Lucas 4 – TCB & MTDS

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 4:1-44

Ang Pagtukso kay Jesus

(Mat. 4:1-11; Mar. 1:12-13)

1Umalis si Jesus sa Jordan na puspos ng Banal na Espiritu. At dinala siya ng Espiritu sa ilang. 2Doon ay tinukso siya ng diyablo sa loob ng 40 araw. Hindi siya kumain sa buong panahong iyon, kaya gutom na gutom siya. 3Sinabi sa kanya ng diyablo, “Kung ikaw nga ang Anak ng Dios, gawin mong tinapay ang batong ito.” 4Pero sinagot siya ni Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lang sa pagkain nabubuhay ang tao.’ ”4:4 Deu. 8:3.

5Dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na lugar, at sa isang iglap ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian ng mundo. 6At sinabi ng diyablo kay Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at karangyaan ng mga kahariang ito, dahil ipinagkatiwala sa akin ang mga iyan at maibibigay ko sa kanino mang gusto ko. 7Kaya kung sasambahin mo ako, mapapasaiyo ang lahat ng iyan.” 8Pero sumagot si Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon mong Dios at siya lang ang dapat mong paglingkuran.’ ”4:8 Deu. 6:13.

9Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, sa pinakamataas na bahagi ng templo, at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Dios, magpatihulog ka. 10Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel na ingatan ka. 11Aalalayan ka nila upang hindi tumama ang mga paa mo sa bato.’ ”4:11 Salmo 91:11-12. 12Pero sumagot si Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Dios.’ ”4:12 Deu. 6:16.

13Matapos siyang tuksuhin ng diyablo sa lahat ng paraan, iniwan siya nito at naghintay ng ibang pagkakataon.

Sinimulan ni Jesus ang Kanyang Gawain

(Mat. 4:12-17; Mar. 1:14-15)

14Bumalik si Jesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Kumalat sa lahat ng lugar doon ang balita tungkol sa kanya. 15Nagturo siya sa mga sambahan ng mga Judio, at pinuri siya ng lahat.

Hindi Tinanggap si Jesus sa Nazaret

(Mat. 13:53-58; Mar. 6:1-6)

16Umuwi si Jesus sa Nazaret, sa bayang kinalakihan niya. At katulad ng nakaugalian niya, pumunta siya sa sambahan ng mga Judio sa Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng Kasulatan. 17Ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito at pagkakita sa bahagi ng Kasulatan na kanyang hinahanap, binasa niya ito na nagsasabing:

18“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,

dahil pinili niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Magandang Balita.

Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na malaya na sila,

at sa mga bulag na makakakita na sila.

Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi,

19at ipahayag na dumating na ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon.”4:19 Isa. 61:1-2.

20Pagkatapos, ibinilot ni Jesus ang Kasulatan at isinauli sa tagapag-ingat nito. Umupo siya para magsimulang mangaral. Nakatingin sa kanya ang lahat ng naroon. 21Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang bahaging ito ng Kasulatan ay natupad na sa araw na ito habang nakikinig kayo.” 22Pinuri siya ng lahat at humanga sa napakaganda niyang pananalita. Sinabi nila, “Hindi baʼt anak lang siya ni Jose?” 23Sinabi ni Jesus sa kanila, “Tiyak na babanggitin ninyo sa akin ang kawikaang ito: ‘Manggagamot, gamutin mo muna ang iyong sarili,’ na ang ibig sabihin, ‘Gawin mo rin dito sa sarili mong bayan ang mga nababalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.’ ” 24Sinabi pa ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang propetang tinatanggap sa sarili niyang bayan. 25Alalahanin ninyo ang nangyari noong panahon ni Propeta Elias. Hindi nagpaulan ang Dios sa loob ng tatlo at kalahating taon, at nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Maraming biyuda sa Israel noon, 26pero hindi pinapunta ng Dios si Elias sa kaninuman sa kanila kundi sa isang biyuda na hindi Judio sa Zarefat na sakop ng Sidon. 27Ganyan din ang nangyari noong panahon ni propeta Eliseo. Maraming tao sa Israel ang may malubhang sakit sa balat,4:27 malubhang sakit sa balat: sa ibang salin ng Biblia, ketong. Ang Griegong salita nito ay ginamit sa ibaʼt ibang klase ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13. ngunit walang pinagaling ni isa man sa kanila si Eliseo. Sa halip, si Naaman pa na taga-Syria ang pinagaling niya.” 28Nagalit ang mga taong naroon sa sambahan nang marinig nila ito. 29Nagtayuan sila at ipinagtabuyan si Jesus palabas ng bayan, at dinala malapit sa gilid ng burol, na kinatatayuan ng kanilang bayan, para ihulog siya sa bangin. 30Pero dumaan siya sa kalagitnaan nila at iniwan sila.

Ang Taong Sinaniban ng Masamang Espiritu

(Mar. 1:21-28)

31Mula roon, pumunta si Jesus sa bayan ng Capernaum na sakop ng Galilea. Nangaral siya sa sambahan ng mga Judio sa Araw ng Pamamahinga. 32Namangha ang mga tao sa mga aral niya dahil nangaral siya ng may awtoridad. 33Doon sa sambahan ay may isang lalaking sinaniban ng masamang espiritu. Sumigaw siya nang malakas, 34“Ano ang pakialam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba para puksain kami? Kilala kita! Ikaw ang Banal na sugo ng Dios.” 35Pero sinaway ni Jesus ang masamang espiritu, “Tumahimik ka at lumabas sa kanya!” At sa harapan ng lahat, itinumba ng masamang espiritu ang lalaki at saka iniwan nang hindi man lang sinaktan. 36Namangha ang mga tao at sinabi nila sa isaʼt isa, “Anong uri ang ipinangangaral niyang ito? May kapangyarihan at kakayahan siyang magpalayas ng masasamang espiritu, at sumusunod sila!” 37Kaya kumalat ang balita tungkol kay Jesus sa buong lupaing iyon.

Maraming Pinagaling si Jesus

(Mat. 8:14-17; Mar. 1:29-34)

38Umalis si Jesus sa sambahan ng mga Judio at pumunta sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyenang babae ni Simon. Kaya nakiusap sila kay Jesus na pagalingin ito. 39Nilapitan ni Jesus ang may sakit at iniutos na maalis ang lagnat, at nawala ito. Noon din ay bumangon ang babae at pinagsilbihan sina Jesus.

40Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang lahat ng may sakit. Sari-sari ang mga sakit nila. Ipinatong ni Jesus ang mga kamay niya sa bawat isa sa kanila at gumaling silang lahat. 41Pinalabas din niya ang masasamang espiritu mula sa maraming tao. Habang lumalabas ang masasamang espiritu, sumisigaw sila kay Jesus, “Ikaw ang Anak ng Dios!” Pero sinaway sila ni Jesus at pinatahimik, dahil alam nilang siya ang Cristo.

42Kinaumagahan, maagang umalis ng bayan si Jesus at pumunta sa isang ilang na lugar. Hinanap siya ng mga tao, at nang makita siya ay pinakiusapang huwag munang umalis sa bayan nila. 43Pero sinabi sa kanila ni Jesus, “Kailangang ipangaral ko rin ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios sa iba pang mga bayan, dahil ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” 44Kaya nagpatuloy siya sa pangangaral sa mga sambahan ng mga Judio sa Judea.

Mushuj Testamento Diospaj Shimi

Lucas 4:1-44

Jesustaca diablomi pandachisha nishca

(Mat 4:1-11; Mar 1:12-13)

1Jesusca Jordán yacumantaca, jucha illaj Espirituhuan jundami tigrarca. Paitaca, Diospaj Espiritumi shitashca pambaman pusharca. 2Chuscu chunga punllacunata imata mana micushpa chaipi cashcamantami, yaricaihuan carca. Chaimantami diabloca, pandachingapaj shamurca.

3Diabloca, Jesustaca:

—Can Diospaj Churitaj cashpaca, cai rumitaca tanda tucuchun niari— nircami.

4Chashna nijpi Jesusca:

—Dios Quillcachishcapica: “Runacunaca mana tandallahuanchu causan, ashtahuanpish Taita Dios rimashca tucui shimicunahuanpishmi causan” ninmi— nircami.

5Chai huashaca diabloca, jatun urcu jahuamanmi Jesusta pusharca. Chai jahuamantami cai pacha tucui llajtacunata, shuj ricuillapi tucuita ricuchirca. 6Chai huashaca, cashnami nirca:

—Cai tucui sumaj, jatun llajtacunata mandanataca, Canmanmi cusha. Tucui caicunataca ñucamanmi curca. Ñucapaj cashcamantaca, ñuca piman cusha nishpaca cushallami. 7Cambaj cachun nishpaca, pambacama cumurishpa ñucata adorajpica, tucuita Canman cushallami— nircami.

8Chashna nijpimi, Jesusca:

—Satanás, caimanta anchui. Dios Quillcachishcapica: “Canta Mandaj Diosllata adorangui, Pai munashcallata rurangui” ninmi— nircami.

9Chaimantaca diabloca, Jesusta Jerusalenman pushashpami, Diospaj huasi torre jahua puntapi churarca. Chaipica cashnami nirca:

—Can Diospaj Churitaj cashpaca, caimanta ucuman huashicui. 10-11Illu Dios Quillcachishcapica:

“Diosca Canta japichun, Paipaj angelcunata cachangallami.

Cambaj chaquicuna rumipi ama chugririchunca,

paicunapaj maquihuan japingallami” ninmi— nircami.

12Shina nijpi, Jesusca:

—Dios Quillcachishcapica, cashnapishmi nicun: “Canta Mandaj Diostaca, ama can munashcata rurachisha nishpa pʼiñachinguichu” nicunmi— nircami.

13Chashna tucuita rurashpapish, manataj urmachi tucushpaca, diabloca shujtaj punllacama saquircallami.

Jesustaca Galileapica mana crishcacunachu

(Mat 4:12-17; 13:53-58; Mar 1:14-15; 6:1-6; 9:50)

14Jesusca, Diospaj Espirituhuan cashpami, Galileamanca tucuita rurai tucuj tigramurca. Pai imalla rurashcataca, chai muyundij tucui llajtacunapimi huashan huashan yachaj chayachircacuna. 15Israelcuna tandanacuna huasicunapi Jesús yachachishcata uyajcunaca, tucuicunami alli nircacuna.

16Pai huiñashca Nazaret puebloman tigramushpaca, Jesusca Pai ruraj cashca shinallatajmi, sabadopica tandanacuna huasiman rirca. Dios Quillcachishcata chai ucupi reźangapaj shayarijpica, 17Dios ima nishcata huillaj Isaiaspaj librotami curcacuna. Chai librota japishpaca, cashna quillcashca tiyacuntami pascarca:

18«Mandaj Diospaj Espiritumari Ñucapi tiyacun,

caicunata rurachunmi, Paitaca Ñucapi churarca:

Huajchacunaman alli huillaita huillachun,

Shungu pʼaquirishcacunata alliyachichun,

‘Preźucunatapish llujshichij’ nishpa cacharichun,

mana ricujcunapaj ñahuita pascachun,

sarushca causacujcunatapish cacharichichun,

19Mandaj Dios quishpichina huata

chayamushcata huillachunmi cachahuarca» nishcatami reźarca.

20Chaita reźashcahuan, Librota pillushpaca, tandanacuna huasipi ricujman cushpa tiyarircallami. Chaita uyashpaca, tandanacuna huasipi cajcunaca, Jesusta chaparashpami tiyacurcacuna. 21Chaimantami Jesusca: «Cunan punllamari cai quillcaca pajtashca. Chaitami cancunapaj quiquin ñahuihuan ricucunguichij» nircami.

22Jesusmantaca, tucuicunami alli runa cashcata parlanacurcacuna. Shinallataj chai sumaj shimicunata huillashcamantacarin, mancharircacunami. «¿Jalachij, caica Josepaj churitaj shiná?» ninacurcami.

23Shina nijpimi, Jesusca: «Nijcunapaj shimimantaca cancunaca: “Jambij, can quiquinllataj jambiriari” nishcatachari yuyarishpa tiyacunguichij. Chai yuyaipi nishca shinaca: “Capernaumpica, achca milagrocunatami rurashcata uyashcanchij. Cai, Cambaj llajtapipish chaitaca rurairi” nicunguichijchari» nircami.

24Jesusca, cashnapishmi nirca:

«Caitatajca yuyaipi charichij, Dios ima nishcata huillajtaca, quiquin llajtapimi pi mana uyashun nincuna. 25Illu, cai israel llajtapica chashnatajmi tucurca: Elías huillacui punllacunapimi achca viudacuna tiyarca. Chai punllacunapi quimsa huata, sujta quillata mana tamyajpimi, tucui llajtapi jatun yaricai tiyarca. 26Shina cajpipish Diosca, Eliastaca israelcunapura viudacunapajmanca, pipajman mana cacharcachu. Ashtahuanpish Sidón llajtapi caj Sarepta pueblopi causaj shuj viudapajmanmi cacharca. 27Shinallataj Dios ima nishcata huillaj Eliseo huillacui punllacunapipish israelcunapurapica, achcacunami leprahuan apiyacuj ungushcacuna tiyarca. Chai tucui ungushcacuna tiyajpipish, paicunataca shujllatapish mana alliyachishpa, ashtahuanpish Siria llajtamanta Naamán shuti runallatamari leprata pʼicharca» nircami.

28Chashna nijpica, tandanacuna huasipi tucui tiyacujcunami Jesus-huanca yallitaj pʼiñarircacuna. 29Chashna pʼiñarishpa, huaica jatarishpami, Jesustaca pueblomanta llujshichircacuna. Chaimantaca chai puebloca, urcu jahuapi cashcamantami, cʼaca quinrita singuchingapaj, chaiman pusharcacuna. 30Ashtahuanpish Jesusca, paicunapaj chaupillatataj llujshishpa rircallami.

Jesusca mapa espíritu japishca runatami alliyachishca

(Mar 1:21-28)

31Chaimanta rishpaca Jesusca, Galileallapitaj caj Capernaum pueblomanmi huichiyarca. Chaipimi sabadocunapi yachachicurca. 32Pai yachachishca shimicunata uyajcunaca, Pai quiquintaj mandashpa yachachijpimi mancharircacuna.

33Chai tandanacuna huasipica, mapa supai espíritu japishca shuj runami tiyacurca. Paimi sinchita cashna caparirca:

34—¡Nazaretmanta Jesús, ñucanchijta saqui! ¿Ñucanchijtaca imata ninamantaj shamungui? ¿Chingachingapajchu shamungui imatagari? Cantaca, Diospajlla cashcata, jucha illaj cashcata rijsinimari— nircami.

35Chashna nijpi, Jesusca supaitaca:

—¡Upalla siri, cai runamanta llujshi!— nishpami jarcashpa rimarca.

Shina nijpica supaica chai runataca, tucuicunapaj ñaupajpi urmachishpa, mana imata llaquichishpa llujshircallami.

36Tucui chaipi cajcunaca, mancharishpa cushicushpami, caishuj chaishuj: «¿Cai runaca imataj canchu, imamí? Tucuita mandashpa caźuchinllamari. Millai espiritucunatapish rimashpalla llujshichishpa cachanllamari» ninacurcami. 37Jesús chashna rurashcataca, chai muyundij llajtacunapipish huashanmi yachaj chayarcacuna.

Achca ungushcacunatami Jesús alliyachishca

(Mat 8:14-20; Mar 1:29-39)

38Chai tandanacuna huasimanta llujshishpaca Jesusca, Simonpaj huasimanmi yaicurca. Chaipica, Simonpaj suegra yallitaj fiebrehuan cajpimi, alliyachichun Jesusta mañarcacuna. 39Chai ungushcata Pai cumurishpa ricushpaca, fiebretami anchurichun sinchita rimarca. Pai rimanca fiebre anchurijpica, Pedropaj suegraca jatarishcahuan paicunaman cararcallami.

40Ña inti huashicucujpimi, tucui laya ungüihuan cajcunata Jesuspajman pushamurcacuna. Chai tucui ungushcacunatami, paicunapaj jahuapi maquita churashpa alliyachirca. 41Achcacunamantami supaicunapish: «¡Canca, Diospaj Churimari cangui!» nishpa, caparirishpa llujshircacuna.

Quishpichij Cristo cashcata yachashpa, chashna rimai callarijpimi, Jesusca sinchita jarcashpa paicunataca mana rimajta saquirca.

42Ña achijyashcatami, Jesusca chaimanta llujshishpa, pi mana causan chulunllaman rirca. Ashtahuanpish gentecunaca, Jesusta catishpa mashcashpami, Pai maipi cashcaman chayagrijcuna carca. Paita japishpaca, ‘Ñucanchijhuan saquiripailla’ nishpami, Jesustaca jarcarcacuna. 43Ashtahuanpish Jesusca: «Ñucataca, Taita Diosca, Pai mandacun alli huillaita huillachunmari cachahuarca. Chaimanta cai huillaitaca, shujtaj pueblocunapipish huillagrinamari cani» nircami.

44Chashnami Jesusca, Galileapica tandanacuna huasicunapi huillashpa purirca.