enemy he destroyed

everything that used to be pleasing to him.

His anger blazed out like fire.

It burned up the homes in the city of Zion.

5The Lord was like an enemy.

He swallowed up Israel.

He swallowed up all of its palaces.

He destroyed its forts.

He filled the people of Judah

with sorrow and sadness.

6The Lord’s temple was like a garden.

But he completely destroyed it.

He destroyed the place

where he used to meet with his people.

He made Zion’s people forget

their appointed feasts and Sabbath days.

When he was very angry, he turned his back on

king and priest alike.

7The Lord deserted his altar.

He left his temple.

He gave the walls of Jerusalem’s palaces

into the hands of her enemies.

They shouted loudly in the house of the Lord.

You would have thought it was the day

of an appointed feast.

8The Lord decided to tear down

the walls around the city of Zion.

He measured out what he wanted to destroy.

Then he destroyed Jerusalem by his power.

He made even her towers and walls sing songs of sadness.

All of them fell down.

9Her gates sank down into the ground.

He broke the metal bars that locked her gates, and he destroyed them.

Her king and princes were taken away to other nations.

There is no law anymore.

Jerusalem’s prophets no longer receive

visions from the Lord.

10The elders of the city of Zion

sit silently on the ground.

They have sprinkled dust on their heads.

They’ve put on the clothes of sadness.

The young women of Jerusalem

have bowed their heads toward the ground.

11I’ve cried so much I can’t see very well.

I’m suffering deep down inside.

My heart is broken

because my people are destroyed.

Children and babies are fainting

in the streets of the city.

12They say to their mothers,

“Where can we find something to eat and drink?”

They faint like wounded soldiers

in the streets of the city.

Their lives are slipping away

in their mothers’ arms.

13City of Jerusalem, what can I say about you?

What can I compare you to?

People of Zion, what are you like?

I want to comfort you.

Your wound is as deep as the ocean.

Who can heal you?

14The visions of your prophets were lies.

They weren’t worth anything.

They didn’t show you the sins you had committed.

So that’s why you were captured.

The messages they gave you were lies.

They led you astray.

15All those who pass by

clap their hands and make fun of you.

They laugh at you and shake their heads

at the city of Jerusalem.

They say, “Could that be the city

that was called perfect and beautiful?

Is that the city that brought joy to everyone on earth?”

16All your enemies open their mouths

wide against you.

They laugh at you and grind their teeth.

They say, “We have swallowed up Jerusalem’s people.

This is the day we’ve waited for.

And we’ve lived to see it.”

17The Lord has done what he planned to do.

He has made what he said come true.

He gave the command long ago.

He has destroyed you without pity.

He has let your enemies laugh at you.

He has made them stronger than you are.

18People in the city of Zion,

cry out from your heart to the Lord.

Let your tears flow like a river

day and night.

Don’t stop at all.

Don’t give your eyes any rest.

19Get up. Cry out as the night begins.

Tell the Lord all your troubles.

Lift up your hands to him.

Pray that the lives of your children will be spared.

At every street corner they faint

because they are so hungry.

20Jerusalem says, “Lord, look at me.

Think about my condition.

Have you ever treated anyone else like this?

Should women have to eat their babies?

Should they eat the children they’ve taken care of?

Should priests and prophets be killed

in your own temple?

21“Young people and old people alike

lie dead in the dust of my streets.

My young men and women

have been killed by swords.

You killed them when you were angry.

You put them to death without pity.

22“You sent for terrors to come against me on every side.

It was as if you were inviting people to enjoy a feast day.

Because you were angry, no one escaped.

No one was left alive.

I took good care of my children and brought them up.

But my enemies have destroyed them.”