Nehemias 6 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Nehemias 6:1-19

Ang Patuloy na Paghadlang ng Pagpapatayo ng Pader

1Samantala, nabalitaan nina Sanbalat, Tobia, Geshem na taga-Arabia, at ng iba pa naming mga kalaban na natapos na namin ang pagpapatayo ng pader at wala na itong mga butas, maliban na lamang sa mga pinto nito na hindi pa naikakabit. 2Kaya nagpadala sina Sanbalat at Geshem ng ganitong mensahe sa akin: “Gusto naming makipagkita sa iyo sa isang nayon ng kapatagan ng Ono.”

Ngunit nalaman ko na may balak silang masama sa akin. 3Kaya nagsugo ako ng mga mensahero para sabihin ito sa kanila, “Mahalaga ang ginagawa ko ngayon, kaya hindi ako makakapunta riyan. Hindi ko maaaring itigil ang paggawa para lang pumunta riyan.” 4Apat na beses nila akong pinadalhan ng ganoong mensahe at apat na beses ko rin silang pinadalhan ng parehong sagot.

5Sa panglimang beses pinapunta ni Sanbalat sa akin ang alipin niya na may dalang sulat na nakabukas na. 6At ito ang nakasulat: “Ipinagtapat sa akin ni Geshem6:6 Geshem: o, Gashmu. na kahit saan siya pumunta ay naririnig niyang ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak mag-alsa, at iyan ang dahilan kung bakit muli ninyong ipinapatayo ang pader. At ayon sa narinig niya, gusto mong maging hari ng mga Judio, 7at pumili ka pa ng mga propeta na magpoproklama sa iyo sa Jerusalem na ikaw na ang hari ng Juda. Tiyak na malalaman ito ng hari, kaya pumarito ka para pag-usapan natin ang mga bagay na ito.”

8Ito ang sagot ko sa kanya: “Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Gawa-gawa mo lang iyan.” 9Alam kong tinatakot lang nila kami para mahinto ang paggawa namin. Pero nanalangin ako sa Dios na palakasin pa niya ako.

10Isang araw, pumunta ako kay Shemaya na anak ni Delaya at apo ni Mehetabel, dahil hindi siya makaalis sa bahay niya. Sinabi niya sa akin, “Magkita tayo sa loob ng templo ng Dios, at ikandado natin ang mga pintuan. Dahil darating ang mga kalaban mo ngayong gabi para patayin ka.” 11Ngunit sumagot ako, “Gobernador ako, bakit ako lalayo at magtatago sa loob ng templo para iligtas ang buhay ko? Hindi ako magtatago!” 12Naisip kong hindi nangusap ang Dios sa kanya, kundi inupahan lamang siya nina Sanbalat at Tobia para sabihin iyon sa akin. 13Gusto lamang nila akong takutin at magkasala sa pamamagitan ng pagsunod sa sinasabi ni Shemaya, para hamakin nila ako at pintasan ng mga tao.

14Kaya nanalangin ako, “O aking Dios, huwag nʼyo pong kalimutan na parusahan si Tobia at si Sanbalat sa kanilang masamang ginawa, pati na ang babaeng propeta na si Noadias at ang iba pang mga propeta na naghahangad na takutin ako.”

Natapos ang Pagpapatayo ng Pader

15Natapos ang pader noong ika-25 araw ng ikaanim na buwan, na siyang buwan ng Elul. Natapos ito sa loob ng 52 araw. 16Nang mabalitaan ito ng aming mga kalaban sa kalapit na mga bansa, natakot sila at napahiya. Napag-isip-isip nila na natapos ang gawaing iyon sa pamamagitan ng tulong ng Dios.

17Nang panahong iyon, nagsusulatan sina Tobia at ang mga pinuno ng Juda. 18Maraming taga-Juda ang sumumpa ng katapatan kay Tobia dahil manugang siya ni Shecania na anak ni Ara. At isa pa, napangasawa ng anak niyang si Jehohanan ang anak ni Meshulam na anak ni Berekia. 19Palaging sinasabi sa akin ng mga tao ang tungkol sa mabubuting ginawa ni Tobia, at palagi ring nakakarating sa kanya ang mga sinasabi ko. At patuloy na sumusulat si Tobia sa akin para takutin ako.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

尼希米记 6:1-19

敌人阴谋阻挠重建

1参巴拉多比雅阿拉伯基善和我们其余的敌人听说我已修完城墙,没有留下任何缺口——那时我还没有为城门安上门扇—— 2参巴拉基善就派人告诉我说:“来,我们在阿挪平原的一个村庄见面吧。”其实他们想要害我。 3我派人回复他们说:“我正在做一件大工程,不能下去见你们。我怎能停止工作下去见你们呢?” 4他们四次派人来告诉我,每次我都这样拒绝了。 5参巴拉第五次派人送来一封未封口的信, 6上面写着:“各国都在谣传,基善也说,你和犹太人计划谋反,因而才修建城墙,据说你要做他们的王。 7你还派先知在耶路撒冷指着你预言说,‘犹大有王了。’如今王必听到这些传闻。所以你还是来与我们一同商议吧。” 8我就派人答复他说:“你所说的并非事实,是你心里捏造的。” 9因为他们想恐吓我们,以为我们会吓得手发软,无法完成工程。但上帝啊,求你使我的手有力量!

10我到米希达别的孙子、第来雅的儿子示玛雅的家中,那时他正闭门不出。他对我说:“我们在上帝的殿里会面,要关上殿门,因为他们要来杀你,要在夜间杀你。” 11但我回答说:“像我这样的人岂能逃跑?岂能进入殿里保命?我决不进去。” 12我察觉上帝并没有差派他,他是被多比雅参巴拉收买才说预言攻击我的。 13他们收买他是为了恐吓我,使我依从他去犯罪,好毁坏我的名声、羞辱我。 14我的上帝啊,求你按照他们的行为报应多比雅参巴拉、女先知挪亚底及其他恐吓我的先知。

工程竣工

15以禄月6:15 以禄月”即希伯来历的六月,阳历是八月中旬到九月中旬。二十五日城墙竣工,前后用了五十二天。 16我们的敌人和周围各国听说后,都感到惧怕和气馁,因为他们知道这工作是在上帝的帮助下完成的。 17在那些日子,多比雅犹大贵族之间多有书信来往。 18犹大有很多人与多比雅结盟,因为他是亚拉的儿子示迦尼的女婿,他儿子约哈难又娶了比利迦的儿子米书兰的女儿为妻。 19他们常告诉我有关多比雅的善行,并把我的话告诉他。多比雅不断写信恐吓我。