Mga Tuntunin tungkol sa mga Pari
1Inutusan ng Panginoon si Moises na sabihin ito sa mga paring mula sa angkan ni Aaron:
Huwag ninyong dudungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng paglapit o paghipo sa bangkay ng tao, 2maliban na lamang kung ang namatay ay malapit ninyong kamag-anak gaya ng inyong ina, ama, anak, kapatid na lalaki, 3o dalagang kapatid at walang inaasahan kundi kayo. 4Huwag din ninyong dungisan ang inyong sarili sa inyong pagpunta sa libing ng kamag-anak ng inyong asawa. 5Kung kayoʼy magluluksa sa patay, huwag ninyong aahitin ang inyong buhok o puputulan ang inyong balbas o susugatan ang inyong katawan. 6Italaga ninyo ang inyong sarili para sa akin na inyong Dios, at huwag ninyong lapastanganin ang aking pangalan. Itoʼy dapat ninyong gawin dahil kayo ang nag-aalay ng mga handog sa pamamagitan ng apoy,21:6 handog sa pamamagitan ng apoy: Tingnan ang footnote sa 1:9. para sa akin na siyang pagkain ko.
7Huwag kayong mag-asawa ng babaeng marumi dahil nagbebenta siya ng panandaliang aliw, o ng babaeng hiwalay sa asawa, dahil kayoʼy hinirang ko para sa aking sarili. 8Kinakailangang kayo ay ituring na banal ng inyong kapwa Israelita dahil kayo ang nag-aalay ng mga handog para sa akin.21:8 mga handog para sa akin: sa literal, pagkain ng Dios. Tingnan ang “footnote” sa 21:6. Dapat nila kayong ituring na banal dahil ako ang Panginoon ay banal at ginawa kong banal ang aking mga tao.21:8 ginawa … tao: o, itinalaga ko sila para sa akin.
9Kung kayoʼy may anak na babae na nagdudulot ng kahihiyan sa inyo dahil sa nagbebenta siya ng panandaliang-aliw, siyaʼy ituturing na marumi, dapat siyang sunugin.
10Kung ang punong pari21:10 punong pari: sa tekstong Hebreo makikita ang buong katawagan sa kanya: ang punong pari sa kanyang mga kapwa Israelita na pinahiran ng langis sa ulo at itinalagang magsuot ng pamparing damit na para sa punong pari. ay namatayan ng kamag-anak, huwag niyang guguluhin ang kanyang buhok ni pupunitin ang kanyang damit bilang tanda ng pagluluksa. 11Dapat din niyang iwasan ang paglapit sa patay kahit na iyon ay kanyang ama o ina. 12At dahil siyaʼy itinalaga sa akin bilang punong pari sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanya ng langis ng pagtatalaga, hindi siya dapat umalis sa Toldang Tipanan dahil kapag siyaʼy umalis doon at sumama sa libing, marurumihan ang Tolda. Ako ang Panginoon.
13-14Kung ang punong pari ay mag-aasawa, dapat Israelitang katulad niya at tunay na dalaga. Huwag siyang mag-aasawa ng biyuda, o ng babaeng hiwalay sa asawa, o ng babaeng marumi na nagbebenta ng panandaliang-aliw, 15upang sa ganoon ay walang maging kapintasan ang mga anak niya. Ako ang Panginoong humirang sa kanya para siyaʼy maging banal.
16Inutusan ng Panginoon si Moises 17na sabihin ito kay Aaron:
Walang sinuman sa angkan mo hanggang sa susunod pang mga henerasyon na may kapansanan ang katawan na makapaghahandog sa akin ng mga handog na pagkain. 18Hindi maaari ang bulag, pilay, may kapansanan ang mukha, may kapansanan ang isang bahagi ng katawan, 19bali ang paa o kamay, 20kuba, unano, may sakit sa mata o sa balat, o baog. 21-23Kaya kung ang angkan ni Aaron ay may kapansanan sa katawan, hindi siya maaaring maghandog sa akin ng mga handog sa pamamagitan ng apoy na siyang pagkain ko. Hindi rin siya maaaring pumasok sa Banal na Lugar o lumapit sa altar dahil madudungisan ang aking Tolda. Pero maaari siyang kumain ng mga pagkaing bahagi ng mga pari sa mga banal at pinakabanal na handog. Ako ang Panginoong nagtalaga sa inyo para maging akin.
24Ang lahat ng ito ay sinabi ni Moises kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki at sa lahat ng mga Israelita.
祭司保持聖潔的條例
1耶和華對摩西說:「你把以下條例告訴祭司——亞倫的子孫。
「祭司不可因接觸死去的族人而使自己不潔淨, 2但骨肉至親,如父母、兒女、兄弟、 3以及未出嫁仍是處女的姊妹例外。 4祭司不可因姻親的關係而玷污自己。21·4 或譯「作為民中的首領,祭司不可玷污自己。」 5祭司不可剃光頭、修剪鬍鬚或割傷身體。 6他們要做上帝的聖潔之民,不可褻瀆我的名。因為他們負責獻我的火祭,即我的食物,所以要保持聖潔。 7他們不可娶妓女或被休的女人為妻,因為祭司要為了我而保持聖潔。 8要視祭司為聖潔的,因為他們負責獻你們上帝的食物。要視他們為聖潔的,因為使你們聖潔的我——耶和華是聖潔的。 9如果有祭司的女兒做妓女,辱沒自己,她就是辱沒自己的父親,必須燒死她。
10「大祭司在眾祭司中職分最高,頭上澆過膏油,已經承受聖職、穿上聖衣,他不可披頭散髮、撕裂衣服。 11他不可接近死者,即使是父母也不可,以免玷污自己。 12他不可因喪事走出他上帝的聖所,以免褻瀆聖所,因為我的膏油已經使他聖潔。我是耶和華。 13他必須娶處女為妻, 14不可娶寡婦、被休的女人或妓女,只可娶本族中的處女為妻, 15以免在民中玷污自己的子孫,因為我是使他們聖潔的耶和華。」
16耶和華對摩西說: 17「你把以下條例告訴亞倫。
「你的子孫中,任何有殘疾的人都不可前來獻他上帝的食物,這是世世代代都要遵守的律例。 18瞎眼的、跛腳的、五官不正的、畸形的、 19四肢不全的、 20駝背的、矮小的、患眼疾的、長疥癬的或睪丸受損的,都不可近前來獻祭。 21亞倫祭司子孫中有殘疾的都不可向耶和華獻火祭。他們既然有殘疾,就不可近前來獻我的食物。 22他們可以吃我的食物,聖的和至聖的都可以吃。 23但他們不可走近幔子或祭壇,因為他們有殘疾。這樣做是為了避免他們褻瀆我的聖所。我是使聖所聖潔的耶和華。」
24摩西把這些條例告訴了亞倫父子們和所有的以色列人。