Lucas 5 – TCB & MTDS

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 5:1-39

Ang Pagtawag ni Jesus sa Kanyang mga Unang Tagasunod

(Mat. 4:18-22; Mar. 1:16-20)

1Isang araw, nakatayo si Jesus sa baybayin ng Lawa ng Genesaret, at nagsisiksikan sa kanya ang napakaraming tao upang makinig ng salita ng Dios. 2May nakita si Jesus na dalawang bangka sa baybayin. Nagbabaan na sa bangka ang mga mangingisda at naghuhugas na ng mga lambat nila. 3Sumakay siya sa isang bangka at nakiusap kay Simon na may-ari ng bangka, na itulak iyon nang kaunti sa tubig. Naupo si Jesus sa bangka at nagturo sa mga tao.

4Pagkatapos niyang mangaral, sinabi niya kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat ninyo, at makakahuli kayo ng isda.” 5Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nangisda pero wala kaming nahuli. Pero dahil sinabi ninyo, ihuhulog ko ulit ang lambat.” 6Kaya pumalaot sila at inihulog ang lambat. At napakaraming isda ang nahuli nila hanggang sa halos masira na ang kanilang lambat. 7Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasama na nasa isa pang bangka para magpatulong. Tinulungan sila ng mga ito at napuno nila ng isda ang dalawang bangka, hanggang sa halos lumubog na sila. 8Nang makita iyon ni Simon Pedro, lumuhod siya sa paanan ni Jesus at sinabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, dahil makasalanan ako.” 9Ganito ang naging reaksiyon niya, dahil labis siyang namangha, pati na ang mga kasamahan niya, sa dami ng nahuli nila. 10Namangha rin sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedee, na mga kasosyo ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayon, hindi na isda ang huhulihin mo kundi mga tao na upang madala sila sa Dios.” 11Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.

Pinagaling ni Jesus ang Isang Lalaking May Malubhang Sakit sa Balat

(Mat. 8:1-4; Mar. 1:40-45)

12Isang araw, nang nasa isang bayan si Jesus, lumapit sa kanya ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat,5:12 malubhang sakit sa balat: sa ibang salin ng Biblia, ketong. Ang Griegong salita nito ay ginamit sa ibaʼt ibang klase ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa na pagalingin siya. Sinabi niya, “Panginoon, kung gusto nʼyo po, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.” 13Hinawakan siya ni Jesus at sinabi, “Gusto ko. Luminis ka!” At gumaling agad ang kanyang sakit. 14Sinabihan siya ni Jesus, “Huwag mo itong sasabihin kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises bilang patunay na malinis ka na.” 15Pero lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Jesus, kaya dumating ang napakarami pang mga tao upang makinig sa mga aral niya at upang mapagaling sa kanilang mga sakit. 16Pero laging pumupunta si Jesus sa ilang at doon nananalangin.

Pinagaling ni Jesus ang Isang Paralitiko

(Mat. 9:1-8; Mar. 2:1-12)

17Isang araw habang nangangaral si Jesus, may mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo malapit sa kanya. Nanggaling ang mga ito sa ibaʼt ibang bayan ng Galilea at Judea, at maging sa Jerusalem. Taglay ni Jesus ang kapangyarihan ng Panginoon para magpagaling ng mga may sakit. 18May mga taong dumating na buhat-buhat ang isang lalaking paralitiko na nasa higaan. Sinikap nilang ipasok ito sa bahay upang ilapit kay Jesus. 19Pero hindi sila makapasok dahil sa dami ng tao. Kaya umakyat sila sa bubong at binutasan ito. Pagkatapos, ibinaba nila sa harap ni Jesus ang paralitikong nakahiga sa kanyang higaan. 20Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Kaibigan,5:20 Kaibigan: sa literal, Lalaki. pinatawad na ang mga kasalanan mo.”

21Sinabi ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan sa kanilang sarili: “Sino kaya ang taong ito na lumalapastangan sa Dios? Walang makakapagpatawad ng kasalanan kundi ang Dios lang!” 22Pero alam ni Jesus ang iniisip nila, kaya tinanong niya ang mga ito, “Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? 23Alin ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o, ‘Tumayo ka at lumakad’? 24Ngayon, papatunayan ko sa inyo sa pamamagitan ng pagpapagaling sa taong ito na ako, na Anak ng Tao, ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko, “Tumayo ka, buhatin mo ang higaan mo at umuwi!” 25Tumayo agad ang paralitiko sa harap ng lahat, binuhat nga niya ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Dios. 26Namangha ang lahat at pinuri nila ang Dios. Sinabi nila, “Kahanga-hanga ang mga bagay na nakita natin ngayon!”

Tinawag ni Jesus si Levi

(Mat. 9:9-13; Mar. 2:13-17)

27Pagkatapos noon, umalis si Jesus at nakita niya ang maniningil ng buwis na ang pangalan ay Levi. Nakaupo siya sa lugar na pinagbabayaran ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” 28Tumayo si Levi, iniwan ang lahat at sumunod kay Jesus.

29Naghanda si Levi sa kanyang bahay ng malaking handaan bilang parangal kay Jesus. Maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao ang dumalo at nakisalo sa kanila. 30Nang makita ito ng mga Pariseo at ng mga kasama nilang mga tagapagturo ng Kautusan, nagreklamo sila sa mga tagasunod ni Jesus. Sinabi nila, “Bakit kayo kumakain at umiinom na kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?” 31Sinagot sila ni Jesus, “Ang mga taong walang sakit ay hindi nangangailangan ng doktor, kundi ang mga may sakit. 32Hindi ako naparito upang tawagin ang mga taong matuwid sa sarili nilang paningin, kundi ang mga makasalanan upang magsisi sila sa kanilang mga kasalanan.”

Ang Tanong tungkol sa Pag-aayuno

(Mat. 9:14-17; Mar. 2:18-22)

33May mga tao roon na nagtanong kay Jesus, “Ang mga tagasunod ni Juan at ng mga Pariseo ay madalas mag-ayuno at manalangin. Bakit ang mga tagasunod mo ay panay lang ang kain at inom?” 34Sumagot si Jesus, “Maaari bang hindi kumain ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi! 35Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno.”

36Sinabi rin ni Jesus sa kanila ang mga talinghaga na ito: “Hindi ginugupit ang bagong damit para ipangtagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit, at ang tagping bago ay hindi babagay sa lumang damit. 37Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at ang sisidlan ay hindi na mapapakinabangan pa. 38Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat. 39Wala ring taong nakainom na ng lumang alak ang maghahangad ng bagong alak, dahil para sa kanya, mas masarap ang luma.”

Mushuj Testamento Diospaj Shimi

Lucas 5:1-39

Jesusca quimsatami Paipaj punta yachacujcuna cachun cayashca

(Mat 4:18-22; Mar 1:16-20)

1Genesaret cucha uripi Jesús cajpimi, Diospaj Shimita Pai huillajpi uyangapaj, achca gentecuna llapirinacui Paipajman shamurcacuna. 2Chaipi cashpami Jesusca, cucha uripi chushajlla ishqui barcocuna shayacujta ricurca. Chalhuata japijcuna linchicunata tajshangapaj uriyashcamantami, barcocunaca chushajlla shayacurca. 3Chaipi shayacuj barcocunamanta shujca, Simonpajmi cara. Jesusca, chai barcoman huichiyashpami Simontaca, ‘Barcota allpamanta ashata caruyachipai’ nirca. Chai jahuamantami, tandanacushca tucui gentecunaman yachachirca.

4Ña tucui rimashca qʼuipami Jesusca, Simontaca:

—Barcopi chaupi cuchaman rishpa, chalhuacunata japingapaj linchicunata shitaichij— nirca.

5Shina nijpi Simonca:

—Yachachij, tucui tuta chalhuata japishun yuyashpapish, imata mana japircanchijca. Can mandashcamanta linchita shitashpa ricusha— nircami.

6Chashna nishpa shitajpi achca chalhuacuna jundajpimi, linchipish lliquiricurca. 7Chaimantami maquita cuchun, caishuj barcopi chalhuacujcunata maquihuan cayarcacuna. Paicuna shamushpaca, ishquindij barcopi jundachijpimi, huashicugrij shina tucurca.

8Chaita ricushpami, Simón Pedroca, Jesuspaj ñaupajpi cungurishpa:

—Apu Jesús, ñucaca juchasapa runami cani, ñucamanta anchuripailla— nirca.

9Chashna achca chalhuacunata japishcamantami Simonpish, tucui paihuan cajcunapish achcata mancharcacuna. 10Zebedeopaj churi Jacobopish, Juanpishmi Simonllahuantaj chalhuajcuna carca. Paicunapishmi achcata mancharircacuna. Ashtahuanpish Jesusca, Simontaca:

—Ama manchaichu. Cunanmantapacha canca runacunatami, chalhuata japij shina pushamungui— nircami.

11Chashna nijpi barcocunata allpaman llujshichishpaca, tucuita chaipi saquishcahuan Jesusta catishpa rircallacunami.

Leprahuan ungushcatami Jesús alliyachishca

(Mat 8:1-4; Mar 1:40-45)

12Shuj pueblopi Jesús huillacujpimi, tucui aichamanta lepra shutucuj runa Paipajman shamurca. Paica Jesusta ricushpaca, pambacama cumurishpami:

—Apu, ñucata alliyachisha ninguipishchari, alliyachihuai— nirca.

13Shina nijpi Jesusca, maquita chutashpa tuparishpaca:

—Ari, canmanta lepra anchuchun ninimi— nirca.

Chashna nijpica, lepraca chai runamanta ña anchurcallami.

14Jesusca, chai alliyaj runataca:

—Riqui, pi canta alliyachishcata pajta piman huillanguiman. Curamantajcarinpish ricuchigri. Paicuna can alliyashcata ricuchunca, Diosman imata cuchun Moisés mandashcata cugri— nircami.

15Ashtahuanpish Jesús imata ruracushcataca, ashtahuan ashtahuanmi huillanacurcacuna. Chaimantami uyanamanpish, ungüicunamanta alliyachichunpish yallitaj achcacuna tandanacumuj carca. 16Ashtahuanpish Jesusca paicunamanta chʼicanyashpami, pi mana causan chulunllapi Diosta mañagrij carca.

Mana cuyurij runatami Jesús alliyachishca

(Mat 9:1-8; Mar 2:1-12)

17Jesús shuj punlla yachachicujpica, fariseocunapish, Mandashcata yachachijcunapish chaipi uyashpa tiyacurcacunami. Paicunaca Galileapi, Judeapi caj uchilla llajtacunamantapish, Jerusalenmantapishmi shamushcacuna carca. Jesusca, Diosllataj alliyachinata cushcamantami alliyachi tucurca. 18Chai punllatajmi shuj runacunaca, mana cuyurij shuj runata chacanapi apamurcacuna. Chai ungushcata yaicuchishpa, Jesuspaj ñaupajpi churanatami yuyarcacuna. 19Ashtahuanpish yallitaj achcacuna chaipi junda cashcamanta maita mana yaicui tucushpaca, huasi jahuamanmi huichiyarcacuna. Chaimantaca huasi cʼatata pascashpami, ungushcataca chacanallapitaj, tucuicunapaj chaupipi Jesuspaj ñaupajman uriyachircacuna. 20Paicuna crishcata ricushpami, Jesusca ungushcataca:

—Riqui, ñami cambaj juchacunataca anchuchini— nirca.

21Chaimantami Mandashcata yachachijcunapish, fariseocunapish: «¿Caica ima cashpataj Dios tucushpa rimaricunchu, imamí? Pipish juchacunataca mana anchuchi tucunchu, Taita Diosllamari anchuchi tucun» nishpa yuyai callarircacuna.

22Paicuna yuyacushcata yachashpami, Jesusca cashna tapurca:

—¿Cancunaca ima nishpataj chashna yuyanguichij? 23¿“Cambaj juchacunata anchuchinimi” ninachu, mana cashpaca: “Jatarishpa rilla” ninachu, imata ninataj ashtahuan jahualla? 24Runa Aichayuj Ñucataca, juchacunata anchuchij cachuntaj cai pachaman Dios cachashcataca, cunanmi ricuchisha— nishpaca:

—Jatari, cambaj chacanata apashpa, huasiman rilla— nircami.

25Chashna nijpica, tucuicunapaj ñaupajpi jatarishcahuan, paipaj chacanata apashpa, Taita Diosta pagui nishpa huasiman rircallami. 26Chaimantami tucuicuna jatunta mancharishpa, Diosta ‘Sumajmari cangui’ nircacuna. Chashna achca manchaihuanmi: «Cunantajca mancharinacunatami ricushcanchij» nircacuna.

Jesusca Mateotami ‘Ñucata cati’ nishca

(Mat 9:9-13; Mar 2:13-17)

27Chaicunata rurashca qʼuipa chaimanta llujshishpaca, impuestota japij Leví shuti runatami, impuestota japinapi tiyacujta ricurca. Paitaca:

—Ñucata cati— nircami.

28Chashna nijpica Levica, tucuita chaipi saquishcahuan jatarishpa, Jesusta catishpa rircallami.

29Levica paipaj huasipimi, jatun micuita Jesuspaj rurarca. Chaipica, impuestota japij achcacunapish, shujtajcunapishmi meźapi paicunahuan micucurcacuna. 30Chaita ricushpami Mandashcata yachachijcunapish, fariseocunapish Jesuspaj yachacujcunallata huashallamanta:

—¿Ima nishpataj cancunaca impuestota japijcunahuan, juchayujcunahuanca micucunguichij, ubyacunguichij?— nishpa rimarcacuna.

31Chashna nijpimi, Jesusca cashna nirca:

—Mana ungushca cajcunaca mana pi jambijta mashcanchu, ungushcacunallami jambijtaca mashcan. 32Ñucaca, cashcata rurajcunataca mana cayaj shamurcanichu, ashtahuanpish juchayujcunatami Diospajman cutirichun cayaj shamurcani— nirca.

Ima shina ayunanatami yachachishca

(Mat 9:14-17; Mar 2:18-22)

33Jesús chashna nijpimi, paicunaca cashna tapurcacuna:

—Jala, Bautiźaj Juanpaj yachacujcunapish, fariseocunapaj yachacujcunapish tauca cutin ayunashpa Diosta mañacunllamari. ¿Cutin Cambaj yachacujcunaca, ima nishpataj micucunlla, ubyacunllacuna?— nircacunami.

34Chashna nijpi Jesusca, cashnami nirca:

—Cancunaca caźaracui bodapi cashpaca, novio chaillapitaj cajpica, ¿bodaman cayashcacunataca ayunachun mandanguichijmanchu? 35Ashtahuanpish cusa illajlla saquirina punllacuna chayamungamari, chaipitajca ayunangacunami— nircami.

36Chai qʼuipami Jesusca, yuyachij cai parlota parlarca:

—Pipish mushuj churanata ashata pʼitishpa, mauca churanataca mana chaihuan llachapanchu. Chashna rurashpaca, mushuj churanatapish lliquinman, mauca churanatapish llachapashca mushuj linsoca ashtahuanmi lliquinman. 37Shinallataj cunanlla rurashca vinotapish mauca capachocunapica, pi mana churanchu. Mushuj vino mauca capachocunata tugyachijpica vinopish talliringa, capachocunapish tucuringallami. 38Ashtahuanpish mushuj vinotaca, mushuj capachollapitajmi churana. Chashnami vinopish capachopish ima mana tucushpa, tiyacunlla. 39Pipish pʼucushca vinota ubyacujca, llulluraj vinotaca mana ubyasha ningachu. “Pʼucushcamari ashtahuan alli” ningamari— nircami.