Leviticus 19 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 19:1-37

Ibaʼt ibang Kautusan

1Inutusan ng Panginoon si Moises 2na sabihin ito sa lahat ng mamamayan ng Israel: Magpakabanal kayo dahil ako ang Panginoon na inyong Dios ay banal. 3Dapat ninyong igalang ang inyong ina at ama. Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga. Ako ang Panginoon na inyong Dios.

4Huwag kayong sasamba sa mga dios-diosan o gagawa ng mga imahen nila. Ako ang Panginoon na inyong Dios.

5Kung mag-aalay kayo ng handog para sa mabuting relasyon, ialay ninyo ito sa paraang katanggap-tanggap sa akin. 6Kainin ninyo ito sa araw ding iyon o sa kinabukasan. Pero kung may matitira pa sa pangatlong araw, sunugin na ninyo ito. 7Kapag sa ikatlong araw ay kinain pa ninyo ito, hindi ko na ito tatanggapin dahil itoʼy karumal-dumal na. 8At ang sinumang kumain nito ay mananagot dahil binalewala niya ang banal na bagay na para sa akin, kaya ang taong iyon ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

9Kung mag-aani kayo, huwag ninyong uubusin ang mga nasa gilid ng inyong bukirin, at huwag na ninyong balikan para pulutin ang mga natira. 10Ganoon din sa inyong ubasan, huwag na ninyong babalikan para kunin ang mga natirang bunga o mga nalaglag. Iwanan ninyo iyon para sa mahihirap at mga dayuhan. Ako ang Panginoon na inyong Dios.

11Huwag kayong magnanakaw, o magsisinungaling, o mandadaya ng inyong kapwa.

12Huwag kayong manunumpa ng kasinungalingan sa aking pangalan dahil kapag iyon ay ginawa ninyo iyon nilalapastangan ninyo ang aking pangalan. Ako ang Panginoon. 13Huwag ninyong lalamangan o pagnanakawan ang inyong kapwa. Huwag ninyong ipagpapaliban ang pagbabayad ng sweldo ng taong pinagtatrabaho ninyo.

14Huwag kayong magsasalita ng masama sa bingi, at huwag ninyong lalagyan ng katitisuran ang dinadaanan ng bulag. Ipakita ninyong kayoʼy may takot sa akin sa pamamagitan ng pagsunod ng mga utos ko. Ako ang Panginoon.

15Kinakailangang matuwid at walang kinikilingan ang inyong paghatol sa inyong kapwa, mayaman man o dukha.

16Huwag kayong magtsitsismisan tungkol sa inyong kapwa. Huwag kayong magsasalita o gagawa ng anumang makasisira sa inyong kapwa. Ako ang Panginoon.

17Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapwa. Paalalahanan ninyo siya kung siyaʼy nagkasala para kayoʼy walang panagutan.

18Huwag kayong gumanti ng masama o magtatanim ng galit sa inyong kapwa, kundi mahalin ninyo siya gaya ng inyong sarili. Ako ang Panginoon.

19Sundin ninyo ang aking mga utos. Huwag ninyong palalahian ang isang hayop sa ibang uri ng hayop. Huwag kayong magtatanim ng dalawang klaseng binhi sa iisang bukid. Huwag kayong magsusuot ng damit na yari sa dalawang klaseng tela.

20Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang aliping babae na nakatakdang ikasal sa ibang lalaki, pero hindi pa natutubos o napapalaya ang babae,19:20 hindi … ang babae: Ang ibig sabihin, hindi pa siya natutubos ng kanyang mapapangasawa o ng ibang tao sa kanyang amo para siyaʼy lumaya sa pagkaalipin. dapat silang parusahan. Pero huwag silang patayin dahil hindi pa napapalaya ang nasabing babae. 21-22Kinakailangang magdala ang lalaki ng lalaking tupa malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan bilang handog na pambayad sa kanyang kasalanan sa Panginoon. Sa paghahandog ng pari ng tupang iyon sa aking harapan, matutubos ang lalaking iyon sa kanyang kasalanan at patatawarin ko siya.

23Kapag dumating na kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, huwag ninyong kakainin ang bunga ng mga punongkahoy na inyong itinanim sa loob ng tatlong taon. Ituring ninyong marumi iyon. 24Sa ikaapat na taon, ang lahat ng bunga ay ihandog ninyo sa akin bilang papuri sa akin kaya huwag ninyo itong kakainin. 25Sa ikalimang taon, makakain na ninyo ang mga bunga ng inyong mga pananim. At kung susundin ninyo ang tuntuning ito, magiging sagana ang bunga ng inyong mga pananim. Ako ang Panginoon na inyong Dios.

26Huwag kayong kakain ng karneng may dugo pa.

Huwag ninyong gagawin ang ginagawa ng mga manghuhula at mangkukulam.

27Kung magluluksa kayo sa patay, huwag ninyong pagugupitan ang inyong buhok sa palibot ng inyong ulo o magpuputol ng inyong balbas. 28At huwag din ninyong susugatan ang inyong katawan. Huwag din kayong magpapatato. Ako ang Panginoon.

29Huwag ninyong ilagay sa kahihiyan ang inyong anak na babae sa pamamagitan ng pagpilit sa kanila na ipagbili ang kanilang sarili para sa panandaliang-aliw, dahil ito ang magiging dahilan ng paglaganap ng kasamaan sa inyong bayan.

30Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga, at igalang ninyo ang lugar na inyong pinagsasambahan sa akin. Ako ang Panginoon.

31Huwag kayong sasangguni sa mga espiritistang nakikipag-usap sa kaluluwa ng mga patay, dahil kapag ginawa ninyo ito, ituturing kayo na marumi. Ako ang Panginoon na inyong Dios.

32Igalang ninyo ang matatanda. Igalang nʼyo ako na inyong Dios, ako ang Panginoon.

33Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo. 34Ituring ninyo silang gaya ng inyong mga kababayan at ibigin ninyo sila gaya ng sa inyong sarili, dahil kayo rin noon ay naging mga dayuhan sa Egipto. Ako ang Panginoon na inyong Dios.

35Huwag kayong mandadaya sa inyong pagtitimbang, pagsukat at pagtatakal. 36-37Gamitin ninyo ang tamang timbangan, sukatan, o takalan.

Ako ang Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto. Sundin ninyo ang lahat ng tuntunin at utos ko. Ako ang Panginoon.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

利未记 19:1-37

有关圣洁生活的条例

1耶和华对摩西说: 2“你把以下条例告诉以色列全体会众。

“你们要圣洁,因为我——你们的上帝耶和华是圣洁的。 3你们每个人都必须孝敬父母,遵守我的安息日。我是你们的上帝耶和华。 4不要祭拜虚无的神明,也不要为自己铸造神像。我是你们的上帝耶和华。 5你们献平安祭给我时,要使你们所献的蒙悦纳。 6要在献祭当天或第二天吃完祭物。如果第三天还有剩余,都要烧掉。 7如果有人第三天还吃那些祭物,祭物就不洁净,我不会悦纳。 8那人要自担罪责,因为他亵渎了我的圣物。要将他从民中铲除。

9“你们收割的时候,不要割净田角地边的庄稼,也不要捡那些掉在田里的穗子。 10不要摘净葡萄园里的葡萄,也不要捡掉在地上的葡萄。要把这些留给穷人和寄居在你们中间的外族人。我是你们的上帝耶和华。 11不可偷盗,不可撒谎,不可互相欺骗。 12不可以我的名义起假誓,从而亵渎你们上帝的名。我是耶和华。 13不可欺压邻居,也不可抢夺他的东西。要当天支付雇工的工钱,不可拖到第二天。 14不可咒骂聋子,也不可绊倒盲人,应当敬畏你们的上帝。我是耶和华。 15不可徇私枉法,不可偏袒穷人,不可谄媚权贵之人,要秉公审判。 16不可到处搬弄是非,不可危害邻居的生命安全。我是耶和华。 17对同胞不可心中怀恨。同胞有错,要当面指正,免得自己因他而担罪。 18不可报复,不可埋怨同胞,要爱邻如己。我是耶和华。

19“你们要遵守我的律例。不可让牲畜杂交;不可在同一块田播撒两种不同的种子;不可穿两种材料织成的衣服。

20“一个已经许配人的婢女尚未被赎或未获自由时,如果有人与她同寝,就要受到处罚,但不可处死他们,因为那婢女还未获自由。 21和她同寝的人要把一只公绵羊牵到会幕门口,作为赎过祭献给耶和华。 22祭司要用作赎过祭的公绵羊为那人赎罪,他的罪便得到赦免。

23“你们到了迦南,在那里栽种各样果树后,前三年不可吃树上的果子,要视它们是不洁净的19:23 不洁净的”希伯来文是“未受割礼的”。24第四年,树上的所有果子都是圣洁的,要献给耶和华作颂赞之祭。 25第五年,你们可以吃树上的果子。你们这样做,果树会为你们结出更多果子。我是你们的上帝耶和华。

26“不可吃带血的肉,不可占卜或行巫术。 27不可修剪鬓角或胡须。 28不可因哀悼死人而割伤身体或纹身。我是耶和华。 29不可辱没自己的女儿,使她沦为娼妓,免得你们居住的地方充满淫乱和邪恶。 30要遵守我的安息日,敬畏我的圣所。我是耶和华。 31不可求问灵媒或巫师,玷污自己。我是你们的上帝耶和华。

32“在年长者面前,要恭敬站立,要敬重年长者。要敬畏你们的上帝。我是耶和华。 33不可欺负住在你们境内的外族人, 34要视他们如同胞,爱他们如爱自己,因为你们也曾经寄居埃及。我是你们的上帝耶和华。 35在称重和度量时,不可骗人。 36要使用准确的秤、尺子和升斗。我是你们的上帝耶和华,曾带领你们离开埃及37你们要遵行我的一切律例和典章。我是耶和华。”