Nehemias 10 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Nehemias 10:1-39

1Ang unang pumirma ay si Gobernador Nehemias na anak ni Hakalias, at si Zedekia.

2-8Ang mga paring pumirma ay sina Seraya, Azaria, Jeremias, Pashur, Amaria, Malkia, Hatush, Shebania, Maluc, Harim, Meremot, Obadias, Daniel, Gineton, Baruc, Meshulam, Abijah, Mijamin, Maazia, Bilgai, at Shemaya.

9-13Ang mga Levita na pumirma ay sina Jeshua na anak ni Azania, Binui na mula sa pamilya ni Henadad, Kadmiel, Shebania, Kelita, Pelaya, Hanan, Mica, Rehob, Hashabia, Zacur, Sherebia, Shebania, Hodia, Bani, at Beninu.

14-27Ang mga pinuno na pumirma ay sina Paros, Pahat Moab, Elam, Zatu, Bani, Buni, Azgad, Bebai, Adonia, Bigvai, Adin, Ater, Hezekia, Azur, Hodia, Hashum, Bezai, Harif, Anatot, Nebai, Magpias, Meshulam, Hezir, Meshezabel, Zadok, Jadua, Palatia, Hanan, Anaya, Hoshea, Hanania, Hashub, Halohes, Pilha, Shobek, Rehum, Hashabna, Maaseya, Ahia, Hanan, Anan, Maluc, Harim, at Baana.

Ang Kasunduan

28Ang iba pang mamamayan ng Israel, pati na ang mga pari, mga Levita, mga guwardya ng mga pintuan ng templo, mga mang-aawit, mga utusan sa templo, at ang lahat ng nakahiwalay sa mga dayuhang nakatira sa lupain namin para sumunod sa Kautusan ng Dios, maging ang mga asawa nila at ang mga batang nakakaunawa na 29ay nanumpa kasama ng aming mga pinuno, na aming tutuparin ang Kautusan na ibinigay ng Dios sa pamamagitan ng lingkod niyang si Moises. Nanumpa rin kami na tatanggapin namin ang sumpa ng Dios kung hindi namin matutupad ang pangakong susundin namin ang lahat ng utos at tuntunin ng Panginoon na aming Dios. 30Nangako kami na hindi namin papayagang makapag-asawa ang mga anak namin ng mga dayuhang naninirahan sa aming lupain. 31Nangako rin kami na hindi kami bibili kung ipagbibili ng mga dayuhan ang trigo nila o kahit anong ipinagbibili sa Araw ng Pamamahinga o sa ibang banal na araw. At tuwing ikapitong taon, hindi kami magtatanim sa aming lupain, at hindi na namin sisingilin ang mga may utang sa amin.

32Nangako pa kami na tutuparin namin ang utos na magbibigay kami bawat taon ng apat na gramong pilak para sa gawain sa templo ng aming Dios. 33Nakalaan ito para sa tinapay na inihahandog sa presensya ng Dios, sa mga handog na sinusunog at mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon na inihahandog araw-araw, sa mga handog para sa Araw ng Pamamahinga, para sa Pista ng Pagsisimula ng Buwan,10:33 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. at sa iba pang mga pista; maging sa iba pang mga banal na handog tulad ng handog sa paglilinis na inihahandog upang matubos ang mga mamamayan ng Israel sa kanilang mga kasalanan. Ginagamit din ang perang ito sa iba pang mga pangangailangan sa templo ng aming Dios. 34Nagpalabunutan kaming lahat, pati ang mga pari namin at mga Levita, para malaman kung kailan magdadala ng panggatong ang bawat pamilya bawat taon para gamitin sa mga handog sa altar ng Panginoon na aming Dios, ayon sa nasusulat sa Kautusan.

35Nangako rin kami na dadalhin namin bawat taon sa templo ng Panginoon ang unang ani ng aming bukirin at ang unang bunga ng aming mga tanim. 36Dadalhin din namin sa mga pari na naglilingkod sa templo ng aming Dios ang aming panganay na anak na lalaki, pati ang unang anak ng aming mga baka, tupa, at kambing, ayon sa nasusulat sa Kautusan.

37Nangako pa kami na dadalhin namin sa mga pari ang pinakamagandang klase ng aming harina at ang iba pang mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, para ilagay sa bodega ng templo ng Dios. Dadalhin din namin ang pinakamabuti naming mga prutas, at ang bagong katas ng ubas at langis ng olibo. Dadalhin din namin sa mga Levita ang ikapu ng aming mga ani, dahil sila ang nangongolekta ng mga ikapu sa lahat ng baryo na may mga sakahan. Kapag mangongolekta ng ikapu ang mga Levita, 38sinasamahan sila ng mga pari mula sa angkan ni Aaron. At ang ikapu ng nakolekta ay dadalhin ng mga Levita sa bodega ng templo ng aming Dios. 39Ang mga Israelita, pati na ang mga Levita ay dapat magdala ng mga handog na trigo, bagong katas ng ubas at langis sa bodega kung saan nakalagay ang mga kagamitan ng templo at kung saan nakatira ang mga pari na naglilingkod, ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang mga mang-aawit.

Kaya nangako kami na hindi namin pababayaan ang templo ng aming Dios.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

尼希米记 10:1-39

在约上盖印的人

1在上面盖印的有哈迦利亚的儿子尼希米省长,以及西底迦

2祭司有西莱雅亚撒利雅耶利米3巴施户珥亚玛利雅玛基雅4哈突示巴尼玛鹿5哈琳米利末俄巴底亚6但以理近顿巴录7米书兰亚比雅米雅民8玛西亚璧该示玛雅

9利未人有亚散尼的儿子耶书亚希拿达的子孙宾内甲篾10以及他们的弟兄示巴尼荷第雅基利他毗莱雅哈难11米迦利合哈沙比雅12撒刻示利比示巴尼13荷第雅巴尼比尼努

14民众首领有巴录巴哈·摩押以拦萨土巴尼15布尼押甲比拜16亚多尼雅比革瓦伊亚丁17亚特希西迦押朔18荷第雅哈顺比赛19哈拉亚拿突尼拜20抹比押米书兰希悉21米示萨别撒督押杜亚22毗拉提哈难亚奈雅23何细亚哈拿尼雅哈述24哈罗黑毗利哈朔百25利宏哈沙拿玛西雅26亚希雅哈难亚南27玛鹿哈琳巴拿

约的内容

28其余的民众、祭司、利未人、殿门守卫、歌乐手、殿役和所有与外族人隔离以便遵从上帝律法的人,以及他们的妻子和儿女等所有能够明白的人, 29都跟随他们的贵族同胞起誓要谨遵上帝借祂仆人摩西颁布的律法,遵守我们的主耶和华的一切诫命、典章和律例。 30我们不将女儿嫁给当地的人,也不为儿子娶当地的女子。 31如果这地方的居民在安息日或其他圣日带来货物和五谷要卖给我们,我们必不购买。我们每逢第七年必不耕种,也必不追讨债务。

32我们为自己定下律例,每人每年捐献四克银子,供我们上帝的殿使用, 33以支付供饼、日常献的素祭和燔祭,安息日、朔日10:33 朔日”即每月初一。和其他节期所献的圣物,为以色列人献上的赎罪祭,以及我们上帝殿中的各项费用。 34我们的祭司、利未人和民众抽签,决定每年哪一族要在指定的时间把献祭时所需用的木材带到我们上帝的殿里,按照律法的规定烧在我们的上帝耶和华的坛上。 35我们把每年地里初熟的物产和各种树上初熟的果子献到耶和华的殿里。 36我们按照律法的规定献上我们的长子和头胎的牛羊,把他们带到我们上帝的殿中,交给在那里供职的祭司。 37我们把上好的面团、举祭、各样果子、新酒和新油交给祭司,收进我们上帝殿的库房里,并把我们地里收成的十分之一交给利未人,这是他们在我们所有城邑的出产中当收取的份。 38利未人收取十分之一的时候,要有亚伦子孙中的一位祭司陪同,利未人要从这十分之一中抽出十分之一带到我们上帝的殿中,收进库房里。 39以色列人和利未人要将这些五谷、新酒和新油作为举祭带到收藏圣所器皿的地方,即供职的祭司、殿门守卫和歌乐手所住的房子。这样,我们便不会忽略我们上帝的殿。