Pahayag 14 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Pahayag 14:1-20

Ang Awit ng mga Tinubos

1Pagkatapos, nakita ko ang Tupa na nakatayo sa bundok ng Zion. Kasama niya ang 144,000 tao. Nakasulat sa noo nila ang pangalan ng Tupa at ng kanyang Ama. 2Nakarinig ako ng ingay mula sa langit, na parang lagaslas ng talon o dagundong ng malakas na kulog. At para ring tugtugan ng mga manunugtog ng alpa. 3Ang 144,000 tao ay umaawit sa harap ng trono, ng apat na buhay na nilalang, at ng mga namumuno. Bago ang kanilang awit at walang nakakaalam maliban sa kanila na 144,000 na tinubos mula sa mundo. 4Sila ang mga lalaking hindi sumiping sa babae at hindi nag-asawa. Sumunod sila sa Tupa kahit saan siya pumunta. Tinubos sila mula sa mga tao upang maging unang handog sa Dios at sa Tupa. 5Hindi sila nagsinungaling kailanman at wala silang anumang kapintasan.

Ang Tatlong Anghel

6At nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid. Dala niya ang walang kupas na Magandang Balita upang ipangaral sa mga tao sa buong mundo, sa lahat ng bansa, angkan, wika, at lahi. 7Ito ang isinisigaw niya, “Matakot kayo sa Dios, at purihin ninyo siya, dahil dumating na ang oras na hahatulan niya ang lahat. Sambahin ninyo ang Dios na lumikha ng langit, lupa, dagat at mga bukal.”

8Kasunod namang lumipad ang pangalawang anghel na sumisigaw, “Bumagsak na! Bumagsak na ang dakilang lungsod ng Babilonia! Ang mga mamamayan nito ang humikayat sa mga tao sa buong mundo na sumunod sa imoralidad nila na kinamumuhian ng Dios.”

9Sumunod pa ang isang anghel sa dalawang anghel na nauna. Sumisigaw din siya, “Ang lahat ng sumamba sa halimaw at sa imahen nito, at tumanggap ng tatak nito sa noo o sa kanang kamay, 10ay makakaranas ng galit ng Dios. Sapagkat parurusahan sila sa nagniningas na apoy at asupre sa harapan ng Tupa at ng mga anghel ng Dios. 11Ang usok ng apoy na magpapahirap sa kanila ay papailanlang magpakailanman. Araw-gabi ay wala silang pahinga sa kanilang paghihirap, dahil sinamba nila ang halimaw at ang imahen nito at nagpatatak ng pangalan nito.”

12Kaya kayong mga pinabanal14:12 pinabanal: Tingnan ang “footnote” sa 5:8. ng Dios na sumusunod sa kanyang mga utos at patuloy na sumasampalataya kay Jesus, kinakailangang maging matiisin kayo.

13Pagkatapos, may narinig akong tinig mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mapalad ang mga taong namatay na naglilingkod sa Panginoon. Mula ngayon, makakapagpahinga na sila sa mga paghihirap nila, dahil tatanggapin na nila ang gantimpala para sa mabubuti nilang gawa. At ito ay pinatotohanan mismo ng Banal na Espiritu.”

Ang Pag-ani sa Mundo

14Pagkatapos, nakakita ako ng maputing ulap na may nakaupong parang tao.14:14 parang tao: o, parang Anak ng Tao. May gintong korona siya at may hawak na isang matalim na karit. 15At may isa pang anghel na lumabas mula sa templo at sumigaw sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang karit mo, dahil panahon na ito ng pag-aani. Hinog na ang aanihin sa lupa!” 16Kaya ginapas na ng nakaupo sa ulap ang aanihin sa lupa.

17Nakita ko ang isa pang anghel na lumabas sa templo roon sa langit, at may karit din siyang matalim.

18At mula sa altar ay lumabas ang isa pang anghel. Siya ang anghel na namamahala sa apoy doon sa altar. Sumigaw siya sa anghel na may matalim na karit, “Gamitin mo na ang karit mo at anihin mo na ang mga ubas sa lupa dahil hinog na!” 19Kaya inani niya ito at inilagay doon sa malaking pisaan ng ubas. Ang pisaang iyon ay ang parusa ng Dios. 20Pinisa ang mga ubas sa labas ng lungsod, at umagos mula sa pisaan ang dugo na bumaha ng hanggang 300 kilometro ang layo at isang dipa ang lalim.

Persian Contemporary Bible

مکاشفه 14:1-20

بره و آزادشدگان

1آنگاه برّه را ديدم كه در اورشليم بر كوه صهيون ايستاده است. همراه او صد و چهل و چهار هزار نفر بودند كه بر پيشانی‌شان نام او و نام پدر او نوشته شده بود. 2آنگاه، صدايی از آسمان شنيدم كه مانند ريزش آبشار و غرش رعد بود، اما در عين حال به نغمهٔ چنگ‌نوازان نيز شباهت داشت.

3اين گروه، در برابر تخت خدا و در مقابل آن چهار موجود زنده و بيست و چهار رهبر روحانی سرودی تازه می‌خواندند. اين سرود را كسی نمی‌توانست بخواند، مگر آن صد و چهل و چهار هزار نفر كه از تمام دنيا بازخريد و آزاد شده بودند. 4آنان خود را با گناهان اين دنيا آلوده نكرده‌اند، بلكه مثل باكره پاک هستند و هر جا برّه می‌رود، او را دنبال می‌كنند. اين اشخاص از بين مردم خريداری شده‌اند تا به عنوان هديهٔ مقدس به خدا و بره تقديم شوند. 5ايشان پاک و بی‌عيب هستند و حتی يک دروغ از دهانشان خارج نشده است.

سه فرشتهٔ

6در اين هنگام، فرشتهٔ ديگری را ديدم كه در وسط آسمان پرواز می‌كرد و پيغام شاد انجيل جاودانی را برای اهالی زمين می‌برد تا به گوش هر قوم و قبيله، از هر زبان و نژاد برساند. 7فرشته با صدای بلند می‌گفت: «خدا را احترام و تمجيد كنيد، زيرا وقت آن رسيده است كه مردم را داوری كند. او را بپرستيد كه آسمان و زمين و دريا و چشمه‌ها را آفريده است.»

8سپس فرشتهٔ ديگری را ديدم كه به دنبال او آمد و گفت: «بابِل، آن شهر بزرگ ويران شد، زيرا تمام قومهای دنيا را فاسد می‌كرد و آنها را وا می‌داشت تا از شراب فساد و هرزگی او مست شوند.»

9سپس فرشتهٔ سوم آمد و فرياد زد: «كسانی كه آن جانور و مجسمه‌اش را بپرستند و علامت مخصوص او را بر پيشانی يا دست خود بگذارند، 10جام غضب و مكافات خدا را كه در آن هيچ تخفيف و استثنائی نيست، خواهند نوشيد و در حضور فرشتگان مقدس و ”برّه“، در شعله‌های آتش عذاب خواهند كشيد. 11دود آتشی كه ايشان را عذاب می‌دهد تا ابد بالا می‌رود، به طوری كه شب و روز آسايش نخواهند داشت، زيرا آن جانور و مجسمه‌اش را پرستيدند و علامت نام او را بر بدن خود گذاشتند. 12پس بگذاريد خلق خدا نااميد نشوند و هرگونه آزار و اذيت را تحمل كرده، دستورهای خدا را اطاعت نمايند و ايمان خود را به عيسی نگاه دارند.»

13آنگاه، صدايی از آسمان شنيدم كه به من می‌گفت: «اين را بنويس: خوشا به حال كسانی كه در راه مسيح شهيد شده‌اند. زيرا روح خدا می‌گويد: حالا ديگر از تمام دردها آسوده می‌شوند، و به خاطر كارهای خوبی كه كرده‌اند پاداش می‌گيرند.»

زمين آمادهٔ داوری است

14سپس همينطور كه نگاه می‌كردم، ابری سفيد ديدم كه يک نفر شبيه انسان بر آن نشسته است. بر سر او، تاجی زرّين و در دستش داس تيزی به چشم می‌خورد. 15فرشتهٔ ديگری از درگاه خداوند آمد و به كسی كه بر ابر نشسته بود، با صدای بلند گفت: «داس را به كار بينداز و درو كن، چون وقت درو است و محصول زمين رسيده است.» 16پس او كه بر ابر نشسته بود، داس خود را به كار انداخت و محصول زمين درو شد.

17پس از آن، فرشتهٔ ديگری از درگاه خداوند در آسمان، سر رسيد. او نيز داس تيزی در دست داشت. 18درست در همين وقت، فرشته‌ای ديگر از قربانگاه بيرون آمد كه قدرت و اختيار آتش در دست او بود. او به فرشته‌ای كه داس در دست داشت گفت: «حالا داست را به كار انداز تا خوشه‌ها را از تاک زمين بچينی، چون انگورهايش رسيده و برای داوری آماده شده است.» 19پس آن فرشته، زمين را با داسش درو كرد و انگورها را در ظرف بزرگ غضب خدا ريخت. 20انگورها را در داخل آن ظرف كه در خارج شهر بود، با پا آنقدر فشردند تا رودی از خون جاری شد كه طولش ۱,۶۰۰ تير پرتاب بود و ارتفاعش به دهنهٔ يک اسب می‌رسيد.