Leviticus 3 – TCB & TNCV

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 3:1-17

Handog para sa Mabuting Relasyon

1Kapag may naghahandog ng baka bilang handog para sa mabuting relasyon, kinakailangang ang ihahandog niya sa presensya ng Panginoon ay walang kapintasan. 2Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng baka na ihahandog niya at pagkatapos, papatayin niya sa may pintuan ng Toldang Tipanan. At iwiwisik ng mga paring mula sa angkan ni Aaron ang dugo nito sa paligid ng altar. 3Kukuha ang pari ng bahagi na susunugin niya para sa Panginoon. Kukunin niya ang lahat ng taba na nasa loob ng tiyan, at ang nasa lamang-loob, 4ang mga bato3:4 mga bato: sa Ingles, “kidneys.” at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay. 5Ang mga itoʼy susunugin ng mga pari sa altar kasama ng handog na sinusunog. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy3:5 handog … apoy: Tingnan ang “footnote” sa 1:9. ay makalulugod sa Panginoon.

6Kung ang ihahandog niya para sa mabuting relasyon ay tupa o kambing, lalaki man o babae, kinakailangang itoʼy walang kapintasan. 7Kung maghahandog siya ng tupa sa Panginoon, 8ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng tupa at papatayin niya sa harap ng Toldang Tipanan. At iwiwisik ng mga paring mula sa angkan ni Aaron ang dugo nito sa paligid ng altar. 9At mula sa handog na itoʼy kukuha ng bahagi na susunugin para sa Panginoon; ang mga taba, ang buntot na mataba na sagad sa gulugod ang pagkakaputol, ang lahat ng taba sa lamang-loob, 10ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay. 11Ang lahat ng itoʼy susunugin ng pari sa altar bilang handog na pagkain.3:11 bilang handog na pagkain: Itinuturing ito na pagkain ng Dios. Tingnan sa 21:6, 8, 21. Ganito rin sa 3:16. Itoʼy handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.

12Kung maghahandog siya ng kambing sa presensya ng Panginoon, 13ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng kambing at papatayin niya sa harap ng Toldang Tipanan. Iwiwisik ng paring mula sa angkan ni Aaron ang dugo nito sa palibot ng altar. 14Pagkatapos, kukuha ang pari ng bahagi na susunugin niya para sa Panginoon mula sa handog na ito. Kukunin niya ang lahat ng taba sa lamang-loob, 15ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay. 16Ang lahat ng itoʼy susunugin ng pari sa altar bilang handog na pagkain. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon. Ang lahat ng taba ay sa Panginoon.

17Huwag kayong kakain ng taba o dugo. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito kahit saan kayo tumira, kayo at ang susunod pa ninyong mga henerasyon.

Thai New Contemporary Bible

เลวีนิติ 3:1-17

เครื่องสันติบูชา

1“ ‘ถ้าผู้ใดจะถวายเครื่องสันติบูชา และเขาถวายสัตว์จากฝูงวัวไม่ว่าตัวผู้หรือตัวเมีย เขาจะต้องนำสัตว์ที่ไม่มีตำหนิมาต่อหน้าองค์พระผู้เป็นเจ้า 2ให้เขาวางมือบนหัวของสัตว์ที่จะถวาย แล้วฆ่ามันที่ทางเข้าเต็นท์นัดพบ เหล่าปุโรหิตซึ่งเป็นบุตรชายของอาโรนจะพรมเลือดวัวนั้นรอบแท่นบูชา 3เขาจะนำส่วนหนึ่งจากเครื่องสันติบูชามาเผาด้วยไฟถวายแด่องค์พระผู้เป็นเจ้าคือไขมันที่หุ้มหรือติดกับเครื่องใน 4ไตทั้งสองลูกกับไขมันที่ติดอยู่ใกล้บั้นเอว และพังผืดหุ้มตับซึ่งเอาออกมาพร้อมไต 5จากนั้นบรรดาบุตรของอาโรนจะเผาสิ่งเหล่านี้บนเครื่องเผาบูชาซึ่งอยู่บนฟืนที่ติดไฟบนแท่นบูชา เป็นเครื่องบูชาด้วยไฟ เป็นกลิ่นหอมที่องค์พระผู้เป็นเจ้าพอพระทัย

6“ ‘หากเขาจะถวายแกะหรือแพะเป็นเครื่องสันติบูชาแด่องค์พระผู้เป็นเจ้าใช้ได้ทั้งตัวผู้และตัวเมียซึ่งไม่มีตำหนิ 7หากใช้ลูกแกะ จงนำมาต่อหน้าองค์พระผู้เป็นเจ้า 8ให้เขาวางมือบนหัวของมันและฆ่ามันหน้าเต็นท์นัดพบ และบรรดาบุตรของอาโรนจะพรมเลือดของมันรอบแท่นบูชา 9เขาจะนำส่วนหนึ่งจากเครื่องสันติบูชามาเผาด้วยไฟถวายแด่องค์พระผู้เป็นเจ้าคือไขมัน ไขมันส่วนหางซึ่งตัดชิดกระดูกสันหลัง ไขมันทั้งหมดที่หุ้มหรือติดเครื่องใน 10ไตทั้งสองลูกกับไขมันบนไตใกล้บั้นเอว และพังผืดหุ้มตับซึ่งนำออกมาพร้อมกับไต 11ปุโรหิตจะเผาสิ่งเหล่านี้บนแท่นบูชา เป็นเครื่องบูชาด้วยไฟถวายแด่องค์พระผู้เป็นเจ้า

12“ ‘หากเขานำแพะมาถวาย ให้นำมาต่อหน้าองค์พระผู้เป็นเจ้า 13ให้เขาวางมือบนหัวแพะและฆ่ามันที่ด้านหน้าเต็นท์นัดพบ จากนั้นบุตรของอาโรนจะพรมเลือดแพะรอบแท่นบูชา 14เขาจะนำส่วนหนึ่งจากเครื่องถวายนำมาถวายบูชาด้วยไฟแด่องค์พระผู้เป็นเจ้าคือไขมันทั้งหมดที่หุ้มหรือติดกับเครื่องใน 15ไตทั้งสองลูกกับไขมันบนไตใกล้บั้นเอว และพังผืดของตับซึ่งเอาออกมาพร้อมไต 16ปุโรหิตจะเผาสิ่งเหล่านี้บนแท่นบูชา เป็นเครื่องบูชาด้วยไฟ เป็นกลิ่นหอมที่พอพระทัย ไขมันทั้งหมดเป็นขององค์พระผู้เป็นเจ้า

17“ ‘อย่ากินไขมันหรือเลือดเลย นี่เป็นข้อปฏิบัติถาวรสืบไปทุกชั่วอายุไม่ว่าเจ้าจะอาศัยอยู่ที่ใด’ ”