Leviticus 23 – TCB & APSD-CEB

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 23:1-44

Mga Espesyal na Araw ng Pagsamba

1Inutusan ng Panginoon si Moises 2na sabihin sa mga Israelita ang mga tuntuning ito tungkol sa mga espesyal na araw na magtitipon sila para sumamba sa Panginoon.

Ang Araw ng Pamamahinga

3May anim na araw kayo para magtrabaho, pero sa ikapitong araw ay magpahinga kayo, dahil ito ang Araw ng Pamamahinga. Huwag kayong magtrabaho sa araw na ito, sa halip ay magtipon kayo para sumamba dahil ito ang araw para purihin ang Panginoon.

Ang Pista ng Paglampas ng Anghel at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa

(Bil. 28:16-25)

4Ang Pista ng Paglampas ng Anghel at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa ay mga natatanging upang magtipon ang mga Israelita para sumamba sa Panginoon. 5Ang Pista ng Paglampas ng Anghel ay ginaganap sa gabi nang ika-14 na araw ng unang buwan. 6At sa ika-15 araw ng buwan ding iyon, magsisimula naman ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Pitong araw ang pistang ito at sa mga araw na iyon, ang tinapay na kakainin ninyo ay dapat walang pampaalsa. 7Sa unang araw ng pistang ito, huwag kayong magtatrabaho, sa halip ay magtipon kayo at sumamba sa Panginoon. 8Sa loob ng pitong araw, mag-aalay kayo sa Panginoon ng handog sa pamamagitan ng apoy. At sa ikapitong araw, huwag kayong magtatrabaho sa halip ay magtipon nga kayo at sumamba sa Panginoon.

Ang Pista ng Pag-aani

(Bil. 28:26-31)

9-11Kapag naroon na kayo sa lupaing ibibigay sa inyo ng Panginoon, ihandog ninyo sa kanya ang unang bigkis ng bawat ani. Dalhin ninyo ito sa pari sa susunod na araw pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga. Itataas ito ng pari sa Panginoon para tanggapin kayo ng Panginoon sa pamamagitan nito. 12Sa araw ding iyon, maghahandog din kayo sa Panginoon ng tupa na isang taong gulang na walang kapintasan bilang handog na sinusunog. 13Kasama nito, maghandog din kayo ng apat na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang handog ng pagpaparangal sa Panginoon, at isang litrong katas ng ubas bilang handog na inumin. Mga handog ito sa pamamagitan ng apoy, at ang mabangong samyo nitoʼy makalulugod sa Panginoon. 14Kung hindi pa kayo nakapaghahandog nito, huwag kayong kakain ng kahit anong klase ng pagkain mula sa inyong bagong ani, ito may sariwa o binusa o nilutong tinapay. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito kahit saan kayo tumira, kayo at ng susunod pang mga henerasyon.

15-17Pagkatapos ng pitong linggo mula sa araw na kayoʼy naghandog ng mga ibinigkis na ani, muli kayong magtipon at mag-alay ng handog ng pagpaparangal mula sa mga ibinigkis ng unang ani ninyo. Itoʼy sa ika-50 araw, ang araw pagkatapos ng ikapitong Araw ng Pamamahinga. Ang inyong ihahandog ay dalawang tinapay na bawat isa ay gawa sa apat na kilo ng magandang klaseng harina na may pampaalsa. Ihandog ninyo ito bilang handog na itinataas, mula sa inyong unang ani. 18Kasama nito, magdala rin kayo ng pitong lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapansanan, isang batang toro, at dalawang lalaking tupa na walang kapintasan. Ihahandog ninyo ang mga ito bilang handog na sinusunog kasama ng handog ng pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin. Mga handog ito para sa Panginoon. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon. 19Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis. At dalawang tupa na tig-isang taong gulang bilang handog para sa mabuting relasyon. 20Itataas ng pari sa presensya ng Panginoon ang dalawang tupa at ang handog na mula sa unang ani. Itoʼy banal na mga handog sa Panginoon dahil itoʼy bahagi ng mga pari. 21Huwag kayong magtatrabaho sa araw ding iyon, kundi magtipon kayo at sumamba sa Panginoon. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito kahit saan kayo tumira, kayo at ng susunod pang mga henerasyon.

22Kung aani kayo, huwag ninyong uubusin ang mga nasa gilid ng inyong mga bukid, at huwag na ninyong balikan para ipunin ang mga naiwan. Ipaubaya na lang ninyo iyon sa mga dukha at sa mga dayuhan. Ito ang utos ng Panginoon na inyong Dios.

Ang Pista ng Pagpapatunog ng mga Trumpeta

(Bil. 29:1-6)

23-24Sa unang araw ng ikapitong buwan, magpahinga kayo para alalahanin ang Panginoon. Kung marinig ninyo ang tunog ng trumpeta, magtipon kayo para sumamba sa kanya. 25Huwag kayong magtrabaho sa araw na iyon, sa halip mag-alay kayo ng handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.

Ang Araw ng Pagtubos

(Bil. 29:7-11)

26-28Ang ikasampung araw ng ikapitong buwan ding iyon ay Araw ng Pagtubos.23:26-28 Araw ng Pagtubos: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon kundi magtipon kayo sa pagsamba sa Panginoon na may pag-aayuno at pag-aalay ng handog sa pamamagitan ng apoy. Sapagkat sa araw na iyon gagawin ang seremonya ng pagtubos sa inyong mga kasalanan sa Panginoon na inyong Dios. 29Ang ayaw mag-ayuno sa araw na iyon ay huwag na ninyong ituring na kababayan. 30Papatayin ng Panginoon ang sinumang magtatrabaho sa araw na iyon. 31-32Kaya magpahinga kayo at mag-ayuno mula sa paglubog ng araw nang ikasiyam na araw ng buwang iyon hanggang sa susunod na paglubog ng araw. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito kahit saan kayo tumira, kayo at ng susunod pang mga henerasyon.

Ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol

(Bil. 29:12-40)

33-34Inutusan ng Panginoon si Moises na sabihin ito sa mga Israelita: Sa ika-15 araw ng ikapitong buwan, magsisimula ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol at itoʼy ipagdiriwang ninyo sa loob ng pitong araw. 35Sa unang araw, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo at sumamba sa Panginoon. 36Sa loob ng pitong araw, mag-aalay kayo ng handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon. Sa ikawalong araw,23:36 Sa ikawalong araw: Ito ay dagdag na araw para magpista na siyang huling araw ng pista. hindi rin kayo magtatrabaho kundi muli kayong magtipon sa pagsamba sa Panginoon, at maghandog sa kanya. Iyan ang panghuling araw ng inyong pagtitipon.

37Iyon ang itinakdang espesyal na mga araw na magtitipon kayo para sumamba sa Panginoon at para mag-alay ng mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon. Dapat magdala kayo ng mga handog na sinusunog, handog ng pagpaparangal sa Panginoon, at mga handog na inumin. Ang mga handog na ito ay kinakailangang ihandog ninyo sa itinakdang araw ng paghahandog nito. 38Ipagdiwang ninyo ang itinakdang mga araw na ito bukod pa sa lingguhang Araw ng Pamamahinga na ginagawa ninyo. At ang mga handog na ito ay dapat ninyong ialay dagdag sa inyong mga kaloob, mga handog para tuparin ang isang panata, at handog na kusang-loob na iniaalay ninyo sa Panginoon. 39Tungkol naman sa Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol, ipagdiriwang ninyo ito para parangalan ang Panginoon mula sa ika-15 araw ng ikapitong buwan, pagkatapos ng anihan. Ipagdiwang nʼyo ito sa loob ng pitong araw. Huwag kayong magtatrabaho sa una at sa ikawalong araw. 40Sa unang araw, kumuha kayo ng pinakamagandang bunga ng mga punongkahoy, mga dahon ng palma, mga mayayabong na sanga ng puno sa lambak, at kayoʼy masayang magdiwang sa presensya ng Panginoon na inyong Dios sa loob ng pitong araw. 41-43Ipagdiwang ninyo ang pistang ito sa ikapitong buwan bawat taon para parangalan ang Panginoon. Sa loob ng pitong araw, lahat kayong mga Israelita ay dapat tumira sa mga kubol para malaman ng inyong mga anak na pinatira ng Panginoon na inyong Dios ang inyong mga ninuno sa mga kubol nang sila ay inilabas sa Egipto. Dapat ninyong sundin ang mga tuntuning ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon.

44Ito ang tungkol sa mga itinakdang pagdiriwang sa pagsamba sa Panginoon na sinabi ni Moises sa mga Israelita.

Ang Pulong Sa Dios

Leviticus 23:1-44

Ang mga Pinasahi nga mga Higayon sa Pagsimba

1Gisugo sa Ginoo si Moises 2nga isulti ngadto sa mga Israelinhon kini nga mga patakaran mahitungod sa pinasahi nga mga higayon nga magtigom sila sa pagsimba sa Ginoo:

Ang Adlaw nga Igpapahulay

3“May unom kamo ka adlaw sa pagtrabaho, apan sa ikapito nga adlaw mopahulay kamo kay mao kana ang Adlaw nga Igpapahulay. Ayaw kamo pagtrabaho nianang adlawa, kondili pagtigom kamo aron sa pagsimba, kay adlaw kana nga pasidunggan ninyo ang Ginoo.

Ang Pista sa Paglabay sa Anghel ug ang Pista sa Pan nga Walay Patubo

(Num. 28:16-25)

4“Ang Pista sa Paglabay sa Anghel ug ang Pista sa Pan nga Walay Patubo mga pinasahi usab nga mga higayon nga magtigom ang mga Israelinhon sa pagsimba sa Ginoo. 5Ang Pista sa Paglabay sa Anghel himuon sa gabii sa ika-14 nga adlaw sa nahaunang bulan. 6Ug sa ika-15 nga adlaw sa mao gihapon nga bulan, magasugod usab ang Pista sa Pan nga Walay Patubo. Pito ka adlaw kini nga pista, ug nianang mga adlawa kinahanglan nga pan nga walay patubo ang inyong kaonon. 7Sa nahaunang adlaw niining pista, ayaw kamo pagtrabaho kondili pagtigom kamo aron sa pagsimba sa Ginoo. 8Sulod sa pito ka adlaw, paghalad kamo ngadto sa Ginoo. Ug sa ikapito nga adlaw ayaw na usab kamo pagtrabaho kondili pagtigom kamo aron sa pagsimba sa Ginoo.

Ang Pista sa Pag-ani

(Num. 28:26-31)

9-11“Kon atua na kamo sa yuta nga ihatag sa Ginoo kaninyo, ihalad ninyo kaniya ang unang bugkos sa mga uhay sa matag ani ninyo. Dad-a ninyo kini ngadto sa pari. Pagkasunod nga adlaw human sa Adlaw nga Igpapahulay, ibayaw kini sa pari ngadto sa presensya sa Ginoo aron dawaton kamo sa Ginoo pinaagi niini. 12Niana usab nga adlaw, paghalad usab kamo sa Ginoo ug karnero nga nagaedad ug usa ka tuig ug walay depekto isip halad nga sinunog. 13Lakipi ninyo kini ug upat ka kilo nga maayong klase sa harina nga gisagolan ug mantika isip halad sa pagpasidungog sa Ginoo, ug usa ka litro nga bino isip halad nga ilimnon. Mga halad kini pinaagi sa kalayo, ug ang kahumot niini makapalipay sa Ginoo. 14Kon wala pa kini ninyo ikahalad, ayaw gayod kamo pagkaon sa bisan unsa nga matang sa pagkaon gikan sa inyong bag-ong giani, hilaw man kini o sinanlag o giluto nga pan. Kini nga mga patakaran kinahanglan nga tumanon ninyo hangtod sa umaabot nga mga henerasyon, bisan asa pa kamo magpuyo.

15-17“Paglabay sa pito ka semana gikan sa adlaw nga naghalad kamo niadtong binugkos nga uhay, pagtigom kamo ug paghalad ug halad sa pagpasidungog sa Ginoo gikan niadtong mga uhay nga bag-o lang ninyong giani. Bali ika-50 kini nga adlaw nga mao ang adlaw human sa ikapito nga Adlaw nga Igpapahulay. Paghalad kamo ug duha ka pan nga ang matag usa hinimo sa upat ka kilo nga maayong klase sa harina, ug may patubo. Ihalad ninyo kini isip halad nga binayaw gikan sa nahauna ninyong ani. 18Lakipi ninyo kini ug pito ka laking karnero nga tag-usa ka tuig ang edad, usa ka toriyong baka, ug duha ka hamtong nga laking karnero, nga walay mga depekto. Ihalad ninyo kini isip halad nga sinunog uban sa halad sa pagpasidungog sa Ginoo apil ang halad nga ilimnon. Ang kahumot niini nga halad pinaagi sa kalayo makapalipay sa Ginoo. 19Unya paghalad usab kamo ug usa ka laking kanding isip halad sa paghinlo, ug duha ka karnero nga tag-usa ka tuig ang edad isip halad alang sa pakigda-it. 20Unya ibayaw sa pari diha sa presensya sa Ginoo ang duha ka karnero ug ang halad nga gikan sa nahaunang ani. Balaan kini nga mga halad alang sa Ginoo, ug bahin kini sa mga pari. 21Sa mao usab nga adlaw ayaw kamo pagtrabaho kondili pagtigom kamo aron sa pagsimba sa Ginoo. Kini nga mga patakaran kinahanglan nga tumanon ninyo hangtod sa umaabot nga mga henerasyon, bisan asa pa kamo magpuyo.

22“Kon mag-ani kamo, ayaw ninyo hutda ug ani ang anaa sa daplin sa inyong tamnanan, ug ayaw na kamo panghagdaw. Ibilin na lang ninyo kana alang sa mga kabos ug sa mga langyaw. Ako mao ang Ginoo nga inyong Dios.”

Ang Pista sa Pagpatingog sa mga Budyong

(Num. 29:1-6)

23-24Gisugo sa Ginoo si Moises nga isulti kini ngadto sa mga Israelinhon:

“Sa nahaunang adlaw sa ikapito nga bulan, mopahulay kamo sa paghinumdom sa Ginoo. Kon madunggan ninyo ang pagpatingog sa mga budyong, pagtigom kamo aron sa pagsimba kaniya. 25Ayaw kamo pagtrabaho nianang adlawa kondili paghalad kamo ngadto sa Ginoo.

Ang Adlaw sa Pagluwas sa mga Tawo gikan sa Ilang mga Sala

(Num. 29:7-11)

26-28“Ang ikanapulo nga adlaw niining ikapito nga bulan mao ang Adlaw sa Pagluwas sa mga Tawo gikan sa Ilang mga Sala. Ayaw kamo pagtrabaho nianang adlawa kondili pagtigom kamo sa pagsimba sa Ginoo. Pagpuasa ug paghalad kamo ug halad nga sinunog alang kaniya. Kay nianang adlawa himuon ang seremonya sa paghinlo kaninyo sa inyong mga sala diha sa presensya sa Ginoo nga inyong Dios. 29Ang dili magpuasa nianang adlawa dili na ninyo isipon nga inyong sakop. 30Patyon sa Ginoo si bisan kinsa nga magtrabaho nianang adlawa. 31-32Busa pahulay kamo ug pagpuasa sugod sa pagsalop sa adlaw sa ikasiyam nga adlaw nianang bulana hangtod sa pagkasunod nga pagsalop sa adlaw. Kini nga mga patakaran kinahanglan nga tumanon ninyo hangtod sa umaabot nga mga henerasyon, bisan asa pa kamo magpuyo.”

Ang Pista sa Pagpatindog sa mga Payag

(Num. 29:12-40)

33-34Gisugo sa Ginoo si Moises nga isulti kini ngadto sa mga Israelinhon:

“Sa ika-15 nga adlaw sa ikapitong bulan magsugod ang Pista sa Pagpatindog sa mga Payag, ug sauloga ninyo kini sulod sa pito ka adlaw. 35Sa nahaunang adlaw ayaw kamo pagtrabaho kondili pagtigom kamo aron sa pagsimba sa Ginoo. 36Sulod sa pito ka adlaw paghalad kamo ug halad nga sinunog alang sa Ginoo. Ug sa ikawalo nga adlaw23:36 ikawalo nga adlaw: Dugang kini nga adlaw sa pista nga bali mao ang kataposan nga adlaw sa pista. ayaw na usab kamo pagtrabaho kondili pagtigom na usab kamo aron sa pagsimba sa Ginoo, ug paghalad ug halad pinaagi sa kalayo alang kaniya. Kataposan kini nga adlaw sa inyong panagtigom.

37“Mao kini ang mga pinasahi nga mga higayon nga magtigom kamo aron sa pagsimba sa Ginoo ug sa paghalad sa mga halad pinaagi sa kalayo: mga halad nga sinunog, halad sa pagpasidungog sa Ginoo, halad alang sa pakigda-it, ug mga halad nga ilimnon, nga kinahanglan nga ihalad ninyo sa mga higayon nga ihalad kini. 38Ug ihalad ninyo kini nga mga halad dugang sa inyong mga gasa, sa inyong mga halad sa pagtuman sa mga panaad, ug sa mga halad nga kinabubut-on ngadto sa Ginoo. Sauloga ninyo kini nga mga pinasahi nga mga higayon dugang sa Adlaw nga Igpapahulay nga ginahimo ninyo kada semana. 39Kon mahitungod sa Pista sa Pagpatindog sa mga Payag, sauloga ninyo kini sa pagpasidungog sa Ginoo gikan sa ika-15 nga adlaw sa ikapito nga bulan, pagkahuman sa ting-ani. Sauloga ninyo kini sulod sa pito ka adlaw; ayaw kamo pagtrabaho sa nahaunang adlaw ug sa ikawalo nga adlaw. 40Sa nahaunang adlaw, pagkuha kamo ug mga labing maayong mga bunga sa mga kahoy, mga palwa sa palma, ug mga sanga sa labong nga mga kahoy sa lugut,23:40 lugut: kon sa English, ravine or gorge. Tan-awa ang Lista sa mga Pulong sa luyo. ug paglipay kamo sa presensya sa Ginoo nga inyong Dios sulod sa pito ka adlaw. 41-43Kini nga pista sauloga ninyo sa ikapito nga bulan matag tuig sa pagpasidungog sa Ginoo. Sulod sa pito ka adlaw, pagpuyo kamo sa mga payag aron nga mahibaloan sa inyong mga kaliwat nga gipapuyo sa Ginoo nga inyong Dios ang inyong mga katigulangan sa mga payag sa dihang gipagawas niya sila gikan sa Ehipto. Kini nga mga patakaran kinahanglan nga tumanon ninyo hangtod sa umaabot nga mga henerasyon.”

44Mao kadto ang mga pinasahi nga mga higayon sa pagsimba sa Ginoo nga gipahibalo ni Moises sa mga Israelinhon.