Juan 6 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Juan 6:1-71

Pinakain ni Jesus ang 5,000 Tao

(Mat. 14:13-21; Mar. 6:30-44; Luc. 9:10-17)

1Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. 2Sinundan siya ng napakaraming tao dahil nakita nila ang mga himalang ginawa niya sa pagpapagaling ng mga may sakit. 3Umakyat si Jesus at ang mga tagasunod niya sa isang bundok at naupo roon. 4(Malapit na noon ang pista ng mga Judio na tinatawag na Pista ng Paglampas ng Anghel.) 5Nang tumingin si Jesus, nakita niya ang napakaraming taong papalapit sa kanya. Tinanong niya si Felipe, “Saan tayo makakabili ng pagkain para pakainin ang mga taong ito?” 6(Tinanong niya ito upang subukan si Felipe, kahit alam na niya ang kanyang gagawin.) 7Sumagot si Felipe, “Sa dami po nila, ang walong buwan na sahod ng isang tao ay hindi sapat para pakainin ng kahit tigkakaunti ang bawat isa.” 8Sinabi naman ng isa sa mga tagasunod niyang si Andres na kapatid ni Pedro, 9“May isang batang lalaki rito na may limang tinapay at dalawang isda. Pero kakasya ba naman ito sa dami ng tao?” 10Sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” Umupo naman ang mga tao dahil madamo sa lugar na iyon. Ang bilang ng mga lalaki lang ay mga 5,000 na. 11Kinuha ni Jesus ang tinapay at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, ipinamahagi ito sa mga tao. Ganoon din ang ginawa niya sa isda, at nabusog ang lahat. 12Pagkakain nila, sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Tipunin nʼyo ang lahat ng natira para walang masayang.” 13Tinipon nga nila ang natira mula sa limang tinapay na ipinakain sa mga tao at nakapuno sila ng 12 basket.

14Nang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Jesus, sinabi nila, “Siguradong ito na nga ang propetang hinihintay nating darating dito sa mundo!” 15Alam ni Jesus na balak ng mga taong kunin siya at sapilitang gawing hari. Kaya umalis siya roon at muling umakyat nang mag-isa sa bundok.

Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig

(Mat. 14:22-33; Mar. 6:45-52)

16Nang gumagabi na, nagpunta ang mga tagasunod ni Jesus sa tabi ng lawa. 17Madilim na at wala pa rin si Jesus, kaya sumakay na sila sa isang bangka at tumawid papuntang Capernaum. 18At habang tumatawid sila, nagsimulang lumakas ang hangin at lumaki ang mga alon. 19Nang nakasagwan na sila ng mga anim o limang kilometro, nakita nila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa kanilang bangka. At natakot sila. 20Pero sinabi sa kanila ni Jesus, “Ako ito! Huwag kayong matakot.” 21Kaya pinasakay nila si Jesus sa bangka, at nakarating agad sila sa kanilang pupuntahan.

Hinanap ng mga Tao si Jesus

22-23Kinabukasan, naroon pa ang mga tao sa kabila ng lawa, kung saan sila kumain ng tinapay matapos magpasalamat ng Panginoon. Alam nilang iisa lang ang bangka roon nang gabing iyon, at iyon ang sinakyan ng mga tagasunod ni Jesus. Alam din nilang hindi kasamang umalis si Jesus ng mga tagasunod niya. Samantala, may dumating na mga bangka galing sa Tiberias at dumaong malapit sa kinaroroonan ng mga tao. 24Nang mapansin ng mga tao na wala na roon si Jesus at ang mga tagasunod niya, sumakay sila sa mga bangkang iyon at pumunta sa Capernaum para hanapin si Jesus.

Ang Pagkaing Nagbibigay-buhay

25Pagdating ng mga tao sa Capernaum, nakita nila si Jesus at tinanong, “Guro, kailan pa po kayo dumating dito?” 26Sumagot si Jesus sa kanila, “Ang totoo, hinahanap nʼyo ako, hindi dahil sa mga nakita ninyong himala, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. 27Huwag kayong magtrabaho para lang sa pagkaing nasisira, kundi para sa pagkaing hindi nasisira at nakakapagbigay ng buhay na walang hanggan. Ako na Anak ng Tao ang siyang magbibigay sa inyo ng pagkaing ito, dahil ako ang binigyan ng Ama ng kapangyarihang magbigay nito.” 28Kaya tinanong ng mga tao si Jesus, “Ano po ang dapat naming gawin upang masunod namin ang ipinapagawa ng Dios?” 29Sumagot si Jesus, “Ito ang ipinapagawa ng Dios sa inyo: manampalataya kayo sa akin na isinugo niya.” 30Nagtanong ang mga tao, “Anong himala po ang maipapakita nʼyo para manampalataya kami sa inyo? 31Ang ating mga ninuno ay kumain ng ‘manna’ noong nasa ilang sila. Sapagkat ayon sa Kasulatan, binigyan sila ni Moises ng tinapay na mula sa langit.”6:31 Exo. 16:4; Neh. 9:15; Salmo 78:24. 32Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay na mula sa langit, kundi ang aking Ama. Siya ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33Sapagkat ang tinapay na ibinibigay ng Dios ay walang iba kundi siya na bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao sa mundo.” 34Sinabi ng mga tao, “Palagi nʼyo po kaming bigyan ng sinasabi nʼyong tinapay.” 35Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman.

36“Ngunit gaya ng sinabi ko sa inyo, ayaw ninyong manampalataya sa akin kahit nakita na ninyo ang mga himalang ginawa ko. 37Ang lahat ng taong ibinibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin, at hinding-hindi ko itataboy ang mga lumalapit sa akin. 38Sapagkat naparito ako mula sa langit, hindi upang gawin ang sarili kong kalooban kundi ang kalooban ng aking Amang nagsugo sa akin. 39At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin: na huwag kong pabayaang mawala ang kahit isa sa mga ibinigay niya sa akin; sa halip ay bubuhayin ko silang muli sa huling araw. 40Sapagkat kalooban ng aking Ama na ang lahat ng kumikilala at sumasampalataya sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko silang muli sa huling araw.”

41Samantala, nagbulung-bulungan ang mga Judio dahil sinabi ni Jesus na siya ang tinapay na mula sa langit. 42Kaya sinabi nila, “Hindi baʼt si Jesus lang naman iyan na anak ni Jose? Bakit sinasabi niyang bumaba siya mula sa langit, samantalang kilala natin ang mga magulang niya?” 43Sinabi sa kanila ni Jesus, “Huwag kayong magbulung-bulungan. 44Walang makakalapit sa akin maliban kung papalapitin siya ng Amang nagsugo sa akin. At ang mga lalapit sa akin ay bubuhayin kong muli sa huling araw. 45Ayon sa isinulat ng mga propeta, ‘Tuturuan silang lahat ng Dios.’6:45 Isa. 54:13. Kaya ang lahat ng nakikinig at natututo sa Ama ay lalapit sa akin. 46Hindi ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama. Ako lang na nagmula sa Dios Ama ang nakakita sa kanya.

47“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan, 48dahil ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. 49Kumain ng ‘manna’ ang mga ninuno ninyo noong nasa ilang sila, ngunit namatay din silang lahat. 50Pero narito ang tinapay na mula sa langit, at hindi na mamamatay ang sinumang kumain nito. 51Ako ang tinapay na mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. Sapagkat ang ibibigay kong tinapay para magkaroon ng buhay na walang hanggan ang mga tao sa mundo ay walang iba kundi ang aking katawan.”

52Nagtalo-talo ang mga Judiong nakikinig kay Jesus. Sinabi nila, “Paano maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang katawan para kainin?” 53Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang kainin ninyo ang katawan ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 54Pero ang kumakain ng aking katawan at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw. 55Sapagkat ang aking katawan ay tunay na pagkain at ang aking dugo ay tunay na inumin. 56Ang kumakain ng aking katawan at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya. 57Ang Dios Amang nagsugo sa akin ang pinagmumulan ng buhay, at dahil sa kanya ay nabubuhay ako. Ganoon din naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. 58Ako ang tinapay na mula sa langit. Hindi ito tulad ng ‘manna’ na kinain ng inyong mga ninuno, dahil namatay pa rin sila kahit kumain sila noon. Ngunit ang sinumang kumain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.” 59Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito nang nangangaral siya sa sambahan ng mga Judio sa Capernaum.

Ang mga Salitang Nagbibigay ng Buhay na Walang Hanggan

60Nang marinig iyon ng mga tagasunod ni Jesus, marami sa kanila ang nagsabi, “Mabigat ang itinuturo niya. Sino ang makakatanggap nito?” 61Kahit na walang nagsabi sa kanya, alam ni Jesus na nagbubulung-bulungan ang mga tagasunod niya dahil sa mga itinuro niya. Kaya sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo matanggap ang mga sinabi ko? 62Paano pa kaya kung makita ninyo ako na Anak ng Tao na pumapaitaas pabalik sa aking pinanggalingan? 63Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay mula sa Espiritu at nakakapagbigay-buhay. 64Pero may ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sinabi ito ni Jesus dahil alam niya sa simula pa kung sino ang mga hindi sumasampalataya, at kung sino ang magtatraydor sa kanya. 65“Ito ang dahilan kaya sinabi ko sa inyong walang makakalapit sa akin malibang ipahintulot ng Ama.” Dagdag pa ni Jesus.

66Mula noon, marami sa mga tagasunod niya ang tumalikod at hindi na sumunod sa kanya. 67Kaya tinanong ni Jesus ang 12 apostol, “Kayo ba, gusto rin ninyong umalis?” 68Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Kayo lang ang may mensaheng nagbibigay ng buhay na walang hanggan. 69Sumasampalataya kami sa inyo at alam naming kayo ang Banal na sugo ng Dios.” 70Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi baʼt pinili ko kayong 12? Pero ang isa sa inyo ay diyablo!” 71Ang tinutukoy ni Jesus ay si Judas na anak ni Simon Iscariote,6:71 Simon Iscariote: o, Simon na taga-Keriot. dahil kahit kabilang si Judas sa 12 apostol, tatraydurin niya si Jesus sa bandang huli.

New International Reader’s Version

John 6:1-71

Jesus Feeds the Five Thousand

1Some time after this, Jesus crossed over to the other side of the Sea of Galilee. It is also called the Sea of Tiberias. 2A large crowd of people followed him. They had seen the signs he had done by healing sick people. 3Then Jesus went up on a mountainside. There he sat down with his disciples. 4The Jewish Passover Feast was near.

5Jesus looked up and saw a large crowd coming toward him. So he said to Philip, “Where can we buy bread for these people to eat?” 6He asked this only to test Philip. He already knew what he was going to do.

7Philip answered him, “Suppose we were able to buy enough bread for each person to have just a bite. That would take more than half a year’s pay!”

8Another of his disciples spoke up. It was Andrew, Simon Peter’s brother. He said, 9“Here is a boy with five small loaves of barley bread. He also has two small fish. But how far will that go in such a large crowd?”

10Jesus said, “Have the people sit down.” There was plenty of grass in that place, and they sat down. About 5,000 men were there. 11Then Jesus took the loaves and gave thanks. He handed out the bread to those who were seated. He gave them as much as they wanted. And he did the same with the fish.

12When all of them had enough to eat, Jesus spoke to his disciples. “Gather the leftover pieces,” he said. “Don’t waste anything.” 13So they gathered what was left over from the five barley loaves. They filled 12 baskets with the pieces left by those who had eaten.

14The people saw the sign that Jesus did. Then they began to say, “This must be the Prophet who is supposed to come into the world.” 15But Jesus knew that they planned to come and force him to be their king. So he went away again to a mountain by himself.

Jesus Walks on the Water

16When evening came, Jesus’ disciples went down to the Sea of Galilee. 17There they got into a boat and headed across the lake toward Capernaum. By now it was dark. Jesus had not yet joined them. 18A strong wind was blowing, and the water became rough. 19They rowed about three or four miles. Then they saw Jesus coming toward the boat. He was walking on the water. They were frightened. 20But he said to them, “It is I. Don’t be afraid.” 21Then they agreed to take him into the boat. Right away the boat reached the shore where they were heading.

22The next day the crowd that had stayed on the other side of the lake realized something. They saw that only one boat had been there. They knew that Jesus had not gotten into it with his disciples. And they knew that the disciples had gone away alone. 23Then some boats arrived from Tiberias. It was near the place where the people had eaten the bread after the Lord gave thanks. 24The crowd realized that Jesus and his disciples were not there. So they got into boats and went to Capernaum to look for Jesus.

Jesus Is the Bread of Life

25They found him on the other side of the lake. They asked him, “Rabbi, when did you get here?”

26Jesus answered, “What I’m about to tell you is true. You are not looking for me because you saw the signs I did. You are looking for me because you ate the loaves until you were full. 27Do not work for food that spoils. Work for food that lasts forever. That is the food the Son of Man will give you. For God the Father has put his seal of approval on him.”

28Then they asked him, “What does God want from us? What works does he want us to do?”

29Jesus answered, “God’s work is to believe in the one he has sent.”

30So they asked him, “What sign will you give us? What will you do so we can see it and believe you? 31Long ago our people ate the manna in the desert. It is written in Scripture, ‘The Lord gave them bread from heaven to eat.’ ” (Exodus 16:4; Nehemiah 9:15; Psalm 78:24,25)

32Jesus said to them, “What I’m about to tell you is true. It is not Moses who has given you the bread from heaven. It is my Father who gives you the true bread from heaven. 33The bread of God is the bread that comes down from heaven. He gives life to the world.”

34“Sir,” they said, “always give us this bread.”

35Then Jesus said, “I am the bread of life. Whoever comes to me will never go hungry. And whoever believes in me will never be thirsty. 36But it is just as I told you. You have seen me, and you still do not believe. 37Everyone the Father gives me will come to me. I will never send away anyone who comes to me. 38I have not come down from heaven to do what I want to do. I have come to do what the one who sent me wants me to do. 39The one who sent me doesn’t want me to lose anyone he has given me. He wants me to raise them up on the last day. 40My Father wants all who look to the Son and believe in him to have eternal life. I will raise them up on the last day.”

41Then the Jews there began to complain about Jesus. That was because he said, “I am the bread that came down from heaven.” 42They said, “Isn’t this Jesus, the son of Joseph? Don’t we know his father and mother? How can he now say, ‘I came down from heaven’?”

43“Stop complaining among yourselves,” Jesus answered. 44“No one can come to me unless the Father who sent me brings them. Then I will raise them up on the last day. 45It is written in the Prophets, ‘God will teach all of them.’ (Isaiah 54:13) Everyone who has heard the Father and learned from him comes to me. 46No one has seen the Father except the one who has come from God. Only he has seen the Father. 47What I’m about to tell you is true. Everyone who believes has life forever. 48I am the bread of life. 49Long ago your people ate the manna in the desert, and they still died. 50But here is the bread that comes down from heaven. A person can eat it and not die. 51I am the living bread that came down from heaven. Everyone who eats some of this bread will live forever. This bread is my body. I will give it for the life of the world.”

52Then the Jews began to argue sharply among themselves. They said, “How can this man give us his body to eat?”

53Jesus said to them, “What I’m about to tell you is true. You must eat the Son of Man’s body and drink his blood. If you don’t, you have no life in you. 54Anyone who eats my body and drinks my blood has eternal life. I will raise them up on the last day. 55My body is real food. My blood is real drink. 56Anyone who eats my body and drinks my blood remains in me. And I remain in them. 57The living Father sent me, and I live because of him. In the same way, those who feed on me will live because of me. 58This is the bread that came down from heaven. Long ago your people ate manna and died. But whoever eats this bread will live forever.” 59He said this while he was teaching in the synagogue in Capernaum.

Many Disciples Leave Jesus

60Jesus’ disciples heard this. Many of them said, “This is a hard teaching. Who can accept it?”

61Jesus was aware that his disciples were complaining about his teaching. So he said to them, “Does this upset you? 62Then what if you see the Son of Man go up to where he was before? 63The Holy Spirit gives life. The body means nothing at all. The words I have spoken to you are full of the Spirit. They give life. 64But there are some of you who do not believe.” Jesus had known from the beginning which of them did not believe. And he had known who was going to hand him over to his enemies. 65So he continued speaking. He said, “This is why I told you that no one can come to me unless the Father helps them.”

66From this time on, many of his disciples turned back. They no longer followed him.

67“You don’t want to leave also, do you?” Jesus asked the 12 disciples.

68Simon Peter answered him, “Lord, who can we go to? You have the words of eternal life. 69We have come to believe and to know that you are the Holy One of God.”

70Then Jesus replied, “Didn’t I choose you, the 12 disciples? But one of you is a devil!” 71He meant Judas, the son of Simon Iscariot. Judas was one of the 12 disciples. But later he was going to hand Jesus over to his enemies.