Leviticus 25 – TCB & NSP

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 25:1-55

Ang Taon ng Pamamahinga ng Lupa

1Noong si Moises ay nasa bundok ng Sinai, inutusan siya ng Panginoon 2na sabihin ito sa mga Israelita:

Kapag naroon na kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, huwag ninyong tataniman ang inyong mga bukid tuwing ikapitong taon para akoʼy inyong maparangalan. 3-4Sa loob ng anim na taon ay makakapagtanim kayo at makakapag-ani, pero sa ikapitong taon ay dapat ninyong pagpahingahin ang lupa. Huwag ninyong tataniman ang inyong mga bukid at puputulan ng mga sanga ang inyong mga ubas. 5At huwag din ninyong aanihin ang mga butil o pipitasin ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumubo. 6Pero maaari kayong kumuha nito para may makain kayo, ang inyong mga alipin mga manggagawa, mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, 7mga alaga nʼyong hayop, at mga hayop sa gubat na nasa inyong lupain.

Ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli

8-9Tuwing ika-49 na taon,25:8-9 Tuwing ika-49 na taon: sa literal, pitong taon na Pamamahinga. sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, ang Araw ng Pagtubos, patunugin ninyo ang mga trumpeta sa buong lupain. 10Ang ika-50 taon ay ituring ninyong natatanging taon dahil iyon ay panahon ng pagpapalaya ng mga alipin para silaʼy makabalik na sa sarili nilang sambahayan. Panahon din ito ng pagsasauli sa may-ari ng mga lupain na ipinagbili niya. 11-12Sa taong ito, na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, huwag kayong magtatanim sa inyong mga bukirin at huwag din kayong mag-aani o mamimitas ng mga bunga ng mga tanim na kusang tumubo, pero pwede kayong kumuha para may makain kayo. Itoʼy banal na taon para sa inyo.

13Sa taong ito, lahat ng mga ari-ariang ipinagbili sa inyo ay ibalik ninyo sa may-ari. 14Kaya kung kayoʼy magbebenta o bibili ng lupain sa inyong kapwa Israelita, huwag kayong magdadayaan. 15Ang halaga ng lupa ay ibabatay ayon sa dami ng taon ng pamumunga nito bago dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. 16Kung mahaba pa ang mga taon bago dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, taasan ninyo ang halaga ng lupa, pero kung maigsi na lang, babaan ninyo. Sapagkat ang binibili ninyo ay hindi ang lupang iyon kundi ang dami ng magiging ani nito. 17Huwag kayong magdadayaan, sa halip ay matakot kayo sa akin, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios. 18-19Sundin ninyo ang mga tuntunin at utos ko para kayoʼy mamuhay ng mapayapa sa lupaing inyong titirhan at hindi kayo mawawalan ng pagkain dahil sa masaganang ani ng lupain. 20Huwag kayong mababahala sa kung ano ang inyong kakainin sa ikapitong taon na hindi kayo makakapagtanim o makakapag-ani. 21Pagpapalain ko ang inyong mga bukid tuwing ikaanim na taon upang maging masagana ang ani para maging sapat para sa tatlong taon. 22Kaya sa tuwing magtatanim kayo sa ikawalong taon, ang kakainin ninyo ay ang inyong ani pa rin noong ikaanim na taon, at magiging marami pa ang pagkain ninyo hanggang sa dumating ang tag-ani sa ikasiyam na taon.

23Huwag ninyong ipagbibili ang inyong lupain na hindi na ninyo matutubos pa, dahil ang lupaing ito ay akin. Pinatitirhan at pinasasakahan ko lang ito sa inyo. 24Kaya payagan ninyong matubos pa ng may-ari ang kanyang lupain na ipinagbili sa inyo. Ganyan ang gawin ninyo sa lahat ng lupaing binili ninyo.

25Kung maghirap ang inyong kapwa Israelita at napilitan siyang ipagbili ang kanyang lupain, ang pinakamalapit niyang kamag-anak ang tutubos ng lupaing kanyang ipinagbili. 26Pero kung wala siyang kamag-anak na tutubos nito para sa kanya, maaari pa rin niya itong tubusin kapag kaya na niya. 27Kapag nangyari ito, babayaran niya ang bumili ng kanyang lupain ng halagang ayon sa maaani sa lupain hanggang sa dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, at saka pa lang niya maaaring bawiin ang kanyang lupain. 28Pero kung kulang ang perang pantubos niya, mananatili ang lupain sa bumili hanggang sa dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. At sa taong iyon, ibabalik na sa kanya ang lupain niya nang walang bayad.

29Kung may taong magbenta ng kanyang bahay na nasa napapaderang lungsod, maaari pa rin niya itong tubusin sa loob ng isang taon pagkatapos niyang ipagbili. 30Pero kung hindi niya ito matubos sa loob ng isang taon, ang bahay na iyon ay lubusan nang magiging pag-aari ng bumili at ng mga angkan nito magpakailanman. Hindi na ito maaaring bawiin ng may-ari sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. 31Ngunit ang mga bahay sa mga baryo na walang pader ay ituturing na katulad ng bukid na maaaring matubos o mabawi sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.

32Maaaring tubusin ng mga Levita kahit kailan ang kanilang mga bahay na nasa kanilang bayan. 33Kung hindi nila iyon matubos, ibabalik iyon sa kanila sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. Sapagkat ang mga bahay sa kanilang bayan ay para sa kanila dahil bahagi nila ito na ibinigay ng kapwa nila Israelita. 34Pati ang mga pastulang nasa palibot ng kanilang bayan ay hindi dapat ipagbili, dahil iyon ay pag-aari nila magpakailanman.

35Kung maghirap ang kapwa ninyo Israelita at hindi na niya kayang buhayin ang kanyang sarili, tulungan nʼyo siya katulad ng inyong pagtulong sa isang dayuhan o bisita para patuloy siyang makapamuhay kasama ninyo. 36-37Pahiramin ninyo siya ng pera na walang tubo, at pagbilhan ninyo siya ng pagkain na walang tubo para patuloy siyang naninirahang kasama ninyo. Gawin ninyo ito para ipakita na may takot kayo sa akin na inyong Dios. 38Ako ang Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto para maibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan upang akoʼy maging Dios ninyo.

39Kung sa labis na kahirapan ng inyong kapwa Israelita ay napilitang ipagbili ang sarili upang maging alipin, huwag ninyo siyang pagtrabahuhin katulad ng pangkaraniwang alipin. 40Ituring ninyo siyang isang upahang manggagawa o isang panauhing nakatira sa inyo. Magtatrabaho siya sa inyo hanggang sa sumapit ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. 41Sa taong iyon, malaya na siya at ang mga anak niya, at makakabalik na sila sa kanilang mga kamang-anak at mapapasakanilang muli ang mga pag-aari ng kanilang mga ninuno. 42Kayoʼy mga alipin ko, kayoʼy mga Israelitang inilabas ko sa Egipto. Kaya huwag ninyong ipagbibili ang inyong sarili para maging alipin. 43Huwag ninyong pagmamalupitan ang inyong kapwa Israelita na alipin ninyo. Ipakita ninyong kayoʼy may takot sa akin na inyong Dios.

44Kung gusto ninyong kayoʼy may alipin, bumili kayo sa mga bansa sa palibot ninyo. 45Maaari rin kayong bumili ng mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, o ng kanilang mga anak na ipinanganak sa inyong lugar. At ang mga aliping nabili ninyo sa kanila ay magiging pag-aari na ninyo. 46At maaari nʼyo silang ipamana sa inyong mga anak upang maglingkod sa kanila habang silaʼy nabubuhay. Pero huwag ninyong pagmalupitan ang inyong kapwa Israelita na alipin ninyo.

47Kung sa labis na kahirapan ay ipinagbili ng isang Israelita ang kanyang sarili bilang alipin sa isang dayuhang naninirahang kasama ninyo, o sa kamag-anak ng dayuhang iyon, 48ang Israelitang iyon ay maaari pang tubusin. Maaari siyang tubusin ng kanyang kapatid, 49tiyuhin, pinsan, o sinumang malapit niyang kamag-anak. Maaari ring siya mismo ang tumubos ng kanyang sarili kung kaya na niya. 50-52Kukuwentahin niya at ng bumili sa kanya kung ilang taon siyang naglingkod at kung magkano ang katumbas na halaga nito kung babayaran siya katulad ng isang upahang manggagawa. At ang halaga nito ay ibabawas niya sa halagang ibinayad sa kanya noong siya ay binili bilang isang alipin. (Ang halagang iyon ay batay sa dami ng taon mula nang siyaʼy binili hanggang sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.) At kung magkano ang natira, iyon ang babayaran niya para matubos ang kanyang sarili. 53Kinakailangang ituring siya ng dayuhang bumili sa kanya na parang isang upahang manggagawa at huwag siyang pagmamalupitan. 54Kung hindi siya makakalaya at ang mga anak niya sa ganoong paraan, maaari pa rin silang lumaya sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. 55Kaya hindi kayo magiging alipin ng inyong mga kababayan magpakailanman, dahil alipin ko kayo, ako ang naglabas sa inyo mula sa Egipto. Ako ang Panginoon na inyong Dios.

New Serbian Translation

3. Мојсијева 25:1-55

Суботња година

1Господ рече Мојсију на гори Синај: 2„Говори Израиљцима и реци им: ’Кад уђете у земљу коју вам дајем, нека земља држи Господњу суботу. 3Шест година засејавај своју њиву, и шест година обрезуј свој виноград и сабирај род, 4а седме године нека буде субота потпуног одмора за земљу, Господња субота. Тада немој сејати своју њиву и обрезивати свој виноград. 5Немој жети што са̂мо роди након твоје жетве, нити брати грожђе од своје необрезане лозе. То ће бити година суботњег одмора за земљу. 6Што земља роди током своје суботе, то ће вам бити за јело. Сав њен урод нека буде за јело теби, твоме слузи и твојој слушкињи; твоме најамнику, и дошљаку који борави код тебе; 7твојој стоци и зверима што живе на твојој земљи. Све што земља роди, то се може јести.

Јубиларна година

8Наброј седам суботњих година, седам пута по седам година, тако да ових седам суботњих година дају збир од четрдесет девет година. 9Седмога месеца, десетога дана, заповеди да затруби труба; на дан откупљења, затрубите у трубе по свој земљи. 10Посветите педесету годину, и прогласите слободу у земљи за све њене становнике. То ће вам бити опросна година. Тада нека се сваки од вас врати на свој посед, и сваки човек нека се врати у свој род. 11Педесета година нека вам буде опросна. Не сејте и не жањите што роди након жетве, и не обрезујте лозу, 12јер то је опросна година. Нека вам буде света: храните се само оним што роди на њиви.

13Те опросне године, нека се сваки човек врати на свој посед.

14Стога, када продајете земљу своме ближњему, или је купујете од њега, не варајте свога брата. 15Кад купујеш од свога ближњега, платићеш само за број година од опросне године; онај ко продаје наплатиће ти само за остатак жетвених година. 16Што је више година, то је већа цена; што је мање година, то је мања цена, јер он ти продаје број жетви. 17Не варајте свог ближњег, него се бој свога Бога, јер ја сам Господ, Бог ваш.

18Вршите моје уредбе, и држите моје законе. Вршите их и живећете спокојно на земљи. 19Земља ће давати свој род, па ћете јести до миле воље, и спокојно живети у њој. 20Ако се питате: шта ћемо јести седме године, кад не будемо ни сејали, ни скупљали свој урод? 21Ево, ја ћу вам послати свој благослов: шесте године ће земља родити род за три године. 22А кад будете сејали осме године, хранићете се од старог урода све до девете године, док не приспе њен урод.

23Земља не сме да се прода заувек, јер земља припада мени, а ви сте код мене странци и дошљаци. 24Где год имате земљу у поседу, морате дозволити да се земља откупи.

25Ако твој брат осиромаши и прода свој посед, нека дође његов најближи рођак-старатељ и откупи што је његов брат продао. 26Ко нема рођака-старатеља, али дође до довољно средстава да откупи посед, 27нека изброји године од откупа и исплати разлику човеку коме га је продао. Онда нека се врати на свој посед. 28А ако нема довољно средстава, посед ће остати у власништву онога који га је купио до опросне године. У опросној години земља ће бити враћена, па ће се он вратити на свој посед.

29Ако неко прода стамбену кућу у граду опасаном зидинама, он може да је откупи пре него што истекне година од њене продаје. Рок за откуп биће једна година. 30Ако се кућа не откупи пре истека пуне године, кућа у граду опасаном зидинама прећи ће у трајно власништво купца и његових потомака, те неће бити враћена у опросној години. 31Куће по селима које нису ограђене зидинама, нека се воде као њиве; оне се могу откупити, али се у опросној години морају вратити.

32Међутим, Левити ће заувек држати право откупа кућа које поседују у левитским градовима. 33Ако један од Левита откупи кућу, која је продана у једном од градова у њиховом поседу, она мора да се врати у опросној години, јер су куће по левитским градовима њихово власништво међу Израиљцима. 34Пашњаци око ових градова не смеју се продавати, јер то је њихово власништво за сва времена.

35Ако твој брат, који живи уз тебе, осиромаши, те не може да се издржава, помози му; нека живи уз тебе као странац или дошљак. 36Не узимај камату од њега, и не наплаћуј му више, него се бој свога Бога. Нека твој брат живи уз тебе. 37Не позајмљуј му новац с каматом, и не наплаћуј му више за храну. 38Ја сам Господ, Бог ваш, који сам вас извео из Египта, да вам дам хананску земљу, и да вам будем Бог.

39Ако осиромаши твој брат који је уз тебе, и прода се теби, не терај га да ради као роб. 40Нека буде код тебе као најамник и као дошљак, па нека служи код тебе до опросне године. 41Тада може да оде од тебе са својом децом, и да се врати у свој род и на посед својих предака. 42Зато што су моје слуге које сам извео из Египта, не смеју се продавати као што се продају робови. 43Немој господарити немилосрдно над њим, него се бој свога Бога.

44Робове и робиње можете имати, али од народа који живе око вас. Њих можете куповати као робове и робиње. 45Можете куповати и децу дошљака и странаца, који живе међу вама, или оне који су рођени у вашој земљи, и чије породице живе међу вама. Они могу да буду ваше власништво. 46Можете их задржати у власништву за вашу децу после вас, да их наследе као трајно власништво. Они нека вам служе као робови, али над вашом браћом Израиљцима, нико да не господари немилосрдно.

47Ако се странац или дошљак обогати, а твој брат осиромаши, па се прода странцу или дошљаку међу вама, или потомку из странчевог рода, 48он има право да буде откупљен и након што се продао. Нека га откупи неко од његове браће, 49или нека га откупи стриц, или стричев син, или неко од најближе породице. Уколико се обогати, он може да откупи самог себе. 50Нека с купцем израчуна време од године када се продао, па до опросне године; цена за коју се продао одређиваће се према броју година. Време које је провео с власником нека му се рачуна као најамнику. 51Ако остане још много година, он ће, према њиховом броју, платити цену за свој откуп. 52Ако остане мало година до опросне године, он ће платити за свој откуп према њиховом броју. 53Време које је провео с власником, нека му се рачуна као најамнику. Нека се не господари немилосрдно над њим на твоје очи.

54Уколико не буде откупљен овако, он и његова деца биће ослобођени у опросној години. 55Јер Израиљци су моје слуге, које сам извео из Египта. Ја сам Господ, Бог ваш!