Tagalog Contemporary Bible

Nahum 1:1-15

1Ang mensahe ng aklat na ito ay tungkol sa Nineve.1:1 Nineve: Ito ang kabisera ng Asiria at kumakatawan sa buong bansa ng Asiria. Itoʼy ipinahayag ng Panginoon kay Nahum na taga-Elkosh.

Ang Galit ng Panginoon sa Nineve

2Ayaw ng Panginoong Dios na sumamba ang mga tao sa ibang mga dios.1:2 Ayaw … dios: sa literal, Ang Panginoon ay mapanibughuing Dios. Galit siya sa kanyang mga kaaway at pinaghihigantihan niya sila. 3Ang Panginoon ay hindi madaling magalit, ngunit dakila ang kanyang kapangyarihan at tiyak na parurusahan niya ang nagkasala. Kapag dumadaan siya, umuugong ang hangin at bumabagyo. Ang mga ulap ay parang alikabok sa kanyang mga paa. 4Sa utos lamang niyaʼy natutuyo ang mga dagat at mga ilog. Nalalanta ang mga tanim sa Bashan, sa Bundok ng Carmel at sa Lebanon. 5Nayayanig ang mundo sa kanyang presensya, pati na ang mga bundok at mga burol, at ang mga tao sa mundo ay nanginginig. 6Sino ang makakatagal sa matinding galit ng Panginoon? Kapag siya ay nagalit, para siyang bumubuga ng apoy, at ang mga bato ay nabibiyak sa harap niya.

7Ang Panginoon ay mabuti; matibay siyang kanlungan sa oras ng kagipitan, at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya. 8Para siyang rumaragasang baha na lubusang pupuksain ang kanyang mga kaaway. Tutugisin niya sila hanggang sa mamatay.1:8 hanggang sa mamatay: sa literal, hanggang sa kailaliman; ang ibig sabihin, ang lugar ng mga patay. 9Mga taga-Asiria, kung ano man ang masamang binabalak ninyo laban sa mga mamamayan ng Panginoon, wawakasan iyan ng Panginoon at hindi na mauulit pa. 10Para kayong mga lasing na nakapulupot sa matinik na halaman. Lilipulin kayo na parang natutupok na dayami. 11Ang isa sa inyong mga pinuno ay nagbalak ng masama laban sa mga mamamayan ng Panginoon. Masama ang kanyang ipinapayo.

12Ito ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Juda: “Kahit na malakas at marami ang kalaban ninyong taga-Asiria, lilipulin ko sila hanggang sa mawala. Kahit na pinarusahan ko kayo, hindi ko na iyon uulitin pang muli. 13Sapagkat palalayain ko na kayo ngayon mula sa kapangyarihan ng mga taga-Asiria.”

14Ito naman ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Asiria: “Mawawala ang lahi ninyo at wawasakin ko ang mga rebulto ninyong kahoy o metal sa templo ng inyong mga dios-diosan. Ihahanda ko na ang inyong mga libingan dahil hindi na kayo dapat mabuhay.”

15Mga taga-Juda, tingnan ninyo ang kabundukan! Dumarating na ang mensaherong maghahatid ng magandang balita ng kapayapaan sa inyong bayan. Kaya ipagdiwang ninyo ang inyong mga pista, at tuparin ninyo ang inyong mga panata sa Panginoon. Sapagkat ang masamang bansa ng Asiria ay hindi na sasalakay sa inyo, dahil lubusan na silang lilipulin.

Persian Contemporary Bible

ناحوم 1:1-15

انتقام خداوند از نينوا

1خداوند اين رؤيا را که دربارهٔ نينوا است به ناحوم القوشی نشان داد: 2خداوند غيور است و از کسانی که با وی مخالفت ورزند، انتقام می‌گيرد و با خشم شديد آنان را مجازات می‌کند. 3خداوند دير خشمگين می‌شود ولی گناه را هرگز بی‌سزا نمی‌گذارد. قدرت او عظيم است و آن را می‌توان در گردبادهای وحشتناک و طوفانهای شديد مشاهده کرد. ابرها خاک زير پای او هستند! 4به فرمان خداوند درياها و رودها خشک می‌شوند، چراگاههای سبز و خرم باشان و کرمل از بين می‌روند و جنگلهای سرسبز لبنان طراوت و خرمی خود را از دست می‌دهند. 5در حضور او کوهها می‌لرزند، تپه‌ها ناپديد می‌شوند، زمين متلاشی می‌گردد و ساکنانش نابود می‌شوند.

6کيست که بتواند در برابر خشم خدا ايستادگی کند؟ غضب او مانند آتش فرو می‌ريزد و کوهها در برابر خشم او خرد می‌شوند.

7خداوند نيکوست و در روز بلا و سختی پناهگاه می‌باشد. او از کسانی که به او توکل می‌کنند مراقبت می‌نمايد، 8ولی دشمنان خود را با سيلابی شديد از بين می‌برد و آنها را به ظلمت مرگ روانه می‌کند.

9ای نينوا، چرا به فکر مخالفت با خداوند هستی؟ او با يک ضربه تو را از پای در خواهد آورد، به طوری که ديگر نخواهی توانست مقاومت کنی. 10او دشمنانش را مثل خارهای به هم پيچيده به داخل آتش می‌اندازد و آنها همچون کاه در شعله‌های آتش سوخته شده دود می‌شوند. 11اين پادشاه تو کيست که جرأت می‌کند بر ضد خداوند توطئه کند؟ 12خداوند می‌فرمايد: «سپاه آشور هر قدر هم قوی و بزرگ باشد، محو و نابود خواهد شد.

«ای قوم من، به اندازه کافی شما را تنبيه کرده‌ام! 13اينک زنجيرهای شما را پاره می‌کنم و شما را از قيد اسارت پادشاه آشور آزاد می‌سازم.»

14خداوند به پادشاه آشور می‌فرمايد: «نسل تو را از بين می‌برم تا نام و نشانی از تو باقی نماند. بتها و بتخانه‌های تو را نابود می‌کنم و قبرت را می‌کنم، چون بر اثر گناه فاسد شده‌ای.»

خبر سقوط نينوا

15ببينيد، قاصدی از کوهها سرازير شده، خبر خوش پيروزی را ندا می‌دهند. ای يهودا، عيدهای خود را برگزار نما و نذرهای خود را به خدا وفا کن، چون دشمن، ديگر هرگز برنمی‌گردد. او برای هميشه ريشه کن شده است!