Ang mga Selyo
1Nakita kong tinanggal ng Tupa ang una sa pitong selyo ng nakarolyong kasulatan. At narinig kong nagsalita sa tinig na parang kulog ang isa sa apat na buhay na nilalang: “Halika!” ang sabi niya. 2Nang tumingin ako, nakita ko ang isang puting kabayo. Ang nakasakay sa kabayo ay may hawak na pana. Binigyan siya ng korona. At umalis siya upang lumusob at magtagumpay sa pakikipagdigma.
3Nang tanggalin ng Tupa ang ikalawang selyo, narinig kong sinabi ng ikalawang buhay na nilalang, “Halika!” 4At lumitaw ang isang pulang kabayo. Ang nakasakay ay binigyan ng malaking espada at kapangyarihan upang magpasimula ng digmaan sa mundo at magpatayan ang mga tao.
5Nang tanggalin ng Tupa ang ikatlong selyo, narinig kong sinabi ng ikatlong buhay na nilalang, “Halika!” At nakita ko ang isang itim na kabayo. Ang nakasakay ay may hawak na timbangan. 6May narinig akong parang tinig mula sa apat na buhay na nilalang. At sinabi sa nakasakay sa kabayo, “Itaas mo ang presyo ng pagkain. Ang presyo ng isang kilo ng harinang trigo ay dapat isang araw na sahod, at ganoon din ang presyo ng tatlong kilo ng harinang sebada. Pero huwag itaas ang presyo ng langis at alak!”
7Nang tanggalin ng Tupa ang ikaapat na selyo, narinig kong sinabi ng ikaapat na buhay na nilalang, “Halika!” 8At nakita ko ang isang maputlang kabayo. Ang pangalan ng nakasakay ay Kamatayan, at kasunod nito ang Hades.6:8 Hades: Ang ibig sabihin, lugar ng mga patay. Binigyan sila ng kapangyarihang patayin ang ikaapat na bahagi ng populasyon ng mundo sa pamamagitan ng digmaan, gutom, sakit at mababangis na hayop.
9Nang tanggalin ng Tupa ang ikalimang selyo, nakita ko sa ilalim ng altar ang kaluluwa ng mga taong pinatay dahil sa tapat na pangangaral nila ng salita ng Dios. 10Sumisigaw sila nang malakas, “Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat, gaano pa po kami katagal na maghihintay bago ninyo hatulan at parusahan ang mga taong pumatay sa amin?” 11Bawat isa sa kanilaʼy binigyan ng puting damit at sinabihang maghintay nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kapwa naglilingkod sa Dios, na papatayin ding tulad nila.
12Nang tanggalin ng Tupa ang ikaanim na selyo, lumindol nang malakas. Nagdilim ang araw na kasing-itim ng damit-panluksa, at pumula ang buwan na kasimpula ng dugo. 13Nahulog sa lupa ang mga bituin, na parang mga hilaw na bunga ng igos na hinahampas ng malakas na hangin. 14Naalis ang langit na parang binilot na papel, at naalis din ang mga bundok at isla sa kinalalagyan nila. 15Nagtago sa mga kweba at sa malalaking bato sa kabundukan ang mga hari, mga namumuno, mga opisyal ng mga kawal, mga mayayaman, mga makapangyarihan, at ang lahat ng klase ng tao, alipin man o hindi. 16Sinabi nila sa mga bundok at mga bato, “Tabunan ninyo kami at itago upang hindi namin makita ang mukha ng nakaupo sa trono at upang makaligtas kami sa galit ng Tupa. 17Sapagkat dumating na ang araw na parurusahan nila ang mga tao, at walang sinumang makakapigil sa kanila.”
The Seals of the Scroll Are Broken
1I watched as the Lamb broke open the first of the seven seals. Then I heard one of the four living creatures say in a voice that sounded like thunder, “Come!” 2I looked, and there in front of me was a white horse! Its rider held a bow in his hands. He was given a crown. He rode out like a hero on his way to victory.
3The Lamb broke open the second seal. Then I heard the second living creature say, “Come!” 4Another horse came out. It was red like fire. Its rider was given power to take peace from the earth. He was given power to make people kill each other. He was given a large sword.
5The Lamb broke open the third seal. Then I heard the third living creature say, “Come!” I looked, and there in front of me was a black horse! Its rider was holding a pair of scales in his hand. 6Next, I heard what sounded like a voice coming from among the four living creatures. It said, “Two pounds of wheat for a day’s pay. And six pounds of barley for a day’s pay. And leave the olive oil and the wine alone!”
7The Lamb broke open the fourth seal. Then I heard the voice of the fourth living creature say, “Come!” 8I looked, and there in front of me was a pale horse! Its rider’s name was Death. Following close behind him was Hell. They were given power over a fourth of the earth. They were given power to kill people by swords. They could also use hunger, sickness and the earth’s wild animals to kill.
9The Lamb broke open the fifth seal. I saw souls under the altar. They were the souls of people who had been killed. They had been killed because of God’s word and their faithful witness. 10They called out in a loud voice. “How long, Lord and King, holy and true?” they asked. “How long will you wait to judge those who live on the earth? How long will it be until you pay them back for killing us?” 11Then each of them was given a white robe. “Wait a little longer,” they were told. “There are still more of your believing brothers and sisters who will be killed. They will be killed just as you were.”
12I watched as the Lamb broke open the sixth seal. There was a powerful earthquake. The sun turned black like the clothes people wear when they’re sad. Those clothes are made out of goat’s hair. The whole moon turned as red as blood. 13The stars in the sky fell to earth. They dropped like figs from a tree shaken by a strong wind. 14The sky rolled back like a scroll. Every mountain and island was moved out of its place.
15Everyone hid in caves and among the rocks of the mountains. This included the kings of the earth, the princes and the generals. It included rich people and powerful people. It also included everyone else, both slaves and people who were free. 16They called out to the mountains and rocks, “Fall on us! Hide us from the face of the one who sits on the throne! Hide us from the anger of the Lamb! 17The great day of their anger has come. Who can live through it?”