Pahayag 18 – TCB & BPH

Tagalog Contemporary Bible

Pahayag 18:1-24

Ang Pagbagsak ng Babilonia

1Pagkatapos nito, nakita ko ang isang anghel na bumaba mula sa langit. Makapangyarihan ang anghel na ito at nagliwanag ang buong mundo dahil sa kanyang kaningningan. 2Sumigaw siya nang malakas, “Bumagsak na! Bumagsak na ang sikat na lungsod ng Babilonia. Tirahan na lang ito ngayon ng mga demonyo at masasamang espiritu, at mga kasuklam-suklam na ibon na itinuturing na marumi. 3Nangyari ito sa lungsod ng Babilonia dahil inakit nito ang mga tao sa buong mundo na sumunod sa imoralidad niya na kinamumuhian ng Dios. Ang mga hari sa mundo ay nakipagrelasyon sa kanya. At yumaman ang mga negosyante sa mundo, dahil sa kanila siya bumibili ng mga pangangailangan niya upang masunod ang bisyo at kalayawan niya.”

4Pagkatapos, may narinig akong isa pang tinig mula sa langit na nagsasabi,

“Kayong mga mamamayan ko, lumayo kayo sa kanya

upang hindi kayo maging bahagi sa ginagawa niyang kasalanan,

at upang hindi ninyo danasin ang parusang nakalaan sa kanya.

5Ang bunton ng kanyang kasalanan ay abot hanggang langit.

At hindi na palalagpasin ng Dios ang kanyang kasamaan.

6Gawin ninyo sa kanya ang ginawa niyang masama sa inyo.

Gumanti kayo nang doble sa kanyang ginawa.

Kung ano ang ginawa niyang masama sa inyo doblehin ninyo at ibigay sa kanya.

7Kung paanong nagmataas siya at namuhay sa karangyaan at kalayawan,

gantihan ninyo siya ng katumbas na kahirapan at kalungkutan.

Sapagkat inakala niyang reyna siya at hindi makakaranas ng kalungkutan tulad ng mga biyuda.

8Dahil dito, sabay-sabay na darating sa kanya sa loob lang ng isang araw ang mga salot:

mga sakit, kalungkutan, at gutom.

Pagkatapos, susunugin siya,

sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Dios na nagpaparusa sa kanya.”

9“Iiyakan siya ng mga haring nakipagrelasyon sa kanya at nakisama sa kalayawan niya kapag nakita nila ang usok ng kanyang pagkasunog. 10Tatayo lang sila sa malayo at magmamasid dahil takot silang madamay sa parusa sa lungsod na iyon. Sasabihin nila, ‘Sayang! Sayang ang sikat at makapangyarihang lungsod ng Babilonia. Sa loob lang ng maikling panahon18:10 sa loob lang ng maikling panahon: sa literal, sa loob ng isang oras. Ganito rin sa talatang 17 at 19. ay naparusahan siya!’

11“Iiyak at magdadalamhati sa kanya ang mga negosyante sa buong mundo dahil wala nang bibili ng mga paninda nila. 12Wala nang bibili ng kanilang mga ginto, pilak, mamahaling bato, at perlas; at ng kanilang mga telang linen, seda at mga telang kulay ube at pula. Wala na ring bibili ng kanilang mababangong kahoy, mga kagamitang yari sa pangil ng elepante at yari sa mamahaling kahoy, tanso, bakal at marmol. 13At sino pa ang bibili ng mga pabango nila tulad ng sinamon, kamangyan, mira at iba pa? Wala nang bibili ng kanilang mga alak, langis, harina at trigo; at ng kanilang mga baka, tupa, kabayo at karo; at pati ng kanilang mga alipin at mga tao. 14Sasabihin ng mga negosyante sa lungsod ng Babilonia, ‘Nawala na ang lahat ng bagay na hinangad mo na maangkin. Kinuha na sa iyo ang lahat ng kayamanan at ari-ariang ipinagmamalaki mo, at hindi mo na makikitang muli ang mga ito!’ 15Ang mga negosyanteng yumaman dahil sa kalakal nila sa lungsod ay tatayo lang sa malayo dahil takot silang madamay sa parusa sa kanya. Iiyak sila at magdadalamhati, 16at sasabihin nila, ‘Sayang! Sayang ang sikat na lungsod na iyan! Dati ang mga tao riyan ay nagdadamit ng mamahaling telang kulay puti, ube at pula, at napapalamutian ng ginto, mamahaling bato at perlas! 17Pero sa loob lang ng maikling panahon, nawala ang lahat ng kanyang kayamanan!’

“Tatayo lang at magmamasid ang mga kapitan ng barko at ang mga tripulante nila, pati na ang mga pasahero at ang lahat ng mga naghahanapbuhay sa dagat. 18At habang minamasdan nila ang usok ng nasusunog na lungsod, sisigaw sila, ‘Walang katulad ang sikat na lungsod na iyan!’ 19At dahil sa kanilang kalungkutan, lalagyan nila ng alikabok ang ulo nila at mag-iiyakan. Sasabihin nila, ‘Sayang! Sayang ang sikat na lungsod na iyan. Dahil sa yaman niya, yumaman ang mga may-ari ng barko na bumibiyahe roon. Pero sa loob lang ng maikling panahon, nawala ang lahat!’

20“Kaya kayong lahat ng nasa langit, matuwa kayo dahil sa nangyari sa lungsod na iyon. Matuwa kayo, kayong mga propeta, mga apostol at mga pinabanal ng Dios, dahil hinatulan na siya ng Dios sa mga ginawa niya sa inyo!”

21Pagkatapos, may isang makapangyarihang anghel na kumuha ng isang batong kasinlaki ng malaking gilingan at inihagis sa dagat. Sinabi niya, “Katulad nito ang pagkawala ng sikat na lungsod ng Babilonia, dahil hindi na siya makikitang muli. 22Hindi na maririnig ang mga pagtugtog ng alpa, plauta at trumpeta, at ang tinig ng mga mang-aawit. Hindi na makikita roon ang mahusay na mga manggagawa ng anumang uri ng gawain, at hindi na rin maririnig ang ingay ng mga gilingan. 23Magiging madilim doon, dahil wala nang ilaw kahit isa. Wala na ring masayang tinig ng bagong kasal na mapapakinggan. Mangyayari ito sa kanya dahil ang mga negosyante niya ay masyadong mapagmataas, at dinaya niya ang lahat sa pamamagitan ng pangkukulam.”

24At ang lungsod na iyon ang pumatay sa mga propeta at sa mga pinabanal ng Dios, at sa iba pang mga tao sa buong mundo.

Bibelen på hverdagsdansk

Johannesʼ Åbenbaring 18:1-24

Babylons fald

1Derefter så jeg en anden engel komme ned fra Himlen. Den havde stor magt, og dens herlighed oplyste jorden. 2Den råbte med høj stemme: „Hun er faldet! Det mægtige Babylon ligger i ruiner! Byen er nu bolig for dæmoner, et fængsel for alverdens forhadte, urene ånder, et opholdssted for alskens urene fugle, for alle slags urene og afskyelige dyr. 3Alle folkeslag drak af hendes forførende vin.18,3 Der er forskellige læsemåder i forskellige manuskripter. Den valgte tekst og oversættelse følger parallelstederne 14,8 og 17,2. Alle jordens konger forgudede hende. Alverdens handelsfolk blev rige på grund af hendes liv i overvældende luksus.”

4Dernæst hørte jeg en anden stemme råbe fra Himlen: „Mit folk, fjern jer fra hende, så I ikke tager del i hendes synder og bliver ramt af hendes plager, 5for hendes synder har tårnet sig op til himlen, og Gud vil straffe hendes ondskab. 6Hun vil få løn som forskyldt, ja en dobbelt portion straf for alt det onde, hun har gjort. Fyld det bæger op, hun har forført andre med, men gør drikken dobbelt så stærk! 7Hun vil få lige så meget sorg og pine, som hun før havde selvglæde og luksus. Hun sagde til sig selv: ‚Jeg er en rig dronning og ikke en fattig enke. Sorg kommer jeg aldrig til at opleve.’ 8Derfor skal hun på én og samme dag blive ramt af alle sine plager: Sult, sorg og død. Hun skal komme til at brænde op, for Gud Herren, som dømte hende, er stærk.

9Når regenterne på jorden, som forgudede hende og tog del i hendes luksus, ser røgen fra de brændende ruiner, vil de græde og sørge over hende. 10De vil holde sig på lang afstand af frygt for, at hendes plager skal ramme dem, og de vil råbe: ‚Ak og ve, du store by! Babylon, du mægtige by! På én time kom straffen over dig!’

11-12Jordens handelsmænd vil græde og sørge over hende, fordi ingen mere køber deres varer, deres ladninger af guld, sølv, ædelsten, perler, fint linned, silke og kostbare stoffer, fornemt træ, udsøgte elfenbens- og træskærerarbejder, samt fine ting af kobber, jern og marmor. 13Der er heller ikke salg i deres kostbare krydderier, røgelse, parfumer, vin, olivenolie, fint mel, hvede, køer, får, heste, vogne og slaver. 14Deres tanker går til den ødelagte by: ‚De vidunderlige ting, du satte så stor pris på, kan du ikke nyde længere, og alle dine kostbarheder er ødelagt. Det er alt sammen forbi for evigt.’

15Handelsmændene, der har tjent formuer ved at sælge deres varer til hende, holder sig på lang afstand af frygt for, at hendes plager skal ramme dem. De vil græde og sørge 16og råbe: ‚Ak og ve! Det var en mægtig by, den var som en dronning klædt i det fineste purpur og skarlagenrøde klæder, smykket med guld, ædelsten og perler. 17Al den umådelige rigdom blev ødelagt—på én time.’

Alle, der sejler på havene, styrmænd, kaptajner og menige søfolk stod på lang afstand, 18og mens de så på røgen fra brandtomten, råbte de: ‚Verdens rigeste by ligger i ruiner!’ 19De sørgede og græd, kastede støv på hovedet og råbte: ‚Ak og ve. Hvilken storslået by! Alle, der havde skibe på havet, blev rige på grund af dens købekraft. Men nu er den lagt i aske—på én time!’ ”

20Til slut råbte stemmen: „Fryd dig, Himmel! Glæd jer, I som tilhører Gud! Glæd jer, apostle og profeter! For Gud har givet jer oprejsning og dømt hende, der kæmpede imod jer.”

21En vældig engel tog en sten, der var så stor som en møllesten, kastede den i havet og råbte: „Så hurtigt og voldsomt vil den store by, Babylon, blive fjernet fra jordens overflade. 22Aldrig mere skal der lyde sang eller musik derfra, hverken harper, fløjter eller trompeter. Aldrig mere vil man høre den kendte lyd af håndværkere i arbejde eller kvinder ved kværnen. 23Aldrig mere skal der tændes en lampe, og ingen brudepars glade stemmer skal høres. Denne bys handelsmænd var de rigeste i verden. Alle folkeslag blev forført af byens besnærende rigdom. 24Og den var skyld i, at Guds folk og profeter ud over hele verden blev slået ihjel.”