Leviticus 12 – TCB & JCB

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 12:1-8

Mga Tuntunin Tungkol sa Babaeng Nanganak

1Inutusan ng Panginoon si Moises na 2sabihin ito sa mga taga-Israel:

Kung ang isang babae ay nanganak ng lalaki, siyaʼy ituturing na marumi12:2 marumi: Ang ibig sabihin, hindi siya maaaring makisama sa kanilang mga seremonyang pangrelihiyon. Ganito rin sa talatang 4. sa loob ng pitong araw, tulad nang panahong siya ay may buwanang dalaw. 3Sa ikawalong araw, tutuliin ang kanyang anak. 4Dahil sa siyaʼy dinudugo pa, maghihintay pa siya hanggang sa makalipas ang 33 araw bago siya ituring na malinis12:4 ituring na malinis: Ang ibig sabihin maaari na siyang makibahagi sa kanilang seremonya. dahil sa dugo ng panganganak. Hindi siya maaaring humipo ng kahit anumang bagay at hindi siya maaaring pumunta sa Toldang Tipanan hanggang sa matapos ang kanyang paglilinis. 5Kung babae ang anak niya, ituturing siyang marumi sa loob ng 14 na araw, tulad nang panahong siya ay siyaʼy may buwanang dalaw. Maghihintay pa siya ng 66 na araw bago siya ituring na malinis mula sa dugo ng panganganak.

6Kapag tapos na ang mga araw ng kanyang paglilinis para sa anak na lalaki o babae, magdadala siya sa pari malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan ng isang tupang may isang taong gulang, bilang handog na sinusunog at isang inakay na kalapati o batu-bato bilang handog sa paglilinis. 7-8Ihahandog ito ng pari sa Panginoon para maalis ang kanyang karumihan dahil sa kanyang pagdurugo sa panganganak at magiging malinis siya. Kung hindi niya kayang maghandog ng tupa, maghahandog siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato. Ang isa ay bilang handog na sinusunog at ang isa ay bilang handog sa paglilinis. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, maaalis ang karumihan niya at ituturing na siyang malinis. Ito ang mga tuntunin tungkol sa babaeng nanganak.

Japanese Contemporary Bible

レビ記 12:1-8

12

産後の汚れときよめ

1主はモーセに、民に次のような指示を与えるよう命じました。 2「男の子が生まれたときは、母親は七日間汚れる。生理のときと同じである。 3八日目にその子に割礼(男子の性器の包皮の一部を切り取る儀式)を施しなさい。 4さらに三十三日間は汚れをきよめる期間だから、聖なるものにさわったり幕屋に入ったりしてはならない。 5女の子を産んだときは、汚れは二週間続く。その期間中、母親は生理のときと同じ制約を受ける。さらに、汚れをきよめるのに六十六日かかる。

6彼女のきよめの期間が終わったら、男の子の場合も女の子の場合も、次のとおりにいけにえをささげなさい。一歳の子羊一頭を焼き尽くすいけにえに、家鳩のひなか山鳩一羽を罪の赦しのためのいけにえにする。それを幕屋の入口の祭司のところに持って来る。 7祭司がいけにえを主にささげ、罪の償いをしてくれる。こうして、彼女は出産のときの出血の汚れからきよめられる。

これが産後のきよめの規定である。 8しかし、貧しくて子羊を用意できない場合は、山鳩か家鳩のひな二羽でもよい。一羽を焼き尽くすいけにえ、もう一羽を罪の赦しのためのいけにえとしなさい。祭司がそれで罪の償いをしてくれる。これで、再び礼拝規定上きよい者となる。」